nuffnang

Tuesday, February 7, 2012

February Sh*t




February na pala. Sabi nila, araw daw ng mga puso ang buwan na ito, tssh. Araw daw ng pagmamahalan, tssh, sabi ko naman, okay whatever. Sa totoo lang kung may seksing babae na genie na lalabas dito sa iniinum kong kape at bibigyan ako ng isang wish, ang hihilingin ko ay mabura sa kalendaryo ang buwan ng February.

Para sa akin ang February ay buwan ng sakit at hapdi, parusa sa akin ang buwan na ito. Sa tuwing sumasapit ang buwan ng shit na ito ay nagpa-file ako ng bakasyon sa work ko at nagkukulong nalang sa kwarto. Parang gusto kong uminom ng zonrox with downy kapag buwan ng February.


Flash back

Nag-aaral pa ako nun sa College, year 2009 nang may milagro o kung anu man tawag don na nangyari sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan. Sabado, may kailangan akong taposin na term paper sa isang subject ko. Kinailangan ko mag-overnight sa isang internet café. Mas makakatipid kasi kapag overnight dahil 60 pesos lang tapos may free snack pa, isang mamon at isang zest-o, at madaming chicks.

February 07, 2009. Alas kwatro palang ng hapon ay nagpareserved na ako sa suki kong internet shop, mahirap na baka maubosan ako ng pwesto, punuan kasi ‘yon lalo na kapag araw ng sabado dahil walang pasok kinabukasan, at tuwing sabado, madami ang mga chicks.

Alas 6 ng gabi hanggang 6 ng umaga ang oras ng magdamagan, six to six ika nga. Kaya 5 ng hapon palang ay umalis na ako ng bahay. Dadaan pa kasi ako sa grocery para makapamili ng mga junks food na babaonin ko sa magdamag na pagreresearch para sa term paper ko, sa pakikipagchat ko at sa panonood ko, wala nga lang porn kasi naka-blocked, madami kasing chicks.

Bilisan natin ang kwento, natapos ko na ang research ko, nakadalawang pilekula na ako, naubos ko na mga junks food ko, tinamad na akong makipagchat, isa lang ang kulang, ang mga chicks.

Kaya umidlip o naidlip ako sandali, nagising ako dahil sa isang buzz sa YM, kaya napamura ako ng level 5. Tangna suot ko pa pala ang headset, pakiramdam ko eh nalusaw ang mga tutuli ko at magiging luga na. Tiningnan ko kung sino ‘yung nag-buzz, mumurahin ko sana maganti man lang. Hindi ko kilala, Cheese_me ang name, natigil muna ako ng ilang seconds para alalahanin kung may namolestiya ba akong nagngangalan Cheese_me, pero wala ako matandaan dahil virgin pa ako sa time na ‘yon.

CHAT

Cheese_me: Mahal ko kamusta kana?

After ng limang “buzz” yan ang message niya. Naisip ko baka naligaw lang ito, imposible naman may tatawag sa akin ng mahal, eh hindi pa nga ako nakakakita ng nest ng angry bird sa totoong buhay eh, sa mga porn movies lang ako nakakakita.

Akoni_helpvirginpaako: Hehe…mahal ka dyan, naliligaw ka ata iha. =))

Cheese_me: Mahal kong Akoni, ako ito, si Cheska, sa future ako ngayon…anyway, wala na akong oras, gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal parin kita. At I am so sorry sa sobrang sakit na binigay ko sa’yo, pinagsisisihan ko ang lahat, kung maibabalik ko lang sana. I am so sorry Akoni.

Naalog ako utak ko sa aking nabasa, kilala niya ako? Galing sa future? Hahaha. Siguro may nagti-trip lang sa akin. Nagpalingon-lingon ako sa ibang customers baka may kakilala ako, pero bigo ako, wala. Eh sino ito?

Akoni_helpvirginpaako: Ang lakas ng trip ah…hahaha. Tarantado ka, kapag nalaman ko kung sino ka sa mga friends ko isasampal ko sa’yo itits ko. =))

Cheese_me: Ako nga ito, diba may nunal ka sa bird mo, tatlo? binigyan ko pa nga ng pangalan ang bird mo eh, si krillin ng dragon ball Z dahil may tuldok din siya sa ulo, hahaha. Tapos hindi ka pa nagsusuot ng uderwear. =))

Ayy puta, paano niya nalaman ‘yun?

Akoni_helpvirginpaako: Itay, inay kayo ba yan? Totoo naman pong nagresearch ako eh, hindi po ako tumitingin sa mga porn sites, promise naka-blocked po dito. :(

Oo, ang nanay at tatay ko ang naisip ko na baka sila ‘yun, sila lang naman ang may alam na may tatlong nunal sa bird ko at hindi ako nagsusuot ng brief eh. Syempre sila palang ang nakakakita noh, sabi ko nga virgin pa ako. Kaya imposibleng may ibang taong nakakita sa bird ko na walang malay sa makamundohang pangyayari sa mundo.


Cheese_me: hahaha..luko-loko ka, natawa ako tuloy sa’yo. Hindi na ako magtatagal, alis na ako. Basta tandaan mo mahal ko, mahal na mahal kita at sana mapatawad mo ako, sana…. :(

Cheese_me: Hindi ko talaga sinasadya ang lahat.

WTF??!! Baliw ito sabi ko sa akin sarili, baliw ang babaeng ito o lalakeng ito. Kaya hinahayaan ko nalang siya, putek siya. Ang lakas lang ng trip.

Cheese_me: Alam ko, hindi ka naniniwala sa akin. Kaya ako nandito ngayon dahil gusto lang kita warningan mahal ko, mamaya makikilala mo ako paglabas mo. Please wag na wag mo ako papansinin, please Akoni, mangako ka sa akin, please…uwi kana diretso pls.

Tangnina na ito, ang lakas ng trip talaga, sabi ko ulet sa sarili ko. Pagkatapos nun, wala nang sumunod na messages galing sa kanya dahil naglog-out na ako, nabwiset ako. Hindi ko namalayan umaga na pala, kaya kinuha ko bag pack ko at nagdesisyon nang lumabas at umuwi na.

Sa aking paglalakad biglang sumakit ang ulo ko, sakto nasa tapat ako ng isang coffee shop. Pumasok ako at nag-order ng black coffee, inaantok na talaga ako, kaya hindi ko na inubos ang kape ko.

Naglalakad ako nang biglang may sumitsit sa akin, paglingon ko isang napakagandang babae.

Babae: Naiwan mo bag mo, hehe.

Ako: Ayy wow, maraming salamat…

Sa sobrang kagandahan niya ay hindi ko na mapigilan magpakilala…

Ako: Maraming salamat ha, ako nga pala si Akoni.

Sabi ko sabay alok ko ng aking kamay.

Babae: Ako nga pla si Cheska.


Buwan ng February 2009 ko siya nakilala at naging kami, nagmahalan at nangako sa isa’t isa na habang buhay kaming magmamahalan, at walang magluloko.

Buwan ng February 2011. Araw ng Sabado nung maiwan niya ang kanyang selpon sa house namin, at makita ang hindi ko inaakalang magagawa niya sa akin. Napanood ko ang isang video sa selpon niya na may kaseks siyang lalake, guess what? Hindi ako 'yun. Hindi ko alam kung sinadyan niyang iwan ang cell phone niya para makita ko o aksidente lang niya naiwan. Ang alam ko, walang kasing sakit ang ginawa sa akin ni Cheska.

February 07, 2012 na ngayon, tatlong taon na ang nakakaraan, pero parang kanina lang ang nangyari. Bumabalik muli sa aking isipan ngayon ang ginawa sa akin ni Cheska. Kung nakinig lang sana ako sa kanya nun, kung pinaniwalaan ko sana nung ka-chat ko siya, hindi sana ako ngayon nadudurog.



Maraming salamat sa pagbabasa.




*FUCKTION pala ito

21 comments:

  1. Haha. Akala ko horror story, love story pala ng kasawian.

    Keri lang yan. Makaka-move on ka rin Akoni. :)

    ReplyDelete
  2. aww. pahug na nga lang kuya *hugs* kaya mo yan.

    krilin?totoo kaya yun?=D

    ReplyDelete
  3. move on pareko, now you're a better person na...

    ReplyDelete
  4. guys, fiction lang po yan. LOL ka-chat ko si Cheska from future nun 2009??LOL

    ReplyDelete
  5. Wag mong mabura-bura ang February! Madami kaming mawawala, sayang ang aming magandang lahi. LOL. Akala ko naman joke to na panaginip mo lang pala. Hahaha. Nun pala totoong nangyari sa fiction. Ano daw? Totoong fiction? Eh basta.

    ReplyDelete
  6. sayang dapat naging madugo yung ending sana namatay yung ibang si akoni.. hahhaha.. joke

    ReplyDelete
  7. may parteng fiction siguro ito at may parteng katotohanan ..hahaha

    :)

    ReplyDelete
  8. totoo ba toh??? na-intriga tuloy ako.

    Pati kung totoo ung tatlong nunal! lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. ung storya obvious naman na 100% fiction kasi naka-chat ko ang future cheska..hallluueerr..

      pero yung tatlong nunal, no comment. LOL fiction din..LOL

      Delete
  9. parang di naman fiction liban sa fact na 2009 eh estudyante pa? hehehehe. :D

    ReplyDelete
  10. Wow ang mura sa internet shop na yun ah may libre pang meryenda. Ikaw ba eh talagang nag-research dun. Baka naman nakipag chat ka talaga kaya ayun nasumpungan mo si Cheska. Sasabihin ko sana kalimutan mo na ang lahat kaso Fiction lang pala hahaha. Makikisimpatiya na sana ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah..mura ang internet sa amin dahil sa sobrang dami, bawat kanto may internet shop..hehe..at yung lang ang hindi fiction sa kwento..haha

      Delete
  11. watdapuck!!
    imbento ka na naman!! susme ka talaga, if I know marami ng boom boom pow dahil wagas kang hindot..ahahaha

    nga pala JULIO di ako naniwala sa virgin ka pa noong time na yun, pinanganak ka atang maharot eh!! LOL XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha..di ko na maaalala kung kailan nawala ang puri kow...LOL

      Happy birthday.

      Delete
  12. hindi ito basta-bastang fiction lang. Masyadong na enunciate ang pains LOL

    Lagot ka kay misis!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. Sa katunayan nga, may narecieved akong hate mail galing sa kanya..haha

      Delete
  13. Sayang ang kalandian ng postna ito. 6 to 6 tinapos lang ng ganon ganon lang.Wow! nga pala sa bagong layout x na x ang dating.AT napakainam ng profile pic mo sapul na sapul ang mga dilat mong mata sa natatawang nagbabasa.

    ReplyDelete
  14. ang ganda lang ng nickname mo sa ym hahaha...may fucktion nangyari?LOL

    ReplyDelete
  15. Kapatid, akala ko hindi ko na mababasa ang akonilandiya. last time I was here mag comment na ako biglang nawala ang comment box tos oag re-fresh ko private blog na sya. tweet na sana kita pero buti nagbalik na..

    Awww, eto pala ang fiction na akala ni heaven mo totoo... hehe.. anyway creepy nga naman to kung true story to.. namiss ko dito ah?

    ReplyDelete