nuffnang

Saturday, April 30, 2011

Bitter and better

Habang busy ang iba sa paggawa ng blog tungkol sa Royal wedding na nangyari kahapon ata, hindi ako sure kasi hindi ko pinanood, dahil hindi ako affected, hehehe, as in keber lang.

keber ko, bakit close ba kami ng prinsipe o ang prinsesa? hmp!!!

Para sa akin mas importante ang wedding day ng mga kaibigan ko at syempre ang wedding namin ng heaven ko, hehehe, mas may keber ako don, kahit hindi sila royal blood. Eh ano ngayon kung royal blood sila? Dugong bughaw naman kami, at dugong maharlika, taeness kung anu-ano nalang ang dugo, may berde pa, hahaha. Napapaisip tuloy ako kung ano ang pagkakaiba ng mga dugo na yan?


Anyway, hindi tungkol sa chuva wedding at dugo ang post na ito, wala lang, gusto ko lang magkaroon ng nakakainis at bitter na intro, hahaha.

Alas dose na ng tanghali dito, break time namin, kaya kailangan ko nang maihanda ang mga gamit para sa nalalapit na ritual ko tuwing ganitong oras. Oo, mayroon akong ginagawang preparasyon pagganitong oras, ang matulog. Puwedi rin niyo ito gayahin kung applicable sa lugar ng iyong opisina.

Mga kagamitan

Una, isang pahaba na karton. At pangalawa, Isang 1 pack na kukon bond A4 copy paper.

Ganito lang ito, simply.

Ilapag ang karton sa ilalim ng table, tapos ay ilagay naman sa dulo ng karton ang isang pak na A4 Copy paper at patayin ang ilaw. Pagkatapos ay mahiga na at nanamnamin ang sarap ng panandaliang pagkawala sa sarili.

Note: Siguradohin naka-lock ang pintoan para siguradong pagkagising mo ay may trabaho ka pa.



Better






14 comments:

  1. naloka ako sa entry mo.. grabeee... akalain mo yun pede matulog sa ilalim ng table.. kalurkeyyyy ahahaahah

    napahagalpak tuloy ako.. hehehe :D

    ReplyDelete
  2. haha.. nakakaloka ka.

    Ang taong mahilig matulog talaga kahit saan nakakaisip ng paaran para makanakaw ng tulog kahit sandali lang. haha.. ang dami kong tawa dito!

    ReplyDelete
  3. naka relate ako doon sa royal wedding.di ako masyadong interesado. hintay na lang sa post ng kung sino ang magpost ng makita ang bunbunan ni william.
    Pag ako inaantok kahit saan nakakatulog ako kahit sa restaurant habang naghihintay lutuin nag order ko.kahit sa mall.paginantok ako masandal tulog. talo kita dito sa office meron talaga akong foam at unan. enjoy to the max talaga.pero di pa ngayon sa ramadan pag long break na. ngayon blog na lang ng blog.kaya gising

    ReplyDelete
  4. hahaha adik! ganyan pala matulog ng patago sa ofis. buti samin okay lang ang matulog. as in nakakatulog ako na nakaupo sa chair XD

    ReplyDelete
  5. ok na yan kesa dun sa mga taong "masan"...

    masandal lang sa kung saan tulog na... kung katabi mo kunyari sa jeep, masandal lng sayo, tae, sarap batukan!

    ReplyDelete
  6. loko-loko ka! hahahah! taong grasa ka ba dati?! nawindang ako! naalala ko tuloy yung mga laborer namin sa dati kong kompanya..ganyan din sila matulog pag lunch break! hahaha

    di ka parin naglilinis ng table mo!! masakit sa mata! lol

    ReplyDelete
  7. panalo ang hinihigaan. Hindi lang sitting position, talagang sleep mode

    ReplyDelete
  8. tama ka......eh ano kung ikasal sila...

    ReplyDelete
  9. Kraehe - Oo ganyan matulog dito sa amin parang taong grasa lang..LOL

    Leorap - ayos yan masa na yan basta hindi lalake..hahaha

    Iya - sabi nang wag pansinin ang table ko e..naman, ganyan na yan para laging busy mode. Taong grasa ako kupkopin mo ko..hehe

    Khanto - talaga with ngorks sounds pa.

    Arvin - kaya nga, ni hindi ata alam ng prinsepe ang pilipinas..LOL

    ReplyDelete
  10. hahaha yan angdiskarte. pero pareho tayo sir. madalas din ako matulog sa work.

    ako pinanuod ko ang royal wedding kasi wala lang.di ko din alm kung bkit eh. hehe

    ReplyDelete
  11. gaya na dati,napatawa mo na naman ako hahaha..adik ka talaga...

    nun ojt ko,ganyan din ginagawa ko,

    kukomban talaga tawag noh?ahahaha




    ang linis na opis mo..
    dapat yan tularan hahaha

    ReplyDelete
  12. sa amin kasi,walang kamera kaya tulog galore hahahaha. pero pag may boss yari ka hahaha.

    about sa royal wedding, di ko din napanood heheh

    ReplyDelete
  13. naranasan ko na rin matulog sa ilalim ng desk. haha! nakarelate ko.

    ReplyDelete
  14. Ang dami ngang apektado sa sakalan na yun. Lahat ng istasyon ng TV ay sinusubaybayan yun. Di ko lang lubos maisip kung ano ang maaring maidulot nito sa buhay nating mga Pilipino. O sadyang pera lang ang iniisip ng mga TV networks sa Pilipinas? Pero sa kabilang banda natatamisan ako sa mga ngiti nung Kate na yun. Hahaha

    Teka ang linis ng lamesa mo sir pangarap ko yan eh. Panu maging ganyan?

    Napadaan at nakikiusyoso lang

    ReplyDelete