nuffnang

Wednesday, November 16, 2011

Katotohanan: Dalawang beses tayo pinanganak at nanganganak din ang mga lalake


RATED MP: Matinding Pang-unawa sa may akda ay kailangan, please.



"Isang beses ka lang ipapanganak/ipinanganak...." Siguro lahat tayo ay narinig na 'yan o nasabi na, diba? Pero ngayon araw na ito, napaisip ako, talaga bang isang beses lang tayo ipinanganak? Parang may hindi tayo nalalaman ehg, diba? Kaya inaayos ko ang aking pagkakaupo, ininom ang aking mga gamot at nag-puffed ng inhaler ko, ipinikit ang aking mga mata, huminga ng malalim at unti-unting pinakawalan ang hangin sa akin bibig, at nag-isip, nang matindi.

Pagkaraan ng isang minuto, grabe heaven ang feelings. Naisip ko na at napatunayan na hindi tayo isang beses lang niluwal, oo dalawang beses tayo niluwal, promise!

Una tayo niluwal ng atin mga tatay, mula sa (censored) ng atin mga tatay, diba? Una muna tayo niluwal sa loob ng atin mga Ina. Sa madaling salita, una tayong pinanganak ng atin mga tatay bago tayo pinanganak o niluwal ng atin mga Ina, anlabo ng paliwanag? Sige lang nagmamadali kasi me bago mawala ang tama ng mga gamot.

Sa totoo lang hindi lang naman ang mga babae ang nanganganak eh, pati narin kaming mga lalake, halos araw-araw pa nga nanganganak kami eh, mayroon nanganganak sa kubeta, sa kama, sa loob medyas, sa loob plastic, sa tonsil, sa loob ng aparador, sa parking lot, sa loob ng sinehan, sa palad, sa mukha at kung saan2x pang trip ng mga lalake na magluwal.

Pinagkaibahan lang naman ng panganganak ng mga lalake sa mga babae ay masarap manganak ang mga lalake, napakasarap, sa mga babae naman ay imperno, napakasakit daw. Kaya kahit nanganganak din ang mga lalake, dapat pabor parin ng 3 beses ang pagmamahal ng mga anak sa mga ina, kasi hindi nag-enjoyed ang mga mudra natin nung pinapanganak tayo.

Ito nga pala picture ko nung pinanganak ako ng tatay ko, ang kyut-kyut ko lang dito, grabe ohmaygasshhhh!



Sa totoo lang ulet, lamang ang mga lalake sa mga babae (sa panganganak). Dahil ang mga lalake madami ang niluluwal, as in madaming madaming madami, milyones sa dami. Kaso, dahil sa limitado lang ang kakayahan ng mga babae sa panganganak, kunti lang ang nabubuhay.

Ito ang picture naman kasama ko ang mga kapatid ko, masaya kami dito, nag-uunahan kami kung sino ang unang makapasok sa liwanag, guess what? Ako ang nagwagi...hehehe..haaayy I miss them so much.




Sa palagay ko maaari din matawag na ina ang mga lalake.




Unang picture mula dito
Pangalawang picture mula dito
Click mo kung gusto mo malaman ang history mo sa loob....

13 comments:

  1. bawahahahaha. araw-araw kang nanganganak!

    ang kyot ng pic mo nung una kang ipanganak. :>

    ReplyDelete
  2. ahahahaha. ako sa tuwalya ako nanganganak. At oo napakasarap, sobrang sarap heavensssss ang feelingssss men. hahaha

    ReplyDelete
  3. ngayon ko lang napagtanto na nanganganak din pala ako... maraming supling ang niluluwal. Lol!

    ReplyDelete
  4. haha .. picture ko ata yan eh..

    kakapanganak ko lng pala kanina..

    lolz.

    ReplyDelete
  5. tama si khanto. eh di araw araw ang panganganak mo. hehehe

    ReplyDelete
  6. one word for you JULIO - WAGAS!

    ikaw na ang decode sa meaning..lol XD

    ReplyDelete
  7. sa isang punto, ikaw ay tamang tama! sabi ko na nga ba ito ang tinutukoy mong dalawang beses pinanganak pagkabasa ko pa lang ng title sa blogroll ko. tangnang utak mo ang lawak!

    ReplyDelete
  8. Ang sarap talaga manganak.wahaha

    Sakit sa ulo nanaman mga obra mo.hahaha

    ReplyDelete
  9. Hello earthlings, thanks sa oras niyo..kakarating ko lang. :D tuloy ang laban!

    ReplyDelete
  10. addik ka lang talaga koya.. hehe.. nakuah mo pa talagang ipakita ang mga kapatid mo ah? di ka pa nakuntento sa picture mo lang ah. As usual natawa ako. per may sense na tawa. iba ka talaga. parang may na missed akong post. check ko older post. :)

    ReplyDelete
  11. hahah napasa ko ata ang landi post aboat sperm cell sa blog na ito.. hahaha

    ReplyDelete
  12. Ang tawag sa mga anak ng lalaki na hindi pumasok sa (censored) ng mga babae ay Anak sa Labas. Iyun talaga yun. dyuk!
    Madaming beses na pala akong nanganak. lol haha.Adik mo talaga master.
    Magaling ang iyong naisip. Bigyan mo nga ako nyang gamot na ininom mo. lol

    ReplyDelete