Nilulunod na ako ng lalim ng gabi, sobrang daming kagat na sa akin ng dilim, ginagahasa na ako ng antok, Putek ganito pala ang mag part time job.
First time ko ngayon subukan ang mag part time job, dito sa tindahan ng office mate kong arabo. Kulang daw siya ng tauhan, e kailangan niya ng may mukhang mapagkakatiwalaan, syempre mayroon pa bang iba? Edih akoni, sigurado akong may mukha naman akong mapagkakatiwalaan, hindi ko lang alam sa sampung mga daliri ko.
7:00 am ang pasok ko sa opisina, 4:00 pm naman ang labas namin. Ngayon, magiging 11:00 pm na ang uwi ko ng bahay. Haaaaay...ako na, ako na ang lalakeng kunti lang ang pahinga, ako na si Kuracho, as in kukurapkurap ang kamachohan dito sa tindahan ni boss na kakapiranggot palang ang laman, kaya ang laman loob ko ay nauubos nang gilingin ng makina ko sa loob ng tiyan dahil sa gutom.
Hindi ko alam kung tatagal ako dito, mahirap kalaban ang antok, pero mas mahirap kalaban ang pangangailangan.
Binigyan naman ako ni boss ng isang linggo, para pakiramdaman ko ang situation dito, kung magugustohan ko daw, tsaka na namin pag-uusapan ang talent fee. Putcha, talent fee? Eh, tatlong oras na ako dito, ni bangaw ay wala pang napasok dito.
Ang gusto ko lang dito e may sariling internet, kaya kahit paano ay may napaglilibangan din ako, tsaka may kasama naman akong pilipino na nakakausap at puwedi kong ka-eye to eye, wag lang sana kami maging ala brokeback mountain, dahil hindi ko siya uurongan.
ikaw na ang sumAside job. grabe. mukang yayamans ka ng bonggang bongga sa pag part time. hihihihih. iwas sa brokebackan.
ReplyDeleteawwww.... :) hahaha kawawa naman ang kuya at may part time job.. pero kung ganyan na nag iinternet ka naman..parang okay lang naman.. hahah uysst kuya iwasan an broke back
ReplyDeletehayaan mo ng kung walang pumapasok, buti nga yon walang trabaho at mag internet ka na lang. Pero syempre dapat byaran ka ni boss kahit walang tao. naku yayaman ka nyan. maganda yan para pag uwi mo sa pinas may panlibre ka sa aming mga blogger friends mo. hehe.. good luck!
ReplyDeletenanaw ang panganay ko, pakiramadaman mo lang yan anak, kong kaya mo go! go! GO! kong hnd nman, huwag mong pilitin.. MORE POWER TO YOU!!
ReplyDeleteisang malaking good luck sa pag-akyat sa brokeback mountain chhhaarrrrrrrrrr
ReplyDeletehahahahaha
-----
sabihin mo pakabit ng internet... lewls... para naman masaya.. heheheh :D
ingats po jan sir akoni... :D
Nice kuracho!haha..merun k pang trbho..ang pggng c kuya!haha.. 24/7 kng gcng para bntyan ang mga housemates!haha! Pg ngyari un ikw n c wakuracho!
ReplyDeleteYong internet connection ang panalo.Parang pamatay oras lang pero may talent fee.Parang modeling -Pagkatapos mag pa cute ikaw ang babayaran.
ReplyDeleteNapansin ng kaopisina mo ang panghatak powers mo sa customer di siya nagkakamali. ilubeyt.
Khanto - subok lang...panibagong experienced.
ReplyDeleteKamila - hahaha..hindi ko alam kung kaya ko, ang pogi niya e..LOL
Mayen - hahaha..blogger friends? sige libre kita :)
mama - lumilibil ap lang mama
egg - salamat egg, magdadala ako ng madaming movies..
Jhengpot - wakuracho..LOL, ano un?
Diamond - hehe..sana maganda talent fee.hhehe..hindi pa kasi namin napag uusapan e.
naks...sumasideline ohhh..
ReplyDeletekayang kaya mo yan...
paginaantok ka,mangulangot ka,mawawala yan..
lol sa brokeback.. :)
ahaha... now lang nagbackread... hayop, brokeback?.... kunyari ka pa! ahahahaha
ReplyDeleteikaw na ang pagod! lol
ikaw na. ikaw na ang lalaking Osang..si OSONG. eheheh
ReplyDeletebaka sa sobrang pangangailangan sa laman eh humantong na kayo sa ... (careless whisper theme here) eheheheh...
na-try ko din mag part-time pero hindi kinaya ng powers ko kaya ayun isa akogn quitter. Pagpahinga ka, hindi ikaw si Darna, kailangan mo ng pahinga.
ReplyDeleteKUPS -salamat sa pagbabrokebackread..haha
ReplyDeleteNieco - salamat din sa pagbabrokebackread..hehehe..malapit na malapit na..hehe
Sey - salamat sa pagbaback read..sana naging masaya at safe ang vacation mo. salamat! try lang din to..pero carry pa naman.