*Ito sana isasali ko sa Saranggol Blog Award, kaso nahiya naman ako. LOL Huwag nalang muna!
~~~~~~
Typical pinoy story, tungkol sa
dalawang magkasintahan na lubos na nagmamahalan nung unang panahon. Gaya ng
dati hindi sang-ayon ang kanilang mga magulang o magkaaway ang kanilang
pamilya. Nangako silang itutuloy ang pag-iibigan sa darating na hinaharap kung
saan walang hahadlang sa kanila. Ang tanong, papayag ba ang author ng kuwentong
ito na magkatuloyan sila? Malalaman natin….
~~~~~~
Nakaraan: April 21, 1825
Roberto: Mahal ko
nakarating ka.
Victoria: Oo mahal ko,
pagkarecieved ko ng text mo’y dali-dali na akong pumarito.
Roberto: Nakitext din ako
sa cellphone na pangpasaload ni Aling Maria. Kinuha na nila sa akin ang Samsung
S3 ko, pati yung sasakyan ko, paano na tayo nito?
Victoria: Mahal ko, tila
kahit anong gawin natin ay hindi talaga pahihintulotan ng atin pamilya ang pag-ibig
natin sa isa’t isa.
Roberto: Kay saklap ng
ating kapalaran mahal ko, pinagtagpo tayo ng pag-ibig sa tamang katawan at
kagandahan sa maling pamilya, pero hindi tayo susuko aking mahal. Ebi-break
natin ang record ni Romeo at Juliet.
Victoria: Ang sweet mo naman
aking irog. Pero may isa pa tayong problema mahal ko. *Hikbi*
Hinagkan muna ang kasintahan at
inamoy ang batok nito
Roberto: *Bulong* Ang
bango ah, ano kaya sekreto mo Victoria?
Victoria: May sinasabi ka
mahal ko?
Roberto: Oo aking buwan na
tinitingala ng sanlibutan dahil sa taglay nitong kagandahan, sabi ko, ano ang
isa pa natin problema? Boom!
Victoria: *Mahabang hikbi*
Ipapakasal na nila ako sa iba. *Iyak*
Hinawakan ni Roberto ang mukha ni
Victoria ng dalawang kamay at hinaplos
Roberto: Hindi mangyayari yan mahal ko. Huwag kang mangamba sapagkat ako’y nandirito lagi sayong kandungan este
tabi, nakahandang ialay ang aking pulang dugo para sa’yo at lalong nakahanda
akong e-donate ang aking puting dugo na sago-sago na ata at puwedi nang gawin
taho.
Victoria: Kay tamis ng mga
katagang nagmumula sa iyong mga labi aking sinta, sintamis ng mapupula mong mga
labi. Pahawak nga dyan sa ipit-ipit mo, ayyyy...gising!!!
At kinilig ang dalawa ng limang
Segundo
Roberto: Irog ko, gusto ko
sana gumanti sa’yo ng himas pero wala na tayong oras. Kailangan na natin
magmadali dahil anumang oras puwedi na tayo matunton ng pamilya ko. Sigurado
akong hahanapin ako oras na malaman nilang wala ako sa bahay.
Victoria: Tama ka aking
mahal, mamaya na ang ipit-ipit at himas-himas game natin. Nagtext na din sa
akin ang pinsan ko, hinahanap na daw ako, ngunit saan tayo pupunta at
magtatago?
Roberto: Pupunta tayo sa
kabilang buhay.
Victoria: Mahal ko, magpapakamatay
tayo?
Roberto: Oo mahal ko, pero
pinapangako ko sa ngalan ng atin pag-ibig na singlinis ng batis, magtutuloy ang
ating pagmamahalan sa darating na panahon, magkikita tayo ulit, alam ko, dahil
ang pag-ibig ay walang kamatayan. Bwahahahahaha! ayy sorry.
Victoria: Lubos akong
nagtitiwala sa’yo aking Roberto, mas gugustohin kong wakasan ang aking buhay
kesa mawalay sa’yo o makasama ang ibang lalaki.
Victoria: Sa anong paraan tayo
magpapakamatay, ayaw ko ang laslas pulso at bigti ah.
Roberto: Ito mahal ko ang
panis na kanin, kainin na natin bago pa mapanis ulit.
Victoria: Okay, let’s go.
At kinain ng dalawa ang panis na
kanin bago pa ito mapanis ulit. Pagkaraan ng ilang oras ay namatay din sila, at matapos pagtagpi-tagpiin ng SOCO ang mga nakalap na ebedisya, nalaman nilang
food poisoning ang sanhi ng kanilang kamatayan.
THE END
Kasalukoyan: September 16,
2012
Maingay ang paligid, magulo,
mausok, nasa isang bar si Bert. Nakaupo sa isang tabi, pinagmamasdan ang mga
tao habang nag-iindakan at sinasayaw ang Oppa Gangnam Style.
Pumukaw sa pansin niya ang isang
babae na kakapasok palang, nagkasalubong ang kanilang paningin, nagkatitigan,
parang nagkaunawan, naramdaman nilang pareho na parang matagal na silang
magkakilala.
lumapit ang babae kay Bert.
“Puwedi makiupo?” tanong ng
babaeng maganda
“Sure” malasupladong sabi ni Bert.
“Ako nga pala si Tor, short for
Victoria” Pagpapakilala niya
“Robe, short for Roberto” Nakangiting
sagot ni Roberto.
“Alam mo awkward pero parang
matagal na kitang kilala….” Biglang sabi ni Victoria
“Ganun din ang feeling ko, sa
totoo lang ang gaan ng feeling ko sa’yo, parang konektado ako sa’yo na hindi ko
malaman kung bakit” sabi ni Roberto.
“Tama, sakto, natutuwa ako na the
feeling is mutual pala.” Natutuwang sabi si Victoria.
“Ang problema lang, hindi kita
type Miss Victoria pero parang ang gaan talaga ng pakiramdam ko sayo.” Pagsusuplado
ulit ni Roberto.
“Hindi rin kita type Roberto,
gusto lang kita makilala dahil sa kakaibang dating mo sa akin” sagot din
Victoria.
“Kung ganun malinaw ang lahat,
pagkakaibigan lang ang puweding mamagitan sa atin” Sabi ni Roberto at
nagtawanan ang dalawa.
“alam mo Robi, siguro kung hindi lang
ako tibo, maiinlove ako sayo, hahaha.” Sabi ni Victoria na tumatawa
“Ganun din ang nasa isip ko
sister Tor, kung hindi lang din ako bading, liligawan na kita, hihihi, pero
kaderder sis, ewww as in a big, big, big, EWWWW” Sagot ni Roberto at nagtawanan
ang dalawa.
“Grabe ang nararamdam ko sayo,
feeling ko mahal kita, pero nasusuka ako kapag iniisip ko ‘yun, hahahaha
kalurkey sis” Sabi ni Robert at naghigh five pa ito kay Victoria.
“Ulol, ganun din ako noh? As in
yuck!! Hahaha. Anyway, sana maging magkaibigan tayo.” Sabi ni Victoria.
“Sure….oh wait, nandyan na fafa
ko” sabi ni Roberto, tumayo na at nagbiso-biso muna kay Victoria.
“Nandyan na rin yung girlfriend
ko, sige see you around ateng.” Paalam din niya rito.
Sa pag-ibig, hindi naman
kailangan magkatuloyan kayo para matawag na great love ‘yun. Tandaan, hindi lang
dito sa mundo ang may buhay, wag natin kakalimutan na meron din KABILANG BUHAY.
The End
iiiiiiieeee... isali mo na to sa maikling kuwento! Tengene..... may special participation ang SOCO. :p
ReplyDeletetengeneng panis na kanin na malapit ng mapanis ulet! haha! ayos! ;)
ReplyDeletesayang ang entry kung hind isasali!!!!!! :D
ReplyDeletenyahahaha at hindi nga pinayagan ng author na magkatuluyan sila.. hahaha
ReplyDelete1825 may selepono na? namatay ng dahil sa kaning lamig..wahahaha
ReplyDeletego na brotha sama mo na 'to!!
ang dami kong tawa. the best ka talaga kuya. di talaga pumayag na magkatuluyan sila. eww lang as in kaderder. patok!=D
ReplyDeletehaha! mamamatay sila dahil na-food poision? LOL
ReplyDeleteBago yung himas himas at ipit ipt game ah LOL...
parang nakakatakot ma food poison a.
ReplyDeleteAyos ang kwento. Pinagisipan. dapat isali na sa saranggola blog awards.
delikado pala pag kumain ng panis na kanin....para sa pig na lang....
ReplyDeleteButi na lang may summary sa umpisa. Thoughtful ka pala sa mga skip readers LOL
ReplyDeletemoral lesson: wag kumain ng panis na kanin ..hahaha
ReplyDeleteunang banat pa lang sa nakaraan nawindang na ang lola moh.. at ang lakas ng hampas sa ending luffet nakakatuwang laglag panga :)
ReplyDeleteDark Angel
haha .. ang unang nabasa ko ngayong araw .. walastik .. hindi ito ang tipikal na pilipino love stories .. kasi hindi sila nagkatuluyan .. pang international ang dating .. wahahaha
ReplyDelete