nuffnang

Wednesday, August 1, 2012

My second Movie review: The Vow



Oo, pangalawang movie review ko ito, ang una ay nandito. Hindi ko alam kung anong nahigop kung sabaw para gawaan ng review ang movie na the vow. Ekstweli, matagal na'to nakatambay sa external disk ko at sa tagal nga ay araw-araw ako minumura kung bakit ayaw ko pa daw siya panooriin kahit na marami na akong nabasang mga post sa facebook na maganda daw.

Hindi ko agad pinanood sa kadahilan hindi ako mahilig sa drama-love story shit. Mababaw lang ang luha ko, madali ako ma-touch, kaya isang touch mo lang sa akin, nag-iinit na ang katawan ko.

Huh?!!

More on anime ako, romance-comedy, sci-fi at lahat ng movies na may comedy. Nanonood naman ako ng mga movies na nagpapatulo ng luha (lalo na yung mga nagpapatulo ng luhang-puting-malagkiting-tsikitingtobesana) pero kapag mag-isa lang ako dahil una, nahihiya akong may nakakakitang may tumutulo sa aking mga mata, parang it's a guy thing na dapat walang makakitang may tubig na maalat sa aming mga mata, right guys?

Kaya kayong mga babae, kapag pinakita sa inyo ng isang lalaki ang luhang tumutulo sa kanilang mga mata, lalo na kung nanliligaw palang? Naku, red alert, red alert, red alert, delikado ka, patibong yan. Napakalaki ng chances na peke 'yun, ginagamitan ka lang niya ng Christopher De Leon moves.

Tatlong uri ang moves sa panliligaw

Una, Dolphy. Ito ang malinis na intention move ng isang lalaking nanliligaw. Ginagamit ang sense of humor para mapaibig ka. Basta, alam ko, most of them ay totoo. Hindi ko nilalahat ah, may mga tarantado din naman na tini-take for granted ang talentong makapagpatawa. Oh, bakit nasa isip mo ako?

Pangalawa, Fernando Poe Jr.. Ito ang move ng mga lalaking OA, pasikat at paastig. Dinadaan sa katapangan at kaangasan ang pagpapaimpress nila sa nililigawan nila. Magtatapang-tapangan kunwari hanggang sa may bumasag sa mukha niya, kaya ano ka? Edi basag ngayon mukha mo tapos pahiya ka pa sa nililigawan mo. Ito, never ko sinubukan. Oh, bakit nasa isip mo na naman ako?

Pangatlo, The Christopher De Leon move. Ito ang sinasabi kong pinakadelikado move, paawa effect o padrama effect sa nililigawan o sa isang babae. Magdadrama sa girl na super-duper-tupperware hurt siya sa past relationship niya kaya takot siya masaktan muli, na hanggang ngayon daw ay hindi pa nakakamove on sa shit niya, ganyan, tapos luluha siya at kung anu-anong shit na kadramahan ang sasabihin. Ganun, mag-iimbento ng kadramahan or kahit totoo ay gagamitin para lang makuha ang ipit-ipit ng isang girl. Alam namin kasing mga lalaki na weakness ng mga babae ang drama churva, malambot ang mga puso ninyo at kapag nakuha namin 'yun, madali na namin mapapintig ang puson ninyo. Oh, bakit nasa isip mo parin ako?


The best parin yung sinasabi nilang, "Be your self". Kung gusto mong gumawa ng isang napakagandang love story, just be your self para mas kiligin at ma-in love ang kukuwentohan mo.

Almost 2 am na ng umaga, paano idlip muna ako. Oo nga pala, maganda ang movie na THE VOW.




18 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. nagustuhan ko naman ung movie na the vow. maganda ang pagkakagawa.

    pero regarding sa mga the moves nayan, may sarili ako'ng moves hahaha. pero hindi effective lol

    ReplyDelete
  3. LOL. Naaliw ako sa lihis na movie review mo tol. Gusto ko tong THE VOW, kahit marami nagsasabi na boring daw.

    ReplyDelete
  4. ang sakit ng puso ko habang pinapanood ang the vow..buti na lang happy ending pa rin..

    ReplyDelete
  5. LOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOL………..ROFLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL..!!! LLLLLLLLLLLLLLLLLLLLMAO!!!!!!!!!!!! *Joyful*

    ReplyDelete
  6. wala akong pakiaalam sa movie review mo. ang masasabi ko lang kung gusto mong matawa dapat updated ka sa post ni akoni.

    ReplyDelete
  7. manong di ko pa po napanood yan nakatengga din yan sa usb ko! hehehe!

    di ko din binasa post mo tinatamad akong magbasa...namiss lang kita kaya dito nalang ako magcocomment! kamusta ang iftar?! hehehe!

    -manang

    ReplyDelete
  8. Akala ko talaga book review ng the vow ang contain nito. but i'm wrong .i'm sorry. Iba pala yung laman. hndi tumugma sa title.. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na p're, may sayad. Don't worry huling movie review ko na ito. hehehe. Nagandahan lang ako kasi sa storya ng the vow sabaw, kaya bilang tribute gumawa ako ng post at yun ang ginawang title. :)

      Delete
  9. Nagcheck ako nun first movie review, naloka ako.. at mas naloka ako dito sa 2nd.. haha.. related na related ang title sa post.. pak! hindi na ko magpapaloko sa lalaking Christopher De Leon ang style! at maganda nga ang the vow..

    ReplyDelete
    Replies
    1. :) sorry pero hindi talaga ako movie critics..hehe kaya kapag nagandahan ako sa iang movie ganito ang way ng pagreview ko. :)))

      Delete
  10. haha nakakatawa naman yung mga tawag sa mga "da moves". haha at tama si kuya bino ang ganda ng movie review mo. super!hahahaha

    ReplyDelete
  11. parang na eexcite ako mapanood iyan....siguro marami ang bed scene....picture pa lang nasa bed na,hehe..

    ReplyDelete
  12. Ayus na ayus ang movie review mo pati ang pagpasok ng ligaw moves akoning akoni move galeng!

    ReplyDelete
  13. meron akong dvd nito pero di ko sya napanood ever. hahaha.

    ReplyDelete
  14. hindi ko pa din sya napapanood!

    LOl sa review.

    kung papipiliin ako doon na lang kay tito dolphy move.LOL

    ReplyDelete
  15. hindi ko pa napanood pero base sa kakaibang review mukhang papanoorin ko na. Iba ka talaga mag movie review air Akoni may lesson pa na kasama sa pagliligaw.

    ReplyDelete
  16. Ayos ang Review ng The Vow.. may review ka ba ng bicol.. engkk lumang joke na yata.. anyways kuya.. di ko rin mapanuod toh.. minsan talaga iniisip ko.. ikaw ang nawawala kong kakambal..

    Sobrang mababaw luha ko.. at pakiramdam ko.. sa trailer pa lang.. sobrang masasaksak ang puso ko... iiyak ako buong palabas.. kaya may takot ang puso ko na panuorin toh... at isa pang dahilan.. wala akong copy.. hahaha

    ReplyDelete