nuffnang

Sunday, September 16, 2012

Kwentong Akonilandiya: Reincarnation

*Ito sana isasali ko sa Saranggol Blog Award, kaso nahiya naman ako. LOL Huwag nalang muna!


~~~~~~


Typical pinoy story, tungkol sa dalawang magkasintahan na lubos na nagmamahalan nung unang panahon. Gaya ng dati hindi sang-ayon ang kanilang mga magulang o magkaaway ang kanilang pamilya. Nangako silang itutuloy ang pag-iibigan sa darating na hinaharap kung saan walang hahadlang sa kanila. Ang tanong, papayag ba ang author ng kuwentong ito na magkatuloyan sila? Malalaman natin….


~~~~~~

Nakaraan: April 21, 1825

Roberto: Mahal ko nakarating ka.

Victoria: Oo mahal ko, pagkarecieved ko ng text mo’y dali-dali na akong pumarito.

Roberto: Nakitext din ako sa cellphone na pangpasaload ni Aling Maria. Kinuha na nila sa akin ang Samsung S3 ko, pati yung sasakyan ko, paano na tayo nito?

Victoria: Mahal ko, tila kahit anong gawin natin ay hindi talaga pahihintulotan ng atin pamilya ang pag-ibig natin sa isa’t isa.

Roberto: Kay saklap ng ating kapalaran mahal ko, pinagtagpo tayo ng pag-ibig sa tamang katawan at kagandahan sa maling pamilya, pero hindi tayo susuko aking mahal. Ebi-break natin ang record ni Romeo at Juliet.

Victoria: Ang sweet mo naman aking irog. Pero may isa pa tayong problema mahal ko. *Hikbi*

Hinagkan muna ang kasintahan at inamoy ang batok nito

Roberto: *Bulong* Ang bango ah, ano kaya sekreto mo Victoria?

Victoria: May sinasabi ka mahal ko?

Roberto: Oo aking buwan na tinitingala ng sanlibutan dahil sa taglay nitong kagandahan, sabi ko, ano ang isa pa natin problema? Boom!

Victoria: *Mahabang hikbi* Ipapakasal na nila ako sa iba. *Iyak*

Hinawakan ni Roberto ang mukha ni Victoria ng dalawang kamay at hinaplos

Roberto: Hindi mangyayari yan mahal ko. Huwag kang mangamba sapagkat ako’y nandirito lagi sayong kandungan este tabi, nakahandang ialay ang aking pulang dugo para sa’yo at lalong nakahanda akong e-donate ang aking puting dugo na sago-sago na ata at puwedi nang gawin taho.

Victoria: Kay tamis ng mga katagang nagmumula sa iyong mga labi aking sinta, sintamis ng mapupula mong mga labi. Pahawak nga dyan sa ipit-ipit mo, ayyyy...gising!!!

At kinilig ang dalawa ng limang Segundo

Roberto: Irog ko, gusto ko sana gumanti sa’yo ng himas pero wala na tayong oras. Kailangan na natin magmadali dahil anumang oras puwedi na tayo matunton ng pamilya ko. Sigurado akong hahanapin ako oras na malaman nilang wala ako sa bahay.

Victoria: Tama ka aking mahal, mamaya na ang ipit-ipit at himas-himas game natin. Nagtext na din sa akin ang pinsan ko, hinahanap na daw ako, ngunit saan tayo pupunta at magtatago?

Roberto: Pupunta tayo sa kabilang buhay.

Victoria: Mahal ko, magpapakamatay tayo?

Roberto: Oo mahal ko, pero pinapangako ko sa ngalan ng atin pag-ibig na singlinis ng batis, magtutuloy ang ating pagmamahalan sa darating na panahon, magkikita tayo ulit, alam ko, dahil ang pag-ibig ay walang kamatayan. Bwahahahahaha! ayy sorry.

Victoria: Lubos akong nagtitiwala sa’yo aking Roberto, mas gugustohin kong wakasan ang aking buhay kesa mawalay sa’yo o makasama ang ibang lalaki.

Victoria: Sa anong paraan tayo magpapakamatay, ayaw ko ang laslas pulso at bigti ah.

Roberto: Ito mahal ko ang panis na kanin, kainin na natin bago pa mapanis ulit.

Victoria: Okay, let’s go.

At kinain ng dalawa ang panis na kanin bago pa ito mapanis ulit. Pagkaraan ng ilang oras ay namatay din sila, at matapos pagtagpi-tagpiin ng SOCO ang mga nakalap na ebedisya, nalaman nilang food poisoning ang sanhi ng kanilang kamatayan.



 THE END


Kasalukoyan: September 16, 2012

Maingay ang paligid, magulo, mausok, nasa isang bar si Bert. Nakaupo sa isang tabi, pinagmamasdan ang mga tao habang nag-iindakan at sinasayaw ang Oppa Gangnam Style.

Pumukaw sa pansin niya ang isang babae na kakapasok palang, nagkasalubong ang kanilang paningin, nagkatitigan, parang nagkaunawan, naramdaman nilang pareho na parang matagal na silang magkakilala.

lumapit ang babae kay Bert.

“Puwedi makiupo?” tanong ng babaeng maganda

“Sure” malasupladong sabi ni Bert.

“Ako nga pala si Tor, short for Victoria” Pagpapakilala niya

“Robe, short for Roberto” Nakangiting sagot ni Roberto.

“Alam mo awkward pero parang matagal na kitang kilala….” Biglang sabi ni Victoria

“Ganun din ang feeling ko, sa totoo lang ang gaan ng feeling ko sa’yo, parang konektado ako sa’yo na hindi ko malaman kung bakit” sabi ni Roberto.

“Tama, sakto, natutuwa ako na the feeling is mutual pala.” Natutuwang sabi si Victoria.

“Ang problema lang, hindi kita type Miss Victoria pero parang ang gaan talaga ng pakiramdam ko sayo.” Pagsusuplado ulit ni Roberto.

“Hindi rin kita type Roberto, gusto lang kita makilala dahil sa kakaibang dating mo sa akin” sagot din Victoria.

“Kung ganun malinaw ang lahat, pagkakaibigan lang ang puweding mamagitan sa atin” Sabi ni Roberto at nagtawanan ang dalawa.

“alam mo Robi, siguro kung hindi lang ako tibo, maiinlove ako sayo, hahaha.” Sabi ni Victoria na tumatawa

“Ganun din ang nasa isip ko sister Tor, kung hindi lang din ako bading, liligawan na kita, hihihi, pero kaderder sis, ewww as in a big, big, big, EWWWW” Sagot ni Roberto at nagtawanan ang dalawa.

“Grabe ang nararamdam ko sayo, feeling ko mahal kita, pero nasusuka ako kapag iniisip ko ‘yun, hahahaha kalurkey sis” Sabi ni Robert at naghigh five pa ito kay Victoria.

“Ulol, ganun din ako noh? As in yuck!! Hahaha. Anyway, sana maging magkaibigan tayo.” Sabi ni Victoria.

“Sure….oh wait, nandyan na fafa ko” sabi ni Roberto, tumayo na at nagbiso-biso muna kay Victoria.

“Nandyan na rin yung girlfriend ko, sige see you around ateng.” Paalam din niya rito.

Sa pag-ibig, hindi naman kailangan magkatuloyan kayo para matawag na great love ‘yun. Tandaan, hindi lang dito sa mundo ang may buhay, wag natin kakalimutan na meron din KABILANG BUHAY.





The End

Monday, September 10, 2012

Akoni Random Style



1. Minsan naiisip kong magiging magaling akong official ng goberno, dahil kunti lng kukurakotin ko, mga 3% lang. Hindi rin maiwasan o mapigilan ang pangungurakot sa atin bansa, sana gawin nalang nilang Legal ito tapos my limit, ung mga hangang 3% lng. Ang sumubra sa 3%, magbabayad ng 50% na buwis sa goberno.

2. Sa Pinas iha-hire ka depende s kayang gawin ng resume mo. Dito, depende s kya mong gawing,wla clang pakialm s CV sht mo,bsta may alam ka pasok k s banga. Kya cguro matangumpay ang KSA. Bobo man o matalino ang resume mo, ang importante alam mo ang trabaho. Long live the king!

3. May local movie pala na ang title ay "Kapag ang palay naging bigas may bumayo" at "Bibingka...Apoy Sa Ilalim, Apoy Sa Ibabaw"

4. Kung noon ang sinasabi ng Gf/Bf kapag pinanggigilan ito o natuwa ka sa kanya ay ganito "ahihihihi...ikaw talaga, pakiss nga!". Ngayon ay ganito na "ahihihi....ikaw talaga, pahawak/pahimas nga!"

5. Mapalad ka dahil may palad ka

6. Paminsan-minsan ang sarap mag suplado.

7. Ang buhay daw ay parang T*T*, minsan tumitigas nalang nang walang dahilan.

8. Ang tunay na kaibigan, hindi 'yan natatagpuan o dumadating nalang bigla. Binubuo 'yan, binubuo ninyong dalawa/tatlo/apat o kahit ilan.

9.Ipagbabawal na daw sa metro manila ang mga plastic o mga supot. Babala ito s mga plastic, magbago na kayo. Mga supot, magpatuli na kayo.

10. Nakahiga at pinagmamasdan ang mga bituin s langit, mga pangarap nagrambolan sa isip. Alin ang mananaig?

11. Hindi ako ganun kayaman para bumili ng isang gadgets na ang katumbas ay halos 25 sakong bigas. Halos dalawampung limang bigas un, isipin mo kung ilan buwan kakainin un at ilang beses isasaing un? Lol. Tapos ibibili ko lng ng gadget na paglulumaan at pagsasawaan ko din? No way. Sa bigas na ako!

12. Kanina 4 times ko sinundot ang ilong nang wlng dhlan, tpos 15 minutes din ak knina s toilet, then 40 minutes late c boss, 2 days n ak nagbabasa ng ebooks, 31 years old itong office mate ko, at sept 11 bukas. TIP YAN PARA S LOTTO, TAYA NA! 

13. May earthquake daw dyan sa pinas? baka marami lang costumers sa sogo. :)

14. Sa hilig ko masyado magisip/magimagine minsn nakkaaway ko na ang sarili ko. Puwedi un!

15. Naaalala ko pa nung magkita tayo ulit, sabi ko pa nga sayo, "Uy!!", tapos sumagot ka, sabi mo, "Uy!". Sobrang meaningful.

16. Minsan sa pananahimik natin sa isang tabi, may mga bumabangon na alaala sa atin isipan na bigla nalang ito guguhit ng ngiti sa atin mga labi.

17. kumakain ng manga at grahams at umiinom ng gatas. Gumagawa ako ng graham cake sa loob ng tiyan ko, ang galing ko.

18. Nasira ng computer ang hand writing ko.

19. Nakakasawa na kumain ng itlog ng manok. Try ko naman mamaya ang itlog ng manok, maiba lang.

20. Dapat may pambansang ulam tayo, at yun ay ang talangka or palitan nalang ang milk fish.

21. Madasalin ang mga porns star, "oh god, oh god, oh god, ooooooooohh my god"

22. Ano kaya kung hindi pala ito ang totoong buhay ko at hindi pa ito ang tunay kong identity dahil may AMNESIA pala ako ng matagal na panahon?

23. Sa love naman tayo. Minsan nkakalimutan ntin na ang love ay hndi lng ung nraramdaman mong tuwing hawak kamay mo ang gf/bf mo o kasiping mo s kama. Nakakalimutan ntin na ang love ay, ay, ay, ay, ano nga pala ang love?

24. Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng kabilang bahagi.





Thursday, September 6, 2012

Movie review-rebyohan: First Kiss last part



Sa totoo lang, hindi ako nagandahan sa movie na'to, hehehe. Hindi ko nga maitindihan ang sarili ko kung bakit ginawaan ko pa ng review, siguro nasa tamang trip lang ako at dahil din sa may naalala akong kwento ng buhay ko habang pinapanood ko.

Isa na ito sa pinaka-corny na movie na napanood ko. Kadalasan mga ganitong klaseng movie ay hindi ko na tinatapos panoorin, pero dahil sa sobrang nagandahan ako sa bidang babae, hindi ko na namalayan nasa dulo na pala ako ng palabas, natapos din ng walang pag-iimbot. Ang ganda lang talaga kasi ng actress, gustong gusto ko ang mga facial expression niya, saka nakukyutan ako sa language nila.

3 out of 10 ang rate ko sa movie na'to, pero dahil sa ang ganda ng bidang babae at crush ko na siya officially, naks, gagawin kong 6. Highly recommended ito sa mga 12 years old pababa hanggang 9 months.

Anyway, napagdesisyonan namin ng aking sarili na taposin na ito, hindi na ata nakakatuwa dahil sa sobrang haba, hehehe, at dahil may nakahanda na naman akong isang kwento na pagkahaba-haba din, kakailanganin ninyo pahinga para magkaroon kayo ng sapat na lakas. Oo nga pala, salamat sa mga nilalang na hanggang ngayon ay nagbabasa parin ng mga kwento ko, dahil sa inyo pumipitik-pitik parin ang pulso ko para magsulat ng mga kwento, katotohanan man o kalokohan o guni-guni.

Oo nga pala  ulit, hindi na ako nakakapagblog hop ngayon ng madalas. Wala na kasi internet sa work, kaya bihira na ako makapag-online ngayon, tuwing day off lang. Pero siyempre, tuwing day off naman ay busy ako magliwaliw, LOL.

Dumami na naman ang shit ko, buweno, tuloy ang kwento....

~~~~~~

Tawa lang ang tugon sa akin ni Maria Ozawa nung sabihin kong sisingilin ko na ang promise niyang halik sa akin kung sakaling pumasa ako sa aming pagsusulit.

"Edi kunin mo na" Sundot ulit niya habang naglalakad kami, naglalakad ng mabagal parang lakad pagong, yung one step per second.

"hahaha, baliw, dito? ngayon na? hahaha, sira, eh ang daming tao kaya" Natatawang sabi ko sa kanya. Sa mga oras na 'yun sobrang tindi na naman ng kilig na kumakalat sa buong katawan ko, nag wet na ata ako at alam kong kinikilig din siya, ramdam ko 'yun.

"Aba'y diskarte mo na 'yan" Nakangising sagot niya sa akin. 'yung pagkasabi na may halong kilig? Ganun...sinamahan pa niya ng napakasarap na ngiti.

"Dun tayo dumaan" Sabi ko sabay turo sa grand stand, walang tao don tuwing gabi dahil nakapatay ang lahat ng ilaw, bwehehehe, mga loko iba ang nasa isip niyo.

Hindi na siya sumagot basta sumunod nalang siya sa bawat hakbang ko. Sa oval kami dumaan, madilim nga ang lugar. Habang nilalamon kami ng dilim, parang unti-unti na ako kinakabahan. Mahirap ipaliwanag ang feeling ko na 'yun, dahil yun ang  unang pagkakataon na makaramdam ng ganun kakaiba sa akin katawan.

Ano gagawin ko?

Paano ko uumpisahan?

Ayos lang kaya ang hininga ko? Baka amoy bawang dahil don sa kinain kong adobong mani, ayy shit.

'yan ang mga tanong na naglipana sa aking isipan. Nasa gitna na kami ng oval, sa may soccer/footfall field, magkahawak kamay na naglalakad, walang imikan, tahimik ang paligid, parang nagsisimula nang mag-usap ang aming mga puso.

Huminto ako at humarap sa kanya. May kunting liwanag na binibigay sa amin ang buwan na tila handa na rin saksihan ang puweding mangyari sa gabing iyon. Sa puntong iyon, alam kong handa na kami, handa na ako kunin ang aking premyo at handa na siya para ibigay ang kanyang pangako.

Hindi ko masyado maexplain ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yun. Parang lalong dumilim ang buong paligid at siya lang nakikita ko, ang linaw, ang ganda niya.

Wala nang salitang lumabas pa sa mga bibig namin. Umihip ang hangin at parang bumulong sa akin ng "Halikan mo na..." Lalo ako nagulohan sa nararamdaman ko, tapos nun hindi ko na maitindihan ang mga sumunod na nangyari.

"hoooyyy" sabi niya sa napakalambing at napakahinang boses. Hindi ko alam nakapikit pala ako at parang ginigising ako. Pagdilat ng mga mata ko, nakita kong nakapatong na pala mga kamay niya sa aking balikat, halos kayakap ko naman ang kanyang bewang at mga 3 inches nalang ang agwat ng mukha namin.

Kelan nangyari to?

wala akong naramdaman....

May nangyari ba?

wala akong maalala...

Nahalikan ko ba siya?

blanko ang isip ko...

Naghalikan ba kami?

Ilang minuto....?

Bakit parang wala akong maalala...?


'yan ang gumugulo sa isip ko sa mga oras na yun, parang na-hypnotized ako. Pero hindi ko pinahalata sa kanya na wala akong naramdaman, na may kakaibang nangyayari, na hindi ako naniniwalang nagkahalikan kami.

'yun na ba ang pakiramdam sa unang halik? Hindi ko 'yun unang halik pero parang 'yun na rin, ang labo lang pero kakaiba ang  halik na 'yun. Parang may nangyari na parang wala, nakakalito.

"Puwedi isa pa?" Biglang hirit ko sa kanya habang nasa ganun position pa kami. Gusto ko makita, gusto ko maramdaman ang mga labi niya, gusto kong malasahan ang laway niya, gusto kong gawin yun na kayakap siya, gusto ko nasa presence of mind ako.

"Ikaw talaga....hirap ka pala masatisfied.....mwah" Sabi niya sabay tuka sa akin labi.

"Tara, uwi na tayo. Baka mahuli pa tayo ng security dito sa dilim, kung ano pa isipin sa atin" sabi niya sabay hila sa akin kamay at hindi parin ako makapagsalita.

Para naman akong bata na sumunod sa kanya, tolero't nagugulohan parin ako. Nagkahalikan ba talaga kami? Matagal ba? Hindi ko talaga maalala yung unang halik, yung pagtuka lang niya sa akin labi ang naiwan sa isip ko.

Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin ang nangyari, wala talaga akong maalala na naghalikan kami sa dilim. Wala akong maalala ate Charo, please padala mo dito si Gash Abel Gash.

Napakamisteryoso pala ang unang halik.....

~~~~~~
Epilogue

Pagkaraan ng maraming araw, nag-away kami ni Peter, nag-away kami ng girlfriend ko at nagdesisyon si Maria Ozawa na taposin ang "pagkakaibigan" namin.


THE END



*Hahahahahahahahaha

Monday, September 3, 2012

Movie review-rebyohan: First Kiss prt2



Bago ninyo makalimutan, ito ay isang movie review na hinaluan ng sariling kwento ng may akda, scroll down para sa unang bahagi.

Ang title ng Thai movie na ito ay FIRST KISS, ang may akda ay hindi na matandaan ang unang halik niya, pero ang pakiramdan ng parang sa "unang halik" ay naranasan nito at nalasap.

Sa mga gustong magdownload, available na ito sa malapit na suking torrents site. PM nyo lang ako for the link. LOL


Okay, ang movie na ito ay tungkol din sa 25 years old na babae na nainlove sa isang abnoy, LOL. Hindi, nainlove sa isang high school na boylet. Ilan din kaya ang nakaraanas sa atin ng ganyan sa totoong buhay? *Taas kamay* Ako ulit, pero bago ko ikuwento, taposin muna natin ang naunang kwento.


~~~~~~

Nabigla ako sa nasabi ko, pero sinulyapan ko si Maria Ozawa eh parang walang narinig. "Hayyyy, buti nalang" bulong ko sa akin sarili. Hindi ko talaga alam kung nadulas lang dila ko o pinahamak lang ako ng aking puso. Ganun naman talaga eh, ang madalas magpahamak sa atin sa pag-ibig o minsan sa ibang situation ay ang ating puso. Kaya hindi ko minsan maitindihan kung bakit nila sinasabing bobo ang taong nagkamali sa pag-ibig, puso kasi ang nagpahamak sa kanya eh, hindi ang kanyang utak. Nag-iisip lang ang utak, hindi ito tumitibok o umiibig. Kaya para sa akin, para hindi ka mapahamak, mas gamitin mo ang iyong utak kesa puso mo, *wink*.

Balik muna tayo sa panahon nakilala ko si Maria Ozawa, paano nag-umpisa ang lahat at paano nauwi sa "I want you kiss" ang drama ko.

Aaminin ko na, naging kaibigan ko si Maria Ozawa dahil crush ko siya, planado ko na lahat. Nakilala ko siya nung "Acquaintance Party" ng college namin. Nakita ko ang galing niya sumayaw, tapos nang lumapit ako ang bango niya, ang bango-bango pati pawis niya, ang bango-bango, ang bango-bango ng bulaklak *Ituloy ang kanta ng hot babes*.

Sa party na 'yun, kasama ko ang isa sa close friend ko, room mate ko din sa boarding house, at itago natin siya sa pangalang Peter North. Oo nga pala, kasama ko din don ang girlfriend ko. Lagi din kami magkakasama nila GF at Peter North, minsan nga nagmumukha na kaming love triangle love team eh. Wala masyadong kakilala o kaibigan si Peter o sabihin natin mahiyain siya masyado makihalobilo sa ibang tao kaya sa amin lagi ng girlfriend ko nasama lagi. Hindi tulad ko, pati bangaw ata ay kinakausap ko, ayun may bangaw sa monitor ko.

uyyy ang haba na....

Naisip kong ihanap ng babae si Peter na magiging partner sana o masasamahan lang, para naman magkaroon siya ng GF at maging apat na kami, maging four some. Kaso, gising na gising din ata siya nung namamahagi ng katorpehan ang diyos, at tuwang tuwa pa ang loko habang naghahakot pa, tsh.

Dahil nga sa naghahanap ako ng makakapartner ni Peter, nakita kong sumasayaw si Maria Ozawa. Sobrang nagandahan ako sa kanya, pati narin ang kanyang katawan, ang galing niya gumiling, wala pa nun si Luningning. Sa mga oras na 'yun hindi lang puson ko ang tuminibok sa akin kundi pati ang kanang palad ko, pero may gf ako, hindi na ako pupuwedi. Paano ko siya makikilala sa paraan hindi magwawala si gf? At alam ko, kasalanan ang naiisip ko't gagawin, kaso ang problema'y makasalanan talaga ako, LOL.

Habang nag-iisip ako ng paraan, bigla kong nakita si BATMAN, *TING*.

Nilapitan namin ni Peter North si Maria Ozawa, naisip ko nalang na hindi naman magagalit si gf eh, kasi alam kong alam niya na para kay Peter ang gagawin ko. Nagpalaam ako sa kanya na may ipapakilala akong chick kay Peter para magkaroon din ng partner. Tulad ng inaasahan ko, hindi na nga umangal si gf, siguro pareho kami ng iniisip, ayaw din niyang nagmumukha kaming love triangle love team tuwing nag-iikot kaming tatlo sa campus.

At doon na nag-umpisa ang pagkakaibigan namin ni Maria Ozawa, dahil kay Peter North. Niligawan siya ni Peter, at ako ang naging bridge. Pagsinuswerte ka nga naman...


~~~The End~~~

Balik na tayo sa eksenang "I want your kiss" namin ni Maria Ozawa, baka mapanis na 'yun.

"I want your kiss" Biglang sabi ko kay Maria Oooohhh na para akong sinapian ng spiritu ng porn star dahil sa kapal ng mukha ko, at sa mga oras na 'yun naghihintay nalang akong karatehin niya ang nguso ko. Nakahanda na ang katawan ko sa anumang gagawin niya sa akin dahil sa inasal ko, may kalahati sa akin katawan na nagsasabing mali ako, tarantado ako, hindi tama ang ginawa ko. Una, kaibigan ko si Peter North  na manliligaw niya, pangalawa may gf na ako, at pangatlo gago talaga ako.

"Okay!" Mabilis niyang tugon sa akin, 'yung ok na, ok!! 'yung hindi pa aabot sa 2 seconds? Ganun ang pagkakasabi niya sa ok. Pagkasabi niya ng ok ay nginitian muna ako bago tumalikod at maglakad palayo sa akin, nangiti ako dahil alam kong hindi siya galit.

"Ingat!" habol ko sa kanya, wala pang "Ingat ni John Llyod" nun.

Pagpasok ko sa room namin ay parang bigla akong nakakita ng numbers, dahil sa kilig na parang kinukuryente ang buong katawan ko. Ang ganda at sarap ng pakiramdan ko, "I want you kiss" "Okay", umiikot lagi sa isip ko na parang binubulong pa niya sa akin ang "Okay", ayyyyyiieeeeee, ang kilig ko lang sa mga oras na 'yun. Nung exam ay ganado ako, para akong uminom ng tubig ng motolite battery at parang nilagyan ng energizer battery ang puwet ko. Gusto ko na taposin agad ang pag-susulit namin, I WANT HER KISS!!!

Kaya pa? kunti nalang matatapos na tayo....tanong ng author sa nagbabasa ng kwentong ito.

Makaraan ang isa at kalahating oras ng pagsusulit namin, natapos na rin ako. I mean, ako ang pinakahuling nagsubmit ng test paper. Pero bad trip ako, pakiramdam ko mukhang tagilid ang exam, sayang ang halik.

Forward na natin ang kuwento, dahil masama ang nangyaring eksena sa pagitan namin ni Peter North, labas na tayo don sa kwento na yun. Ako at si Maria Ozawa ang bida rito, okay? hehehe.

Makalipas ang isang linggo, nakuha ko na ang resulta ng exam namin. Nagkita ulit kami ni Maria Ozawa, sinundo ako sa klase ko.

*Naglalakad kami*

"Oh, nakuha mo na ba ang result ng exam niyo?" pagtatanong niya.

"Oo, nandito sa bag ko." Mahinang sagot ko, walang expression sa mukha parang Angeline Quinto at Richard Gutierrez lang. Nakita ko, medyo natawa siya.

"hehehe, bagsak!" Mahinang bulong din niya, pero dinig ko.

"Saan punta natin ngayon?" Tanong nalang niya na parang nanunukso.

"Sa commercial center tayo, kain nalang tayo ng mani at banana que, libre mo ko" sabi ko

Bumili nga kami ng mani at banana que at gaya ng dati nag-ikot-ikot at tumambay sa tabi-tabi, hanggang sa abotin na kami ng gabi, kaya nagdesisyon na kaming naglakad pauwi na magkahawak ang mga kamay.

"Oi sorry ah" sabi nalang niya bilga.

"Ha? bakit?!" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dahil bumagsak ka sa exam niyo, ikaw kasi eh, kainis ka" Malungkot niyang wika sa akin at natawa ako dahil ang arte ng pagkakasabi niya, parang ala Kris Aquino, huh, huh, huh.

"Anong bumagsak?!" Mabilis kong sagot sa kanya sabay hugot sa test paper sa bag ko at pinakita sa kanya.

Nanlaki lalo ang mga bilogan at malalaki niyang mga mata, dahil pumasa ako, wehehehehhe.

"Oras na ng paniningil" Sabi kong nakatalikod sa kanya.

"Paniningil ng ano?" Pagkukunwaring walang alam na sagot niya.

"Halik." Sabi ko sa kanya at nakuryente na naman ako dahil sa kilig.


Hayyy, wala na naman tayo oras, inaantok na ako, maliligo na ako mga kalandian.

Tanong: Hanggang anong part ito aabot?

A. Part 4
B. Part 5
C. Part 6
D. Hanggang sa magdugo na ang puwet ko at magkaalmuranas na ako.