nuffnang

Thursday, August 30, 2012

Movie review-rebyohan: First KISS



Hello mga kalandian, narito na naman tayo sa isang movie review, kung mapapansin nyo ang title na papansin, ito'y ginawa kong "movie review-rebyohan" para naman hindi magmukhang seryoso, diba? Nakokosensya na kasi ako sa inyo na naghahanap ng totoo at seryosong movie review. Sa madaling salita, 75-80% po ay peke ito, parang orgasm lang ng mga babae, 75-80% kasi sa mga babae ay pinipeke ang orgasm nila sa seks sa maraming dahilan, hindi ko alam bakit ganun sila at hindi ko rin alam kung bakit ko naisingit ito.

~~~~~~

Ngayon ay kinakailangan ko pa makapanood ng movie para lang magkaroon ng idea kung ano ang puwedi kong ikuwento dito sa blog ko. Minsan kasi sa akin panonood ay may mga bumabangon na alaala na parang zombie sa akin isipan, dahan-dahan ito babangon at maglilibot sa akin utak at hahabolin ang aking pagkatao, kaya kailangan pakawalan o ilabas para hindi ako lamonin at kung anu-ano na naman pinagsasabi ko.

Tama na nga ang shit na 'to, umpisahan na ang movie review-rebyohan!


Ang ganda nung babae, nakakainlove mga expression ng mukha niya. 'yun lang naenjoy ko sa movie na ito. :D


Isang tae Thai movie ito, yes ala khanto lang. Siyempre sa title palang alam mo na kung ano ang buod o bahagi ng storya o saan ito iikot. Ito'y tungkol sa First Kiss at sa Love-corrupting-minor. Kaya dalawang klase ang movie review-rebyohan ko ngayon, unahin natin ang first kiss.

First Kiss

Paano kung may nakaset na sa utak mo na dream-kiss-eksena, 'yung nangangarap kang sana ang first kiss mo ay napakaromantiko, na sana nasa ilalim kayo ng ulan habang tumutugtog ang kantang "Umbrella" ni Rihana at kusang naglalapit ang mga labi ninyo para sa isang napakatamis na pagdadaupang dila niyo...pero biglang may isang sumira dito o aksidenteng nasira nito at habang buhay nang hindi matutupad ang pangarap mo? (Ito na ata ang pinakamahabang question sa kasaysayan ng Akonilandiya)

'yan ang shit ng movie na ito, ang actress ay nangangarap ng isang napakaromantikong unang halik para sa kanyang first love, pero sa 'di sinasadyang pagkakataon aksidente itong nakuha ng isang stranger guy.

Eksena: Nasa bus ang babae, biglang bumagal ang andar ng bus na sinasakyan. Sinilip nito mula sa bintana para tingnan kung ano ang dahilan, may aksidenteng nagkabanggaan pala. Nang bigla itong maghard turn ulit pabalik to the right, sakto naman itong mama na gusto din makitsismaks at makita ang aksidente, then, spoff it's kuko crunch!! May isa na naman aksidenteng nagkabanggaan, ito ay ang kanilang mga nguso. Wasak ang pangarap na romantic kiss ni dalaga, at don na nag-umpisa ang kakornehan ng movie na ito na sa tingin ko ay 7 years old lang pababa ang mag-eenjoy.


~~~~~~

Bata palang ako ay may mga nakakahalikan na ako, pero smack down lang to the lips, minsan legal minsan nakaw, at minsan pangarap lang. Kaya hindi ko na maalala ang first kiss ko, sira na ang mga romantic shit first kiss na 'yan sa akin. 'yun ang akala ko, dahil nun college ako, naranasan ko ito. Hindi man ito ang first kiss ko, ito'y katumbas naman.

Itago natin siya sa pangalan Maria Ozawa para cool at hindi nakakailang. Lagi kami magkasama, sabay lagi umuwi sa hapon, at tumambay kung saan-saan, yung mga typical na ginagawa ng mga students sa isang university.

May exam ako isang araw, accounting 101, isa sa pinakahate ko na subject. Naglalakad kami papunta sa klase ko, hinatid ako that time.

"oi, exam niyo ngayon diba?" Pagtatanong niya.

"Oo, good luck nalang sa akin, hahahaha" sagot ko sabay tawa, tawa ng isang tamad na student

"Ikaw talaga, hindi ka na  naman nag-aral noh?" Masungit niyang tugon sa akin, sabay suntok sa akin balikat. Suntok ng isang concerned na kaibigan.

Ilang buwan na kaming magkaibigan, kaya medyo naging close kami, parang ganito. Kaya friends talaga kami with kunting pagnanasa ang turingan (ako lang ata) namin sa isa't isa.

"Tsh. Kaya ko naman pumasa kahit hindi na ako mag-aral eh, ako pa?!" Pagyayabang ko sa kanya, tulad ng isang tamad na student.

"ang yabaaaannngggg.." puna niya sa akin.

"Ha-ha-ha. FYI lang, 20/20 vision ng mata ko, may lahi akong Ninja, at matalino mga kaibigan ko sa room namin, sa tatlong katangian ko na 'yan, ewan ko lang!" Sagot ko sa kanya at nagtawanan nalang kami, nagkaitindihan.

"Gago ka talaga. Kapag bumagsak ka dyan, patay ka sa akin, hindi na ako sasama sa'yo, one week kang grounded sa akin." Sabi niya na may kasamang banta sa aming pagkakaibigan.

"Wooaaahh!! Grabe ka naman." Depensa ko.

"Seryoso ako." Natatawang sabi niya, seryoso nga.

"Eh paano kung pumasa ako?" Sabi ko na parang na-checkmate ko siya dahil napaisip siya sa sinabi ko, your move darling.

"uhmmm...may premyo ka sa akin!" move niya at isang mahinang move.

"Ano na naman kaya, isang supot na mani at isang stick na banana que? Sawa na ako don eh, hahahaha" Checkmate na ata siya, kaya natatawa ako.

"aahh....(Nag-iisip)...eh ano gusto mo?" Sabi niya. Wala na, gipit na, move ng isang talohan.

"I want your kiss" sabi ko, BOOM!!!



Itutuloy...ang haba na naisulat ko, nalulunod na mga labahan ko, saka baka tamarin na kayo sa pagbabasa. Ito lang ata ang movie review sa kasaysayan na may part 2. LOL


*Abangan ang part 2 pagkalipas ng tatlong araw. :D









Monday, August 27, 2012

Mga ligaw na alaala


Ngayon umaga dahil sa walang internet dito sa office, napagtripan kong pasokin muna ang aking isipan at hinalugod ang bawat sulok ng akin diwa upang maghanap ng mga naliligaw na alaala ng nakaraan. Makaraan ang ilang minuto at maubos na rin ang aking kape, tapos humapdi na ang aking mata dahil sa pakikipagtitigan  sa cursor ng computer, ay may mga nahuli din ako sa wakas.

Ang dami palang naliligaw na alaala sa aking isipan, karamihan emoshit, pero ayaw ko hulihin 'yun, nakakakuryente kasi.

May mga nahuli nga akong alaala, pero may mga nasamang hindi dapat kasama. Mga alaalang dapat ako lang ang nakakaalam. Kaya pinili ko nalang ang mga alaalang puweding buksan sa mga taong mapanghusga, tulad ng mga alaalang kaya kong depensahan sa mga hindi makakaintindi at mga alaalang may kakayahan ang lahat na gawin din o may posibilidad na nagawa rin at nahigitan pa.

Naks!

Elementary. Isa sa kalokohan ko ay ang pumailalim sa intablado namin tuwing recess kong saan naglalaro ng Chinese garter ang karamihan sa mga kaklase kong babae at mga may potential na maging binabae. Gawa sa kahoy ang stage namin noon, kaya may mga butas ito dahil sa pinagdikit-dikit na mga tabla. Pumapasok ako sa ilalim ng stage hindi dahil para maghanap ng mga piso na nalalaglag don kundi para manilip ng panty ng mga klasmet kong babae o kung sino man nandon na tumatalon-talon, kasama ang kaibigang nakalimutan na ang pangalan. Wet este wait, ginagawa namin 'yun hindi dahil sa kamanyakan namin din, kundi ito'y dahil sa sex, charot, ito'y dahil sa teks at jolen. Mali ka din ulit, hindi kami don naghahanap ng teks at jolens.

Magbasa ka pa!

Nakikipagpustahan ako/kami sa mga kaklase kong lalaki na mahuhulaan ko ang kulay ng panty ng mga klasmet namin babae, ang tuso ko lang noh? Game naman sila, siyempre may nakatayang kayamanan ng isang bata, ang teks at jolens. Confident silang mananalo sa pag-aakalang napakaimposibleng mahulaan ko ang kulay ng panty ng mga klasmeyt namin. Pero isang malaking pagkakamali nila 'yun, ako si kaka sa ilalim ng kubo.

Pahirapan nga lang minsan makumbinsi ang hinulaan ko (kunwari) kung ano ang kulay ng kanyang panty na ipakita sa amin o sabihin man lang ang kulay para patunayan na mali o tama nga hula ko, pero dahil sa unnatural kong talento sa panghuhula, pinapakita din nila, hanggang sa may garter nga lang, basta lang medyo makita namin ang panty, masaya na kami. Maraming natutuwa sa pustahan namin na yun, kahit lagi sila talo sa akin, ayos lang.

Pero minsan....


"Ano, pustahan tayo ulit, mahuhulaan ko ang kulay ng panty ni kuwan?"

"sige, ano'ng kulay?"

"hahahaha, kulay dilaw, hahahaha"

"kuwan, kulay dilaw daw panty mo sabi ni Akoni"

Umiyak si kuwan na parang nakuwan, kaya ayun nag-sumbong kay titser. At doon nag-umpisa ang ALAMAT NG SERMON.

Indoor

High school na ata ako noon (nakuwento ko na ito dati, pero wala lang, gusto ko lang ulitin para sa kapakanan ng mga hindi pa nakabasa), may mga kamag anak kaming mga babae na nakikitira sa amin dahil nag-aaral sila sa malapit na school sa amin bahay. Sa tuwing may bisita silang mga lalaki (hindi ko alam that time na umaakyat pala ng ligaw ang tawag don), ay nabubuwesit ako. Dahil uutosan nila akong bumili ng biskwet at soft drinks o tang, tapos ililipat nila ang channel. Napuputol tuloy ang panonood ko ng cartoons.

Ang ginagawa ko kapag natunogan kong bibisita uli sila, ay iihian ko ang juice na iinomin nila. Sabi ko nga, ninja ako, kaya minsan kahit bagong timpla palang nila ang tang ay nagagawaan ko ng paraan para lang malagyan ng ihi ang inomin nila.

Outdoor

Isang araw may ginawang duyan ang mga kalaro ko, gusto ko makilaro sa kanila, kaso ang dadamot ng mga puta. Pinagdadamot nila at iniinggit ako sa duyan nilang gawa sa sako ng bigas. Kinabukasan nagkakagulo ang mga bata sa may duyan, umiiyak ang may-ari. 'yung iba, nagugulohan kung paano nagkaroon ng sandamakmak na tae sa duyan nila, ako naman ay nagugulohan ang isip kung ano ang kinain ko at ganun nalang kadami at kalusaw ang nate ko.

At doon nag-umpisa ang ALAMAT NG LINTEK LANG ANG WALANG GANTI.

v
v
v
v

High school ulit, 3rd year, unang pasok at first subject, excited ako. Natutuwa ako dahil ang ganda ng titser namin, ang ganda talaga niya. Unang kita ko palang sa kanya ay lumukso na ang lalamonan ko ng dahan-dahan pataas at pababa at tumibok ang pulso ng palad ko. Parang ganito ako, "Wow ang ganda ni titseeeerrrrr, kailangan magpa-impress ako para magustohan".

Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pagtuturo at ako naman ay nasa kalagitnaan ng pagpapatansya sa kanya, nang biglang magtanong, tandang tanda ko pa ang tanong niya hanggang sa ngayon, "Bakit hindi mapuntahan ng mga tao ang planetang MARS?" Tanong niya sabay ikot ang kanyang mga mata sa amin, naghahanap ng sasagot. Ang bilog ng kanyang mga mata, wow pare parang anime eyes, ang kyut, kung sa isda ang sarap sipsipin lalo na kung sinabawan ang pagkakaluto, malaki at makatas.

Nagtaasan ang mga kamay, umingay ang klase. May mga nagbigay ng sagot kahit hindi tinuturo ni titser kong maganda. May sumagot ng dahil mainit titser, dahil may mga alien, dahil may sumpa, dahil walang oxygen, dahil walang gravity, at kung anu-ano pang hindi ko na matandaan. Matatapos na sila at hindi pa ako nakakabigay ng sagot kay titser maganda, kailangan kong sumagot ng kakaiba at pang scientist na idea, yung tipong kapag narinig niya ay kukurotin ang ilong ko at hihimasin ang aking pisngi sabay sasabihing "Ang kyut-kyut mo at ang talino mo pa, pakiss nga." at ako naman ay magkakaorgasm na ora mismo sa kinauupoan ko.

*Taas ang kanang kamay*

..........DAHIL PUNONG PUNO NG KANIN MA'AM!!

Natigil ang lahat, hinanap nila kung kanino ang malahiganteng dwendeng (meron ba nun?) boses na 'yun. Nakatingin sila sa akin, nakangiti ako, nagugulohan din sa nangyari sa akin at iniisip kung bakit 'yun ang naisagot ko. Napalingon ako kay titser maganda, wala na, bakas na sa mukha niya ang pagkabadtrip. Ang kagandahan ng kanyang mukha ay naging parang mukha ng babaeng hindi nagkaregla ng tatlong buwan, parang mukha ng babaeng mayaman na walang pang shopping, at parang mukha ng babaeng kapitbahay namin.

At don nagsimula ang ALAMAT NG SABON.



....UY, haba na masyado, nakawala na rin ibang ligaw na alaala na mga nahuli ko. Next time nalang ulit, sana makarami pa ako ng mga mahuhuling ligaw na alaala ng nakaraan.


Hanggang sa muli mga kalandian!!!


Monday, August 13, 2012

Movie review na naman: Hunger Games



Ang movie review na ito ay Rated PG, as in Parang Gago lang. Teka, Rated SPG na pala ngayon. Ulit, ang movie review na ito ay Rated SPG, as in Sobrang Parang Gago.



Ngayon ko lang napanood ito dahil bago lang nagkaroon ng DVD copy sa mga torrent site. Oo pirata ako,  ako si Monkey D. Luffy, charot!!

Sorry naman, walang sinehan dito sa KSA kaya sana maitindihan ako ng mga anti-piracy gang.

Nabasa ko ang libro nito, kaya ganun nalang ang pagkasabik ko nung mabalitaan ko na ginawaan pala ng movie, ayy mali, nasabik akong basahin ang libro pala dahil may movie na ito at nagkataon din na may ebook ako nito. Oo, pirata din, sorry ulit mga kuyang, saka pinadala lang naman sa akin eh. 

Tapos lalo akong nakaramdam ng orgasm nang makita ko ang bida, napapikit ako at napakapit sa aking betlog dahil may naalala ako. Familiar sa akin ang mukha niya, hindi dahil siya yung semi-nakahubad sa X-men na si Mystique na kulay dark blue (?), kamukha niya, hindi, kamukhang kamukha niya 'yung naging classmate ko sa P.E nung unang panahon, LOL, alamat?

P.E. 4, 4th year college na ako nun, huling PE na. Isa sa pinakaayaw ko na subject ay P.E., dahil kailangan ko magising ng maaga at magsuot ng jogging pants, ayaw ko nun. Feeling ko kasi kapag nakajogging pants me ay ako si Papa Piolo Pablita, hindi ko alam pero para sa akin, hindi panlalaki ang jogging pants. Saka hindi ako nagbi-brief kaya bumabakat ang HUNGRY bird ko na handang makipag-GAMES. Sa mga panahon na 'yun, nasa peak ako ng aking pagbibinata, mapusok, hot, yummy, lol, as in HUNGER, aarrrrwwwrrrr, ppzzzzzssssshhhh.

Sa lahat ng GAMES ng P.E., siyempre, expected na ang pipiliin kong game, yung panlalaki talaga at hindi basketball 'yun, kundi Volleyball. Alam na!

Ano mapapala ko sa basketball? Ayaw ko makipagpalitan ng pawis sa mga kapwa ko lalaki noh, saka puwedi ko naman matutunan ang basketball kahit sa tapat lang ng bahay namin. Sa ring na sinabit lang sa poste.

Sa volleyball, siyempre lahat babae ang classmates ko, ayyiiiiiii....yung dalawang lalaki eh bading, so ako laaaaaaaaaaaang. Bwahahahahaha este hehehehe.

First day of class namin, nauna na ako kasi excited na ako makakita ng legs, yummy. Hindi ako nabigo kuya Eddie, may isang magandang dilag nga, as in ang ganda niya, ang kinis ng legs, at bilog na bilog ang keypad niya, napa-ooohhhh-la-la ako at muntik nang tumirik ang mga mata ko dahil sa magandang dilag na nakita, at oo, kamukha niya si Katniss ng Hunger Games. Gawin mo lang black ang mata at ang buhok, siya na.

Matangkad siya, hanggang labi lang niya ata ako, kaya puwedi niya dilaan ang noo ko sakaling mausog ako, sa noo ba yun?

Hindi ko siya naging friend, oo, hindi kami nag-uusap, simpleng ngitian lang ang batian namin kapag nagkakasalubong sa campus. Nahihiya ako makipag-usap sa kanya, dahil siguro sa sobrang ganda niya at sobrang kaakit-akit, hindi kinakaya ng kakapalan ng mukha ko.

Mula nun, lagi na ako ganado sa P.E., hanggang isang araw dumating na ang pinakamimithi kong araw at pinaka-embarrassing moment ko sa buong buhay ko. Ngayon ko lang ito kinuwento sa buong buhay ko, ganun ko kinahihiya ang nangyari.

*exhale* *inhale*

May laro kami nun, final game ata yun, last day namin. Divided kami sa apat na grupo, bali kung dadagdagan mo ng isa ang isa, magiging dalawa 'yun, tapos dagdagaan mo ng dalawa pa ang dalawa, magiging apat na. Sumatotal, apat na teams kami lahat, ang galing ko sa math noh? bakit hindi nalang kaya ako mamatay. LOL

Magkalaban ang team namin, at dahil sa maliit ang biyas ko, sa gitna ako. Ako ang receiver, don ako tini-train ng coach namin, magaling daw ako sumalo ng bola. Basta talaga bilog, walang mintis sa akin yan. Kami, sila Katniss ang opponent namin.

Hindi ko na matandaan kung sino ang nanalo sa team namin. After ng laro, bugbog ang arms ko kuya Eddie, as in pulang pula. Pakitang gilas din kasi ako sa kanya eh, ayun napala ko. Nakangiwi akong papunta sa bench namin at naupo, laking gulat ko.................................naupo din siya sa tabi ko, tapos naghalikan kami, charot.

Naupo siya sa tabi ko at sabay sabing, "Masakit ba?" tapos hinila niya ang kamay ko at minasaheeeeeeeeeeeeeeeee, oo, ganun talaga ang nangyari, agad-agad. Please, pakiramdaman niyo yung kilig at tuwa ko sa mga oras na 'yun. Nag-init ang buong katawan ko, at pati hungry bird ko ay nag-init din dahil sa sobrang bango niya. Weakness ko ang mabango na babae.

Nakatingin lang ako sa kanya habang minamasahe ang arms ko, tapos, tapos, tapos, nagpito na si sir. Tapos na ang klase, uwian na. Ako naman, dahil sa pagkabangag ko sa ginagawa niya, tumayo ako agad, and guess what? Lahat ng classmates ko nakatingin sa akin, lalo na si Katniss na katabi ko lang. Bakit kamo???

dahil.....

Bakat na bakat ang hungry bird ko, tayong-tayo, galit na galit at halos mabutas na ang jogging pants ko. Nagwawala sa galit na parang gustong lumabas dahil gusto niyang makita kung sino 'yung dahilan ng init ng ulo niya.

*Insert face palm*

Mula nun, hindi na kami nagkita pa ulit.

Oo nga pala, medyo maganda pala ang movie na hunger games.

Thanks,








Sunday, August 5, 2012

Akoni's Day


Parang poster lang ng isang pelikula


Isang taon na akong ama. Kung ere-rate ko ang sarili ko bilang ama from 1 to 10, siguro napakataas na grado makukuha ko, napakataas na 1 (uno), sintaas ng poste ng meralco. Hanggang dyan lang ang kaya kong sikmurain na ibigay sa aking sarili. Hindi ko kasi nagagampananan ang pagiging isang ama dahil sa situation ko bilang isang OFW. Naalagaan ko siya pero mahigit isang buwan lang, kaya don ko lang binase ang grado ko.

Hanggang ngayon ay parang naamoy ko parin ang amoy niya, naririnig ang iyak niya tuwing nagugutom siya, nararamdaman ang lambot ng balat niya, at nalalasahan (?) ang sarap na pakiramdam na mayroon kang anak.

August 5 siya sinilang, August 6 ko siya unang nahagkan at nahalikan. Punong puno ako noon ng kaligayahan, parang kinukuryente ang buong kalamnan ko dahil sa sobrang ligaya na nadarama. Ngayon, hanggang sa cam ko nalang siya nakikita, lungkot ang nararamdaman ko sa tuwing pinagmamasdan ko siya, dahil hindi ko man lang masabayan ang mga tawa at ngiti niya. Kaba at inggit ang nararamdaman ko sa tuwing nagpapakitang gilas siya, dahil hindi ako sigurado kung para sa akin ‘yun. Naiiyak me!

Alam ko, hindi habang panahon ay ganito nalang situation namin. May paraan para magkasama kami, ayaw ko isugal ang pagmamahal niya para lang sa kanyang kinabukasan. Ang pagmamahal kapag walang malakas na foundation, madaling magiba o madaling mawasak, mas mahirap ‘yun buoin. Kung dito lang ako, walang mabubuong malakas na foundation sa amin dalawa, lalo na sa parte niya.

Ang kinabukasan, mas madaling umpisahan at mahanapan ng paraan 'yun. Oo, pinipili ko ang pagmamahal niya sa akin kesa magandang buhay na maibibigay ko. Aanhin ko ‘yun, kung paglaki naman niya ay malayo  ang loob niya sa akin, hindi niya ako mahal o kunti lang? Hindi rin yun maganda para sa isang anak, ang hindi malapit sa kanyang ama o malayo ang loob niya sa kanyang mga magulang. Kahit mapasakanya pa ang kalahati ng buwan, kung nakikita naman sa kanya ng mga tao na malayo ang loob niya sa kanyang mga magulang, wala din silbi ‘yun.

Ang pagmamahal sa magulang ay hindi kayang tumbasan ng kahit na anong bagay dito sa mundo at sa Japan, kaya hindi ko kayang isakripisyo ‘yun para lang sa kinabukasan niya na hindi naman ako ang may control. Kung puno ka ng pagmamahal sa parents mo, mismong magandang kinabukasan ang lalapit sa’yo. It’s all about love guys, it’s all about love para magkaroon ng maraming blessings.

To you Akoni,

Siyempre, hindi mo ito mababasa. Wala lang, trip ko lang na kunwari ay magsusulat ng mesahe para sa'yo. Ano ba sasabihin ko sayo? Hindi ko alam, dahil mahigit sampung buwan na kitang hindi nakakapiling, kaya wala akong alam, wala akong alam sayo. Ni-hindi ko nga alam kung ano mga paborito mong kinakain, hindi ko nga alam kung ano hitsura mo kapag natutulog ka o pagkagising mo, hindi ko nga alam kung ano na amoy ng tae at ihi mo, hindi ko nga alam kung paano ka mainis o magalit at umiyak, basta kung anu-ano nalang ang hindi ko alam sa'yo, ang tangin alam ko lang sa'yo ay anak ka ng nanay mo at anak kita!

Oo, nasasaktan ako ng sobra sa tuwing naiisip ko ang lahat ng iyan. Mahirap, hindi ko naman puweding sabihin sayo na wala akong choice kaya ako nandito eh, dahil hindi ko pa sinusubokan na manatili dyan sa tabi mo, hindi ko sinusubokan ang kapalaran ko dyan, kaya hindi ko puweding idahilan sayo na kaya ako nandito ay dahil wala akong choice.

Pero, pero, pero, humihingi muna ako ng kunting panahon habang hindi ka pa natututong maghanap ng kalinga ng magulang, dito muna ako pasamantala ah. Saglit lang, mga 3 taon pa siguro. :)

Basta pangako ko sa'yo, ako ang unang maghahatid at susundo sa'yo sa paaralan. Asahan mong ako ang aattend sa mga PTA meeting mo. Ako ang magsasabit sa'yo ng medalya, ayy teka isama natin si Mama mo baka magtampo, hehehe. Kami ang magsasabit sa'yo ng una mong medalya o kahit na anong medal pa yan, kahit loyalty medal pa 'yan.

Ano, greet na ba kita ng Happy birthday?

Huwag muna, unang greet natin ang mama mo na siyang naghirap sa'yo ng lubosan, naghirap dahil sa pagmamahal sa'yo. 

Happy Mother's day to you my Heaven. Ngayon 'yung araw na naging mother ka, kaya araw mo ngayon, sana'y mahalin ka ng lubosan ni Akoni, makita ko lang 'yun, ganap na akong tatay. Siyempre ako din, happy father's day to me. Ngayon 'yung araw na naging ganap na akong ama, kaya salamat sa inyo my heaven.

Oh ito na, greet na kita. HAPPY BIRTHDAY MY LIL AKONI!





Salamat pala sa nag-sponsor ng cake, umiiyak kanina si heaven dahil sa'yo, dahil sa sobrang tuwa. Maraming maraming salamat. Mahal ka namin.






Wednesday, August 1, 2012

My second Movie review: The Vow



Oo, pangalawang movie review ko ito, ang una ay nandito. Hindi ko alam kung anong nahigop kung sabaw para gawaan ng review ang movie na the vow. Ekstweli, matagal na'to nakatambay sa external disk ko at sa tagal nga ay araw-araw ako minumura kung bakit ayaw ko pa daw siya panooriin kahit na marami na akong nabasang mga post sa facebook na maganda daw.

Hindi ko agad pinanood sa kadahilan hindi ako mahilig sa drama-love story shit. Mababaw lang ang luha ko, madali ako ma-touch, kaya isang touch mo lang sa akin, nag-iinit na ang katawan ko.

Huh?!!

More on anime ako, romance-comedy, sci-fi at lahat ng movies na may comedy. Nanonood naman ako ng mga movies na nagpapatulo ng luha (lalo na yung mga nagpapatulo ng luhang-puting-malagkiting-tsikitingtobesana) pero kapag mag-isa lang ako dahil una, nahihiya akong may nakakakitang may tumutulo sa aking mga mata, parang it's a guy thing na dapat walang makakitang may tubig na maalat sa aming mga mata, right guys?

Kaya kayong mga babae, kapag pinakita sa inyo ng isang lalaki ang luhang tumutulo sa kanilang mga mata, lalo na kung nanliligaw palang? Naku, red alert, red alert, red alert, delikado ka, patibong yan. Napakalaki ng chances na peke 'yun, ginagamitan ka lang niya ng Christopher De Leon moves.

Tatlong uri ang moves sa panliligaw

Una, Dolphy. Ito ang malinis na intention move ng isang lalaking nanliligaw. Ginagamit ang sense of humor para mapaibig ka. Basta, alam ko, most of them ay totoo. Hindi ko nilalahat ah, may mga tarantado din naman na tini-take for granted ang talentong makapagpatawa. Oh, bakit nasa isip mo ako?

Pangalawa, Fernando Poe Jr.. Ito ang move ng mga lalaking OA, pasikat at paastig. Dinadaan sa katapangan at kaangasan ang pagpapaimpress nila sa nililigawan nila. Magtatapang-tapangan kunwari hanggang sa may bumasag sa mukha niya, kaya ano ka? Edi basag ngayon mukha mo tapos pahiya ka pa sa nililigawan mo. Ito, never ko sinubukan. Oh, bakit nasa isip mo na naman ako?

Pangatlo, The Christopher De Leon move. Ito ang sinasabi kong pinakadelikado move, paawa effect o padrama effect sa nililigawan o sa isang babae. Magdadrama sa girl na super-duper-tupperware hurt siya sa past relationship niya kaya takot siya masaktan muli, na hanggang ngayon daw ay hindi pa nakakamove on sa shit niya, ganyan, tapos luluha siya at kung anu-anong shit na kadramahan ang sasabihin. Ganun, mag-iimbento ng kadramahan or kahit totoo ay gagamitin para lang makuha ang ipit-ipit ng isang girl. Alam namin kasing mga lalaki na weakness ng mga babae ang drama churva, malambot ang mga puso ninyo at kapag nakuha namin 'yun, madali na namin mapapintig ang puson ninyo. Oh, bakit nasa isip mo parin ako?


The best parin yung sinasabi nilang, "Be your self". Kung gusto mong gumawa ng isang napakagandang love story, just be your self para mas kiligin at ma-in love ang kukuwentohan mo.

Almost 2 am na ng umaga, paano idlip muna ako. Oo nga pala, maganda ang movie na THE VOW.