nuffnang

Sunday, April 10, 2011

Blog 101: Palakpakan



oooohhhh yeah, lumelebel up na ako, naka-one-hundred-one blogs na ako.

Dahil dyan magbabalik tanaw ako sa nakaraan, huhukain ko ang mga paborito kong blog at ito na silaaaa…

Mga paborito kong blogs

15. Blog-ibig – Ito ay tungkol sa buhay pag-ibig ko, pinaghalong fiction at katotohanan, 75 % true story at 25 % fiction. Paborito ko ito dahil ginagamit ko ang pangalan ng mga ka-bloggers ko.

14. Akoni at ang akonilandiya –  Akala ninyo ay fiction ito, pero may kunting fiction naman, 5 % lang. hehehe. Ang unang pangalan ko ay IMRAN, at dahil sa sakitin ako noon, nang minsan may nanggamot sa mama ko, pinapalitan niya name ko.

13. AIDS AKO – Dahil sa Pagmamahal ko sa akin trabaho, naisulat ko ito. Pinagtripan ko ang mga ka-office mates kong arabo.

12. Unang kagat – Masarap alalahanin ang unang kagat, minsan may mga pangyayari sa atin nakaraan na gustong gusto natin laging iniisip, pero ayaw na natin balikan.

11. Gusto kong magkaSALA – sino ba ang taong ayaw magkasala? Ako, pangarap ko ang magkasala. Gusto ko ang blog na ito dahil naiyak at kinabahan dito si mama at si heaven ko. hahaha, syempre ayaw nila ako magkasala.

10. Destiny – Dahil naniniwala ako na lahat ng mangyayari at nangyayari sa atin sa planetang ito ay naka-destined na sa atin at paninindigan ko to.

9. “Ganito nalang ba palagi?” – Ako’y isang OFW, hindi maiwasan mag-drama.

8. Imbentor – Walang kasing sarap ang makasama mo ang mahal mo sa buhay.

7. May Gaydies friends – Meet my three gaydies friend, sila ang mga batch ko dito sa Saudi na nag-aruga sa akin, itinuring nila ako bilang kapatid, chooosssss..i love them.

6. Dear Diary – Nakakamiss ang magsulat ng diary, sabi nila parang diary din daw ang pagbablog, pero para sa akin magkaiba. Sa Diary, personal life ko, dito sa blogsphere mga pananaw ko sa buhay ang kadalasan kong sinusulat (naks).

5. Ang alamat ng itlog ng manok – Original ang storya, 100 percent galing sa kaibuturan ng aking kalokohan at guni-guni.

4.” Beh, buti nga” –  Ito ang pinakamabilis na naisulat ko sa lahat ng blogs ko, 3 to 5 minutes lang ata. Tapos habang sinusulat ko ito ay namimilipit ako sa sakit.

3. Kaibigan – Tungkol sa amin ng aking Kaibigan, kapatid, at true friend. Mga tips kung paano namin naiguhit ang aming pagkakaibigan.

2. Love story AKONI – Tungkol sa pagmamahalan ng dalawang nilalang, isang babaeng tao at isang lalakeng alien. Tunghayan ang kanilang storya.


Special mention:

According to AKONI 1 and 2

At dahil pang 101 blogs ko na ito, puwedi ko nang pabayaan itong blog ko...hahaha..kung kailan gusto ko magsulat saka na rin ako mag-a-update, may karapatan na ako…LOL..echooss lang.

24 comments:

  1. congrats sa 101! blog ibig is my favorite and What the facts.. :)

    ReplyDelete
  2. Personal favorite ko 'yung alamat ng itlog ng manok, legend na may modern touch, haha!

    Congrats!

    ReplyDelete
  3. 101 talaga. pero may karapatan ka talagang mag sulat. di tulad ng mga post ko mga tipong wla lang.blog ko to.pero baka mag level up din pag nagtoto
    congrats. nag backread ako sa mga post mo.

    ReplyDelete
  4. I like the What the facts. Trivia.. na hindi ko alam kung totoo o hindi. haha... ALso the DESTINY.. Pero yung pinakaborito ko yung... Gusto kong magkasala!!!!

    hahaha!! Laughtrip ako dun. Napaisip tuloy ako nung mabasa ko yung post na yun. Ang dirty ata ng mind ko..

    Pero honestly, kung ibabase lang sa naisip ko (at hindi yung sala... klasro ba?) eh.. honestly, gusto ko nga na magkasala minsan. Kasi nakakabore din yung super perfect ka.. and people would start to expect things. And then you do something wrong, kahit na very petty sya.. it's already a big deal. diba?

    kaya minsan, okay lang din sigurong magkasala ka.. pero hindi yung makakasakit ka na ng ibang tao... or makukulong ka or something... I dunno. ang gulo ko! hahaha...

    Ayun, Akoni.. yun ang pinakaborito ko sa lahat. kasi dun ako napaisip... at natawa nang sobra. toinks!

    Kmusta na nga pala ang sala set mo? lol..

    ReplyDelete
  5. Ay.. and congratulations nga pala... nakalimutan ko tuloy.. sa hinahaba-haba ng cmment. tsk.

    Congratulations sa iyong 100th post, blogger Akoni. Pa-burger ka naman! Burger!

    ReplyDelete
  6. Iya_khi - ty

    Leah - woaahh...haba, i love it..haha..haha..pang victim ko ang gusto kong magkasala...hehehe...hhmmm para maganda yang naiisip mo ah..hehe.ayaw ko magcomment dyan..haha..madami ako niyan..hehe..pero tama ka, minsan kailangan maging loko-loko..hehe...sala na mararamdaman mong magiging malaya ka, un ata..hehe

    at salamat sayo, oo nga pala hindi ito pang 100 kundi 101..hahaha...thank you..

    hindi pa ako nagkakasala set..hehehe..LOL

    ReplyDelete
  7. wow congrats Akoni, ako kaya kelan ako mkaka 101 post...hahaha

    keep it up :-) will try to read some of your post na nilista mo, mukang super cool based sa mga comments nila...hehehe

    ReplyDelete
  8. bago ang lahat nash...welcome to akonilandiya..hehehe..hindi naman super cool, parang stand up comedian lang..hehehe..salamat

    ReplyDelete
  9. idol kita sa katarantaduhan.. kasi sa tuwing nagbabasa ako, parang tinatantado mo isip ko! ahahaha.... asan na ang dalmatians??? congrats kups!!! lol

    ReplyDelete
  10. hi Akoni,
    di ka nag-iisa! gusto ko ding magkaSALA! hahaha...hanggang ngaun natatawa pa ako. panalo sa akin ito. :-)

    ReplyDelete
  11. papaiksiin ko nalangs a congratulations ang comment ko sa iyo..

    yan din ang plano ko.. kasi naingit ako kay Kiko.. ung nag post siya ng 100 post..

    now ikaw naman..

    actually naka handa na ang post kong about dito..

    anyway.. Congratulations... keep up the good work...

    ReplyDelete
  12. Leorap - nagkakaamoyan lang ang mga tarantado..hahaha..kung may kapamilya, kapuso, kapatid, ikaw naman ay aking katarantadohan..LOL..dalmatians, pinulutan nila..hahaha..thanks kups.

    Animus - kakaiba ang name mo..hehe..salamat! sana magkasala ka narin ng sobrang laki..haha

    Msingan - thank you...sige wait ko post mo..

    ReplyDelete
  13. yehey! congratulations!!! sulat lang ng sulat.

    nice post! i like it. spammer mode lang hehehe

    ReplyDelete
  14. Congrats Kuya Kapatid! Di ko na rin alam na ang bilis na pala ng panahon at ngayon sikat ka na..naka 101 ka na din.. akala ko 101 tips toh sa pagbblog eh... lol..

    Hay kuya.. ang mga gusto ko pang abangan na kwento dito ay kwento niyo ni heaven mo.. more! hahahaha :)

    At congrats naman ng mataimtim..maligaya ako for you!

    ReplyDelete
  15. Salamat mga parekoyssss..

    Bino - thank you, you're one of my elders..hehe

    Kamila - OO nga e, ang bilis ng panahon, dati ikaw lang naliligaw dito..hahhaa..salamat bunsokoy..mwahpaxx

    MOKS - bago ang lahat, welcome to akonilandiya...hehe..salamat, nandito ako sa office kaya cant follow you back, hina net dito.

    ReplyDelete
  16. love story akoni ang pinaka fav ko dito..dun ksi kta ndiskover...jejeje..

    congratz!!! paburger ka naman big bloger!!!

    ReplyDelete
  17. hahaha..salamat Lhuloy, lista mo nalang pa-burger ko sayo..hahaha

    ReplyDelete
  18. 101? weh? sige na, ikaw na...congratulations akoni!

    ReplyDelete
  19. hehehe thanks sa pagwelcome Akoni, mukang mapapadalas ang pagtambay ko dito...hahaha

    ReplyDelete
  20. Congratulations!!! Hindi pwede pabayaan pero pwede ka mag-break dahil hinihintay ko pa ang blog-ibig okay.

    ReplyDelete
  21. tabian - hehehe..nakaraos din..LOL..salamat,kamusta na mga brutal mong movies..LOL

    Nash - thanks ulit and youre welcome, ang karangalan ni akoni ang makilala ka dito.

    Sey - nakakatuwa ka talaga sey..thank you so much..hehe

    ReplyDelete
  22. sabi ko sayo panoorin ko kasi...
    ng malaman mo kung swak ba..hehe

    ReplyDelete
  23. ewan ko sayo...hahaha..sayo na yan..

    ReplyDelete