Gulat na nagising si Burnok, hinimas ang kanyang ulo dahil kumikirot ito ng kauti, pinaga pa niya ang kanyang mga mata dahil medyo hindi malinaw ang kanyang paningin. Nang maging malinaw na ang paningin niya'y napaatras siya sa gulat, dahil nasa isang malaking kwarto siya na madaming nakahilirang mga kama, may mga taong nakahiga yung ibang kama naman ay bakante. Kinabahan siya dahil parang isa itong hospital ward, pero maayos naman ito. Pinaglakbay niya ang kanyang paningin sa buong paligid at tinignan isa-isa ang bawat kama na may nakahiga.
Sa 'di kalayuan may naririnig siya ingay ng mga tao, hindi niya malaman kung nag-aaway o ano. Napapaisip si Burnok kung paano siya napunta rito, pinipilit niyang alalahanin ang lahat pero parang malabo ang kanyang isipan. Tuwing pipilitin niyang mag-isip ay halos masigaw na ito sa sakit dahil parang may kakaibang lalabas dito, pinikit nalang niya ang kanyang mga mata at nag-exhale inhale.
"Hoy bata!! Ano ang kaya mong gawin?" sabi ng lalaking matangkad na simi kalbo ang buhok. Nagulat si Burnok dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lalaki sa tanong niya. "Pare, mukhang hindi pa ata nito alam kung bakit siya nandito ah, hahahahaha," sabi ng kasama ng lalaking simi kalbo.
"Bakit ako nandito? Sino kayo?" mga tanong ni Burnok na halatang magkahalo ang takot at kaba sa kanya mukha. "Sabi na eh, pero pare sa tingin mo ano kaya ang kayang gawin nito?" Sabi ng kasama ng simi kalbo. "Edi alamin natin!" Sigaw ng simi kalbo sabay tawa na parang demonyo.
"Pare, ako nga pala si Watsi, at ito namang simi kalbo ay si Apsi. Tubig ang kapangyarihan ko, siya naman ay Apoy. Ikaw ano ang kapangyarihan mo?" Sabi ni Watsi na lalong ikinagulat ni Burnok. "Kapangyarihan?" Tulalang wika ni Burnok sa dalawa.
"Pare, lahat ng tao na nandito ay may kanya-kanyang kapangyarihan. Kaya tayo nandito dahil hunili nila tayo, takot sa atin ang mga tao dahil ang tingin sa atin ay mga halimaw, mga abnormal. Dinadala nila dito lahat ng may kapangyarihan para gamotin, oo, para alisin ang kapangyarihan natin." Mahabang salaysay ni Apsi at lalong nalaboan si Burnok.
"Karamihan dito, hindi rin niya maalala kung paano napunta rito.’yung iba'y kusang sinuko ng mga magulang nila dahil takot sila sa mga anak nila, gusto nila itong mawala ang powers nila." Dagdag naman ni Watsi.
"Pero, kaming dalawa lang ang hindi sang-ayon sa kanila. Bakit nila tatanggalin sa atin ang biyayang pinagkaloob sa atin ng kung sino man?" Bulong ni Apsi
"Siguro, bago mo palang nadidiskubre ang kapangyarihan mo noh? Kaya hindi mo pa alam. Pare, kung ako sa'yo pag-aralan mong mapalabas ang powers mo...." sabi ni Watsi at nagpalingon lingon muna bago tinuloy ang sasabihin niya, "Sama ka sa amin dahil tatakas kami, ssshhh...wag ka maingay" bulong niya.
Tumabi sa kanya si Apsi, "Pare, tingnan mo itong daliri ko, titigan mo...magpapalabas ako ng apoy. Watsi magbantay ka dyan, baka may guwardiya." Sabi ni Apsi." Tinitigan nga ni Burnok ang hintuturo ni Apsi at nagulat siya dahil talagang may lumabas na maliit na apoy sa kanyang hintuturo, kaya napaatras ito at napatingin sa dalawa.
"Ano, naniniwala kana sa amin? Ito tingnan mo sa akin, ipo-ipong tubig" Pasikat ni Watsi, at talagang may lumabas na maliit na tubig na ipo-ipo sa kanyang palad, ang bilis ng ikot nito. "Kaya namin ito palakihin pa, ang problema lang ay hindi pa namin kontrolado ang lakas nito. Kapag nakontrol na namin ni pareng Apsi itong kapangyarihan namin, tatakas kami dito, lintek lang ang walang ganti. Gagantihan namin ang mga tao, dahil sa ginagawa nila sa mga tulad natin. Lalo na yung tinatawad nilang Professor X, uunahin ko ang kalbo na 'yun" Sabi ni Watsi at hindi parin makapagsalita si Burnok dahil sa gulat.
"Basta sa ngayon ang isipin mo muna ay kung ano ang kaya mong gawin, kung ano ang powers mo at pag-aralan mo, okay?" Sabi ni Apsi sabay tapik sa balikat nito. "Oo nga pala, kahit ano mangyari, wag na wag mo iinomin ang ibibigay nilang mga gamot sa'yo....ssshhh...pampapigil ng kapangyarihan 'yun. Magkunwari-kunwarian ka nalang na iniinom mo, singit mo lang sa ilalim ng dila mo. Pero kung mahuli ka nila, inomin mo na tapos punta ka agad ng banyo at isuka mo don" Paalala naman ni Watsi sa kanya at napapatango nalang ang ulo ni Burnok.
Umalis na 'yung dalawa at lalong napaisip si Burnok, naramdaman na naman niya ang pagkirot ng kanyang ulo kaya nagrelaks ulit siya. Ilang sandali ay napatitig ito sa kanyang mga kamay. Biglang may pumasok sa kanyang isipan, bigla niyang naalala ang kanyang pamilya, ang nanay at tatay niya pati na ang kapatid niya, kaya napayuko ang ulo nito sabay buhos ng kanya luha. "Mommy, ayaw ko dito" Hagulgol ni Burnok. Ang hindi niya alam, narinig siya ng isang gwardiya.
"Ayaw mo rito? Simple lang naman gagawin mo eh, magpagamot ka, kapag gumaling ka, makakasama mo na ang pamilya mo, 'wag ka makinig sa dalawang iyon, hahaha" Sabi ng bantay at umalis na ito na natatawa. "Ayaw ko ng kapangyarihan, ayaw ko ng ganito, gusto ko sa pamilya ko, magpapagaling ako, magpapagamot ako, gagaling ako, gagaling ako, gagaling ako, gagaling ako...." Parang siraulong paulit-ulit niyang sinasabi.
Dumaan na ang maraming araw, si Burnok ay naging mabait at masunorin sa mga tao sa institution na 'yun. Maging normal na tao ang pinili niya, dahil gusto niyang makasama ang kanyang pamilya, kaya kung ano man ang sabihin nila sa kanya ay sinusunod niya, kahit anong gamot ang ipainom nila sa kanya ay iniinom niya. Nagtiwala nalang siya sa mga taong hindi niya kilala na nag-aalaga sa kanila sa lugar na 'yun.
Isang araw nilapitan ule siya ni Apsi at Watsi na galit-galit ang dalawa. "Tarantado ka Burnok, pinili mo maging normal na tao, pinanganak kang may kapangyarihan, tsk pero sayang ka dahil mas ginusto mo ang maging normal na tao na walang ginawa sa mga tulad natin kundi ang apihin, insultohin, katakotan at maliitin." Sabi ni Apsi na akmang gagamitin ang kapangyarihan kay Burnok, pero napigilan ito ni Watsi. "Huwag Apsi, maraming bantay, mabibisto tayo na may kapangyarihan pa tayo at lumalakas lalo ito, masisira ang plano natin. Hayaan mo na ang mangmang na 'yan" Pagpipigil ni Watsi sa kanyang kasama. "Ito tandaan mo Burnok, kapag gumaling ka, mawawala ang kung ano man kapangyarihan mo sa katawan mo, magiging normal kang tao, at paglabas namin dito, ikaw ang una namin pupuntahan at pinapangako ko, lulunorin kita sa kapangyarihan ko" Sabi ni Aps at tumalikod na ang dalawa.
Hindi naging hadlang kay Burnok ang pagbabanta ni Apsi at Watsi sa kanya, dahil ang importante sa kanya ay makasama ang kanyang mga magulang kahit ikamatay pa niya, kaya naging inspiration niya ang kanyang mga magulang upang lalong magpagamot.
Makalipas ang dalawang taon at limang buwan na pagpapagamot, gumaling nga si Burnok kaya ganun nalang ang tuwa nito. "Wala na akong kapangyarihan" Natatawang bulong niya sa kanyang sarili. Nakangiti siya sa kanyang kama, maaliwalas ang kanyang mukha. "Haayyy Diyos ko, maraming salamat po, magaling na ako" Pasasalamat niya sa may kapal.
Habang naglalakad siya palabas ay nadaanan niya si Apsi at Watsi na sobrang talim ng tingin nito sa kanya, kaya nalungkot Burnok. "Tandaan mo ang sinabi namin sa iyo noon Burnok, hindi kami nagbibiro" Banta ulet ni Apsi sa kanya. Tumigil muna si Burnok sa kanilang harapan, hinawakan nito ang kamay ni Apsi na nakakapit sa rehas, "Mga kaibigan, dadalawin ko kayo next week para ipaliwanag ang lahat sa inyo kung bakit ito ang pinili ko. Masaya ako ngayon, dahil magaling na ako at makakasama ko na muli ang mga magulang ko" Sabi ni Burnok at tumalikod na galit parin si Apsi at Watsi sa kanya.
Samantala, sa waiting area ng gusali naghihintay ang mga magulang ni Burnok at excited na silang makita muli ang kanilang anak.
Ilang sandali ay nakadinig na ng sigaw ang dalawang matanda. "Mommmmyyyyyyyyyy...dadddyyyyyyyyy, hahahahha, namiss ko kayo" Sigaw ni Burnok at napaluha ang dalawang matanda. Hinagkan nila ng mahigpit ang kanilang anak, "Anak ko, sobrang namiss kita, sobrang namiss ka namin. Salamat sa Diyos at magaling kana, mahal na mahal ka namin anak ko" Sabi ng kanyang nanay na hindi na napigilan umiyak at napapatapik nalang ang kanyang tatay sa kanyang balikat dahil sa pagpipigil nito ng kanyang luha. "Mommy si Bhon, ang kapatid ko nasaan na siya?" Tanong ni Burnok sa kanyang nanay. "Nandon siya sa sasakyan, hinihintay ka" sabi ng nanay niya na lumuluha parin.
"Dad, maraming salamat" sabi ni Burnok at tuluyan nang tumulo ang mga luha ng matanda, niyakap ng mahigpit ang kanyang anak.
Nasa labas na sila, napalingon si Burnok sa gusali na pinaggalingan niya, naalala niya ang kayang dalawang kaibigan kaya nalungkot ito, "Haayyyy...babalikan ko kayo, pangako. Magpapagamot din kayo" Bulong niya.
Sa dikalayuan, nakita ni Burnok ang kapatid niya, tumatakbo ito papunta sa kanila na bakas sa kanyang mukha ang pananabik sa kanyang kuya. "Kuyaaaaaaa...." Sigaw ng pitong taon niyang kapatid na si Bhon, niyakap ng mahigpit ang kanyang kuya Burnok. "Kuya, 'wag kana umalis, wala ako kalaro" iyak ng kanyang kapatid. Lumuhod si Burnok sa harapan ng kanyang kapatid, "Bhon, hindi na ako aalis, pangako ko 'yan sayo, magaling na ako" Paliwanag ni Burnok sa bunsong kapatid at tumayo na ito at muling nilingon ang gusali.
Naglalakad na sila papunta kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan, napalingon ang bunsong kapatid ni Burnok sa pinanggalingan ng kanyang kuya, at binasa nito ang nakasulat sa gusali. "Professor X Mental Hospital" Mahinang basa ng batang paslit at napatingin sa kanya ang kanyang kuya Burnok, sabay tingin din sa gusali, "Haayy Muntik na....salamat at hindi ako natuloyan maging baliw"