nuffnang

Wednesday, October 24, 2012

SABAW prt2



*Play*
Naglakad na ako pauwi, bitbit ang Mang Inasal na binili, na may kasamang sabaw. Nag-iisip parin, iniisip ang mga nangyari nung bakasyon ko…
 
*Rewind*
Nagkasakit ang anak ko, 3 days sa hospital, at halos walang nangyaring development. Isipin mo nalang ‘yun kung ano ang mararamdaman ng isang nanay o tatay na first time niyang makakabonding ang anak niya tapos ‘yun pa ang nangyari, hindi ko nga alam kung sino ang sisisihin ko eh. Gusto ko sana sisihin si Jose Rizal, wala lang trip ko lang para maiba naman, pero ‘wag nalang dahil wala naman mangyayari. Tsong, wala akong magawa kundi magtanong sa kawalan “ano nangyayari?”
 
After 3 days na walang pagbabago sa anak namin at halos kinalimutan na kami ng tulog. Napagdesisyonan namin ng kabiyak ng puso’t puson ko na lumipat nalang ng ibang hospital. Lumabas kami ng hospital na may planong lumipat kinabukasan, pero parang mas nakabuti sa bata ata desisyon namin dahil kinabukasan ay bumuti na ang pakiramdam niya, kaya hindi na kami natuloy. *Insert Nora Aunor Famous line*
 
Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil bumubuti na pakiramdam ng anak ko. 1 week nalang ay luluwas na kami ng Manila para don namin hintayin ang flight namin pabalik ng Saudi. Pero isang tangang araw, habang pinapatulog ko sarili ko at si Akonita at iniisip ko kung saan napunta ang dala namin pera at kung paano makakabayad ng mga nautang namin at kanino ulit uutang, bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa baba o ground floor (para social) ng bahay namin, sigaw ng tatay ko.
 
Sigaw ng tatay, “Ding, ang bato, DARNA!!!” joke. Tinawag lang ako, ‘yung tawag na kapag narinig mo, alam mo nang may nangyaring hindi maganda. Halong patambling akong bumaba sa hagdan namin at laking gulat ko…..
 
*Play*
Huminto muna ako sa isang sidewalk vendor, bumili ng isang stick na yosi at sinindihan. *Hitit-buga-hitit-buga-buntong hininga-hitit-buga-buntong hininga-hitit-buga, repeat 3x* Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko, mga sidewalk vendors na magdamag na naman sila sa lansangan, mga batang nakahilata sa isang karton na ginawang higaan. Naantig ng kalahati ang puso ko, naisip kong kahit papaano ay medyo angat ako sa kanila, pero parang mas masaya sila sa akin, nangiti ako. Araw-araw silang nakikipag-apir sa pagsubok ng buhay, ako ay ngayon ko lang naranasan ito, ‘yan ang kumalat sa isip ko.
 
Paglingon ko naman sa banda roon, mga night clubs naman nakita ko. May mga babae sa labas, mga babaeng may mga kapangyarihan na makapanghina ng tuhod, hindi ko tuloy maiwasan maantig naman ang puson ko.
 
Iba-iba tayo ng situation sa buhay, at may iba’t ibang paraan ng pagtanggap sa mga pagsubok. *Hitit-buga-hitit-buga*, bakit nagkaganun ang dapat ay masayang bakasyon? Tanong ulit ng aking diwa…
 
*Rewind*
Nakakagulat ang pagtawag sa akin ni Tatay, nagtatakbo na ako pababa ng hagdan, alam ko na kasing may nangyayaring hindi maganda. Tama nga ang hinala ko, sayang nga lang dahil hindi nasamahan ng numero ang hinala ko, tatama na sana sa lotto.
 
“Ano nangyari sa kanya?!!!” tanong ko sa biyanan ko na pati siya ay namumutla din, siguro dahil sa kaba, “Nahulog sa duyan…!!!” mabilis na sagot ng biyanan ko na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala sa kanyang panganay. Sempre, nag-aalala akong tumabi sa asawa ko na hindi makagalaw dahil sa sakit ng balakang niya. Sa mga oras na ‘yun, hindi ko alam kung papagalitan ko siya o iiyak nalang ako. Nakailang beses ko na kasi siyang sinita sa pesteng duyan na ‘yun, nakailang beses ko na siyang pinagbawalan don na ‘wag sumakay dahil baka mahulog. Pero hindi nakinig sa akin. Sempre, hindi naman expected 'yon.
 
*Play*
“Manong, dalawang tubig po”, sabi ko sa tindero at nakita kong nagliwanag ang kanyang mukha. Kitang-kita ko sa kanya ang pagiging magiliw ng isang Pilipino, sinagot akong nakangiti, “Teka lang po sir”
 
Kapag naitindihan mo na kung gaano kasarap mamuhay sa sariling bansa na hindi mo masyado kailangan ng pera, sobrang hirap ito sa kalooban na lisanin. Muntik na akong hindi bumalik, isang patak lang ng metro ko ay magdedesisyon na akong huwag bumalik.
 
Una, dahil sa anak ko sempre, nagkasakit siya at ramdam ko na parang hindi siya sa akin humihingi ng tulong, masakit ‘yun. Hindi siya sa akin nagpapasaklolo kapag umiiyak o nasaktan o parang hindi siya sa akin nagsusumbong, masakit ‘yun. Pumupunta lang sa akin dahil lang sa familiar ang mukha ko sa kanya hindi dahil sa alam niyang puting dugo ko siya, masakit ‘yon. ‘yung sobrang pag-aalala mo sa kanya pero iba ang hinahanap niyang tao, masakit ‘yun. Sa iba siya humihingi ng saklolo, masakit ‘yun. Sa iba siya tumatahan, masakit ‘yun. Malayo ang loob sa amin, sobrang double masakit ‘yun.
 
Ngayon, tell me kung kaya mong ipagpalit sa salapi ang pagmamahal ng iyong anak? Maganda nga ang buhay ninyo, wasak ka naman sa anak mo. Magandang kinabukasan para sa kanya? Wala sa salapi ‘yon, nasa pagmamahal at pag-aaruga.
 
‘yan ang paniniwala ko, pero bakit babalik parin ako sa gitnang silangan? Tanong ko sa aking sarili.
 
*Rewind*
Limang araw nalang ay luluwas na kami ng Manila, pero ang asawa ko hindi makagalaw. Sobrang nag-aalala kaming dalawa, hindi lang para sa sarili namin kundi para sa mga taong umaasa sa amin. Paano kung hindi na siya makalakad, paano na sila? Paano kung hindi na siya tanggapin sa work niya pagbalik niya dahil hindi na siya capable, paano na sila? Paano na ang sabaw sa hapagkainan? Kakayanin ko ba sila lahat, kakayanin ko bang makapagprovide ng sapat na sabaw?
 
Sa araw na 'yon mismo, dinala ko siya sa isang manghihilot. Kinabukasan nagpa-x-ray naman, at buti nalang walang fracture sa kanyang mga boto. Ayon sa x-ray niya, nabugbog lang daw ang laman o namilipit lang ang mga ugat, na stretch masyado, ayon sa doctor na may sakit ata dahil panay ang pag-ubo at may galis sa kanyang kamay, eow. Parang gusto kong sabihan si Doc ng, “Doc. Excuse your ubo and watch your own galis pls!”


Itutuloy ulit....bwehehehe.


18 comments:

  1. seryosong post na nga eh nagawa pang manlait ng doctor. hihihi kamusta na si misis sana ok na siya. =D

    ReplyDelete
  2. nakaka tats naman ang wento mo brotha, pero para akong sira kasi in between drama scenes eh may tawa factor parin...sad face tapos tawa (repeat 5X)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganyan ang buhay ko sistah...magkahalo ang comedy at drama..lol

      Delete
  3. mas natitindindihan ko na ngayon si Papa. (salamat sa post na ito ido!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kailangan ng papa ang matinding pag iitindi mula sayo...

      Delete
  4. Replies
    1. ayaw ata niya magpadoctor malala na ang ubo at galis nya

      Delete
  5. astig... naaliw na ako sa story...

    ReplyDelete
  6. grabecious pala mga kaganapan ng umuwi ka, kaya pala nasasabi mo na di kagandahan. pero buti at humusay na condition ng baby mo pati ng sa wifey mo ay di malaking injury/no fractures.

    ReplyDelete
    Replies
    1. grabe...hindi pa dyan nagtatapos ang kwento

      Delete
  7. Hopefully ay okay na si wifey mo ngayon.. bakit ganun si doc?hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko alam kay doc...hehe..yeah, okay na siya ngayon...

      Delete
  8. masakit nga yung feeling na hindi ikaw ang night and shining armor ng iyong anak...sa abroad kami pareho ni hubby dito na kami kinasal at nagka anak.. sa twing e suggest ng mga in laws ko na pauwiin ang mga anak ko at sa kanila na manahan... kung iisipin ng utak ko mas practikal.. pero kung isasa puso ko masakit.. nakamamatay, kaya nag pasya akong wag e uwi ang mga junakis ko, oo mahirap mas magastos pero ayos lang basta kasama ko ang mga junakis ko.. if d na namin kayanin edi uwi kaming lahat... kung yun ngang naninirahan sa banketa nakaka survive kami pa kaya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Dark Angel - tama ka nga, yun nga sabi ko sa tatay ko. kung nabubuhay nga mga mambobote sa atin ako pa. kaya last contract ko na ito. ayaw kong isugal ang pagmamahal ng anak ko. ayaw ko maging pabayang ama sa mata niya.

      Delete
  9. ito ang delimma ng isang familyadong OFW.Masakit, walang kasing sakit.

    ReplyDelete
  10. mahirap talaga magtiis ng lungkot kapag malayo sa pamilya .. ako anak pa lang ako na iniiwan ng ina dati para mangibambansa .. masama sa pakiramdam na maya't maya mag-iisip at magaalala ka sa kalagayan ng magulang mo ..... pero sinibukan ko ring isipin .. mas malala ang nararamdaman ng mga magulang na malayo sa anak nila .. pero walang magawa .. kasi yun lang ang alam nilang dahlan para guminhawa kahit papano ang buhay ng pamilyang iiwanan nila dito sa pinas ...


    kaya ako kapag nagkapamilya .. ayokong umalis ng bansa at malayo sa aking asawa at sa aking mga magiging anak ..


    MASAKIT YUN 1000000000x !!!

    ReplyDelete