nuffnang

Monday, November 28, 2011

Kwentong Akonilandiya: Taong LOBO



Isang gabi, kalibogan at kabilogan na naman ng buwan, tahimik ang buong paligid. Tumatangis na pagtakbo si Julio, naghahanap ng lugar na pagtataguan, dahil oras na naman ng kanyang pagpapalit anyo. 35 anyos na si Julio, pero hindi parin niya lubos matanggap ang sumpang nangyayari sa kanya. Hindi niya matanggap na sa dami ng sumpa sa earth ay pagiging taong lobo pa ang nakuha niya, puwedi naman siya maging bampira, tikbalang, aswang, pulitiko, guwapo, o kahit fungi, wag lang taong lobo.

Sa kanyang pagtakbo, huminto muna siya sandali dahil napagod, tapos tumakbo ulet at nakakita siya ng bakanteng lote sa likod ng malaking bahay ni lolo Juanito. Pinunas ang kanyang mga luha at inakyat ang pader, tumalon sa loob. Naghanap ng mapagkukublihan, may nakitang maliit na bahay, bago, mukhang pinapatayo palang, patakbong pumasok siya sa loob, tama nga ang narrator pinapatayo palang ang bahay dahil hindi pa ‘to tapos, wala pang bubong kaya diretso ang liwanag ng buwan sa loob na lalong ikinataranta si Julio.

Gusto niyang tumambling sana pero hindi siya marunong kaya napaluhod nalang siya, nakakamao ang dalawang kamay sa sahig, at nag ngitngit ang mga ngipin na halos mawasak na ang mga ito dahil sa sama ng nararamdaman. Nag-iinit na ang kanyang katawan “Shiitttttt!!!!!” Sigaw niya at sabay hawak sa kanyang ulo sa taas, unti-unting umiinit na ang kanyang katawan, pa-isa-isa ang kanyang hininga, pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang ulo sa taas, halos parang luluwa na ang kanyang mga mata, hanggang sa tumirik na ang kanyang mga mata....

”Aaaaaaaaahhh………oooooohhhh………….yeeaaahhhh,……oooooh..my…goooood..ayyaaannnnn……naaaaaaaaaa” Sigaw na kumawala mula sa kanyang bibig.

Gulat na nagising si lolo Juanito, “Panaginip ba ‘yon? Usal nito sa sarili, “Siguro nga, panaginip lang” Pagpapakalma sa sarili. Nakaramdam siya ng pagkauhaw, bumangon siya at kumuha ng malamig na tubig mula sa maliit na refrigerator sa loob ng kanyang malawak na kwarto.

Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa may balcony, tanaw niya ang munting bahay na kanyang pinapagawa, ‘yong sinasabi kanina ng narrator na hindi pa tapos. Pinikit ni lolo Juanito ang kanyang mga mata, huminga ng malalim saka ininum ang dalang tubig, naramdaman niyang kumalat ang lamig sa ibang parte ng kanyang katawan gawa ng kanyang ininum, kinilig siya, bbbbrrrrrrrrrrrrrr.

Papasok na sana siya, ayy sorry nakalimutan ng narrator na padilatin siya. Dinilat niya ang kanyang mga mata at nang akmang papasok na sana biglang may nakitang lumilipad na lobo, nagtaka siya dahil galing ito sa kanyang maliit na bahay na pinapagawa, sinundan niya ito ng tingin at pinagmasdan, nangiti siya dahil lalong pinaganda ng lobo na kulay pula ang kagandahan ng bilog na bilog na buwan. Natawa pa siya nang matapat ang pulang lobo sa gitna ng bilog na bilog na buwan, hindi niya alam kung anu ang iisipin niya, isang siopao na may pulang dot sa gitna o isang soso na may namumulang nipple, kayo ano sa tingin niyo?

Nanumbalik tuloy sa kanyang alaala ang kanyang kabataan, lalo na ang kanyang paboritong kanta nun.

Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
'Di ko na nakita
Pumtok na pala

Sayang ang pera ko
Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako

Bumalik na siya ng kanyang kwarto habang kumakanta at natulog na may ngiti sa kanyang mukha. Samantala ang taong lobo ay patuloy sa paglipad sa langit, 'di ko na nakita, at 'di ko rin alam kung pumutok na.


12 comments:

  1. napatawa ako buwisit!!! lol. lobo pala hahahah

    ReplyDelete
  2. Addik ka lang talaga kapatid. Tama ka ang ganda ng kwento at talagang kumanta pa. Taong lobo nga.. ikaw lang makakaisip nyan. haha..

    ReplyDelete
  3. ang inspirasyon ba nito ay ang "breaking dawn" maganda dapat gawin itong series at maisapelikula. Patataubin nito ang twilight.

    ReplyDelete
  4. Diamond - hahaha..at dahil uso din ang mga parties ngayon...kaya madami lobo..lol

    Kiko - hahahaha ganyan sabi mo?

    Khanto - Oo, ung lobo na lumilipad.

    Bino -masaya ka...LOL

    ReplyDelete
  5. ang dami kong tawa dito.....tnt.... nice story.... sana mei part two... :D

    ReplyDelete
  6. pag umabot ang like ng 69, gagawan ko ng part 2..LOL

    ReplyDelete
  7. natatawa ako dahil isasama talaga ang narrator?



    @akoni: mukhang interesting ang part 2... sana umabot ng 69. Lol!

    ReplyDelete
  8. wahihihihihihihihihihihih!!!! ako di ako nagkaroon ng lobo.. hindi rin ako bumili nung bata.. wala akong interest!

    ReplyDelete
  9. lol manong lobong lobo nga ang sipon ko sa kakatawa! adik ka!

    ReplyDelete