May mga topic na abnormal sa pandinig ko, hindi ako
sigurado kung ayos lang yun pag-usapan ng mga lalake o talaga lang abnormal ako
at may problema sa pag-iisip.
Mitikuluso + Lalake = Kulay Pink?
May interesting colleague kami dito, si Mr. Speck
of dust, naalala ba niyo siya, ang English pulis patola natin?
Itong blog na ‘to ay sequel ng storya niya at
sana marami pang sequels na magawa para sa kanya, hehehe.
Nakakasama ko/namin lang siya every lunch. Sa
tuwing lagi niya pinagmamalaki sa amin ang pagiging mitikuluso daw niya ay
napapatingin ako sa kalangitan at sa paligid ko kung nagkulay pink na ba ito.
Namuhay ako na mag-isa sa kwarto, at may taga
ayos sa mga gamit ko, siyempre ang butihing nanay ko. Minsan lang ako
naglilinis ng kwarto kapag dinadatnan ako ng kulay pink na regla. Pero nung
nag-college na ako at nakahalubilo na ang ibang mga lalake, kinilig ako ate,
charot. Hindi naglaon ay nakaugalian ko na rin ang karamihan o normal na pag-uugali ng mga
lalake sa loob ng kwarto, siguro gets ninyo na guys kung ano mga ‘yan? lalo na yung
mga nag-aral sa isang public university, magulo pero masaya.
Nasubokan ko na sa Dorm, boring ito dahil puro
studious ang mga roommates at may curfew pa, kaya ilang days lang umalis na ako.
Nagpalipat-lipat ng boarding house pero magastos naman ito, pero mas masaya,
walang rules walang bawal, ‘yan ang hanap ng isang student. At sa bahay ng GF
ko na kelangan ko pang mag-ala ninja papasok para makitulog sa kanya, umabot
din ‘yun ng ilang buwan, at salamat naman dahil magkarugtong parin ang ulo at
katawan ko hanggang ngayon. Sa experiences ko na ‘yan never pa ako nakakilala ng mga lalake
na ipinagyabang ang pagiging mitikuloso o naging big deal sa kanila ang hygiene
ng kapwa lalake.
Ang awkward para sa akin kasi kung sasabihin mo
sa kaibigan mong lalake na, “Pare naglinis ako kanina ng kwarto ko, organized
palagi mga gamit ko at alam mo bang ang bango-bango ng kuwarto ko?”
Diba, parang may something kulay pink? Parang gusto kong regalohan ng dildo at vibrator.
May mga nakilala na akong mitikuloso o malinis sa
kwarto o katawan na lalake, pero NEVER ko nadinig ang mga ito na pinagyabang at
pinagtsismiss nila na ang roommate nila ay burara, o naging topic nila ang ayos
ng kapwa lalake nila.
Naalala ko nung second year college ako, ang year
na nagboarding house ako. First time, kaya grabe ang ayos ko sa kwarto ko nun,
nagbubunot araw-araw, laging may pabango sa kuwarto at kung anu-ano pang
kaartehan o mga decoration. Pero nagulat ako nung biglang may kumalat na tsismis sa buong kabahayan, bading daw ako ayon sa bulong bulongan, sa galit ko gusto ko nang
tsupain este sipain kung sino man nagkalat nun, pero hindi ko matukoy kung
sino. Buti nalang kinalaunan ay nakumbinsi din sila na hindi ako bading, dahil
minsan na nila ako nabosohan na kalampungan ang nililigawan/girlfriend ng
roommate/best/close friend ko.
Kaya ganun nalang ang awkwardness sa akin nitong
si Mr. Speck of dust, wala siyang bukang bibig kundi ang pagiging mitikuluso
niya. Ang tangin unang pinupuna lang ata niya sa mga nakikilala niya ay pagiging “burara”
daw nila, hindi ko magets sa kanya kung bakit big deal ‘yun sa kanya kahit
hindi naman nila kasama sa bahay at ano naman pakialam namin doon at kailangan pa niyang sabihin sa amin? Isa pang at, at bakit siya laging nakafocus sa
hygiene ng lalake o talaga lang gusto niyang purihin siya o bigyan pansin ang
pagiging mitikuluso niya?Pero sorry siya dahil sa MUNDO NG MGA TUNAY NA
LALAKE, HINDI BIG DEAL ‘YUN, dahil ayun sa manifesto ng mga tunay na lalake,
ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
Sa tuwing naririnig ko siyang nagsasalita ng gayon,
napapaisip ako tuloy kung kulay pink ba ang brief niya o baka panty ang suot
niya, pero ito ang sigurado ako, kulay pink ang pintura ng kuwarto niya.
Sa tingin ninyo, lalakero ba siya o babaero?
Abangan…
Next episode: Macho FAFA: Mr. Speck of dust
Chronicles