Touch move
Bakasyon na, wala nang pasok kinabukasan, wala parin si
Leorap, at wala parin nakakaalam kung saan siya nagpunta. Pagkakataon ko na ito para ipaalam kay kamil ang nararamdaman ko, baka may dumating na naman at maunahan na naman ako, bahala na kung ano ang mayroon sila ni leorap.
BAHALA NA SI KIKOMAXXX.
Habang nagkakagulo na naman sa loob ng klasrum, lalo na ang mga boys at lalo na si
Diamond, dahil sa pagpapakyut nila sa bagong dating na si
LEAH, sumiple ako sa tabi ni
MAYEN.
"Mayen, puwedi ka bang makausap?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, bakit?" sagot niya sa akin.
"Doon tayo sa Canteen, ang ingay dito." sabi ko sa kanya at lumabas na kami.
Palabas na kami ng pinto ng bigla kami sinundan ni
Jhengpot.
"Hooyyyy....saan punta niyo, kayo ah, baka iba na 'yan." panunukso ni Jhengpot at sumama na sa amin.
"Wala ah, may hihingiin lang akong favor kay Mayen at.......dahil nandito ka na rin, halika, may hihingiin akong favor sa inyong dalawa." sabi ko.
Nasa Canteen na kami, umorder na. Nagsabi na ako sa dalawang kaibigan ni
Kamil.
"Oist, baka naman puwedi niyo ako tulongan, pabor naman oh, tell Kamil, i like her at gusto ko sana manligaw." Sabi ko sa kanila na ikinagulat nilang dalawa.
"Ha? Kay Kamil?!!" sabay pa sila with matching NANLALAKING MGA MATA.
"Akala ko si
Iya Khin ang gusto mo, diba lagi kayo sabay noon pauwi?" Sabi ni mayen.
"Akala ko nga, kayo na eh" Pang-iintriga na naman ni Jhengpot at sabay tawanan ang dalawa.
"ha? Hindi, si Iya at ako ay close friends, Oo crush ko siya, pero I don't think so na papatulan ako noon, mataas ang standard noon sa mga lalake, astig 'yon e." sabi ko at lalong tumawa ang dalawa.
"eh paano ka naman nakakasiguro na papatulan ka ni Kamil, aber?" sabi ni Jhengpot na parang nang-aasar ang bruha, pero napaisip ako sa kanyang sinabi.
"Alam niyo, What the fact to ah...Elementary palang, kilala ko na si Kamil..." sabi ko na napa-aaaaaahhhh..nalang ang dalawa sabay inom ng Juice.
"Sige, dahil nilibre mo kami ng Zesto "lang", ayaw namin..." sabi ni Jhengpot at laugh trip na naman ang dalawa.
"Ito naman oh, ubos na baon ko e..pagtiyagaan niyo na 'yan, wala naman pasok bukas e." sabi ko sa kanila.
"Ikaw kaya ang magsabi kay kamil, mas maganda 'yon." Sabi ni Mayen.
"eh nahihiya ako e, pakiramdam ko maiihi ako kapag kaharap ko siya, e how much more pa kung magtatapat na ako sa kanya baka matae na ako" Sagot ko naman at laugh trip kaming tatlo.
"Ang arte mo, sige na...puntahan mo, ayun siya oohh..."Sabi ni Mayen sabay turo kay Kamil na nasa Garden namin.
"Sige na...gooooowwwwhhh" sabi ni Jhengpot.
"Sige na nga, bahala na si KIKOMAXXX, salamat sa suporta ah, tseeeeee" sabi ko at tumayo na ako at iniwan ang dalawang pinsan ni sisa na nagtatawanan.
Nag-isip ako ng paraan, kung paano ako magtatapat kay Kamil at dahil sa pilipino ako, nakaisip ako agad ng paraan.
Kumuha ako ng maliit na papel, wala pa kasi akong Stationary. Sinulat ko nalang mga sasabihin ko kay Kamil, at unang beses ko 'yon gumawa ng sulat para sa isang babae.
Nasa harap na ako ni Kamil, parang nalunok ko ang aking dila, pinagpawisan lahat ng kasukasuan ko, natatae na ata ako at nasusuka sa sobrang kaba, hindi na ako puweding umatras pa, nasa harapan na ako ni Kamil, nakatitig sa akin, touch move na ito, wala nang bawian.
Bago mangyari ang disaster naiabot ko kay Kamil ang maliit na papel sabay takbo palabas ng gate, diretso na akong umuwi. Parang hindi ako makahinga kapag naiisip ko 'yon, hindi ko alam pero parang punong puno ako ng pagsisisi sa mga oras na 'yon, kinabahan ako bigla, baka magalit siya, punong puno ang isip ko ng mga katanongan na "BAKA", baka magalit, baka hindi na ako pansinin, baka sila na ni leorap, baka....pero naibigay ko na, touch move, walang bawian.
Dear Kamil,
Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan, pero matagal na kitang gusto.
P.S.
Ang iyong kagandahan ay higit pa sa mga bulaklak sa iyong paligid.
Akoni
BEHIND THE SCENE:
Kwento ni Leorap