nuffnang

Friday, March 1, 2013

Itanong mo kay AKONI: Bakit ang ugat ng puno nakatanim sa lupa? Bat ang tao me ugat din pero d nakatanim sa lupa...





Papasalamat muna ako sa'yo at sa mga nagtatanong. Kailangan ko ‘yan para makaupdate lagi sa inaanay ko nang kaharian, maraming salamat.

~~~~~~
Tanong mula kay Zeimaya
Tanong: Bakit ang ugat ng puno nakatanim sa lupa? Bat ang tao me ugat din pero d nakatanim sa lupa...

Lagi natin tatandaan na hindi lang dapat mata ang pahuhusgain sa isang bagay o gagamitin para maintindihan ang isang bagay. Huwag mata lang, dapat ito'y laging may ka-partner sa paghusga o pananaliksik, dapat samahan ito ng utak/pag-iisip o puso/pakikiramdam.

Tulad ng sa tanong, bakit ang ugat ng puno ay nakatanim sa lupa? Pero ang ugat ng tao ay hindi nakatanim…

Kung mata lang ang gagamitin natin sa pag-intindi dito, medyo malalabuan tayo. Una, parehas ugat, at oo nga naman bakit hindi lahat nakabaon sa lupa, diba? Pero kung may kapartner ang atin mata kapag sinuri natin ito, maiintindihan natin na lupa din ang katawan ng tao.

Ayon sa akin pag-aaral at napapaliksin (LOL) sa tanong mo, makalipas ang 10 minuto ay napaglaaman ko na parehas lang nakatanim ang ugat ng puno at ugat ng tao sa lupa. Ang ugat ng puno ay nasa ilalim ng lupa, ganun din ang sa tao, nasa ilalim din ito ng katawan lupa natin (Maliban nalang kung nakakita ka ng tao na ang ugat ay nasa labas) dahil alam natin lahat, na lahat ng tao ay galing sa alikabok o lupa. Sabi nga sa kanta ng ASIN na pinamagatan LUPA, Nagmula sa lupa, magpapabik na kusa. Ang buhay mong sa lupa nagmula ....lalala ...lala ...lalalaaaaa...

So, parehas lang ang ugat ng tao at ugat ng puno na nakabaon sa lupa. Hehehe. Kahit yung malaking ugat ng mga kalalakihan ay ibinabaon din sa “lupa o bukid (tawag ng mga matatanda sa toootoott ng mga babae”, ibig sabihin basta ugat, kailangan ibaon o maibaon sa lupa (ng sagad at sukdulan, LOL).

Sa kabilang bandang tanong mo na, bakit ang ugat ng puno nakatanim sa lupa?

Nakatanim ito sa lupa dahil hindi ito puwedi itanim sa langit, LOL. Biro lang. Nakatanim ito sa lupa para ipaalala sa atin na may buhay din sa ilalim ng lupa, kaya pangalagaan natin ang inang kalikasan. Naks.



4 comments:

  1. Hahahaha... nakakatawa talaga na sineseryoso mo ang pagbibigay kasagutan...

    ReplyDelete
  2. naks pang pulis pangkapaligiran ang huling banat haha

    ReplyDelete
  3. Hmm lalaki ba ang nagtanong nito? If yes, sana mavisualize nya ang na-visualize ko: etits na maugat na nakabaon sa lupa. Yun ba ang nais nyang mangyari? LOLjk. Maganda ang sagot mo Akoni. Napakaraming sense mga 48kilos LOL. Lavet.

    ReplyDelete
  4. now ko lang nakita na nabigyan pansin ang aking katanungan masaya ako sa sagot at humagalpak sa huling banat...

    salamat sa oras na nilaan :)

    ReplyDelete