nuffnang

Monday, December 19, 2011

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Part 3


HINDI R-18 ANG PART NA ITO

Part ONE
Part TWO

"The mind is like a parachute. It doesn't work unless its open." - Motto ng kwento

"TAYO ULO SA BABA, PUGOT ULO SA TAAS"

“Ayt! Ayt! Ayt! Katahimikan, katahimikan, ayt!Ayt!Ayt!!” sabi ng hari sa mga kawal na nagbabangayan.

“Hindi ako basta-basta pipili sa inyo ng kung sino ang magiging bantay ng asawa ko. Magpapaligsahan kayong lima, kung sino sa inyo ang may kakayahan pigilan ang kanyang libog o pagnanasa sa aking asawa ay siyang mananalo na maging bantay ng asawa ko.” Sabi ng hari na ikinalungkot ng mga porn stars wanna be na mga kawal.

“Mahal na hari, mukhang hindi namin yan kakayanin, alam mo naman siguro kung gaano nakakaakit ang asawa mo” Sabi ng kawal na Palakanton

“Oo nga po kamahalan, mabanggit mo lang sa amin eh, nilalabasan na kami……ng sipon” sundot ng kawal na Khanto.

“Kaya nga paligsahan eh, pero ‘wag kayo mag-aalala. Manalo-matalo kayo ay may premyo parin kayo, mapugotan man kayo ng ulo, may premyo parin para sa pamilya niyo. bwahahaha” Sabi ng hari

“Ayos, kung ganun game ako dyan hari, matalino ako kaya sigurado akong makakaisip ako ng paraan paano ko mapipigil ang libog ko” sabi ni Kawal Empi

“Eh ano ang premyo kamahalan?” tanong ng kawal na tonto.

“Madami, isang kahon ng mga ginto, house and lot, BMW car, entertainment showcase, scholarship para sa mga anak niyo, at kabuhayan showcase, take note para lang ‘yan sa matatalo. Kapag nanalo ka, magkakaroon ka ng sarili mong kwarto dito sa palasyo ko kasama ang pamilya mo, magiging kanang kamay kita at tataas ang sweldo mo ng 10 folds. Gaya ng matatalo, may kahon din ng ginto para sa mananalo, house and lot din pero mas malawak at malaki un, dalawang Ferrari, at surprises na premyo” paglilinaw ng hari at nanlaki ang mga mata ng mga kawal.

“ayooossss, okay kailan natin ‘to uumpisahan mahal na hari” Natutuwang sabi ni Joey.

“Magsisimula na ngayon, as in now naaaaaaa!!!” mala-boy abunda na sagot ng hari

“Ipapaliwanag ko sa inyo ang mekaniks ng pakontes ko kaya makinig kayo….” Hindi pa tapos magsalita ng hari ay sumabat na si Tonto

“Hari alam na po namin ang mekaniks ng pakontes mo, sa laki ng papremyo mo sigurado ako makakayanan ko lahat un, pagpipigil lang pala ng libog eh, tss. Nasa teknik lang yun kung paano namin mapipigil ang amin kalibugan” Sabi ni Joey, ayy ni Tonto pala na ikinagulat ng Hari dahil paano nalaman ni Tonto ang mekaniks.

“Paano niyo nalaman?” nagtatakang tanong ng Hari.

“Kahamalan, nabasa po namin ang part 1 ng kwento kaya nalaman namin dun sa pag-uusap niyo ni Akoni sa skype” paglilinaw ni palakanton.

“aahh mahusay kung ganun, bweno dito muna kayo lahat, kakausapin ko na ang aking asawa para makapaghanda para sa paligsahan ninyong lima” sabi ng hari at pumasok na sa loob ng kanyang silid kung saan nandoon ang reyna.

“Hari paano kung lahat kami ay nakapasa sa pagsubok na ibibigay mo?” matalinong tanong ni Empi at natigilan ang hari, mukhang napaisip dahil biglang himas sa kanyang balbas.

“Edih lahat kayo pumasa, lahat kayo magiging bantay ng asawa ko at kung anu-ano pang shitness" sagot ng hari at pumasok na.

Pumasok na nga ang hari sa kwarto nila ng kanyang reyna at tinungo ang paboritong tambayan ng kanyang asawa, ang bintana. Minsan napapaisip ang hari, kung bakit lagi nalang nakatambay sa may bintana ang kanyang asawa.

“Mahal kong asawa, bago ang lahat, matanong nga kita? bakit ba laging dito sa bintana ka natambay palagi? Bakit hindi sa kusina, sa entertainment room natin o kaya sa garden? Pagtatanong ng hari sa kanyang reyna.

“Mahal kong asawa din, masaya ako dito, dito ang kaligayahan ko, gusto ko pinagmamasdan ang atin mga kapitbahay…kahit sa ganitong paraan ay medyo nababantayan ko ang atin kaharian” paglilinaw ng reyna na ikinatuwa ng hari.

“Alam ko din ang iyong sadya sa akin ngayon, ang iyong binabalak mahal kong asawa patungkol don sa pakontes, at oo wala akong pagtutol sa pakontes mo, ikaw ang aking hari at mahal na asawa, kaya susundin kita” sabi ng reyna na ikinagulat ng hari.

“Ha? Paano mo ito nalaman? Sino ang lapastangan na yun na pinangunahan ako sayo?” nagagalit na pahayag ng hari.

“Mahal ko, una, 'wag mo ako taasan ng boses dahil kitang kita ko dito ang tonsil mo, baka dukotin ko yan. Tulad ng sinabi ng isang kawal mo, nabasa ko din ang part 1 at part 2 ng kwento, kaya nalaman ko lahat” pagpapaliwanag ng reyna.

“Ayyy putcha naman oh…ano pala ang parti ko dito sa kwentong ito kung wala akong masabi dahil alam niyo na pala lahat…ayy tangna lang….anak ng pusang ina naman oh...” pagmamaktol ng hari, kaya pinatigil na siya ng narrator.


itutuloy....

10 comments:

  1. Lol! Bow! May barahan ang kwentong ito. Lol



    kol me empi

    ReplyDelete
  2. yong tonsil talaga ang nakita ng asawa.mainan alam na ng lahat ang nangyari.

    maganda gawan ito ng video bibinta ito lalo na pag nagumpisa na ang pakontest

    ReplyDelete
  3. futuristic tlga ang kaharian na eto.
    hahahaha

    next episode...... plzzzzzzz!

    ReplyDelete
  4. naks ferrari at bmw tapos pangkabuhayang showcase.haha next chapter babawi ng R18 to.haha

    ReplyDelete
  5. Haha! Gravity naman.. ang gaganda ng mga prizes!!! :P

    Next!

    ReplyDelete
  6. whahahah... dami kung tawa.......
    pude na to sa comedy bar!!!!!!
    kita na ang tonsil whahahha!!

    ReplyDelete
  7. binitin mo na naman ako. sumakit puson ko lels

    ReplyDelete
  8. lagi kang nambibitin eh no... kung sa totoong buhay ito, promise ako ang mananalo. kaya kong magpigil...wahahwah wait ko ulit ang next na kabanata..

    ReplyDelete
  9. hehe.. super funny favorite ko to so far sa lahat parts. hehe..

    ReplyDelete
  10. ang kyut eto na ang kwentong comedy na may motto hehehe ikaw na hahaa

    ReplyDelete