Intro
Hindi ko alam kung bakit yan ang title, trip-trip lang talaga minsan ang mga desisyon natin sa buhay.
*Play*
Nagba-back read ako sa aking nakaraan sa tuwing may nangyayaring hindi maganda (sa akin) o ‘yung sinasabi nilang kamalasan. Naniniwala kasi ako na maiitindihan mo ang pangyayari o nangyari o nangyayari sa kasalukoyan sa pamamagitan ng pagbasa sa (iyong) nakaraan.
Halimbawa, naglalakad ako sa isang park tapos biglang makakaapak ng dumi ng aso o para mas cool ay gawin natin tae ng tao. Magtataka na ako nun. Ano nangyari, oh GOD why me? ganyan. Tapos, mag-iisip na ako kung ano ba ang nangyari at nakaapak ako ng tae ng tao, ano ba ginawa kong mali sa mga nakalipas na oras o kahapon o kanina lang? Alin sa paa ko ang unang naihakbang ko palabas ng bahay? Nakalimutan ko ba maglagay ng deodorant? Ano ulam ko kanina? Etc…ganyan ginagawa ko, hanggang sa makahugot ako ng alaala sa akin isipan, na isang pangyayari o isang bagay na ginawa ko o hindi ko ginawa, at don ko isisisi ang nangyaring hindi maganda o kamalasan sa akin. Mas cool ‘yun kesa ibang tao ang sisisihin ko.
Tapos, maiitindihan ko na ang nangyari sa akin. Mapapabuntong hininga nalang ako sa isang tabi o habang naglalakad sabay banggit ng, “haaaaayyyyyyyyy…kaya pala, buwesit!”
~~~~~~
Kakabalik ko lang galing bakasyon. Pagdating ko palang dito ay isa lang ang sumasalubong sa akin na tanong mula sa mga kaibigan, hindi kaibigan, nagpapanggap na kaibigan at mga guni-guning kaibigan, ito’y ang tanong na “Kamusta ang bakasyon? Pasalubong”
Minsan gusto kong ikwento ang totoong nangyari pero dahil sa galing nga ako sa bakasyon, expected na nilang masaya ako at sasabihing kong “Pare, ang saya ng bakasyon ko grabe, kaso bitin talaga, gusto ko sana magextend ng bakasyon ko kaso naubosan na ako ng pera na pinaghirapan ko iponin sa loob ng isang taon o dalawang taon, tapos lulustayin lang sa loob ng isang buwan, ito mga pasalubong niyo”
Punong-puno ng drama ang saloobin ng mga ofw (karamihan), kaya ayaw kong magdagdag pa ng isa pang malungkot na kwento sa kanila. Sempre, isasagot ko ang expected na sagot sa tanong nila, “Ayos lang pare, bitin! At walang pasalubong, kuwento lang marami ako ngayon”
~~~~~~
Nalaman ko na hindi pala lahat ng “bakasyon” ay masaya, tulad ng hindi lahat pala ng porn ay nakakautog. Minsan kailangan natin magdaan sa isang pagsubok o maligo ng pagsubok para maisip o mabigyan pansin natin ang mga nagawa natin sa nakaraan na akala natin ay ayos lang o wala lang. Hindi porke’t nakaraan na kasi ay kakalimutan mo na. Sabi nga ni Adress Bonifacio, ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay kulang ng sense of direction.
Siguro may idea kana na hindi naging maganda ang bakasyon ko. Oo, nagkaletse-leche ang bakasyon ko…sa huli, maraming nangyaring hindi ko gusto at hindi sinasabi sa aking horoscope, bwesit, kasinungalingan ang lucky numbers, hindi ako tumama sa lotto.
~~~~~~
*Play*
October 16 ng gabi, bandang alas nuwebe, sa may Roxas boulevard, nagpapahinga kami ni Heaven sa isang hotel na gusto ko nang kalimutan at gusto kong murahin ang taxi driver dahil doon kami dinala, pangeeeeeeeeeet ang hotel na ‘yun, pero in fairness sobrang mababait ang mga staff don, as in keep the change talaga ang sobra sa kabaitan nila .
Kinabukasan nun ay flight na namin pabalik dito sa KEY IS A. Lumabas muna ako para bumili ng pang haponan namin sa Mang Inasal, walang restaurant sa magaling na hotel na ‘yun, oo. “Kuha ka ng sabaw sa kanila” Utos ni Kumandar, “Sige” sagot ko na parang alipin na nautosan ng isang reyna.
Habang naglalakad ako ay inisa-isa ko sa aking isip ang mga nangyari at pinaglakbay dito ang tanong na, “Ano ang nangyari at bakit nagkamalas-malas ang bakasyon namin?”
*Rewind*
September 22, 2012, dumating ako ng pilipinas na halos magsuka ng kasiyahan dahil sa pag-uumapaw nito sa buong katawan ko, punong-puno ako ng ligaya sa mga oras na 'yun. Lahat ng senses ko sa katawan ay nakakaramdam ng pagkasabik sa lupang sinilangan, ang saya lang ng pakiramdam, kunti nalang ay mapapantayan ang kasiyahan dulot ng orgasm ng tao.
Okay naman ang umpisa ng bakasyon, nakipagkita ako sa isang kaibigan na magte-take ng bar exam, masaya ang pagtatagpo, nagkawentohan habang kumakain. Good luck parekoy. Tapos kami ni Heaven ay laging magkahawak kamay at namamasyal na may peeeerrrraaaaaaaaaa. Kinabukasan ng hapon, nakipagkita naman sa mga blogger friends, masaya ulit.
*Pause*
Hi to Bino, ‘yung mouse mo sa sunod ulit, hehe.
Khanto, ang hinhin mo p’re, nahiya me sa’yo.
Mj, seksi mo naman, lupet, *Sipol*.
Jaid, patikim ng luto mo minsan.
Rap, nice meeting you pare.
And Al, ingat noy.
*Play*
Sa loob ng Mang Inasal. Nasa tapat na ako ng counter. Tinanong ako ng babae kung ano orders ko, sabi ko, “Isang bangus sisig at isang pecho, tapos dalawang extra rice”, “May libreng sabaw?” biglang tanong ko sa kanya. Sumagot ng oo, sumagot naman ako ng, “Sige damihan mo ah”, sinabi ang presyo na babayaran ko, inulit ko sa kanya na damihan ang sabaw, oo daw nilagay na daw niya sa resibo. Iniabot ko ang pera. Binigay ang sukli ko kasama ang resibo. Binasa ko ang resibo nandon nga at nakasulat ang “Padamihan ng sabaw”, ayos!
Naupo ako sa isang bakanteng lamesa at muling nag-isip…
*Rewind*
September 24, 2012. Umuwi na kami ng Mindanao na halos magtae na ako ng kaligayahan, dahil walang mapaglagyan ang kasiyahan namin. Unang pagkikita namin ng anak ko after one year, at sa kabilang banda'y malungkot ako dahil unang pagkakataong umuwi akong hindi ko nakita ang nanay ko, hinding-hindi ko na makikita pa muli dito sa planetang Earth.
Dumating ako ng bahay na hindi ko alam kung tatae ako ng kaligayahan o magsusuka ako ng kalungkotan. Magkahalo ang lungkot at ligaya, may kunting patak ng pagkasabik sa dating pamumuhay sa pilipinas ang emosyon ko, halohan natin ng isang sandok ng pagnanais na makapagpahinga dahil sa isang taon pagtatrabaho sa isang bansa. Lahat ng iyan ay ginagahasa ako, sa isip, sa puso, sa damdamin, at sa lahat sa mga oras na 'yun.
Ang nangyari ay tumatawa ako kayakap ang anak ko, maya’t maya ay hinahagod na nila ang likod ko dahil humihikbi naman ako dahil naaalala ko ang nanay ko, repeat 25x.
*Play*
Nakuha ko na ang inorder ko sa Mang Inasal, nakangiti akong pauwi ng hotel, sabi ko sa aking sarili, matutuwa si Heaven, mahilig ‘yun lumangoy sa sabaw kapag kumakain, sa inorder kong sabaw, siguro puwedi pa siya maglaba ng mga underwear namin.
Itutuloy…
di naman sabaw to'ng post na to hahaha. ung mouse ko dapat may mousepad na hahaha
ReplyDeleteayun pala reason ng titulong sabaw. Hand written ba sa receipt na madaming sabaw or computerized/printed?
ReplyDeleteOo, mahinhin/ mahiyaain ako kaya ganun. i'm a shy type. dito lang ako sa networld maingay.
bitin! kaya naman pala sabaw pero bitin parin ang kwento...
ReplyDeletehehehe...trip lang ang title wala ako maisip eh...haha..sige di ko na ito gagamitin..lol
ReplyDeletekhanto - computerized/printed yung "Padamihan ng sabaw", padamihan talaga nakasulat..hehe
Tabs - sobrang haba ng kwento...hehe..
sabaw parang puro sabaw nabasa ko. nakakalunod haha anyway..paid advertisement ba ito?wahahahaha
ReplyDeleteAt siyempre bitin ulet,hehe.. Wish ko lang na sana ay pinadamihan nga talaga ang sabaw nun order mo..
ReplyDeletemy nxt episode ah hehe...
ReplyDeleteauz sa kwento pre.
un pala ang sabaw hehehe....sana may next part hehehehe
ReplyDeletenagtataka ang kasama ko bakit daw ang sarap ng ngiti ko habang nasa tapat ng laptop. sabi ko madaming sabaw.
ReplyDeleteNa imagine ko lang kung sabaw na galing sa Mang inasal yan pwedi na ngang pang babad yan sa asim.
sabaw pa talaga yan ha!!
ReplyDeletenakakabitin ang kwento. halohalo na ito, nakakatuwa, nakakaiyak... ang daming emosyon.
ReplyDeleteLate na ang basa ko dito .. hehe.. syempre.. ginagalugad ko na naman ang mga post mo .. at naman!! babasahin ko ang part 2 *wink*
ReplyDelete