nuffnang

Monday, April 25, 2011

Mahal na araw


Galing sa gugol
 Mahal na araw ngayon April 25, 2011, mahal na araw namin ngayon ng aking heaven. Mahal na araw namin ngayon, dahil ngayon ‘yong araw na nagkapares ang ulo namin, ngayon ang araw na naging apat na ang mga tuhod at mga kamay namin, at ngayon ang araw na nagkaroon ako ng permamenteng kadaaupan labi.

Ngayon araw ang dahilan kung bakit ako nawala noon ng ilang araw, dahil pumunta ako sa kanya, trip to heaven. Para sa mga hindi nakakaalam, magkahiwalay kami ng aking heaven, dito ako sa baba ng puson ng Saudi at doon naman siya sa dulo ng dila ng Saudi.

Halos pitong oras ang biyahe papunta sa lugar niya, kaya halos pitong oras din ako magbubutas ng upuan sa bus, halos pitong oras din titiisin ang  maanggong amoy ng mga ibang lahi sa loob ng bus, at syempre lahat ng klaseng posisyon sa pag-upo ay nagagawa ko sa loob ng halos pitong oras.

Pero ayos lang dahil pagdating ko naman ay “heaven ang feeling” ang kapalit, at magiging walang silbi akong nilalang, dahil wala akong ibang gagawin kundi kakain, matulog, (censored), mag-relaks, magmahal at mahalin, heaven talaga, 2days in heaven.

Na-realized ko, ganoon talaga ang buhay, laging may pagsasakripisyo para masalap mo ng isang daan pursyento ang kaginhawaang papalit, kung may hirap na dinadaanas, lagi mong asahan na may kaginhawaan din na dadating, at huwag kakalimutan magpasalamat. Korek nga ang laging sinasabi ng mga magtataho, “Kung may tiyaga, may hilaga”, sa akin naman “Kung may biyahe, may heaven”.

Maligayang mahal na araw sa amin ni heaven!

18 comments:

  1. Nakanang tido effort matikman lng ang heaven... Hehehe girlfriend mo b o wife na?Gagawin talaga makasama lng sya. Hangswitttt hehehehe

    ReplyDelete
  2. nakanaks! eh di ikaw na ang lumalablayp! ikaw na ang umeeport much. tae lang.. ang bitter ng dating ko. hahahahaha

    ReplyDelete
  3. humayged...ibang klaseng mahal na araw!
    kala ko talga pang-lenten...taka naman ako bat ikstended mahal na araw mu..yun pala ibang mahal na araw nitutukoys mu...

    eniwi ang dmi kong pinaliwanag...
    HAPPY MAHAL NA ARAW sa INYO ni HEAVEN!

    ReplyDelete
  4. Matagal at mainit man ang byahe, GO pa rin. Basta't papuntang heaven. Oh yeah! hehe..

    Maligayang mahal na araw sa inyong dalawa. :)

    ReplyDelete
  5. Pagpalaain nawa ang iyong mga loving moments.

    ReplyDelete
  6. WIT WIT!!! Ang gondooo super ni heaven mo kuya.. ang swerte mo naman talaga sa kanya!!! Excited much na ako sa beybi... uso ba sa inyo mga ninang ninong... di yata! hahahah

    ReplyDelete
  7. eto ang masayang mahal na araw.. Happy Mahal na Araw! like :)

    ReplyDelete
  8. and wedding anniv niyo rin pala. makikibati na rin :)

    ReplyDelete
  9. akalain mo un... ahaha
    wala akong masabi....

    ReplyDelete
  10. wow, maligayang mahal na araw sa inyo. Kaya pala nawala ka si heaven pala ang dahilan. Ang cute ng tawagan nyo.

    Tama ka dito: "laging may pagsasakripisyo para masalap mo ng isang daan pursyento ang kaginhawaang papalit, kung may hirap na dinadaanas, lagi mong asahan na may kaginhawaan din na dadating"

    Hindi mo malalaman maganda ang isang bagay kung hindi ka nakita ng pangit. hehe..

    natawa naman ako sa mababahong nakasama mo sa bus. hehe..

    Saludo ako sa inyo ni heaven at nainggit ako, buti pa kayo nagkasama na. kami medyo matagal pa.

    ReplyDelete
  11. naks. 7 hours of pain katumbas ang walang hanggang love at heaven kasama na ang censored part :p

    ReplyDelete
  12. Yahooo, tanggapin mo ang pagbati ko sa inyo ni Heaven mo. Gusto ko din yung line na sinabi ni Mayen. Galing nun ah. Ganun siguro talaga, kaya minsan mas masaya kung nauuna ang sakripisyo para at least may excitement pa ang buhay, looking forward to good things that will happen.

    I am happy for you and for your heaven. Heaven talaga magmahal. Saludo ako sayo.

    ReplyDelete
  13. ayun ohhhhh...


    masayang MAHAL NA ARAW SA INYO...



    HEHEHE

    ReplyDelete
  14. achus, achus, achus! grabeh na ang mga langgam sa ka sweetan, na diabetes na naman ako..

    akoni and wifey maligayang mahal na araw to yow! :D

    ReplyDelete
  15. ayun oh..... isang happie anniversary sa inio ayiieee :D

    ReplyDelete
  16. *hikbi* salamat ng madami sa inyong lahat..ahuhuhu..salamat..waaahuhuhu..

    ReplyDelete