nuffnang

Monday, February 13, 2012

Palabas IV: May tanong ka ba? May sagot ako eh.


Magtanong ay 'di biro kay Akoni.....part IV!


GALING KAY: Gord
URL:
TANONG: Patpat kong matigas lakas pasok sa butas, pag iyong diniin kiliti ang marating. ano ito?
Haha. Wala lang. Trip lang. Pero eto yung seriousness: Kung bibigyan ka ng isang pagkakataon sa buhay mo na gusto mong balikan, anu ito at bakit? Pang miss universe yan pardz!

SAGOT:
-Akala ko ipapasagot mo talaga sa akin ang unang tanong mo, joke lang pala. Sasagotin ko sana ng cotton buds para hindi bastos.

Kung bibigyan ka ng isang pagkakataon sa buhay mo na gusto mong balikan, anu ito at bakit? 'yung kanina lang, mga 5 seconds ago. Bakit? wala lang, masabi lang na nakabalik ako sa nakaraan, BOOM!! Ayaw ko bumalik ng pagkalayo-layo sa aking nakaraan, dahil baka masira o maiba lang ang “buhay ko” ngayon kapag binalikan ko ang “buhay ko” noon, gets? Satisfied na ako sa kung anong mayroon ako ngayon, at sapat na sa akin na sariwain nalang sa isipan ang kahapon. Gagamitin nalang ang mga nangyari sa nakaraan para sa paghahanda sa  "bukas ko" At gagamitin para maitindihan ko ang "ngayon." I thank you!

Oo nga pala, world peace to everyone, I love you all.


****************


GALING KAY: Quin
URL: www.resurgenceoflife.blogspot.com
TANONG: naks may ganitong pagbabago na sa blog mo? ang tanong ko taga saan ka ulit kuya? Hehehe
May dalawa akong tanong akoni!! naisip ko lang to habang nagbabasa ako sa blog mo lels!! kapag ang lalaki ba pag umiihi na nakaupo sa bowl eh sasayad yong toti niyo? hahahaha Second: bakit ang lalaki trip umihi sa mga public na pader? anong meron? may lahing aso ba ang lalaki? hahahaha

SAGOT:
-Ang dami mo tanong, sa susunod may bayad na ang lalagpas ng dalawang tanong. Muli, magkaibang araw mo pinadala ang mga tanong mo, kaya pagsasabayin ko nalang.

naks may ganitong pagbabago na sa blog mo? Ang tanong ko taga saan ka ulit kuya? Oo, may ganito akong shitness. Taga Marawi City ako, siguro sapat na yan, hehe.

Kapag ang lalaki ba pag umiihi na nakaupo sa bowl eh sasayad yong toti niyo? Bago ko ‘to sinagot ay umihi muna ako para bantayan ang toti ko kung sasayad ba sa bowl. Pero hindi naman sumayad, dahil nakatayo akong umihi, ang haba naman ng toti ko kung sasayad sa bowl sa ganun puwesto ko, diba? Kabayo?! Pero para malaman ang kasagotan sa tanong mo ay sinubokan ko din umihi na nakaupo sa bowl, muli, hindi ulet sumayad ang toti ko. Siguro dahil sa ang bowl dito ay naka-designed para sa mga malalaking tao, para sa mga arabo, kaya malalim ang bowl, puweding gawin bathtub ni Dagul. Sa pinas may bowl na minsan sumasayad ang toti ko kapag nalulumbay ito at walang magawa sa buhay. So, may bowl na minsan nasayad ang toti namin mga lalake, pero bihirang bihira lang 'yun.

Bakit ang lalaki trip umihi sa mga public na pader? anong meron? may lahing aso ba ang lalaki? Dahil ang mga lalake ay mahihilig sa quickie o mahihilig sa mabilisan. Ang importante ay matapos na, ganun. Higit sa lahat, walang ginagawang orasyon sa loob ng toilet ang mga lalake, dahil ang pakay lamaang ay maibuhos ang ihi, wala nang iba then sibat na. Sa mga babae naman, ay ‘wag ko na sabihin dahil baka mag-end of the world na ay hindi pa ako matapos.

Wala naman lahing aso ang mga lalake, dahil kung mayroon ay itataas din namin ang isang paa namin habang umiihi, diba? Pinapakita pa nga namin sa mga aso na hindi na kailangan itaas pa ang paa para lang makaihi. Ibig sabihin, ang aso ang may lahing tao.

Commercial

Nung bata ako, lagi ko sinusubukan kung gaano kalakas ang ihi ko. Sa isip ko kasi mas malakas ang daloy ng ihi, mas malakas na toti. 'yun ang nasa isip ko, may pader na malapit sa bahay namin nun, tapos nagguhit ako ng bilog at araw-araw yun ang tinatarget ko. Hindi ko alam pero gusto kong makita kung mabubutas ko ang pader gamit ang ihi ko, para mapatunayan na malakas ang toti ko. Ooiisssshh..wwooisssshhhh..(insert wang-wang) Nagtutunog bombero pa nga ako habang umiihi, ang lakas lang ng trip. In fairness naman, medyo nagkaroon ng kunting butas ang pader na hallow block pagkaraan ng isang taon. And I am now a full pledge NINJA TOTI.


****************


GALING KAY: psst
URL:
TANONG: Ang ibig sabihin ba ng "AKONILANDYA" is Ako Nilandi Nya?

SAGOT:
-HINDI, aksidente lang o nagkataon lang ang pagkakaroon ng ibang meaning ng Akonilandiya, hindi ‘yan ang intention ko. Ang unang URL ko dati ay gentle-devil, pero dahil sa hilig ko manood ng mga pelikula na may mga kaharian ang tema at may mga magic-magic, pinalitan ko ito ng Akonilandiya, para tunog kaharian, may LAND eh, parang AKONI'S LAND. Pero dahil sa mga sinusulat ko na may temang kalandian, nagkaroon ng buhay ang salitang “landi” sa salitang Akonilandiya, at doon na nagkaroon ng makulit na meaning ang Akonilandiya. Pero gusto ko ‘yan ha, ang "Ako Nilandi Nya."


****************



GALING KAY: Tabian
URL: www.tabianmuchtoomuch.blogspot.com
TANONG: Ano ang paborito mong kulay? Who's your first crush? May kinakatakotan ka ba? Ano? at bakit? (please explain in 5 sentences) not following instructions matutulad kay pareng Rizal.

Ano ang paborito mong kulay? Green, Who’s your first crush? 'yung titser ko nun sa elementary na nasilipan ko ng panty, wag mo na itanong kung paano. May kinkatakotan ka ba?  Ano? at bakit? Hahaha, Mali ang basa ko nun una, akala ko may kinakant…..kaba? LOL, kinakatakotan pala. Mayroon naman, seryoso ang isasagot ko dito. Natatakot akong dumating ang araw na wala nang lakas ang bird ko, dahil malungkot ang pakiramdam na walang silbi, gets? Para sa mga dirty minded, ang ibig kong sabihin ay natatakot ako na tumanda dahil ayaw kong maging pabigat sa pamilya ko.

May five sentences ka pang nalalaman. Fyi, this is my kingdom, I make the rules, this is spartaaaaaaaaaaaaaa! *tadyak* LOL.


****************



GALING KAY: Joey
URL: joelventura@gmail.com
TANONG: Ano? Saan? Kailan? At Bakit?

SAGOT:
Ano? Tao.
Saan? Lugar.
Kailan? Takdang panahon.
Bakit? Kapalaran.


****************


GALING KAY: Kol me empi
URL: www.macropaolo24.blogspot.com
TANONG: Totoo bang matatalino ang mga taong nerd? kung totoo, bakit? kung hindi, bakit pa rin? Hehehe

SAGOT:
Totoo bang matatalino ang mga taong nerd? kung totoo, bakit? kung hindi, bakit pa rin? Hindi lahat, may nerd na kaya lang natawag na nerd ay dahil sa kakaibang mga ginagawa sa buhay. Sila yung mga takot o nahihiya makihalobilo sa mga tao o nakakarami, nasa isang sulok lang, kung walang lalapit masaya na, kung mayroon masaya na, ganun lang ang mga gago. Ang pagiging nerd ay hindi dumedepende sa mga grades mo, ito ay dahil sa kakaibang kilos at hitsura lang. Base ito sa experienced ko, dati may classmate ako, mukhang nerd pero hindi naman matalino dahil sabay kaming nakikikopya ng assignments sa iba. Kaya hindi totoong basta nerd ay matalino.



****************


GALING KAY: me
URL:
TANONG: mahal mo pa ba ako?

SAGOT:
HINDI na kita MAHAL, dahil may asawa na ako at mahal na mahal ko. Sa susunod kasi, PM mo ako. Think before you click.


Maraming salamat ulet sa mga nagpadala ng kanilang mga katanongan. Hanggang sa susunod na PALABAS ng "Itanong mo kay AKONI"




21 comments:

  1. may tanong din ako pero sa text na lang hahaha. personal joke! :)

    ReplyDelete
  2. naloka naman ako sa tanong ni quin hehe.. addik lang.. I'm glad your back kapatid.

    ReplyDelete
  3. tungkol sa ihi
    nung elementary kami, minsan sabay-sabay kami umiihi ng mga kaklase sa cr. may dalawa akong classmates na nagpataasan ng ihi. sa sobrang taas ng ihi ng isa, umabot sa mukha niya. hahaha.

    ReplyDelete
  4. katuwa nman yun sa ihi, my naalala din ako....
    share ko sana kasu dyahe nman
    my sinend din me na tanung di ko lng sure kung dumating...
    siguro wait ko na lang... by nst episode

    ReplyDelete
  5. Wow kahit ano pweding itanong.Wala ba yong portion na humihingi ng payo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasensya na Diamond, pero hindi puwedi yung humihingi ng payo, pero yung pagtatanong ng payo ay puwedi siguro...hehe

      dear all,
      mwahps!!

      Delete
  6. Hahahaha!! Kaloka ang tanong ni quin! dami kong tawa.. :p Ibang klase din ang tanong ni Joey.. ang haba! :p

    Sa totoo lang din, yung "Ako Nilandi Nya".. yun din naisip kong meaning ng blog name mo. Buti naman, nabigyan na ng kasagutan.. Akoni's Land pala ito. :p

    ReplyDelete
  7. hahaha napublished yung tanong ko, tatalon na sana ako kaso parang di ako hahaha apir! Parang nagpipinoy henyo lang

    ReplyDelete
  8. may fyi ka pang nalalamang ha!! pasaway ka lang talaga...

    malande ka na talaga kahit noon pa kahit teacher pinapatos!! ahahaha

    ReplyDelete
  9. kaloka yung tanong ni quin nacurios tuloy ako hahaha

    ReplyDelete
  10. hahaa... may tanong ako.. paano ba magtanong sa hotline mo? hehehe

    ReplyDelete
  11. Hagalpak ang tawa ko sa Ninja Toti!!! Nakakapikon ka... Hahahahaha!!! Winner ka Akoni sa mga sagot mo.

    Sarap tumambay sa blog mo. Relate ako sa kaadikan mo.

    Cheers!

    ReplyDelete
  12. At binasa ko ang mahabang Q&A. Masyado ang care ni Quin sa pagihi natin ah? Pakitaan mo nga ng sampol. LOL

    ReplyDelete
  13. Bakit minsan hindi ma open ang blog ni mommy razz.......

    ReplyDelete
  14. Natutuwa ako dahil natutuwa kayo, ibig sabihin lahat tayo natutuwa.

    ReplyDelete
  15. pwede na ba dito magpost dito ng tanong?

    matigas ang ulo ko eh kya dito ako magtatanong?

    sino si toti? lolz XD

    ReplyDelete
  16. Hahaha! Eto talaga ang kaylangan ko kapag bored ako o malungkot, ang dumaan dito at matawa sa pagbabasa. Kaya di ko ito ko ito ginagawa kapag asa labas ako at magisa - mapagkakamalan akong naloloka nun!

    At dahil sa segment mong ito ay nagkaroon pa ng bagong meaning ang Akonilandiya! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. awwww..thanks kapatid, that's so sweet..nakakataba ng puso.

      Delete
  17. sa wakas! mau sagot na din sa tanong ko. ang lalim nung paliwanag sa pangalawa ah. pero yung una hindi yun cotton buds. lol.

    ReplyDelete