nuffnang

Monday, August 13, 2012

Movie review na naman: Hunger Games



Ang movie review na ito ay Rated PG, as in Parang Gago lang. Teka, Rated SPG na pala ngayon. Ulit, ang movie review na ito ay Rated SPG, as in Sobrang Parang Gago.



Ngayon ko lang napanood ito dahil bago lang nagkaroon ng DVD copy sa mga torrent site. Oo pirata ako,  ako si Monkey D. Luffy, charot!!

Sorry naman, walang sinehan dito sa KSA kaya sana maitindihan ako ng mga anti-piracy gang.

Nabasa ko ang libro nito, kaya ganun nalang ang pagkasabik ko nung mabalitaan ko na ginawaan pala ng movie, ayy mali, nasabik akong basahin ang libro pala dahil may movie na ito at nagkataon din na may ebook ako nito. Oo, pirata din, sorry ulit mga kuyang, saka pinadala lang naman sa akin eh. 

Tapos lalo akong nakaramdam ng orgasm nang makita ko ang bida, napapikit ako at napakapit sa aking betlog dahil may naalala ako. Familiar sa akin ang mukha niya, hindi dahil siya yung semi-nakahubad sa X-men na si Mystique na kulay dark blue (?), kamukha niya, hindi, kamukhang kamukha niya 'yung naging classmate ko sa P.E nung unang panahon, LOL, alamat?

P.E. 4, 4th year college na ako nun, huling PE na. Isa sa pinakaayaw ko na subject ay P.E., dahil kailangan ko magising ng maaga at magsuot ng jogging pants, ayaw ko nun. Feeling ko kasi kapag nakajogging pants me ay ako si Papa Piolo Pablita, hindi ko alam pero para sa akin, hindi panlalaki ang jogging pants. Saka hindi ako nagbi-brief kaya bumabakat ang HUNGRY bird ko na handang makipag-GAMES. Sa mga panahon na 'yun, nasa peak ako ng aking pagbibinata, mapusok, hot, yummy, lol, as in HUNGER, aarrrrwwwrrrr, ppzzzzzssssshhhh.

Sa lahat ng GAMES ng P.E., siyempre, expected na ang pipiliin kong game, yung panlalaki talaga at hindi basketball 'yun, kundi Volleyball. Alam na!

Ano mapapala ko sa basketball? Ayaw ko makipagpalitan ng pawis sa mga kapwa ko lalaki noh, saka puwedi ko naman matutunan ang basketball kahit sa tapat lang ng bahay namin. Sa ring na sinabit lang sa poste.

Sa volleyball, siyempre lahat babae ang classmates ko, ayyiiiiiii....yung dalawang lalaki eh bading, so ako laaaaaaaaaaaang. Bwahahahahaha este hehehehe.

First day of class namin, nauna na ako kasi excited na ako makakita ng legs, yummy. Hindi ako nabigo kuya Eddie, may isang magandang dilag nga, as in ang ganda niya, ang kinis ng legs, at bilog na bilog ang keypad niya, napa-ooohhhh-la-la ako at muntik nang tumirik ang mga mata ko dahil sa magandang dilag na nakita, at oo, kamukha niya si Katniss ng Hunger Games. Gawin mo lang black ang mata at ang buhok, siya na.

Matangkad siya, hanggang labi lang niya ata ako, kaya puwedi niya dilaan ang noo ko sakaling mausog ako, sa noo ba yun?

Hindi ko siya naging friend, oo, hindi kami nag-uusap, simpleng ngitian lang ang batian namin kapag nagkakasalubong sa campus. Nahihiya ako makipag-usap sa kanya, dahil siguro sa sobrang ganda niya at sobrang kaakit-akit, hindi kinakaya ng kakapalan ng mukha ko.

Mula nun, lagi na ako ganado sa P.E., hanggang isang araw dumating na ang pinakamimithi kong araw at pinaka-embarrassing moment ko sa buong buhay ko. Ngayon ko lang ito kinuwento sa buong buhay ko, ganun ko kinahihiya ang nangyari.

*exhale* *inhale*

May laro kami nun, final game ata yun, last day namin. Divided kami sa apat na grupo, bali kung dadagdagan mo ng isa ang isa, magiging dalawa 'yun, tapos dagdagaan mo ng dalawa pa ang dalawa, magiging apat na. Sumatotal, apat na teams kami lahat, ang galing ko sa math noh? bakit hindi nalang kaya ako mamatay. LOL

Magkalaban ang team namin, at dahil sa maliit ang biyas ko, sa gitna ako. Ako ang receiver, don ako tini-train ng coach namin, magaling daw ako sumalo ng bola. Basta talaga bilog, walang mintis sa akin yan. Kami, sila Katniss ang opponent namin.

Hindi ko na matandaan kung sino ang nanalo sa team namin. After ng laro, bugbog ang arms ko kuya Eddie, as in pulang pula. Pakitang gilas din kasi ako sa kanya eh, ayun napala ko. Nakangiwi akong papunta sa bench namin at naupo, laking gulat ko.................................naupo din siya sa tabi ko, tapos naghalikan kami, charot.

Naupo siya sa tabi ko at sabay sabing, "Masakit ba?" tapos hinila niya ang kamay ko at minasaheeeeeeeeeeeeeeeee, oo, ganun talaga ang nangyari, agad-agad. Please, pakiramdaman niyo yung kilig at tuwa ko sa mga oras na 'yun. Nag-init ang buong katawan ko, at pati hungry bird ko ay nag-init din dahil sa sobrang bango niya. Weakness ko ang mabango na babae.

Nakatingin lang ako sa kanya habang minamasahe ang arms ko, tapos, tapos, tapos, nagpito na si sir. Tapos na ang klase, uwian na. Ako naman, dahil sa pagkabangag ko sa ginagawa niya, tumayo ako agad, and guess what? Lahat ng classmates ko nakatingin sa akin, lalo na si Katniss na katabi ko lang. Bakit kamo???

dahil.....

Bakat na bakat ang hungry bird ko, tayong-tayo, galit na galit at halos mabutas na ang jogging pants ko. Nagwawala sa galit na parang gustong lumabas dahil gusto niyang makita kung sino 'yung dahilan ng init ng ulo niya.

*Insert face palm*

Mula nun, hindi na kami nagkita pa ulit.

Oo nga pala, medyo maganda pala ang movie na hunger games.

Thanks,








11 comments:

  1. bwahahahah. Di ka man lang nag-extra chort para hindi fumefelix bakat ang angry birds.

    Ikaw na ang nakapag-konek ng balibol sa hunger games peliks. :p Wagas na wagas ang review!

    ReplyDelete
  2. Nasaan ang embarrassing moment? madownload nga din ang hunger games na yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa dulo. hehe..magagandahan ka if hindi mo nabasa ang libro.

      Delete
  3. Nakakaloka ang kwentong ito. Napa-tumbling ako ng tatlong beses. wahahaha!

    ReplyDelete
  4. kaya pala ayaw mo mag suot ng jogging pants! jumajakat si kapitan bola! haha!

    ReplyDelete
  5. nyahahaha...ikaw na si felix bakat!!! dapat yata ang title neto eh "nang umariba si felix bakat"

    ReplyDelete
  6. naimagine ko lang yung naging reaction ni look alike ni katniss. wahaha nahulog ako sa upuan ko dito. wahahaha

    ReplyDelete
  7. darating din ang panahon na magkikita uli kayo....di pa ako nakakapanood niyan..

    ReplyDelete
  8. hinanap ko rin yung hunger games. haha XD lang ya! nasa dulo.

    pero sumakit ang ulo ko sa kwento mo. haha XD magandang narrative ng juvenile years :)

    ReplyDelete
  9. ayos sa review ng classmate sa PE ah este sa hunger games pala.

    napanood ko na din ang ito. Medyo ok naman

    ReplyDelete
  10. ser, napadownload ako ngayon ng hunger games. haha XD pinanood ko dahil sayo :P

    ReplyDelete