nuffnang

Tuesday, April 26, 2011

Blog-ibig page12

PANIC ROOM

Pagkatapos ko ihatid si SEY sa klasrum namin ay pinuntahan ko naman ang dalawang pogi.

“Oh Jay...ano mayroon?” Tanong ko sa kanya sabay tapik sa balikat ni Arvin.

“Eh ito si Arvin, may plano kumandidato for president”. Sabi ni jay at nakangisi lang si Arvin.

“Kailangan namin ng tulong mo, marami kang connections lalo na sa mga sophomore at freshmen”. Sabi ni Arvin.

“aaahh..plano niyong dalawa sakopin ang kaharian ito?” biro ko sa kanila at natawa sila.

“Walang problema mga pogi, sige susuporta ako sa inyo.” Sabi ko sa kanila at nakipagkamay ako kay Arvin.

Kilala si Arvin sa mga 3rd year at 4th year, dahil sa pagiging active niya sa mga...sa lahat ng gawain aktibidad sa skwelahan.

“Tara na pasok na tayo sa room, dadating na si ma’am” yaya ni Arvin sa amin ni JAY.

Huli akong pumasok sa room, nakita ko si Kamil na nakaupo sa unahan, hiyang hiya ako sa kanya, hindi ko alam, siguro normal lang ‘yun sa mga bagong umiibig, bumalik na naman sa utak ko ang laman ng liham niya, kinilig naman ang kalamnan ko, at umangas ang puso ko.

Nagkasalubong ang aming mga mata, nataranta ang utak ko, hindi ko alam ano gagawin ko, pero ilan seconds lang parang automatic ang bibig ko, gumuhit ng isang napakatamis na ngiti, nakita kong kumislap ang kanyang mga mata, senyales na the feelings is mutual.

Para akong lumulutang sa ere, hindi ko maramdaman ang pressure ng unang araw sa school, ang saya-saya ko. Kung gaano ako kakulit, ganun din ako kamahiyain pagdating sa babae. Torpe ako sa salitang kanto, kaya hanggang tingin lang ako sa kanya, ni hindi ko nga magawang makisabay sa kanya tuwing recess e. Mula noon lagi ko na lang siya pinagmamasdan, at nangingiti na lang siya sa akin, sa ganun  lang ay kumpleto na ang maghapon ko.

June 12, Independence day. Kailangan magparade, lahat ng school ay magtitipon-tipon sa City Hall para gunitain ang araw ng kalayaan. Member siya sa majorettes, kaya lalo akong humahanga sa kanya dahil bagay na bagay sa kanya ang kanyang uniporme, at ang galing-galing niyang gumiling (bontiyaya bontiyaya boom-boom-boom).

Pagkatapos ng parade, hinanap ko na agad kung saan ang pulutong ng mga majorettes, siya agad ang hinanap ko.

“Saan mga majorettes, si kamil?” tanong ko kay mayen at jhengpot habang kumakain sila ng ice cream.

“Doon...” nguso naman ni Jhengpot sa kinaroroonan nila, nag-eenjoy naman si mayen sa ice cream niya, slluurrrppssss.

Pumasok akong nanlilisik ang mga mata ko, at tumutulo ang laway ko, (hehehehe) joke. Kasama ko si Diamond at Jay, pumasok kami sa kwartong iyon, naabutan namin silang nagtatawanan kasama niya ang ibang majorettes.

Uyyyyy.uyyyy..uyyyy..” umugong sa loob ng bakanteng room, (security room ata ‘yun)

Nagkaintindi naman ang ibang kasamahan niyang majorettes kaya lumabas sila, binigyan ko naman ng pera si Diamond at Jay para pambili nila ng ice cream.

Kami lang dalawa ang natira sa loob ng room, kaya nag-panic ako...



itsotsoLHULOY

12 comments:

  1. nagpanic dahil dalawa lang kayo sa kwarto? hmm :-D

    ReplyDelete
  2. jajajaja..
    nagpanic...

    dahil sa tensyon..
    dahil sa kaba..
    dahil sa nagkakape sya..
    dahil sa in love...
    dahil sa marami pang dahilan...char!

    jejeje...pinilit tlagang isingit
    ang nem ko ih noh...

    next page!
    next page!

    ReplyDelete
  3. nag panic ka at natae. hehe..

    anu ba yan bitin na bitin. Salamat sa appearance ko blog na ito na parang akong ako mahilig sa ice cream. hehe..

    Next page na dali!!

    ReplyDelete
  4. maraming nagaganap pagdalawang tao lang ang nasa loob ng klasrum....hahahahah...

    ReplyDelete
  5. nagpanic dahil, di ko alam. dapat kabahan lang wahihihi.

    ReplyDelete
  6. hala! baka may *** na mangyari hehehehe

    ReplyDelete
  7. asus wrong move

    ReplyDelete
  8. ano kamo bino SEX? ahahhahaha... may tubol lang na gustong lumabas...

    ReplyDelete
  9. nagpanic ka nanaman? talagang nanuhol ka pa ah para masolo mo si kamil. ingat ka baka maihi ka sa salawal mo sa sobrang kaba. hahaha!

    ReplyDelete
  10. Hindi kami nag pasuhol para makapambili ng ice cream.Kusang binigay ni akoni yon.Pero Napahiya naman ako doon ang manhid namin ni Jay sa isang desperadong makasulo ng mga pagkakataon.Hayss.

    ReplyDelete
  11. hulaan ko.. nagpanic ka kase biglang nagtransform si Kamil at naging monster at di mo alam na mag-eend na pala ang life mo ng ganun na ganun lang.. pero syempre nakatakas ka sa pangyayari for the fact na sinusulat mo toh ngayon kuya? hahahahahahahha!

    ReplyDelete