nuffnang

Sunday, April 24, 2011

Kili-kili

Bago ang lahat gusto kong malaman mo na walang kinalaman dito ang kili-kili, sadyang nilagay ko lang yan dahil pinagpawisan ng bonga ang kili-kili ko kanina dahil sa sobrang pagka-busy sa work, pagtae lang ata ang pahinga ko.

Kanina habang ako'y nakaupo sa inidoro, may pumasok na idea sa utak ipis ko. Bigla ko naalaala na mayroon pala akong natatangin kapangyarihan, ooohhh yeeahhh you read that right, may kapangyarihan ako sa pamamagitan ng isip. Malakas ako mag-isip, dahil ito ang kadalasan kong ginagawa.

Bago ka muna ma-excite dyan, sasabihin ko na kung ano ang aking kakayahan. *Hinga malalim* may telek telicni tekel tleksis kileki kakayahan ako magpagalaw ng isang bagay sa pamamagitan ng aking isip.

Syempre hindi ko naman ito sasabihin o ibubunyag sa inyo kung wala akong ebedesya, kaya para sa inyo gumawa ako ng video na magpapatunay na kaya kong pagalawin ang isang bagay dahil sa naisip ko.

Babala: Huwag gagayahin dahil maari kang masiraan ng ulo, tangin mga katulad ko lang ang may kakayahan gumawa ng ganito, pero kung interesado ka parin, e-mail mo ako.

Eksena: Huwag pansinin ang magulo kong table, ang tutokan mo ay ang PEPSI...then, sppoooffff gagalaw ito, at wag mabibigla kong bigla ka nalang manigas dyan dahil sa nakita mo.

okay ang dami ko nang satsat ito na.....


video


Ngayon alam mo na ang natatanging kapagyarihan ko, bilib kana ba?

18 comments:

  1. Badtri hindi nagpiplay yung video sa ipod ko... Try ko mamaya sa pc sa bahay... Nacurius ako kung totoo b o hindi yang kapangyarihan mo at agad agad akong magpapaturo sayo... Hehehe Happy Easter parekoy!

    ReplyDelete
  2. Saya magandang pang easter sana yan...hehe..salamat parekoy.

    ReplyDelete
  3. walang @#$$^%& ka!!! kala ko pa naman kung ano! para akong tanga kala ko may sounds wala din pala idinikit ko pa tenga ko sa laptop ko!! ang galing mo! sarap mong sapakin!! powers ha!! maglinis ka nga ng lamesa mo!! tsee!

    ReplyDelete
  4. Meron ka ngang power. hindi na mapagalaw ang pepsi kundi kami ang tumutok sa lata na parang may inaabangang mangyayari. sabi ko sa sarili ko ingat baka ka magulat tatalon yan.lalabas sa monitor mo.

    pero naaliw pa din naman ako sa naisip mong ito.Meron din kasi akong power na ganyan.
    Tama si Iya_khin maglinis ka ng lamesa mo baka may daga na diyan.

    oo nga pala AIDS strategy.alam mo na

    ReplyDelete
  5. ahaha... natawa ako dun.. kala ko totoo na.. anyway.. nice one..

    ReplyDelete
  6. ang galing!! gumalaw nga! pramis!! wala akong nakitang ruler dun!!!! pramis!!! ang galing mo!!! galing ng kuya ko!! hahaha

    ReplyDelete
  7. walang hiy* ka! na excite pa naman ako. sabi ko na di dapat ako umasa eh. hehe.. alam mo ganyan din kagulo ang table ko sa office hehe.. ganyan yata talag pag my AIDS no? para hindi halata. hehe..

    ReplyDelete
  8. langya ka! sana man lang hindi ko nakita ung kamay mo! sana man lang ung ruler na lang ang nakita ko kaloka ka! hahahaha

    akala ko wala ng tatalo sa kaguluhan ng work table ko sa bahay, hmmmmm mas malala pa pala ugn table mo! :)) natuwa naman ako hahaha

    ReplyDelete
  9. puchaness! kala ko naman kung ano..kamusta naman ang ruler? wahaha.. iba talaga ang trip mo akoni, topaking bata..wehehehe

    ReplyDelete
  10. ang daming kalat,hehe...parang may telekenetic power.....

    ReplyDelete
  11. hapi easter koya akoni

    wala naman nanyayari dun sa pepsi ah???

    anyway.. ang gulo nung table.. damin g kalat.. sino ba cleaner for the day senyo?? lol

    haaayyyy di ko mapigilan ang magcomment... haayyyy

    ReplyDelete
  12. Bwahahahahaha!Naka-ruler! Lol

    ReplyDelete
  13. Iya_khin - hehehe...may ano naman ah..e wala na akong time mag-ayos ng lamesa ko...LOL

    Diamond - hahaha..salamat naniwala kang may power ako..hehe..wag hayaan na natin ganyan lamesa ko..haha...busy ehh..LOL

    Mama- hehehe..salamat mama, syempre may mga talento ako na nakakagulat, tulad nito...hahaha..malapit na pala matapos yang sudoku ko.

    musingan - totoo naman ah..bakit may fake ba dyan? hehehe

    Kamila - syempre, kuya mo ko e...hahaha..kaya magaling ako..LOL..bakit may ruler ba? wala diba? hahaha

    Mayen - isa yan sa mga teknik, para magmukhang busy..haha gulohin ang table...

    Yanah - may kamay ba? wala ah...hahaha..may ruleR? wala ah..lol..haha...magkaklasmet pala tayo pagdating sa table e..hehehe

    Abby - bakit profile not available ka?

    Tabian- ayos naman ah..bakit parang disappointed kayong lahat sa nakita? hayy nakuu...hahaha

    Arvin - hehehe..ayyuunnn telekenetic power pala..hehe

    Bino - thanks bino..hehe..hahaha

    Egg - hindi pwedi galawin ito ng cleaner namin...dahil mawawala ako sa focus

    Empi- hahaha..stil napagalaw ko ang pepsi..

    I am the man..LOL

    ReplyDelete
  14. ahahahaha..josko!!!!


    ang galing ng luler...


    akala totoo ito hahaha

    adik ka talga hahahaha

    ReplyDelete
  15. tae moh! nagpapatawa ka ba?.. ahahaha


    ang sarap mong murahin sa personal!! ahahahaha.....

    ReplyDelete