Farmville |
Bihira
lang ako matuwa sa mga pinupuntahan o napupuntahan ko dito sa Saudi Arabia.
Hindi gaano kasi kaaya-aya ang mga pasyalan dito, o talaga lang hindi ko
maenjoy dahil nasanay na ang katawan ko sa klaseng ligaya na naidudulot ng mga
pasyalan sa Pilipinas. Magaganda din naman ang mga malls dito at ilan pasyalan. Pero hindi enjoy ang paggala sa mga ito. Para kasing laging may kulang sa
pamamasyal mo. Paano kasi, hindi buo ang loob mo, laging may halong pag-aalala
na kumakalog-kalog sa’yong dibdib, pag-aalala na baka masita ka o baka
mapagtripan, oo, powertrip minsan o kadalasan ang mga arabo *Insert mura*, kailangan
laging maingat ka dito, alerto 24 oras dahil hindi natutulog ang balita, baka
maibalita ka din. Dito nagkakaroon ng matinding silbi at kahalagahan ang
salitang “Ingat”, kung sa atin ay klase lang ng pagpapaalam ang salitang
“Ingat”, dito'y ang salitang ingat ay parang condolence na, advance condolence.
Ingat!
Kahapon
inimbeta kami ng manager ng maintenance ng kompanya na pinapasokan ko para “pumasyal”
sa kanyang farm, kasama ang ibang arabo na ka-officemates o colleagues. Akoni,
si Khalid (Darrel ang tunay na ngalan dahil isa isang converted muslim)
at si Ismael (Jun naman sa kanya, isa ding converted muslim (?)) ang
maswerteng mga pinoy na makakasalamuha ang isa sa mga may matataas na position
dito sa company namin. Nung una, nag-alinlangan ako sumama, naisip ko na boring
‘yun, ano naman pag-uusapan namin ng mga arabo na ito? ano naman gagawin ko sa
gitna ng disyerto, sa isang napakainit na farm ng mga camels, makakausap ko ba
ang mga ito at ipapaliwanag sa akin ang magulong love life ni John Llyod at
bakit nila kayang tumagal ng isang linggo sa disyerto na walang tubig? Wala naman gaano gagawin don eh, magpapicture
lang katabi ang camel na mala-Angelina Jolie at Sunshine Cruz ang lips? Tapos
yun na, ganun lang yun, wala na, uwian na pagkatapos kumain ng mamantikang
kanin at makolesterol na karne, tsh…madudumihan lang ako don ng alikabok,
sayang ang maintenance sa kaisa-isa kong capital, ang mukha ko. Pero dahil sa
naka-oo na ako sa imbetasyon din ni Khalid na sumama, piniga ko ang aking puso
para katasin ang pagnanasang “pumasyal” sa isang farm, yeah, dedicated ang trip
ko na ‘yun kay Khalid.
Mag-aalas
4 pm na ng hapon nang umalis na kami sa opis, at tulad ng inaasahan ko, isang
napakahabang-boring-nakakaantok na biyahe. Kung makakapagsalita lang siguro ang
puwet ko, baka pinagmumura na ako sa mga oras na ‘yun. Makalipas ang isang
dekada at bago pa maging hugis tabla ang puwet ko, at magkaroon ito ng boses,
sa wakas dumating na kami. Tinatahak ng sinasakyan namin ang isang malawak na
disyerto. Wow, sa mga oras na ‘yun nakalimutan ko na ‘yung reklamo ko sa
pupuntahan namin. Ang ganda pala, hindi ko maiwasan umandar ang utak ko.
Nagmistulang isang sinehan na naman ang isip ko, wala akong makita kundi ang
imahinasyon ko. Wow, nasa disyerto ako, feeling ko ako si scorpion king na
nakikipaglaban sa mga taong alikabok, at sumisigaw ng “Nasaan ka Rizaldooooo…,
magpakita ka!!!” Naisip ko din na ano kaya kung ma-stranded ako sa gitna ng
disyerto kasama si Solenn Heudjakdjfalff (ang landi ko, pero wait...)? ‘yung
walang pagkain, walang tubig at magkahalo sa katawan namin ang matinding gutom
at uhaw? Isang sulosyon naisip ko, kakainin ko si Solemn, kakatain at ibibilad
sa araw para gawin daing. Ano kaya ang
lasa ng tao, mas masarap kaya ito kapag niluto o wala parin dadaig sa sarap kapag
kinakaing hilaw ito? Gets mo?
Bago
maging Rated XXX o Horror ang imahinasyon ko kay Solenn Haesuff ay dumating na kami sa
farm. May pagbabago akong naramdaman sa akin sarili, kakaiba ang lugar, parang
at home na at home ako. Disyerto, may mga tupa, mga Camels, maalikabok, madumi,
amoy tae, at may nagkalat na dayami. Feeling ko o siguro isa akong tupa o camel
sa nakaraan buhay ko, LOL.
Magiliw
sa amin ang mga kasamang arabo, for the first time nakaramdam ako ng pagiging
hospitable nila, medyo nabawasan ang takot at pagkamuhi ko sa pag-uugali nila,
tao din naman pala sila, lumalandi din. Mga bossing namin sila, pero hindi kami
hinahayaan na tumulong sa kanila. Sabi nga ng isa sa kanila, “Nasa labas
tayo ngayon, wala tayo sa trabaho, pantay-pantay tayo ngayon.” How touching
diba? Ang humble lang, nakakainlove. Pero bilang isang Pilipinong galing sa
third world country, di parin mawawala sa atin ang pagiging matulongin lalo na
sa mga nakakatanda. *May sumigaw ng I am Proud to be a Filipino*
Pinakita
at pinagyabang sa amin ang isa sa katangian ng isang nanay na Camel. Hindi pala
ito tulad ng isang baka na may anak na pinapadede. Ang baka makikita mong
parang sasabog na ang dede nito dahil sa gatas, punong puno ito at kung
gagatasan mo kelangan mo lang pisilin ang dodo, yun na, sisirit na ang gatas or
kung trip mo ay direkta kana domudo sa cow, makidodo karin hayop ka. Sa Camel,
hindi mo makikitang matambok ang dede nito, normal lang, small tits lang ang
peg. Kung gusto mong kumuha sa gatas nito, ang gagawin mo lang ay ilapit ang
anak, instant nang magkakaroon ng gatas ang dodo, how amazing diba? Kapag
katabi ang anak pinapababa ang gatas sa dodo, wow.
Isa
sa nagpakulay sa adventure namin ‘yun ay ang paraan ng pagluluto nila, oh yeah,
so kakaiba. Parang nililibing nila, unang gagawin ay magsusunog ng mga kahoy sa
isang drum na nakabaon sa lupa. Hihintayin ito hanggang sa maging nagbabagang
uling. Habang hinintay na maging “baga” ang kahoy, inihahanda at tinitimplahan
narin ang bigas at karne ng tupa.
Pagkatapos ay may triangle na ilalagay sa loob ng drum, don ipapatong
ang bigas para hindi direkta sa baga ng apoy, sunod ay ang karne, nakalagay ito
sa parang basket na bakal, may mga butas-butas siyempre, para ang katas nito ay
tumulo sa kanin. Langya, nahihirapan ako e-explain, iiwan ko nalang sa utak
ninyo.
Pag-aralan
mo nalang itong diagram na ginawa ko.
CLICK MO PARA MATABUNAN MUKHA MO |
Ito
na resulta
Isa pa sa nagpaganda lalo sa paglalakbay namin yun ay ang kagandahan ng gabi, hindi
malamig ang simoy ng hangin, tamang timpla lang, kaya sobrang sarap magrelaks.
7:17 pm habang hininitay maluto ang haponan namin ay tumambay muna kami sa
isang bilog na parang intablado, may carpet dito at mga foam at matitigas na
hugis unan. Ang sarap humilata habang pinagmamasdan ang kalangitan na punong
puno ng bituin, parang nakahubad ang gabi, ang sarap magpasakop, ang sarap
yakapin ito at matulog.
Matagal
na panahon bago ko napagmasdan ulit ang nakakaakit na hitsura ng kalangitan,
hindi ko na nga matandaan kung kelan ako huling nakipagtitigan at nakipagngitian sa
mga bituin. Hindi ko na naman tuloy maiwasan ang mag-isip. Sa sobrang ganda ng
nakikita ko, nagrambolan ang mga pangarap sa akin isip, mga pangarap na
nagpapangiti sa akin at nagbibigay pag-asa. Nalilito ako tuloy kung ano ang
pipiliin ko o alin ang uunahin ko. Ang sarap mangarap ng gising sa ganun
situation.
Sa
bawat paglalakbay sa buhay natin, may mga narereliazed at natutunan tayo. Sa paglalakbay
na ‘yun, natutunan kong ibalik ang aking sarili sa nakaraan, hindi ko na
kailangan pangarapin pa ulit na sana mayroon time machine na magbabalik sa akin
sa nakalipas. Sapat na pala ang kakayahan ng atin utak na ibalik tayo rito.
Maayos natin ang mga pagkakamaling nagawa natin nun, maayos natin sa
kasalukoyan ngayon.
…at,
at, at, hindi ko na alam kung paano ko ‘to tataposin. Biglang dumating si Loki
at gustong sakopin ang buong middle east dahil nauubosan na sila ng supply ng
langis sa kanilang planeta, pero dumating si Panday at Zuma, nakipaglaban sila kay
loki hanggang sa tumawag na sila ng reinforce sa mga avengers dahil hindi nila
kaya kapangyarihan nito. Si HULK at Thor lang ang dumating, sinabihan ng “Smash”
si HULK ni Thor na ikinatuwa naman ng gago. Dinampot si Loki at pinaghahampas
sa buhangin tapos ay hinagis sa kalawakan, at bumagsak sa akin.
Ang "Maikling kwentong" ito ay kalahok para sa ikaapat na Sarangola Blog Awards, kung hindi madidisqualified.
THE END
Ang "Maikling kwentong" ito ay kalahok para sa ikaapat na Sarangola Blog Awards, kung hindi madidisqualified.
hahaha. very helpful ang diagram. nagzoom nako, tapos, binasa ko talaga lahat ng labels. hahaha XD
ReplyDeleteunli-rice!
ReplyDeletequestion, naintriga kasi me, so pag nagpaconvert ka, kelangan may muslim name ka?
yes, kailangan magkaroon ka ng Muslim name. :)- Akoning tinatamad sign in.
Deleteayun oh! gud luck sa entry :) at sana magkita ulit tayo hehehe
ReplyDeleteGoodluck din sayo sir. OFW ka din pala :)
ReplyDeletekagandang experience nyan. ung pamamaraan nila ng pagluluto siguro eh kung may okasyon lamang yan ginagawa? maligalig kasi eh hahaha
ReplyDeleteat gudlak dine :)
kumusta ang balik bayan?
"..ma-stranded ako sa gitna ng disyerto kasama si Solenn Heudjakdjfalff.."
ReplyDeleteGantong eksena rin yung unang pumasok sa isip ko. Lol. Pero grabe, ang daming pagkain!
Goodluck sa entry niyo ser!
sana dinodo mo ung camel para kumpleto pagdemo hahaha.
ReplyDeletegoodlucksa entry mong ito!:)
jayrulez
haha ngulat ako ng makita ko un logo ng SBA-4 emtry pla eto sa maikling kwento.
ReplyDeleteang lufet mo tlga pre at my twist. iba k tlga mag-isip
cute ng illustration di ko naintindihan sa umpisa eh hehe anyway..hanep sa ending pati si zuma nadamay ok na yung pakikipagtitigan at pakikipagngitian sa mga bituin eh wahahaha
ReplyDeleteakala ko naligaw ka na dito sa amin kasi parehong pareho ang farm.
ReplyDeleteWow nakakaaliw ang iyong diagram. Kailangan talagang ibaon ang niluluto kung ayaw mong matabunan ng buhangin pag humangin.
ang daming tupa....good luck sa entry mong ito....
ReplyDeletehinanap ko tlga yung lamok dun sa picture .. whahaha
ReplyDeleteEpic ang ending . lels
Nasa Middle East din ako... at naaliw ako sa entry mo.... Astig ang pagkakasulat! Goodluck ^_^
ReplyDeletemeron ka rin pa lang entry sa SBA4 .. ngayon ko lang nabasa at nalaman .. ang galing .. una diko alam na entry mo na pala eto .. haha .. basta magaling kang magkwento at mageksplika .. pararin akong nanonood sa sinehan .. hihihihi .. goodluck pala sa entry mo na to .. kahit supah late na comment .. ehek!!
ReplyDeletesinu-sino kaya mananalo sa SBA4? hmmm... ilalike ko tong entry mo sa FB .. naks!!
Natuwa naman ako. Parang nakikita kong naglabasan ang toyo ko sa utak at binigyang kwento mo lang. Ganyan din kasi akong mag-isip, magsulat, at magkwento. May touch of "kaungasan style". Like it!!!
ReplyDelete