nuffnang

Saturday, April 2, 2011

BATA



Leron-leron sinta
Buko ng papaya
Dala-dala'y buslo
Sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos palaranan
Humanap ng iba.

Isa 'yan sa paborito kong kantahin noon bata pa ako, sa katunayan nga, ginawaan ko pa yan ng sarili kong bersyon, pero hindi tungkol sa bersyon ko ang blog na'to.

Noon nasa elementary pa ako, laking tuwa ko kapag oras na ng kantahan at kapag nakakahalata na si titser na inaantok na kami.

"Okay, class...inaantok na ata  tayo, kantahan muna tayo ah? Everybody stands up." Sabi ni titser

Mag-uumpisa muna ang kantahan sa simpleng ngiti...

"Class, sampung palaka...1, 2, ready sing..." pag-uumpisa ni titser.

Sampung palaka, lumalangoy-langoy
pataas, pababa, paikot-ikot.
Ang sabi ng nanay,
 matulog na kayo,
ang sabi ng palaka,
ayaw ko, ayaw ko.
Ang sabi ng tatay,
kumain na kayo,
ang sabi ng palaka,
gusto ko, gusto ko.

"Oh, sabayan niyo ng sayaw...ulit pa..." sabi ni titser na natutuwa dahil sa nakakaaliw at nakakatuwa na sayaw namin.

Lima hanggang anim na taong gulang ang edad namin noon. Nanunumbalik ang kulit, sigla at tuwa namin pagkatapos kami pakantahin at pasayawin ni titser, kaya aliw na aliw din sa amin ang mga nakakakita lalo na ang si titser.

"Very good class, ang gagaling ninyo. Palakpakan natin ang atin mga sarili" sabi ni titser at lahat kami ay pumalakpak at nagtawanan.

Pagdating naman ng bahay, diretso na kay mama at papa para ipakita at ipagyabang ang mga natutunan na sayaw at kanta. Kaya ganoon din ang tuwa sa akin ng mga magulang ko, ipinagmamayabang din nila ako sa ibang tao.

Simpleng buhay bata, ang saya hindi ba?

Eh ito kaya...

Siguro alam mo na ang tungkol sa batang si Jan-jan na pinasayaw sa isang programa sa TV. Pinanood ko ito sa youtube kagabi, anim na taon din si Jan-jan, tulad namin noon na hilig din sayawin ang paboritong kanta.

Pero habang pinapanood ko ang video, nagtaka ako dahil naiba ang sayaw at kanta ng isang bata. Nakaramdam ako ng awa, hindi lang kay Jan-jan kundi pati sa mga magulang niya at sa mga nanonood na tuwang tuwa sa panggagaya ng isang anim na taon gulang na bata sa isang sayaw na malaswa. Ganun na ba tayo ngayon, natutuwa at pinapalakpakan ang ginagawang "hindi dapat" ng isang bata?

Nasaan ang kasabihan ni fafa Dr. Jose Rizal na "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan? 'yun ba ang tinutukoy ng atin bayani? eh nasaan ang pagiging relihiyoso at pagiging mataas ng moral natin mga pilipino? Ganun ba 'yun?

May mga gawain na naaangkop lamang sa mga bata, at may mga gawain na naaangkop lamang sa amin ni Hayden K.

Hindi porket kagustohan ng bata ay ibibigay mo na, wala pang alam sa kamundohan ang mga bata, kaya nga nandito tayong mga matatanda para gabayan sila at ipaalam kung alin ang tama at ang hindi tama.

Halimbawa: Ang bata ay ayaw nilang natutulog tuwing tanghali dahil mas gusto nilang maglaro o manood nalang sa tv, diba hindi natin hinahayaan 'yun dahil lang sa gusto nila, e ang malaswa pa kaya, hindi ba?

Iba ang nakita ko habang pinapanood ang video ni Jan-jan na sumasayaw. Ang ngiti at halakhak ng isang bata ay napalitan ng mga luha at lungkot, at ang nakakatuwa at makulit na sayaw ng isang bata ay napalitan ng malaswang sayaw.

Ito lang masasabi ko, "HINDI AKO NAALIW MGA BALIW!"






22 comments:

  1. Alam mo ngayon ko lang naintindihan yung video na yun,... Ayuko kay Willie... ayuko..feeling ko may sungay siya talaga... kase kahit na ang dami niya kasalanan sumisikat pa rin siya...

    kaya di ko alam, kase di ko pinanuod yun..kahit na may nakita akong blogger na nagpost nung video na yun.. inis much..hheheehhe

    pero tama ka.. parang tanga kase si willie

    ReplyDelete
  2. at dahil jan.. me THEME SONG na akowww....

    "Sampung palaka, lumalangoy
    pataas, pababa, paikot-ikot.
    Ang sabi ng nanay,
    matulog na kayo,
    ang sabi ng palaka,
    ayaw ko, ayaw ko.
    Ang sabi ng tatay,
    kumain na kayo,
    ang sabi ng palaka,
    gusto ko, gusto ko."

    matching with shembot shembot lol...

    ----------

    about kay Janjan.. yan ba ung sa willieng willie?? di ko pa yan napapanuod... di naman kasi dapat panoodin si willie... dahil wala siya awents!!!!! hmm matignan nga kung panong sayaw ang ginawa ni janjan... :)

    ReplyDelete
  3. maraming nagsasabi na gusto lang nilang bumagsak si willie. pero kung ako ang tatanungin, hindi dapat ginawa sa bata un. dapat magulang na mismo ang pumigil at nagsabi sa bata na mali ang kanyang ginagawa. tsk tsk nakaabot na to sa ibang bansa. hay.

    ReplyDelete
  4. Di ko pa napanood yun eh,di nga kasi ako mahilig manood,oo nga dapat tinuturuan ng mabuting asal ang kabataan di pinamumulat sa malaswa.na curious tuloy ako check ko nga.
    Iya_khin

    ReplyDelete
  5. hindi ko nga alam bkit ganun ang nangyari alam ko nmn na may magandang hangarin si willie kaso ang pangyayaring ito ay talga nmn nakakainis...

    bkit? kasi bukod sa hindi na matanggap ni willie na may mali sya eh sinisisi pa nya ang magulang ng bata at gobyerno...


    naku turuan na naman...

    ReplyDelete
  6. bakit ganun di ko alam yung sampung palaka. Chikiding paborito ko nun e..hehe.. napanud ko un kay janjan, avid fan ng willing willie yung mga magulang niya kasi napanuod ko na yung tatay niya na sumali doon. Actually bakla nga yung tatay niya. Hindi rin ako natuwa kasi malaswa, tsaka parang napipilitan siya.

    ReplyDelete
  7. tama ka akoni... hinid nga nakakatuwa ang ginawa ni Willie kay Janjan... nakakainis siya... MAYABANG NA.. NAKAKAINIS PA... at ang ginawa rin niya kay JOHN ESTRADA... yung live na pagalitan niya na parang bata sa Phone... kala mo kung sino na siya... Mablog nga siya....

    anyway...
    natuwa ako sa post na ito...
    nakakatuwang balikan ang mga elementary days natin... hayst...

    ReplyDelete
  8. naalala ko.. noon si Gabby Conception.. nandaya daw sa FAMAS AWARD... ayun pinatalsik sa showbiz at nabanned ng ilang taon... kaya nga nawala siya dito sa atin eh....

    kung totoong nandaya si Gabby... may mas emoral pa kaya sa ginawa ni Willie sa isang bata... pasasayawin mo ng kabastusan na sayaw... sabihin na nating marunong siya magsayaw.. pero hindi parin tama iyon... para sa akin lang naman... nakakatakot si Willie...

    ReplyDelete
  9. Kamila - ganun naman talaga ang host ng un e, mahilig mag-tease ng ibang tao,un hilig na niyang gawin katatawanan ang tao. I dont like him, duh.

    EGG - pero alam mo ba kung paano kantahin yan? hehehe..
    Oo ung sa tv5. check mo.

    Bino - kaya nga...nalungkot lang ako kasi for the first time ko makakita ng ganun bata. kapag bata kasi expected ko na ang ngiti at tuwa sa kanya mukha, at ung galaw, bibong galaw ang expected ko, hindi hayden's move.

    Anonymous - kyut ng new name mo. watch mo.

    Uno -un nga, nanisi pa...maliit lang daw un? ha? maliit na bgay? e ang kabataan nga ang pag asa ng bayan..chooosssss, tapos hindi bibigyan ng pagpapahalaga ang kabataan? aayy chooossss

    Jhengpotpot - old school yang palaka, para lang sa mga jologs..hahaha..

    mama - di lang mama ang host ang pinopoint ko dito sa blog ko..ang magulang at audience pati..mmyyy GGGOOOODd, ano na nangyayari sa earth?

    Musingan - hindi naman ako masyado naiinis sa host e, kasi hindi naman niya expected na ganun sayaw ng bata. pero talagang kupal at ungas ang host na un..hehe..baluktot din ang dahilan ng mga magulang ng bata...hayyy naku..pati host liko-liko dahilan. nanisi pa..haaay naku

    ReplyDelete
  10. hindi ko alam basta di ko gusto si willie. YOn lang.
    Sana mapagusapan ito ng husto at maiisip ng maraming magulang na nanonood ng wiling willy na di ito nakakatuwa.
    kahit huli na ang lahat.

    ReplyDelete
  11. di ko alam ung kantang palaka... ang alam ko lang na palaka ay ung palaka ni cheenee kokak. ahahaha....


    regarding kay williee at jan-jan... no comment. di ko napanood at ayokong panoorin sa mga news,.. as in la me paki. hehehe...


    at nung elementary ako... dahil lagi akong honor student nun (ang taray!) ako lagi ang leader-leader sa kung saan. Ako ang taga check ng attendace at taga check ng kuko ng mga ka group ko.. sasabihin ay ganito, "Im happy to tell you classmates that all of my members have clean fingernails!!!" wahhahaha...

    ReplyDelete
  12. Isa ako sa mga nagsupport sa Facebook campaign against Willie and the child abuse thing.

    Actually, nang una.. it was fun to watch the kid dance. Hindi ako magpapaipokrita. hehe.. I even laughed. But then after a few seconds.. siguro mga 30 seconds, nang mag close up sa mukha ng bata, umiiyak na.. dun nako nakaramdam ng.. awa. Im sure na notice rin yun agad ni Willie.. sana itinigil nya na lang.

    And worse, pinaulit pa.. paulit-ulit.. siguro mga 4 or 5 times? yun ang nakakainis. And isa pa.. okay lang sa mga parents. ngek!! Naman!!!!!

    Hay stop na ako.. maganda ang post mo nato, Akoni. Ilavet! Nakakainis lang ang topic. sensya na.. nadala ako. hehehe...

    ReplyDelete
  13. Hindi ko napanood yung video pero napanood ko yung balita na umiiyak yung bata.. Nakakainis talaga yang si Willie, pati bata hindi pinatawad. Kawawa naman yung bata, sana maging successful yung law suits against him para magtanda. grrrrrrrrr!

    Kung si Hayden pa pinasayaw niya dun baka matanggap ko pa. KInalimutan na nga ng marami ang aral ni Fafa Jose Rizal (natawa ako sa Fafa). hehehe.

    ReplyDelete
  14. Diamond - ang ikinalungkot ko ay nawala ang "bata" na kinasanayan ko noon. ganun na ba ngayon? tsk..

    Leorap - old school ang kantang palaka na yan, para sa mga jologs nga..conyo ka, kaya hindi mo alam..hehe..wala rin ako paki, ang point ko ay ung kakalungkot dahil parang nawala ung sigla ng isang bata sa panahon ngayon.

    -buti nalang taga check lang ng kuko..hahaha

    Leah - ang ikinalungkot ko nga e, ung parang iba na ang mga bata ngayon, di tulad noon na wala kaming alam sa mga ganyan. hehe..salamat leah i lab u too. LOL

    Sey - hahahahha..tama ka, kung si Hayden un, nakkkkuuuuu...hahahha..
    sana wag kalimutan mga bilin sa atin ni fafa..hehe...sana din, wag mawala ang kasiyahan at sigla ng mga bata. pag bata kasi, naiisip ko, masaya, makulit, bibo, tapos nakakatuwa. e noon mapanood ko yan si jan-jan, nagulat ako..napalitan.

    ReplyDelete
  15. aaargh, I couldn't get myself to watch the whole video. It just made me so angry!!! (ayan npa-english ang lola!!!

    I know it's love tv & you just don't know what people or kids will do or say - pero kapag mga ganito, the hosts & the rest of the cast should have the decency to stop it - not encourage it!

    Hindi ko alam kung bakit may mga tao pa ring gusto yang Willie na yan! He was axed from his other shows for a reason!!! grrrr

    ReplyDelete
  16. ginawang uto-uto ang batang si janjan..naging sunod sunuran..nagpakita na siya ng talent tapos naulit ulit pa......ang matindi talaga ay iyong sa last part ng video na tumaas ang kinalalagyan ni janjan tapos nag ala macho dancing siya..magsilbi sanang aral ang nangyari..

    ReplyDelete
  17. sa akin child prosti parin yun.. hehehhe

    ReplyDelete
  18. hindi ko pa din napanood yung video. pero kung sa show ni willie galing yun ay tyak walang kabuluhan. dahil para bigyan ka nya ng pera sa show nya pagmumukain ka munang tanga kagaya nung sa bata. kawawa naman.

    ReplyDelete
  19. akala ko sampung mga daliri... :D

    ReplyDelete
  20. Ang masakit d2 akoni kapangalan pa ng anak ko yng batang sumasayaw.. in fact magaling magpatawa c Willie kaso nga lng sa maling paraan yng tipong may nsasaktan xa, it is true dat every individual has its own right and liberty, but our rights end where other's rights begin... our right is also regulated by law, public policy, public order, and moral..hehe galing yan sa Bill of Rights....kya dapat gamitin ntin sa tamang paraan..
    aynaku sana matuto n mga parents and TV host d2..

    ReplyDelete
  21. Pinay - i dont like him either...hehe..nakakalungkot talaga makitang ang isang bata sa ganun paraan. tsk,

    Arvin - sana nga, wag alisin ang ngiti at sigla sa mga bata.

    Kiko - sige na..

    mayen - Tama ka, kahit noon nasa kabila pa siya, naiinis ako. kasi nagmumukhang mga tanga at kawawa ang mga contestants..hehe

    Empi - akala mo lang un.

    JASHIM - HA? BUDDY IKAW BA YAN? hahahaha..naligaw ka ata..hahaha..first time mong mag-comment dito ah o first time mong dumalaw dito? hehe..

    ReplyDelete
  22. hehhee, hindi ko makalimutan yng "sampung palaka" dong akoni,kinakanta din namen yan sa school nung pre-school pa ako with matching actions pa sa (pataas, pababa, pa-ikot-ikot)..hahaha..anyway, dili gyod ko ganahan ni willie sa una pa, Shame on Him!!! nice blog_^**


    _Joey_

    ReplyDelete