nuffnang

Tuesday, November 1, 2011

Boses



Kasama ako sa mga iilan tao na hindi naniniwala sa mga maligno, multo o anu pa man nakakatakot o pampatakot ng mga lola at lolo natin. Kahit kailan siguro ay hindi ako maniniwala sa mga multo/maligno na ‘yan hanggang sa wala akong makasex na white lady, makajamming sa yosi na kapre, mapadede na tiyanak, maka-marathon na tikbalang, o anu pa man, bwiset silang mga nilalang, mga choosy sila ayaw nilang magpakita sa akin eh, o baka takot lang sila sa bossing nila?

Nun pa man ay naghahangad na akong makakita ng multo o maligno, naiinggit me kasi sa mga may experiences na eh. Na-a-out of place ako sa mga nagkukwentotan tungkol sa mga kakaiba nilang karanasan sa mga multo o mga maligno.

Pero may kaisa-isa naman akong experienced, hindi ko alam kung credited to sa mga kwentong pang Halloween, at hanggang ngayon ay nanatiling misteryo sa akin isipan.

Minsan sa amin probinsiya, bumisita kami sa tita ko, dun narin kami natulog. Dahil sa marami kaming magpipinsan, lahat ng lalake ay sa sala natulog, gaya ng dati naglapag kami ng banig. Nagising ako ng hating gabi, 12:00 am sakto, walang ilaw sa mga oras na ‘yon, probinsiya eh, lampara lang ang nagbibigay liwanag sa iilang parte ng malaking bahay. Naupo ako at tiningnan ang mga kasama ko, lahat mahimbing ang tulog.

Sinulyapan ko ulet ang relo sa may dingding, sampung minuto na ang nakakalipas, nagdesisyon akong bumalik sa akin pagkakahiga. Mga ilang minuto pa siguro ang nakakalipas, may naramdaman akong kaluskos sa labas ng pintuan namin, nilingon ko lang ang pinto tapos pinikit ko ang aking mata.

“Akoni…akoni...” Biglang may tumawag sa akin, tinapunan ko ng tingin ang pinto para siguradohin ang aking narinig, ”Akoni…akoni…akoni…” potang pato, mayroon nga. Paulit-ulit nito tinatawag ang pangalan ko, malumanay at mahina ang boses, parang bulong kapag nakikipag-sex, pero hindi ako nakaramdam ng takot sa pag-aakalang ‘yon ang pinsan kong adik.

“Mamatay kana dyan hindi kita pagbubuksan” ‘yan ang nasa isip ko, tinatamad kasi ako bumangon, mga dalawang metro lang ang layo ko sa may pinto kaya dinig na dinig ko ang boses na tumatawag sa akin. Nang hindi ko na pinapansin, biglang nayuga ang pintoan, at patuloy parin ang boses sa pagtawag sa akin at patuloy parin ako sa kakaisip na “Mamatay kana dyan hindi kita pagbubuksan ng pinto”, madalas kasi gabi na kung umuwi ang pinsan ko, kundi lasing ay bangag sa droga, kaya pakialam ko sa kanya.

"Akoni...akoni..." Patuloy parin ang boses sa pagtawag ng pangalan ko at naaalog parin ang pintuan, hanggang sa humina na ang boses, pahina ng pahina. Dahil sa pag-aakalang yon ang pinsan ko, nakatulog na ako.

Kinabukasan, tinanong ko ang tita ko kung nasaan ung pinsan kong adik, sabi ko “tita saan natulog si pinsan? kagabi kasi hindi ko pinagbuksan” natatawa akong kinukwento sa kanya ang mga nangyari. Nakatingin lang sa akin ang tita ko, bakas sa mukha niya ang pagtataka.

“Wala siya dito, nagpaalam sa akin kahapon na doon daw matutulog sa siyudad”, doon na ako kinilibatutan, putcha sino ‘yung tumatawag sa akin kagabi?

A. Maligno (Puta ang pipili nito)
B. Lasureco (parang melraco)
C. Mambobote
D. Imahinasyon ko lang dahil sa katol na katabi ko
E. Talagang sira ulo lang ako

Ngayon kuya Eddie at ate Charo, nagugulohan na ako, hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko parin ang pinaglalaban ko sa buhay, ang hindi paniniwala sa mga maligno at kung anu-anong multo.



19 comments:

  1. medyo sanay na ko sa mga ganyang kababalaghan kasi sa bahay ni lola, halos araw araw ako'ng nakakakita ng ganyan eh. pero ang pagkakaiba, mabait tong nakatira sa bahay ni lola

    ReplyDelete
  2. Siguro libog ka lang ng gabi na iyon,kaya feeling mo may tumatawag sa iyo ng ganun wahahaha... Seriously, ako nakaexperience na ng may tumatawag sa pangalan ko ng gabi, pero yung pinto ay pinipilit buksan wala pa....

    ReplyDelete
  3. baka naman feeling mo lang na ikaw tinatawag... nabibingi lang you... hahahahahaha. :D

    ReplyDelete
  4. ah letter f. dala lang iyon ng matinding gutom :)

    ReplyDelete
  5. sure ka bang ang pinsan mo ang adik o ikaw? wahahaha

    gutom lang yan Julio! XD

    ReplyDelete
  6. Wahahha. NAtatakot ako habang binabasa yung blog post. Wehehe. So, mag pre-pretend na lang ako na E. talagang sira lang yung ulo mo para hindi ako matakot dito ngayon.

    *Peace*

    ReplyDelete
  7. iba ang nasa isip kunt multo tumatawag sayo hahahaha.At di ko inaasahan na seseryosohin mo hangang sa dulo ang tungkol sa mga katatakutan.

    ReplyDelete
  8. Diamond - ano naisip mo? share...

    Miss C - nahilo me sa dami ng blogs mo..hehe..pwero cute ka.

    tabian - sabi na nga eh, hindi mo ko binigo, dalisay nga ang iyong komento..LOL

    Kiko - letter F din sayo..lol

    Mark - sa probinsiya un, walang nakakalibog don..Oo after niya ak tawagin inuuga ang pinto..ewan!

    Khanto - serious me, kasi minura ko pa nga eh..lol

    Bino - swerte mo naman, nakakita ka..

    ReplyDelete
  9. hmmmm,
    A.) hindi ko to pipiliin dahil may banta siya (puta daw) hahaha.
    B. ) Meralco, gabi? hello.
    C.) Grabeng magbobote yun, parang kuratcha kung kumayod. Malabo. unless close kayo at alam niya pangalan mo.
    D.) Sinisi pa ang katol
    E.) hmmmm, wala ng ibang choice eh! hahahha (joke lang)

    Akala ko ang ending yung pinsan mo talaga nasa labas. Kawawa naman sya kung siya nga yon.

    ReplyDelete
  10. I think yung katol talaga yun. Kitang-kita naman sa face mo na lulong ka na... LOL biro lang!

    ReplyDelete
  11. Sa tingin ko hindi maligno yun. kasi ayokong matawag na puta.

    malamang

    F. Kulang ka lang sa romansa kaya nag-ha-hallucinate ka.

    ReplyDelete
  12. dapat kasi hnd ka na tinamad bumangon para nalaman mong ako yun..hahaha..nagbebente ng simcard dahil may special promo kmi

    ReplyDelete
  13. hahaha...libog yon for sure...hahahaa!

    dapat kc pinagbuksan mo nalang baka naman tlga sya ang kasagutan sa mga dasal mo...lol

    ReplyDelete
  14. ako malakas din ang kutob ko na either katol ang ke kasalanan kung bakit ka nakakaexperience ng ganun or tulad ng sabi nila kulang sa romansa. :D

    ReplyDelete
  15. parang nangyari na sa kin toh heheheehe.. may ganun din sa gate naman.. hnmmmmm... sheyt

    ReplyDelete
  16. bilang isang taong labasin... hehehe

    parang ordinaryong eksena na lang ito sa buhay ko.. pero ganon pa man.. nakakatakot pa din :)

    magandang araw sayo sir..

    ReplyDelete
  17. ano kaya kung sinubukan mong buksan ang pinto? ano kaya ang naramdaman mo? na hindi pala ang pinsan mong adik,hehe..

    ReplyDelete
  18. wahahaah.. tingin ko dahil lang yun sa katol. :P

    ReplyDelete