nuffnang

Monday, September 10, 2012

Akoni Random Style



1. Minsan naiisip kong magiging magaling akong official ng goberno, dahil kunti lng kukurakotin ko, mga 3% lang. Hindi rin maiwasan o mapigilan ang pangungurakot sa atin bansa, sana gawin nalang nilang Legal ito tapos my limit, ung mga hangang 3% lng. Ang sumubra sa 3%, magbabayad ng 50% na buwis sa goberno.

2. Sa Pinas iha-hire ka depende s kayang gawin ng resume mo. Dito, depende s kya mong gawing,wla clang pakialm s CV sht mo,bsta may alam ka pasok k s banga. Kya cguro matangumpay ang KSA. Bobo man o matalino ang resume mo, ang importante alam mo ang trabaho. Long live the king!

3. May local movie pala na ang title ay "Kapag ang palay naging bigas may bumayo" at "Bibingka...Apoy Sa Ilalim, Apoy Sa Ibabaw"

4. Kung noon ang sinasabi ng Gf/Bf kapag pinanggigilan ito o natuwa ka sa kanya ay ganito "ahihihihi...ikaw talaga, pakiss nga!". Ngayon ay ganito na "ahihihi....ikaw talaga, pahawak/pahimas nga!"

5. Mapalad ka dahil may palad ka

6. Paminsan-minsan ang sarap mag suplado.

7. Ang buhay daw ay parang T*T*, minsan tumitigas nalang nang walang dahilan.

8. Ang tunay na kaibigan, hindi 'yan natatagpuan o dumadating nalang bigla. Binubuo 'yan, binubuo ninyong dalawa/tatlo/apat o kahit ilan.

9.Ipagbabawal na daw sa metro manila ang mga plastic o mga supot. Babala ito s mga plastic, magbago na kayo. Mga supot, magpatuli na kayo.

10. Nakahiga at pinagmamasdan ang mga bituin s langit, mga pangarap nagrambolan sa isip. Alin ang mananaig?

11. Hindi ako ganun kayaman para bumili ng isang gadgets na ang katumbas ay halos 25 sakong bigas. Halos dalawampung limang bigas un, isipin mo kung ilan buwan kakainin un at ilang beses isasaing un? Lol. Tapos ibibili ko lng ng gadget na paglulumaan at pagsasawaan ko din? No way. Sa bigas na ako!

12. Kanina 4 times ko sinundot ang ilong nang wlng dhlan, tpos 15 minutes din ak knina s toilet, then 40 minutes late c boss, 2 days n ak nagbabasa ng ebooks, 31 years old itong office mate ko, at sept 11 bukas. TIP YAN PARA S LOTTO, TAYA NA! 

13. May earthquake daw dyan sa pinas? baka marami lang costumers sa sogo. :)

14. Sa hilig ko masyado magisip/magimagine minsn nakkaaway ko na ang sarili ko. Puwedi un!

15. Naaalala ko pa nung magkita tayo ulit, sabi ko pa nga sayo, "Uy!!", tapos sumagot ka, sabi mo, "Uy!". Sobrang meaningful.

16. Minsan sa pananahimik natin sa isang tabi, may mga bumabangon na alaala sa atin isipan na bigla nalang ito guguhit ng ngiti sa atin mga labi.

17. kumakain ng manga at grahams at umiinom ng gatas. Gumagawa ako ng graham cake sa loob ng tiyan ko, ang galing ko.

18. Nasira ng computer ang hand writing ko.

19. Nakakasawa na kumain ng itlog ng manok. Try ko naman mamaya ang itlog ng manok, maiba lang.

20. Dapat may pambansang ulam tayo, at yun ay ang talangka or palitan nalang ang milk fish.

21. Madasalin ang mga porns star, "oh god, oh god, oh god, ooooooooohh my god"

22. Ano kaya kung hindi pala ito ang totoong buhay ko at hindi pa ito ang tunay kong identity dahil may AMNESIA pala ako ng matagal na panahon?

23. Sa love naman tayo. Minsan nkakalimutan ntin na ang love ay hndi lng ung nraramdaman mong tuwing hawak kamay mo ang gf/bf mo o kasiping mo s kama. Nakakalimutan ntin na ang love ay, ay, ay, ay, ano nga pala ang love?

24. Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng kabilang bahagi.





10 comments:

  1. hanep sa random gangnam style..... eeeeeeeeei.... sexy lady... opp..opp. opp... opp. opp...

    tama ka, buti dyan sa KSA< basta keri mo ang work, pasok!

    ReplyDelete
  2. agree sa number six.

    gusto ko sana intindihin lahat. pero di ko kaya. masyadong kalat-kalat. haha.

    natawa ako kung pano mo pinagsama ang graham cake, lindol, lotto at itlog ng manok sa isang post.

    apir!

    ReplyDelete
  3. hell yeah to number 5!

    kahit random 'to, karamihan pa rin eh green topic. lol.

    ReplyDelete
  4. natawa ako sa plastic at supot haha

    o takbo kna sa gobyerno!

    ReplyDelete
  5. hahaha ang kulit lang eh....
    nkakagreen sa utak pati sa mata dahil ang font green...

    ReplyDelete
  6. madasalin ang mga porn star!! kaya pala lagi kang nagdadasal! wahahahaha! :p

    ReplyDelete
  7. -Sana tignan din dito yung kayang gawin ng tao no, hindi lang sa sinasabi ng resume.
    -nakakasira pala ng handwriting ang computer, kaya pala....sige sisirain ko na computer ko.

    ReplyDelete
  8. sakit sa bangs nitong random post mo kuya wahaha kakaisip nakaaway ang sarili? lupet!

    ReplyDelete
  9. ayos tong mga random post sir akoni..

    hindi ka nagiisa sa "Sa hilig ko masyado magisip/magimagine minsn nakkaaway ko na ang sarili ko. Puwedi un!"

    ReplyDelete
  10. ok na ok ang number 1....dapat ganun may limit ang pangungurakot....kaya naghihirap ang bayan o kaya walang pag asenso dahil kinukorup ang pera na para sa proyekto....

    ReplyDelete