Blog 13: Conditional love
Sa buhay pag-ibig natin, isa sa pinakamasarap at masayang makamtan (lalo na sa lalake) ay ang makuha niya ang matamis na pag-ibig ng kanyang pinapangarap na tao (may hindi ba tao?), lalong lalo na kung patungkol sa unang pag-ibig o tinatawag na first love.
Kaming dalawa lang ni Kamil sa loob ng kwarto, hindi ko maitindihan ang nararamdaman ko, sobrang kinakabahan ako, nagpapanic na ako sa loob ko.
“Ano gagawin ko, ano gagawin ko?” umiikot na katanongan sa akin utak.
Nakaupo si Kamil sa silya na nakapatong ang mga kamay sa table, may hawak na ballpen at may iginuguhit sa isang maliit na papel, pero napansin ko na walang tenta ang ballpen. Nakatuon lang ang pansin niya doon at ako naman ay nasa di kalayuan sa kanya na pinagnanasa pinagmamasdan siya. Tuwing iaangat niya ang kanyang ulo na parang susulyapan ako, ako naman ay kunyaring yuyuko o iiiwas ko ang aking paningin sa kanya na parang may hinahanap na kung ano sa kawalan.
Ilang minutong ganun lang kami, nag-aantayan kung sino ang unang babasag sa aming katahimikan. Naririnig ko ang palakpakan ng mga tao sa labas dahil sa selebrasyon na nagaganap, nasisilip ko sa bintana ang mga taong naglalakad at nagkukwentuhan. Malapit na matapos ang programa kailangan kumilos na ako, pagkakataon ko na para makapagtapat sa kanya ng harap-harapan. Huminga ako ng malalim, nilakasan ko ang aking loob, PILIPINO AKO!
Pagkalapit ko sa kanya ay ako na ang bumasag sa aming katahimikan,
“BLAAAGGZZZZ!!” basag ang katahimikan
Nakatayo ako sa kabilang table kung saan nakaupo naman siya sa kabila nito, pinatong ko ang aking kamay,
"ano yang ginagawa mo?" sabi ko sa kanya at napatingala naman siya sa akin.
"wala" sabi niya sabay tumayo at humiga siya sa table (iba ata iniisip mo), natuwa ako sa aking nakita, ang ganda niyang pagmasdan habang nakahiga sa table, parang natutulog lang, hehehe jk.
“Totoo ba ‘yung sinabi mo sa sulat?” biglang tanong ko sa kanya na kamuntikan ko nang malunok ang aking dila. Ang nasa isip ko, bahala na si Kiko, touch move na ito, wala nang bawian.
Napansin kong medyo nahiya siya at pumula ang kanyang pisngi na lalo naman nagpasigla sa akin dahil sa kagandahan nakikita ko, bumangon siya at sinampal ako, hehehe jk ulit. Bumalik siya sa pagkakaupo niya at kinuha ulit ang kanyang ballpen na walang tenta at gumuguhit-guhit sa maliit na papel.
Tinanong ko siya ulit,
“Totoo ba ‘yung sabi mo sa sulat?” tanong ko ulit sa kanya,
Isang matamis na ngiti ang ipinakita sa akin na parang nagpapahiwatig na "OO, totoo ang mga sinabi ko sa sulat na 'yun", pero dahil sa siguristo ako, gusto kong marinig mula sa kanyang bibig na gusto din niya ako.
Tinanong ko ulit siya,
“Ano, totoo ba ‘yun?!” parang NBI agent na pagtatanong ko, hehe jk.
"OO" sabay ngiti at kitang kita ko na kinikilig siya,
Nakaramdam na naman ako ng kakaibang kirot sa aking pangangatawan, ‘yun ang unang pagkakataon maramdaman ko ang tinatawag nilang kilig, kilig na kilig na kilig ako, as in ang killliiiiiiiiiiigggggg. Pero hindi ako nakuntento sa sagot na narinig ko, I want more, so I ask her if she does love me.
Do you love me? Tanong ko sa kanya, pero in tagalog…inenglish ko lang ngayon para cool basahin.
Hindi na naman siya sumagot at namula na naman ang kanyang pisngi, napansin kong may isinusulat sa papel pero hindi ko mabasa dahil sa walang tenta ito, binigay niya sa akin ang maliit na papel, at pilit kong inaaninag ang bakat ng ballpen and it says “I love you”. Hindi na naman ako satisfied kahit pinipigil ko ang kilig sa loob ko dahil alam ko ang nakaguhit sa maliit na papel.
“Hindi ko mabasa...ano ‘to?” painosenteng sabi ko.
Sumimangut siya,
“Basahin mo kaya ng maayos” sabi sa akin na halatang peke ang simangot niya dahil halatang kinikilig din si Kamil,
Pero mas matibay ako kaysa kanya, hinding hindi ko inamin na nababasa ko ang isinulat niya sa papel gamit ang ballpen na walang tenta.
Tiningnan niya ako na maaliwalas na ang mukha at sinabi na ang salitang hinahangad kong marinig.
Note para sa nagbabasa nito: Kumapit ka na dahil ito na, ito na ang matagal ko nang hinintay.
“Oo, I love you Akoni” Sabi ni Kamil
“I love you akoni, I love you akoni, I love you akoni” umiikot-ikot na naman sa isip ko at pati sa buong katawan ko, nararamdaman ko na sumasanib na sa akin ang spiritu ng unang pag-ibig.
Parang lumakas ang hangin ng pagkasarap-sarap sa pakiramdam at ako lang ang nakakaramdam, hindi ko maramdaman ang aking sarili dahil sa narinig ko mula kay kamil “ I love you akoni”, nawawala na ata ako sa aking sarili, mapupunit na ang bibig ko sa super pag-smile ko sa kanya. Nakita kong natatawa siya, dahil sa nakikita niyang nangyayari sa akin.
Nahimasmasan ako mula sa ilang minutong pagkabaliw ko dahil sa sobrang saya. Girlfriend ko na ang babaeng pangarap ko, ang babaeng unang nagpaibig sa akin, ang babaeng unang nagdugtong ng pangalan ko sa salitang “I love you”.
Lumabas na kami sa kwartong iyon na nagbigay saya sa aking buhay, nagpaalaman kami sa isa’t isa na pumunta sa kanya-kanyang mga kaibigan, pumunta siya sa mga kasamahan niyang majorettes, pumunta naman ako kay Diamond at Jay na masayang masaya.
Habang naglalakad ako ay napapalingon ako sa mahiwagang kwartong nagbigay ng ligaya sa akin, naisip ko ang mga napag-usapan namin ni Kamil, lalo na ang mga conditions niya sa aming relationship.
IchuchoLHULOY
naloka ako dun sa tagapagsalaysay as if andun siya... lol....
ReplyDeleteanyway ocongrats kay akoni!!!! ingatan niya si kamil ng bonggang bongga!!! yun lang phowz!!!! :D
galing ahhh.... ang haba na nito pre... pwede na isubmit sa visual print...
ReplyDeleteHahahah.. nung sinabi mo na kumapit.. parang na-feel ko talaga na na-excite ako.!! Hahaha tsaka pag sinasabi mo na napupunit na mukha mo...sa kakangiti.. naisip ko mukha ni Mayk.. hhahahahahahaha! nakakatawa kase mukha niya na ganun pag ngumingiti!!!
ReplyDeleteHayy! Ang panalo mo magsulat kuya! I PRAMIS!!!
huawwww!!! ito na agad ung niks pij!!!
ReplyDeletepde niks pij pa ulit,,,jejeje..]
ayos na ayos ang set-up...dapat laging ganito mahaba...jejeje..thnks!!!
akala ko maikling kwento lamang ang blog-ibig yun pala ay nobela. Pero huwag mag-alala dahil talaga namang kaabang-abang sya. :)
ReplyDeleteI'm short and sweet today.. hehe
Egg - tagapagsalaysay? e ako un e..hehehe..at nandon nga ako..salamat egg.
ReplyDeleteMusingan - mahaba nga 'to..hehe..hindi ko nga alam kung saan ko tataposin..hahaha
Kamila - thank you naman..hehehe..isipin mo nalang si mayk un..hehe
Lhuloy - dahan-dahan lang mahina ang writer...haha..
Mayen - kaya nga blog-ibig nilagay kong title..hehe..kasi parang kwentong pag-ibig ko na dinaan sa blog..lol..ewan..haha..baka sa college time don matatapos..hehe..
ang cute nung sulyapan at hiyaan. talagang first love ang dating. at tulad ni kamila, na-excite din ako nung sinabi mong kumapit kami hahaha!
ReplyDeletewow!! congratz!! hahaha! galing naman! nakakadala ang story mo ha kinikilig talaga ha! ang cute at ang kulet!!!
ReplyDeletekapit na kapit na ako!parang linta lang!
ay happy! ayoko na! dapat basted na lang. heheheh joke lang
ReplyDeleteSEan - kyut ba? salamat...hehe
ReplyDeleteiya- walang halong bola yan ah..hahaha
Bino - syempre bibida muna tayo..haha
wahahaha kilig to the max. grabe pers lab.
ReplyDeletegood luck sa pagmamahalan niyo ni kamil..sa blog ibig page 13..
ReplyDelete'Girlfriend ko na ang babaeng pangarap ko, ang babaeng unang nagpaibig sa akin, ang babaeng unang nagdugtong ng pangalan ko sa salitang “I love you”'
ReplyDeleteAng galing ng mga linyang ito.
nagandahan din ako sa eksenang nagsusulat siya gamit ang balpen na walang tenta para sa eksenang mapipilitan siyan sabihin ito ng paulit-ulit para maramdaman ang kilig na naiipon na sa kakapigil.
Ibang klase simpli pero di matawaran ang galing ng pagkakagawa.
Nagsusulat ka ba tala ng mga ganito dati pa?
talagang may “BLAAAGGZZZZ!!” pa! hahaha! pano gawin na nating historical place yung classroom...hihihi!
ReplyDeleteayuko munang magbasa hehe gusto ko lang kayong kamustahin.
ReplyDeletesorry for not visitign you po this past days ah..
good am po
nakanaks may gf na u,,,hehehee
ReplyDeleteaabangan ang kasunod..
ay kinikilig din :)
hindi pa din ba tapos ito?... ahahaha... novela na ito ah...
ReplyDeletehello sey - thanks for always reading my blog ibig..hehe
ReplyDeleteJay - may nalalaman ka pang kilig..haha
rap - blog-ibig nga e, blog..hahaha..habang may blog, tuloy-tuloy to..hahaha
eh bakit ba eh,,inlove ako hahaha..
ReplyDeletekeber mo?ahaha
palagay ko lahat ng blogger mapapasama dito..
cant wait blogibig page 10000
ahahah