Papasalamat muna ako sa'yo at sa mga nagtatanong. Kailangan ko ‘yan para makaupdate lagi
sa inaanay ko nang kaharian, maraming salamat.
~~~~~~
Tanong mula kay Zeimaya
Tanong: Bakit ang ugat ng puno nakatanim sa lupa? Bat ang tao me ugat din pero d nakatanim sa lupa...
Lagi
natin tatandaan na hindi lang dapat mata ang pahuhusgain sa isang bagay o
gagamitin para maintindihan ang isang bagay. Huwag mata lang, dapat ito'y laging may
ka-partner sa paghusga o pananaliksik, dapat samahan ito ng
utak/pag-iisip o puso/pakikiramdam.
Tulad
ng sa tanong, bakit ang ugat ng puno ay nakatanim sa lupa? Pero ang ugat ng tao
ay hindi nakatanim…
Kung
mata lang ang gagamitin natin sa pag-intindi dito, medyo malalabuan tayo. Una,
parehas ugat, at oo nga naman bakit hindi lahat nakabaon sa lupa, diba? Pero
kung may kapartner ang atin mata kapag sinuri natin ito, maiintindihan natin na
lupa din ang katawan ng tao.
Ayon sa akin pag-aaral at napapaliksin (LOL) sa tanong mo, makalipas ang 10 minuto ay napaglaaman ko na parehas
lang nakatanim ang ugat ng puno at ugat ng tao sa lupa. Ang ugat ng puno ay
nasa ilalim ng lupa, ganun din ang sa tao, nasa ilalim din ito ng katawan lupa
natin (Maliban nalang kung nakakita ka ng tao na ang ugat ay nasa labas) dahil alam
natin lahat, na lahat ng tao ay galing sa alikabok o lupa. Sabi nga sa kanta ng ASIN na pinamagatan LUPA, Nagmula sa lupa, magpapabik na kusa. Ang buhay mong sa lupa nagmula ....lalala ...lala ...lalalaaaaa...
So, parehas lang ang ugat ng tao at ugat ng
puno na nakabaon sa lupa. Hehehe. Kahit yung malaking ugat ng mga kalalakihan
ay ibinabaon din sa “lupa o bukid (tawag ng mga matatanda sa toootoott ng mga
babae”, ibig sabihin basta ugat, kailangan ibaon o maibaon sa lupa (ng sagad at
sukdulan, LOL).
Sa
kabilang bandang tanong mo na, bakit ang ugat ng puno nakatanim sa lupa?
Nakatanim
ito sa lupa dahil hindi ito puwedi itanim sa langit, LOL. Biro lang. Nakatanim
ito sa lupa para ipaalala sa atin na may buhay din sa ilalim ng lupa, kaya
pangalagaan natin ang inang kalikasan. Naks.