nuffnang

Monday, November 14, 2011

Kwentong Akonilandiya: Happy ending




Nung unang panahon sa bagahi ng kaharian Akonilandiya, may isang datu na ubod ng panget pero may ginintuan puso naman ito. Walang asawa ang datu, hindi dahil sa walang nagkakagusto sa kanya, sa katunayan nga ay lahat ng mga kababaihan sa kanyang nasasakopan ay gustong gusto siya at mahal siya dahil sa ugali nito, pero ayaw niya, dahil nahihiya siya sa mga magaganda. Dahil sa pagiging patas niya, feeling niya tuloy ay hindi siya magiging patas sa sinumang magandang babae sa kanyang kaharian kung ito ay kanyang papakasalan. Kaya  isang panget na may mabuting ugali din ang gusto niyang makaisang labi at dibdib at toootttooottt…

Isang araw, sa paglilibot ng datu sa kanyang nasasakopan, may nakita siyang babae na ubod din ng panget tulad niya, pero hindi siya sigurado kung mabait ito at mabuting tao. Para malaman niya 'yon, pinag-utos niya na alamin nila ang babaeng panget kung mabuting tao ito, dahil atat na atat na siyang mag-asawa, pagod na pagod na kasi siya mag-isa, anlaki na ng muscles sa kanang kamay niya, at madalas na mag-cramp ang kanyang paa.

Nagkunwari ang sugo ng datu bilang isang pulubi, lumapit siya sa panget na babae at humingi ng tulong. Nang makabalik ang pinagpanggap ng datu, masayang tinanong ito kung anu ang kanyang natuklasan sa panget na babae na yon. Nagulat ang datu sa isinagot ng kanyang inutusan, hindi daw ito mabait bagkus ay sobrang sakim ito at mapagmata sa kapwa, imbes daw na tulungan ay hinold up nalang daw siya, kung hindi pa daw siya nakatakbo malamang nagahasa din siya ng babaeng panget.

Dahil doon, nawalan na ng pag-asa ang datu na makahanap ng tulad niyang panget na mabait. Sa pagkabadtrip ng datu ay nag-asawa nalang siya ng magandang babae na mala Angelica Jolie, at para maging patas siya sa kanyang magandang asawa may naisip siyang paraan, nagpagawa siya ng isang maskara na mukha ni Brad Pitt, lagi niya ito suot kapag kasama niya ang kanyang asawa, naiitinidhan naman ito ng mga tao at lalo na ng kanyang asawa, naisip ng asawa niya na pabor din yon sa kanya.

Lumipas ang ilang buwan, natuklasan ng babaeng panget na isang pagsubok lang pala sa kanya yung pulubi na hinold up niya at muntikan nang gahasain, dahil sa pagkadismaya niya ay umiyak siya ng kalahati at medyo nagsisi siya, hanggang sa nagbago na siya at tuluyan nang naging mabait ng kaunti.

At sila ay namuhay ng masaya at masaga habang buhay....

8 comments:

  1. Sino ang haring ito akoni?at sino ang pangit na pangit din ang ugali.mabuti naman at nagbago na siya.

    ReplyDelete
  2. ano raw???? ang gulo ha. at natawa naman ako sa maskulado ang kamaay at nagcracramps ang paa. lols. bwahahaha

    ReplyDelete
  3. napaka buting desisyon na ang napili ng datu ay maganda..:)

    ReplyDelete
  4. parang naligaw ako sa last part ah. Akala ko magiging asawa din niya yung pangit. Sayang umiyak na pa naman ng kalahati at naging mabait ng kaunti.

    ReplyDelete
  5. hahaha ganitong mga random story ang gusto ko...

    ReplyDelete
  6. kuya para kang walang magawa! ahahahaha

    ReplyDelete
  7. wala akong masabi.. hehe.. pede na sa akin nakamaskarang brad pitt. mapagawan nga din si jed. haha..

    ReplyDelete