nuffnang

Thursday, September 6, 2012

Movie review-rebyohan: First Kiss last part



Sa totoo lang, hindi ako nagandahan sa movie na'to, hehehe. Hindi ko nga maitindihan ang sarili ko kung bakit ginawaan ko pa ng review, siguro nasa tamang trip lang ako at dahil din sa may naalala akong kwento ng buhay ko habang pinapanood ko.

Isa na ito sa pinaka-corny na movie na napanood ko. Kadalasan mga ganitong klaseng movie ay hindi ko na tinatapos panoorin, pero dahil sa sobrang nagandahan ako sa bidang babae, hindi ko na namalayan nasa dulo na pala ako ng palabas, natapos din ng walang pag-iimbot. Ang ganda lang talaga kasi ng actress, gustong gusto ko ang mga facial expression niya, saka nakukyutan ako sa language nila.

3 out of 10 ang rate ko sa movie na'to, pero dahil sa ang ganda ng bidang babae at crush ko na siya officially, naks, gagawin kong 6. Highly recommended ito sa mga 12 years old pababa hanggang 9 months.

Anyway, napagdesisyonan namin ng aking sarili na taposin na ito, hindi na ata nakakatuwa dahil sa sobrang haba, hehehe, at dahil may nakahanda na naman akong isang kwento na pagkahaba-haba din, kakailanganin ninyo pahinga para magkaroon kayo ng sapat na lakas. Oo nga pala, salamat sa mga nilalang na hanggang ngayon ay nagbabasa parin ng mga kwento ko, dahil sa inyo pumipitik-pitik parin ang pulso ko para magsulat ng mga kwento, katotohanan man o kalokohan o guni-guni.

Oo nga pala  ulit, hindi na ako nakakapagblog hop ngayon ng madalas. Wala na kasi internet sa work, kaya bihira na ako makapag-online ngayon, tuwing day off lang. Pero siyempre, tuwing day off naman ay busy ako magliwaliw, LOL.

Dumami na naman ang shit ko, buweno, tuloy ang kwento....

~~~~~~

Tawa lang ang tugon sa akin ni Maria Ozawa nung sabihin kong sisingilin ko na ang promise niyang halik sa akin kung sakaling pumasa ako sa aming pagsusulit.

"Edi kunin mo na" Sundot ulit niya habang naglalakad kami, naglalakad ng mabagal parang lakad pagong, yung one step per second.

"hahaha, baliw, dito? ngayon na? hahaha, sira, eh ang daming tao kaya" Natatawang sabi ko sa kanya. Sa mga oras na 'yun sobrang tindi na naman ng kilig na kumakalat sa buong katawan ko, nag wet na ata ako at alam kong kinikilig din siya, ramdam ko 'yun.

"Aba'y diskarte mo na 'yan" Nakangising sagot niya sa akin. 'yung pagkasabi na may halong kilig? Ganun...sinamahan pa niya ng napakasarap na ngiti.

"Dun tayo dumaan" Sabi ko sabay turo sa grand stand, walang tao don tuwing gabi dahil nakapatay ang lahat ng ilaw, bwehehehe, mga loko iba ang nasa isip niyo.

Hindi na siya sumagot basta sumunod nalang siya sa bawat hakbang ko. Sa oval kami dumaan, madilim nga ang lugar. Habang nilalamon kami ng dilim, parang unti-unti na ako kinakabahan. Mahirap ipaliwanag ang feeling ko na 'yun, dahil yun ang  unang pagkakataon na makaramdam ng ganun kakaiba sa akin katawan.

Ano gagawin ko?

Paano ko uumpisahan?

Ayos lang kaya ang hininga ko? Baka amoy bawang dahil don sa kinain kong adobong mani, ayy shit.

'yan ang mga tanong na naglipana sa aking isipan. Nasa gitna na kami ng oval, sa may soccer/footfall field, magkahawak kamay na naglalakad, walang imikan, tahimik ang paligid, parang nagsisimula nang mag-usap ang aming mga puso.

Huminto ako at humarap sa kanya. May kunting liwanag na binibigay sa amin ang buwan na tila handa na rin saksihan ang puweding mangyari sa gabing iyon. Sa puntong iyon, alam kong handa na kami, handa na ako kunin ang aking premyo at handa na siya para ibigay ang kanyang pangako.

Hindi ko masyado maexplain ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yun. Parang lalong dumilim ang buong paligid at siya lang nakikita ko, ang linaw, ang ganda niya.

Wala nang salitang lumabas pa sa mga bibig namin. Umihip ang hangin at parang bumulong sa akin ng "Halikan mo na..." Lalo ako nagulohan sa nararamdaman ko, tapos nun hindi ko na maitindihan ang mga sumunod na nangyari.

"hoooyyy" sabi niya sa napakalambing at napakahinang boses. Hindi ko alam nakapikit pala ako at parang ginigising ako. Pagdilat ng mga mata ko, nakita kong nakapatong na pala mga kamay niya sa aking balikat, halos kayakap ko naman ang kanyang bewang at mga 3 inches nalang ang agwat ng mukha namin.

Kelan nangyari to?

wala akong naramdaman....

May nangyari ba?

wala akong maalala...

Nahalikan ko ba siya?

blanko ang isip ko...

Naghalikan ba kami?

Ilang minuto....?

Bakit parang wala akong maalala...?


'yan ang gumugulo sa isip ko sa mga oras na yun, parang na-hypnotized ako. Pero hindi ko pinahalata sa kanya na wala akong naramdaman, na may kakaibang nangyayari, na hindi ako naniniwalang nagkahalikan kami.

'yun na ba ang pakiramdam sa unang halik? Hindi ko 'yun unang halik pero parang 'yun na rin, ang labo lang pero kakaiba ang  halik na 'yun. Parang may nangyari na parang wala, nakakalito.

"Puwedi isa pa?" Biglang hirit ko sa kanya habang nasa ganun position pa kami. Gusto ko makita, gusto ko maramdaman ang mga labi niya, gusto kong malasahan ang laway niya, gusto kong gawin yun na kayakap siya, gusto ko nasa presence of mind ako.

"Ikaw talaga....hirap ka pala masatisfied.....mwah" Sabi niya sabay tuka sa akin labi.

"Tara, uwi na tayo. Baka mahuli pa tayo ng security dito sa dilim, kung ano pa isipin sa atin" sabi niya sabay hila sa akin kamay at hindi parin ako makapagsalita.

Para naman akong bata na sumunod sa kanya, tolero't nagugulohan parin ako. Nagkahalikan ba talaga kami? Matagal ba? Hindi ko talaga maalala yung unang halik, yung pagtuka lang niya sa akin labi ang naiwan sa isip ko.

Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin ang nangyari, wala talaga akong maalala na naghalikan kami sa dilim. Wala akong maalala ate Charo, please padala mo dito si Gash Abel Gash.

Napakamisteryoso pala ang unang halik.....

~~~~~~
Epilogue

Pagkaraan ng maraming araw, nag-away kami ni Peter, nag-away kami ng girlfriend ko at nagdesisyon si Maria Ozawa na taposin ang "pagkakaibigan" namin.


THE END



*Hahahahahahahahaha

8 comments:

  1. sayang naman ang pagkakaibigan na yan!!! kala ko may parts 4 to 6 pa hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagkagulo, kailangan taposin ang "friendship", pero sayang talaga...hehe...summaries ko lang kwento baka wala na ulit magbasa ng post ko..haha..diba kasama yun sa ayaw ng readers? sabi mo..hehe

      Delete
  2. Ang saklap ng epilogue!

    ang galing ha, kahit mahaba at nabitin ako binabasa ko pa rin ang entries tungkol kay ozawa. haha. galing mo ser akoni!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Sir. Masaklap nga, pero nakabuti sa lahat, lalo na sa akin. :)

      Delete
  3. "..gusto kong malasahan ang laway niya.."

    ba't parang torrid na kagad gusto mo tol? haha. saklap lang nung ending!

    ReplyDelete
  4. akala ko may ibang mangyayari. uhhhmmm.. uhhmmm.. ;)

    ReplyDelete
  5. naalala ko tuloy yung first kiss ko. haha anyway..akala ko may nangyari kaya ka nakalimot.haha

    ReplyDelete
  6. "pero dahil sa sobrang nagandahan ako sa bidang babae, hindi ko na namalayan nasa dulo na pala ako ng palabas"

    parang ganito din nangyari sakin...

    ReplyDelete