Isang taon na akong ama. Kung
ere-rate ko ang sarili ko bilang ama from 1 to 10, siguro napakataas na grado makukuha ko, napakataas na 1 (uno), sintaas ng poste ng meralco. Hanggang dyan lang ang kaya kong
sikmurain na ibigay sa aking sarili. Hindi ko kasi nagagampananan ang pagiging isang
ama dahil sa situation ko bilang isang OFW. Naalagaan ko siya pero mahigit
isang buwan lang, kaya don ko lang binase ang grado ko.
Hanggang ngayon ay parang naamoy
ko parin ang amoy niya, naririnig ang iyak niya tuwing nagugutom siya,
nararamdaman ang lambot ng balat niya, at nalalasahan (?) ang sarap na
pakiramdam na mayroon kang anak.
August 5 siya sinilang, August 6
ko siya unang nahagkan at nahalikan. Punong puno ako noon ng kaligayahan,
parang kinukuryente ang buong kalamnan ko dahil sa sobrang ligaya na nadarama. Ngayon, hanggang sa
cam ko nalang siya nakikita, lungkot ang nararamdaman ko sa tuwing pinagmamasdan
ko siya, dahil hindi ko man lang masabayan ang mga tawa at ngiti niya. Kaba at inggit ang
nararamdaman ko sa tuwing nagpapakitang gilas siya, dahil hindi ako sigurado kung
para sa akin ‘yun. Naiiyak me!
Alam ko, hindi habang panahon ay
ganito nalang situation namin. May paraan para magkasama kami, ayaw ko isugal
ang pagmamahal niya para lang sa kanyang kinabukasan. Ang pagmamahal kapag
walang malakas na foundation, madaling magiba o madaling mawasak, mas mahirap
‘yun buoin. Kung dito lang ako, walang mabubuong malakas na foundation sa amin dalawa, lalo na sa parte niya.
Ang kinabukasan, mas madaling
umpisahan at mahanapan ng paraan 'yun. Oo, pinipili ko ang pagmamahal niya sa akin
kesa magandang buhay na maibibigay ko. Aanhin ko ‘yun, kung paglaki naman niya
ay malayo ang loob niya sa akin, hindi niya ako mahal o kunti lang? Hindi rin
yun maganda para sa isang anak, ang hindi malapit sa kanyang ama o malayo ang
loob niya sa kanyang mga magulang. Kahit mapasakanya pa ang kalahati ng buwan,
kung nakikita naman sa kanya ng mga tao na malayo ang loob niya sa kanyang mga
magulang, wala din silbi ‘yun.
Ang pagmamahal sa magulang ay
hindi kayang tumbasan ng kahit na anong bagay dito sa mundo at sa Japan, kaya hindi ko
kayang isakripisyo ‘yun para lang sa kinabukasan niya na hindi naman ako ang
may control. Kung puno ka ng pagmamahal sa parents mo, mismong magandang
kinabukasan ang lalapit sa’yo. It’s all
about love guys, it’s all about love para magkaroon ng maraming blessings.
Ano, greet na ba kita ng Happy birthday?
Huwag muna, unang greet natin ang mama mo na siyang naghirap sa'yo ng lubosan, naghirap dahil sa pagmamahal sa'yo.
Happy Mother's day to you my Heaven. Ngayon 'yung araw na naging mother ka, kaya araw mo ngayon, sana'y mahalin ka ng lubosan ni Akoni, makita ko lang 'yun, ganap na akong tatay. Siyempre ako din, happy father's day to me. Ngayon 'yung araw na naging ganap na akong ama, kaya salamat sa inyo my heaven.
natouch naman ako dito! naalala ko ung anak ko! buwisit ka! lol
ReplyDeletehappy birthday kay Lil Akoni! God bless :)
hehehehe. Thank you, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon. :)) Siguro itong sinulat ko nararamdaman ko.
Deletelolo, natouch ako dito sa post mo. Relate much lang. Naiimagine ko na yung mama ko ang nagsasabi nito sa'kin. Swerte ni lil akoni sa'yo, sa inyo. :) Happy parents day sa inyo ni Heaven!
ReplyDeleteLil akoni,tignan mo naman love na love ka ni lolo. Sana mabasa mo 'to someday. Be a good girl ha, wag papasakitin ang ulo nila mama at papa mo. :) Happy Birthday sa'yo!
Mamasamasa lola mata ko habang sinusulat ko yan. Taos puso yan. :) Thank you.
DeleteKaka-touch naman to.. sa unang pic pa lang e, kita naman love mo kay baby, may twinkle sa mga mata! sana mabasa nya yun letter mo sa kanya pag malaki na siya, kakaiyak e.. happy daddy's day to you nga.. happy birthday lil akoni!!
ReplyDeleteHindi lang nagtwinke mga mata ko, kundi nag little stars pa ang kislap. :D Ipapamana ko sa kanya ang blog na ito..hehe magiging blogger din siya.
Deletehappy mother's and father's day sa inyo! maligayang bati kay lil akoni! ifile na ang leave sa company para maibsan ang pangungulila. :)
ReplyDeleteThanks richie..yeah, Actually I am coming sa Sept. :) Abangan ang mall tour ko sa mania. LOL
DeleteBilsi 1 year na pala yun. 1 year na din yung huli mong uwi ng Pinas. HAPPY BIRTHDAY kay Little Akoni mo parekoy. Naiinggit ako, sana paguwi ko pinas magka little moks na rin ako o little Nina.
ReplyDeleteLam ko mabuti kang ama kay Little Akoni, lam ko yan kasi tiniis mo mag-Saudi sa kabila ng mawalay ka sa kauna-unahan mong anak, hindi man ako ama, ramdam ko yung hirap na sobrang miss na miss mo ang mag-ina mo, lalo na yung sakripisyong hindi mo nasubaybayan ang paglaki nya.
Amen. Hirap telege, ang dami pala iniisip kapag tatay kana..hehe. Good luck parekoy!
Deletehabertdei sa iyong cute little angel.
ReplyDeleteminsan, kahit malayo ka man sa anak mo, alam nia sa loob (oo, alam nia kahit baby pa lang sya) na merong nagmamahal sa kanya.
Saka Mas mabuti na ang sitwasyon ngayon, may net na so pede ka na mag skype and everything compared sa mga dating OFW na iniwan ang kanilang anak na tanging snail mail lang or pag-uwi ang method para magparamdaman na mahal nila ang isa't-isa
Bitin ba bitin parin ang net..hehe...sana ramdam niya kami.
Deletenaiyak nman ako d2 pre. pinigil ko tumulo luha ko pero ramdam ko un mga letra ng hinabi at tinipa ng iyong mga kamay.
ReplyDeleteingat na lang jan pre.
happy bday kay lil akoni.
Siyempre, tatay ka din kaya ramdam mo. hehe. Thanks pre.
Deletehappy birthday lil akoni!! ang kyut naman ng anak mo!!
ReplyDeletehappy birthday baby akoniiiii >:D< ayabyuuu!!!
ReplyDeleteparang kelan lang, 1 year na pala?
ReplyDeleteat pagdating talaga sa pamilya eh ibang usapan na...umeemo na! LOL
Happy BEARday lil akoni!!! ^________^ humingi ka ng regalo sa papa mo..wehehe
maraming salamat sa magandang post. maganda ang simula ng linggong ito.
ReplyDeletenakakatuwa kapatid nagiging tatay ang blogger.
parang gusto ko na rin maging ama. naexcite tuloy ako sa mga mini-palaboy ko. hahaha XD
mabuti kang ama! apir!
ouch. bitter sweet na parang kapeng pan-diabetes naman tong post/dedication pre.
ReplyDeletesige lang, maiintindihan din nya yan balang araw. :}
happy birthday kay little akoni!
-nieco
ang cute nia :)
ReplyDeleteang laki na gad niya....damang dama ang pagmamahal ng isang ama..kakatouch...haberdey lil akoni!
ReplyDeletejayrulez
happy first birthday sa anak mo.....
ReplyDeleteang gandang bata. at super touching naman nito naimagine ko lang yung pakiramdam ng tatay ko nung ipinanganak ako dahil wala rin siya dito sa pinas nun. haaay
ReplyDeletetama mas ok kung kasama ka nya habang lumalaki siya. =D
Happy Birthday little girl! You're soo pretty. :)
ReplyDeletebelated happy akoni day .. dapat gawing non working holiday yan ni Pnoy. :)
ReplyDeletewew .. bawat letra nanggagaling sa puso .. tunay na may pinaghuhugutan .. nakakainggit si Lil akoni .. kasi mabait ang tatay nya ..
ReplyDeletehindi ko kasi naranasan ang ganyang pagmamahal ng isang Ama .. oh naransan ko man siguro .ewan.. ang nangingibabaw ay yung mga kalupitan lang ..yun ang climax ..
nalungkot ako bigla *emo*