nuffnang

Sunday, November 25, 2012

Mr. Speck of dust: The English Pulis Patola



Grammar pulis, ang tawag sa mga taong eksperto sa English na nanghuhuli ng maling grammar. Isa ako sa most wanted sa kanila, kaya nga panay pagtatago ko sa kanila, hehehe. Pero itong si English Pulis na kilala ko, si Mr. Speck of dust ay siya ‘yung buong English na ang sakop niya, kumbaga ay ang grammar pulis ay sa grammar lang sila nakafocus, siya ay mula sa pronunciation hanggang sa kahanggang-hangganan.

May English pulis dito sa company namin na isa palang patola. Feeling eksperto sa English at hindi lang grammar ang hinuhuli niya pati pronunciation, laging sinasabi sa amin kung gaano kabobo daw ang mga ibang lahi dito sa English. Lagi ko naman sabi sa kanya na hindi kakulangan ng pag-iisip o katalinohan ng isang tao kung hindi ito eksperto sa English, nagkataong lang na hindi interesado rito.

(Ako nagkataon lang na matalino sa English ang gf ko nun kaya siya na pinapagawa ko sa mga assignments ko at kung anu-ano pa, minsan siya na pumapasok para sa akin).

Ang mga arabo at ibang lahi dito ay hindi lang nila priority ang English language, ang importante sa kanila ay ‘yung may nagagawa sila na mapapakinabangan ng kompanya kesa makapagsalita ng tuwid na English. May sarili silang salita at sapat na sa kanila ‘yung nakakaintindi na sila ng English, hindi na kailangan maging perfect o fluent, ang importante sa kanila ay maiparating nila ang gusto nilang sabihin sa kausap. Kung napapaunlad ng salita ang isang bansa, siguro isa ang Pilipinas sa magiging panginoon ng mga bansa sa buong mundo.

Minsan hindi lang ibang lahi ang pinupuna parati ng English Pulis Patola na'to, pati mga kapwa pinoy na. Feeling superior siya lagi sa kanila, feeling niya porket sa loob ng kwarto na may air cone ang opisina niya ay lamang na siya sa mga workers sa labas, ‘yun ang feeling ng patola na ito. Lagi niyang topic sa amin tuwing lunch time kung paano mag-pronounce ng words ang (mga) kasama niya. Tapos kapag may bagong kabayan (OFW) rito, una niyang papansinin ay kung magaling ba ito mag-English o bopols, or kapag arabo naman ay tatanongin kung English ba ang CV nito. Kung hindi English, ngingisingisi siya na parang asong napuwetan, at kung sinabi mo naman na English ang CV nito, umiikot ang mata na parang mata ng kuwago.

Aaminin ko, minsan hinuhuli din niya ako sa mga pronunciation ko. Matigas ang dila ko, hindi tagalog ang  native language ko, kaya minsan para akong nagrarap kapag nag-e-English, ano sabi mo Eminem, yu arr da riyal slim CD?

Pero ang problema sa English Patola Pulis na ito ay kahit siya ay may mga sablay din ang pronunciations at grammar, bago ko lang ito nalaman.

Isang araw biglang napuno ako sa kanya, nairita na ako sa pagiging feeling matalino niya sa English, feeling Mr. Google siya na lahat ay alam. Kaya gumawa ako ng patibong para mahuli ko siya, alam kong kakagat siya sa patibong kong‘yun.

Alam niyo ba kung ano ‘yun?

Ito, ‘yan ‘yung mga tanong na pinasasagotan ko sa inyo. Pinadala ko yan sa kanya para sagotin, alam ko kasi na magyayabang nanaman 'yun at English ang isasagot. Tama nga ang hinala ko, boom! English niya sinagot…at narito ang sagot niya sa mga tanong ko, walang kulang, walang labis.

1.   Yup the world is round is no longer a question because mans ingenuity take us to the moon and travel thru space. Who am I? I’m just speck of dust as we speak.
2.   If I am a “kulangot” I don’t what’s the English word of that I would prefer to be stick into the wall at least I can see people passing by. Favorite food nothing in particular as long as it is edible.
3.   Yup definitely ,If can help other why not I going to donate as much semen I can produced just give me somebody or someone to tap my thing. LOL.
4.   Twice when I have LBM
5.   No comment
6.   I think I would prefer to talk to myself even those who are not, do. Don’t you think? 
7.   Wild imagination “you have a career after you finish Sabic” AWriter perhaps”
8.   I definitely disagree to make the arguments short I like my eggs well done LOL 

Pagkarecieved ko ng sagot niya ay sumakit bigla ang almuranas ko. Nagmessage ako agad sa kanya, “What have you done?” sabi ko, naging confident na ako bigla sa English ko. Hanggang sa binanatan ko na siya at umalis akong duguan ang puwet niya.

*Alam kong mababasa mo ito, kaya HELLO! Congrats dahil na-feature ka sa blog ko. Bwehehehe. Abangan mo ang susunod na blog ko tungkol ulit sa’yo. Ang title ay, “Usapang Lalaki” hmmmm..usapang lalaki…hhmmmm I smell paminta, achooo!!! Tungkol ito sa mga topic na hindi dapat pinag-uusapan ng mga lalaki, achooo!!! Achooo!!!


Mga tanong:

Multiple choice

1. Kung gagawin title ng isang movie ang “I am speck of dust”, anong movie genre ito? (10 points)
a.   Gay Love Story/Romance
b.   Gay Comedy
c.   Gay Adventure
d.   Gay Horror
f.    Gay porn
g.   Gay film

2. Tama ba ‘tong ginawa ko na e-blog siya? (10 points)

a.    Tama dahil wala ka naman binanggit na pangalan, blogger ka kaya walang personalan.
b.    Tama dahil gago ang karamihan sa mga pulis natin
c.    Tama dahil corrupt ang mga putekliko sa atin
d.    Tama dahil may tama ka
e.     Mali dahil wala akong pakialam sa’yo pero mahal kita, sana ako nalang, ako nalang ulit, ako nalang.

Essay

1. Ano ang nangyari at dumugo ang puwet niya, ano sa palagay mo ang ginawa ko sa kanya? Explain in 140 words. (50 points)

2. Papayag ka bang palitan ng “Sumakit/dumugo ang almuranas ko sa English mo” ang “Dumugo ang ilong ko sa English mo”? Huwag na sagotin, pero bahala ka. Malaki kana, buhay mo ‘yan, walang kumukontrol sa’yo. (30 points)


Salamat pala sa mga kumasa sa mga tanong ko, lalo na kay IYAKHIN dahil "PINATULAN" ako, sana maulit muli.....LOL

Thanks to:

Si JUAN ay nakakita ng isang supot na DIAMOND sa may KHANTO, pero nakita siya ni ARCHIE. Tinawag ni Archie ang kanyang mga barkada na sina BAGOTILYOJONDMUR, at JOANNE. Sa may tindahan ni TABIAN BETSIN MUCH nila pinagplanohan na aabangan si Juan para holdapin sana. Pero nang haranganin at gugulpihin na sana nila ito ay biglang dumating ang tagapagligtas na si SUPER JAID......at nailigtas niya ang kawawang Juan.

Sa supot na 'yun ay may isang liham pala.

DEAR ANNA
Hoy babae, ikaw bayad utang mo ha. Ito bigay mo diamond peke, ikaw akin huli pulis. Kaya ikaw bayad agad ah. Ako punta muna sa amin gusto ko ikaw bayad pagbalik ko, kaya ito muna sulat kasama peke mo diamond.
Naniningil,
MS. LEEH






Sunday, November 18, 2012

Extra Challenge: Kakasa ka ba sa mga tanong ni Akoni?





Puweding sagotin sa comment box, puweding sagotin sa sariling blog sitepuweding sa isip lang sagotin, at puwedi rin isa lang ang sagotin o dalawa, depende na sa trip yan. Ang magustohan ko na sagot ipoposte ko sa sunod na blog ko, wala lang. May premyo nga pala ito, nude pictures ko, JOKE, pero malay niyo, malay niyo lang meron pala….LOL

Okay, game na, Kakasa kaba?

  1. Naniniwala ka bang may dulo ang mundo? Kung oo, bakit at nasaan? Kung hindi, bakit at sino ka?

  1. Halimbawang ikaw ay isang kulangot. Ano’ng mas gusto mo, idikit sa pader o bilogin at ipitik nalang kung saan? Kung bibilogin, bakit? At kung ididikit sa pader, bakit at ano paborito mong pagkain?

  1. Ayos lang ba sa’yo na maging gamot sa lahat ng uri ng sakit ang semen mo o tam*d mo? kung oo, apir tayo. Gawa tayo ng group, tawagin natin the C-MEN or the T-MOOD! Kung hindi naman, mamatay ka sa sakit 'di kita gagamotin, basag trip ka.

  1. Naranasan mo na bang matae sa pantalon? Kung oo, braahahahahahahaha, ngowahahahaha. Kung hindi pa, sana mangayri ‘yun soon!

  1. Kung papangalan mo ng ibang pangalan ang kamay mo maliban sa mariang palad, ano ito? Sa akin ay My Beautiful Affair (kanan) at My Secret Affair (Kaliwa).

  1. Kung mababaliw ka ano gusto mo, baliw na kinakausap ang sarili o baliw na hinahanap ang sarili? Bakit at sino ang tunay na baliw?

  1. Ano sa palagay mo ang nasa isip ko ngayon habang sinusulat ito? Wild guess lang. Makatama, may tama din.

  1. Naniniwala ka bang tae ng isang hayop ang itlog (ng manok)? Kung oo, kumakain ka pala ng tae? Kung hindi, ipaliwag kung bakit masarap ito lalo na kapag binateee…aahhh…oohh…yeeahhh! At ikumpara sa itlog ng tao.

  1. Payag ka bang ibalik ang pinoy bold movies?
Piliin ang sagot;

A.      OO, payag na payag *Slurp*
B.      Letter C
C.      Letter A

  1.  Expected mo na bang may mga pang R-18 sa mga tanong ko? Kung oo, kiss mo ko. Kung hindi, magtanong ka sa buwan.


Pass your paper, pen*s or not pen*s! Ibig ko sabihin ay lalake man o hindi lalake ipasa na ang papel.




Tuesday, November 13, 2012

Hello Class!




Our lesson for today is about teaching…amfufufufu!

Isa sa laging tinatanong sa atin nung bata pa tayo o nagbibinata na ay ‘yung kung ano ang gusto natin paglaki. Nung bata pa ako, marami akong gustong maging. Gusto ko maging Pulis, maging doctor, maging engineer, maging si batman, maging power ranger, maging manager, maging accountant, maging artista, maging gangster, maging porn star (imbento ko lang ‘yan) at kung anu-ano pang tinatamad kong isulat. Pero isa lang ang ayaw ko, ang maging titser.

Maraming dahilan kung bakit ayaw ko maging titser, ito’y tulad din ng mga dahilan ng mga titser kung bakit ayaw nila sa ibang propesyon. Tamad ako, oo ninuno ko si Juan tamad, ako ang last descendant niya dito sa mundo. Tamad ako mag-aral, tamad ako magsulat, tamad ako magturo, tamad ako gumising ng maaga, tamad sa karamihang ginagawa ng isang titser, kaya ayun ayaw ko maging titser. Nakakagulat nga kung paano ko natapos ang pag-aaral ko eh, siguro dahil hindi lahat ng matalino ay mautak/madiskarte. Nakuha ko lang sa diskarte siguro, ‘yung sa madaling paraan? basta!

Paano ba nagsimula ang dinadaldal ng utak kong ito?

Intro lang yan…ito ‘yun kuwento talaga.

Kaninang umaga ay muntik ko nang masinghot ang kape ko imbes na inumin. Nagulat lang ako sa post ng isang kaibigan sa kanyang FB status, oo, titser si kaibigan, lalake babae babae lalake babae lalake lalake…..hay naku, lalake siya!!!

Nakailang strikes na siya sa akin. Nung ko pa siya napapansin na minsan ang post niya ay tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya. Kanina, medyo nalabuan na ako. Naisip ko na siguro kung isa ako sa mga students niya at nabasa ko ang post niyang iyon, siguro ma-o-offend ako at masasaktan. Oo, bobo ako, mahirap ako makaintindi, shunga ako, simple instruction lang ay hindi ko pa makuha, at minsan nakakakain ako ng panis, pero ‘yun lang talaga ang kayang abotin ng utak ko eh, kaya ka nga nandyan eh para ulit-ulitin sa amin ang tinuturo mo hanggang sa makuha namin, hanggang sa sumabog na mga almuranas namin, hangang sa matapos na ang responsibilidad mong turuan kami. Pero hindi naman kailangan ipangalandakan mo sa buong mundo na kami ay mga tanga, mga shunga, mga mahihina, unfair ‘yun sir, its hurt you know. 

Siguro kung ako’y isa sa students niya, lilipat na ako ng ibang school, don sa school kung saan ang mga titser ay hindi mahilig magpost ng kung anu-anong shit (Tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya) sa FB niya.

Ang relasyon ng titser at studyente ay parang relasyon ng mag-asawa sa kama, sa sex. Oo, palitan na natin ang relasyon mag-ama/ina. ‘yung first time ng babae tapos ‘yung lalake ay beterano na, kailangan gabayan ng lalake si babae, kailangan niyang turuan para maging maganda ang relasyon nila sa kama. Ganun ang relasyon ng titser at studyente, ang titser ang lalake at ang estudyente naman ay ang babae, ang titser kelangan niyang ipasok ng dahan-dahan, swabe, masarap, tamang-tama at walang aray ang karunongan niya sa sa utak ng kanyang estudyente para hindi dumugo at hindi mabigla, yung sa sobrang swabe at sarap eh titirik ng maayos ang pens nila? Ganun!

Parang seks, diba?

Parang seks na relasyon ng mag-asawa, hindi naman tama na pagkatapos magtsuktsakan ng magpartner ay mag-oonline ang lalake at ipangangalandakan sa buong mundo kung gaano siya nababad trip sa partner niya dahil hindi marunong sa seks o hindi niya makuha-kuha ang tinuturo niyang napakasimpleng position para makuha nila ang orgasm na hinahangad nila. Hindi tama na sabihin mong, ‘yung asawa ko ang bobo niya sa seks, lagi kong tinuturo na kapag nasa ganun climax na kami ay ‘wag nga huminga at ‘wag lambutan ang kanyang katawan, hindi parin niya makuha-kuha, hindi tuloy makuha ang tamang orgasm.

Ang ibig ko lang naman sabihin ay siguro dapat gawin pribado ng isang titser ang mga kahinaan ng kanyang mga estudyente, I mean you know, ‘wag niya ipahiya sa buong mundo ang mga tinuturuan niya. Kapag nasa classroom siya, don siya magpost ng status niya sa blackboard nila na hindi naman black tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya, at least don mababasa talaga ng mga bata at sila-sila lang. Dun niya sabihin ang lahat ng shit niya, kung gaano siya disappointed sa kanila, isulat niya lahat don hanggang sa magkaalmuranas na siya.

*Riiiiiiiiiiiiiingggggg* Uwian na.

Humihingi po ako ng pasensya sa mga titser kung iba ang dating nito sa inyo, hindi naman po big deal ‘yung  nabasa kung pangungutsya ng kaibigan kung titser sa mga bobo at mga shunga niyang students eh, pinapalaki ko lang ang isyu at para makaupdate lang ng blog. LOL

Goodbye Class!


Monday, November 5, 2012

Si Kapitan Bola prt 3


PANGALAN/ALIAS*:rpc_halang
URL:
TANONG*:Sir Akoni,

magandang araw (gabi) sa iyo.

isa ako (kasama ang mga dati kong ktrabaho) sa masugid mong taga subaybay simula nung napasok ko site mo. hehe

ano na po ang nangyari kay Kap Bola? bitin kami dun, kelan kasunod? hehe.

dito din nga pla ako ngayon sa KSA, dito sa Riyadh.

sana ay marami ka pang maipost dito sa site mo na mga makabuluhang istorya para mawala ang home sick.

God bless!

Rez



Matagal na ‘yan sa inbox ko, at hindi ko alam na mayroon palang sumusubaybay sa mga kuwento ko. Hindi ko alam kung magsasaya ako o kakatayin ko nalang 'tong roommate ko, basta naligayan ako, siyempre as usual parang orgasm na naman. Oo nga pala, pasensya na dahil bihira lang ako ngayon magkwento (naks), at dahil nagrequest ka ng kapitan bola, umasa kang pipilitin kong taposin ang kwento kahit magkaalmuranas pa ako. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung paano 'yan tataposin. LOL
 
Maraming Salamat Ulit, salamat sa mga messages mo sir, ingat lang baka magka-inlaban tayo.


Sa mga gustong makiride on sa trip ko, nandito ang part 1, tapos dito ang part 2 at narito na ang part 3.


Costume ni KAPITAN BOLA


Sa akin paglalakad, hindi parin mawala sa isip ko ang matanda, kinilabotan tuloy ako dahil parang nakikita ko ang paglalandi niya sa akin. "Haayyyyy-eow, weird" usal ko. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad hanggang sa biglang may sumulpot sa harapan ko, mga nasa 10 meter ang layo nito sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot, dahil isa itong taong palaka. Kulay green, yellowish ang sa tiyan niya na malaki, malapad ang mukha, malaki ang ulo, malaki din ang bibig nasa isang dangkal ata, basta mukhang palaka.

"KEroKEroPEPE!!waaahhhh……ako’y nagugutom..waaaahhh…Ikaw, mukhang yummy ka! Kakainin kita, mmmmeehehehehehehe" Shit ng palaka.

"Ha? Ano ako, insekto?!! Ayy teka, dapat ganito maging reaksyon ko, 1, 2, 3...aaaaaaahhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko.

 "KEroKEroPEPE....wwwssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhh…Haaaaaaaaa…" Nag-Oppa nganga style siya at naamoy ko ang hininga niya.

"Aaaaahhhhh...aaaammmmmbbbbaahhhhhoooo" Reaksyon ko.

"Ouch! KEroKEroPEPE..ano sabi mo sa aketch? Mabaho hininga ko? kakahurt ka naman, sempre gutom ako e." Pagmamaktol ng taong palaka.

"SORRY" ako.

"Pero, kakainin parin kita. mmmeeeeyyyhehehehehehehe—you can run, but you can’t hide! meoowhehehehe" Sabi ng taong palaka.

"Ulol! Walng originality, gaya-gaya ng linya.”  Sabi ko sa kanya at tumakbo na ako.

Paglingon ko sa kanya ay biglang nilawit ang pagkahaba-habang dila nito at inaabot ako, pero mabilis ang takbo ko at nakakailag ako. Dahil sa hindi ako maabot ng kanyang dila, bigla ito huminto at buwelo, at biglang talon, napatili ako.

Ayyyy puking palaka ni Kaka!!!” Tili ko na tumakbo parin ako.

Sakto ang pagtalon niya, dahil nasa harapan ko na siya, mga nasa 8 meter nalang.

"Sluprs" paglawit ng dila ng palaka, "Ilag" reaksyon ko, "Slurps-Ilag-Slurps-Ilag" Repeat 4x

"Eooww kader-der, ano bang dila ‘yan?" Sigaw ko sa kanya.

"Mapapasaakin din ang katawan lupa moooo…(trruusssppppp!!!!Lawit pa ng dila niya)" - Kokak

"Tullooooonnnggg, puuulliiiiisssss, Iiinaaayyyyyyyyyyyyy" Paghingi ko ng saklolo pero parang walang tao sa paligid.

Dahil sa paghingi ko ng tulong, biglang may narinig akong boses, at malakas ito. 

*Gamitin mo ang kapangyarihan mo Akoni, gamitin mo!* Sabi ng boses. 

"Ha? sino ‘yun? Kapangyarihan? Ano naman ang kapangyarihan ko?" Mga tanong ko at napalakas ang boses ko kaya napatigil ang halimaw sa harap ko.

*Gamitin mo tanga!!mag-isip ka!* Sabi ng boses uli, pero ang pinagtataka ko, ito’y kaboses ko.

"Aba’y tanga ka din, namputcha naman, sino ka?" Pagalit kong sabi na palingon-lingon sa paligid.

"Teka lang itchuserang palaka, may bumubulong sa akin eh, nakakainsulto na, time out muna tayo" Pakiusap ko sa palaka.

"Okies..pagod na din ako sa kakadila sa’yo. Umiilag ka naman e" Sagot ng taong palaka na parang may tampo.

Patuloy parin ang boses na naririg ko.

"Naririnig mo ba ‘yun?" Tanong ko sa palaka.

"Adik kaba? Wala akong marinig kundi ang ingay ng tiyan ko dahil sa gutom. Magpakain kana kasi sa akin ayyyiii, Hmp! Ano game na ba?" Sabi ulit ng palaka at nag-ipon na ng lakas, handa ulit subokan kainin ako.

"Sandali nga lang, ‘wag kang epal. Rest ka muna dyan" Sita ko sa kanya, at nakita kong nagtaas ng kilay ang palaka.

*Gamitin mo ang kapangyarihan mo ogag. Meron kang kapangyarihan, nagising ang natutulog mong kukote. May kukote kana, gamitin mo!* Sabi ulit ng boses, at sobrang nagtataka parin ako dahil pakiramdam ko ay ako ang nagsasalita, parang galing mismo sa akin ang boses.

"Sino ka?” Bulong ko sa aking sarili.

*Ako’y ikaw, ikaw ay ako tanga! Ako ang kukote mo, nagkaroon ako ng sariling buhay* sagot ng boses

"Aaahhh ewaann..tumigil ka na sa kakabulong mo sa akin..waaaaahhhhhh" Sigaw kong malakas.

"Hoy adik!! Game na ako..game kana ba? Iniisnab mo ako ha..itong sa’yo" Naghanda na ulit ang palaka.

"KEroKEroPEPE, nakapahinga na ako, lalapain na kita. Waaaahhhhhhhh..trruusssppppp!!!!!!!!(nilawit nanaman ang mahabang dila sa akin)"

Papalapit na sa akin ang dila niya nang biglang may humawak rito, isa na naman nilalang ang biglang sumulpot sa pagitan namin ng taong palaka. Pero this time hindi isang halimaw, kundi isa atang diwata dahil sa taglay nitong kagandahan. Napanganga ako, isang napakagandang babae, tumulo lalo ang laway ko nang makita kong naka-two piece lang siya. 

"Sino siya? Ang ganda naman niya at ang sexy pa" laway dila ko.

"Ako si Liwanag, narito ako para tulongan kang puksain ang kasamaan" Sabi ng mahiwagang babae

"Ha? Liwanag??!!darn!!!!!!!cool..go,go,go….ihampas mo sa pader ang itchuserang frog na ‘yan" Sigaw ko sa tuwa.

Wala pang ginagawa ang mahiwagang babae ay bigla nalang umalis ang taong palaka, nagtatalon ito sa takot. Papunta na ito sa city.

"Sumakay ka sa akin, habulin natin ang taong palaka bago pa man may masaktan o makain" Sigaw sa akin ni Liwanag na sa oras na 'yon ay parang naghahang akong nakatitig sa kanya dahil sa sobrang ganda niya.

"Sasakay ako sayo? Bakit nakakalipad ka? Ha?ha?" Pabalang na sagot ko sa kanya, dahil naputol ang pantasya ko.

"Oo dahil may kapangyarihan ako. Bilisan mo, baka hindi na natin maabutan ang palakang iyon, kailangan mo siyang mapatay" Utos niya sa akin.

Ha? Bakit ako? Bakit hindi ikaw? Ikaw nga itong may kapangyarihan eh” Paliwanag ko sa kanya dahil natakot ako sa sinabi niyang ako ang pupuksa sa halimaw na ‘yon.

Basta ikaw ang dapat pumuksa sa kanya, hindi ako puwedi, mamaya ko na ipapaliwanag sa’yo” Sabi niya at nagpose na siyang lilipad na napanganga naman ako dahil ang ganda niya, shit.

"Bakit hindi ka pupuwedi, regla mo today?" Tanong ko sa kanya at nagsimangot si Ligaya kaya umangkas nalang ako sa likod niya.

Nasa likod na ako ni Liwanag habang nasa ere kami,

Nakakalipad nga siya, mayroon nga siyang kapangyarihan” sa isip ko.

Nakayakap ako sa kanya, at inaamoy ang buhoy. Grabe ang bango niya...kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata, ang sarap ng pakiramdam ko.

"Alisin mo ‘yang kamay mo sa dibdib ko kundi ihuhulog kita" Medyo gumiyang ang lipad niya at lalo tuloy ako napapisil sa dibdib niya.

"Oh, wag kasi...ayan napahigpit pisil ko tuloy, hehehe. Sorry mali lang nakapitan ko. hehehe" Palusot ko.

"Haayy naku, diyos ko. Bakit siya pa?" Sabi ni Liwanag at hindi ko na yun pinansin.

Ilang saglit lang ay nahanap na namin ang taong palaka, hinabahol ang mga tao…….lumapag kami sa tuktok ng building, nang biglang may narinig na naman akong boses.

Ungas, may kapangyarihan ka, hindi mo lang alam..gamitin mo” Sabi nito.

Baka tama ang naririnig kong boses baka may kapangyarihan nga ako dahil don sa nangyari” Sa isip ko.

Ulopong, pabulong-bulong kapa dyan e naririnig din naman kita...meron kang kapangyarihan, gamitin mo kasi” Sabi ulit ng boses.

Tangna na’to!” usal ko at napatitig sa akin ng masama si Liwanag kaya nagsign peace ako sa kanya.

Ok, gagamitin ko na kung ano man un” Bulong ko.

Liwanag, sabi mo ako ang dapat pumuksa sa halimaw na ‘yon diba? Now watch me my dear, mwah!” sabi ko sa kanya na may halong landi.

Dapat lang bago pa niya kayo maubos, kayong mga tao.” sagot niya sa akin na nagpaalog sa isip ko.

Hindi siya tao?” Sumaglit sa isip ko

Okay, I think I am ready na, huh, huh, huh.” Pagiinarte ko na parang Kris Aquino, pampawala ng kaba.

Nag-inat na ako at bigla akong tumalon sa building………

Eyyyeeaaaaahhhhh..ayan na ako taoooong paaaalaaakkkaaaaa..waaaahhhh” sabi ko na nakasuperman pose ako.

HOY!!!BAKIT KA TUMALON????!!!!!” Malakas na sigaw ng boses sa akin na halatang gulat na gulat.

Sabi mo, may kapangyarihan ako, lilipad akooooooo….waaahhoooooooooo” sagot ko pero kinabahan ako dahil pabulusok sa lupa ang direction ko.

AYYY TANGAAAA!!!!!!ANG TANGA MO TALAGA!! SINABI KO BANG MAKAKALIPAD KA??!!” Galit na sabi ng boses.

Isip ang kapangyarihan mo ungas…mga salita ang kapangyarihan mo...pambobola ang kapangyarihan mo. Tangnan Style na ‘yan!!!” Galit parin ang boses.

ANO??!WAAAAHHHH…NAKANAMPUTCHA, HINDI MO SINABI…LIIWAANAAAGGGG!!!! TUULLLOOOONGGGG!!!!!!” - Akoni



Itutuloy………….