Sa pagpapatuloy ng public service ng Akonilandiya, narito ang karugtong ng munting aral para sa lahat ang “Natural Bayag-rararararararaaaaaaaaaaaaaa…” Click mo ito para sa PART 1
Seks, maliban sa love na nararamdaman natin, isa ito sa hiwagang binigay sa atin ng may Kapal, na mahirap maipaliwanag ng science ang hatid nitong kaligayahan sa ating katawan lupa. Kaya naman ito’y dapat natin alagaan at paghusain, pero tulad ng sa pag-ibig, hindi natin ito basta nalang paglaruan o basta nalang kinukuha. Dapat natin ito alagaaan, ingatan o lagyan ng limitasyon at gawin sa legal na paraan, tamang lugar, oras at tao. At higit sa lahat gawin lamang sa partner mo, ayy putek! Kumulog bigla!
Ang dami ko nang shit! Kumuha na ng ball pen at notebook…maglista na, go!
5. Seeds – Ang buto ay nagpapalakas ng “Boto” ng mga kalalakihan, if you know what I mean. Ang pumpkin seeds, sunflower seeds at iba pang seeds ay nakakapagpalakas ng ating SEX DRIVE, babae man o lalake, ibig sabihin ay kung ang takbo mo sa kama ay 60 per minutes magiging 120 per minutes ang bilis mo, hahaha, drag racing na ito. Ang seeds ay nagtataglay ng omega 3 fatty acids at zinc, may important role ito sa pag-regulate sa ating sex hormones levels, kaya todo mo na. Ang pagkain ng kahit isang kutsarang seeds sa araw ay maitataas nito ang level ng testosterone mo para mamayang gabi, oohh yeaaahhh, tutuka ako nito ng isang sako.
6. Strawberry – na-curious ako sa mga taga Baguio City, hahaha, alam na, dahil nagpapaganda ito ng ating sexual performance, ganado palagi sa kama. Ang prutas na ito ay mayaman sa bitamina C, na kilalang nagpapanatiling mataas ang libido sa atin katawan, makatas talaga. Ang pagkain din ng prutas na mayaman sa bitamina C na hindi bababa sa 1,000 mgs ay ma-i-improve nito ang ating sperm at quality nito. Kaya naman pala ang strawberry na ito ang kadalasan ginagamit na stimulant para sa mga lalaki at babae.
7. Banana – Isa pang flavor sa mga condoms, alam na. Nagtataglay ito ng energy na kasing lakas ni lolo Viagra. Mayaman ito sa Vitamin B, na bibigyan ka ng lakas para tumagal ang iyong laban sa kama. Nagpapalakas din ito ng ating sex drive dahil nakakatulong ito sa production ng ating testosterone hormone.
8. Oats – as in Oatstin, lol. Matindi ito mga bata dahil tinataas nito ang energy natin to the highest level, at itutudo na nito ang pagproduce ng testosterone at estrogen para maging ganado at energetic sa kama. Mas matindi ang effect nito kung maglalagay ka ng seeds tulad ng nasabi ko sa taas at dried fruits, tapos lagyan mo ng raisins din, ewan ko lang, siguro bibili na kayo ng bagong kama after the performance.
9. Chili – Lalong magpapaapoy sa iyong gabi. Kilala ito na nagpapalakas o nagpapaganda ng pagdaloy ng dugo sa atin katawan, lahat ng klasing dugo sa atin katawan pagagandahin ang daloy nito at tataas din ang ating libido. Pinapagana din nito ang endorphins natin sa katawan para ma-aroused ng bonggang bonga hanggang sa tumirik ang ating mga mata, LOL.
10. Dark Chocolate – ohhh myyyyy mga diwata ng seks, ito ang paborito kong kinakain, sa umaga, sa tanghali at sa gabi, lol. Hindi lang nito pinapaganda ang mode mo at nagpapawala ng stress kundi nagpapaganda din ito ng ating sex life. May taglay itong phenetylamine, isang chemical na magpaparelaks sa atin at magpapataas ng ating sexual pleasure. Ang taglay nitong serotonin ay magpapagaan ng pakiramdam para sa iyong partner, at magpapalakas ng ating libido.
Mga bata sana ay nasiyahan kayo at nakapagbigay ako ng munting kaalaman para sa buhay seks ninyo. Tandaan lang, walang kwenta ang lahat ng iyan kung walang kasamang responsibilidad at pagmamahal, dapat maging responsible sa lahat ng gagawin, ayyy putek! Kumidlat na, tama na ito.
mukhang napadami ata kain ko nang mga to dahil preggy na ulit si Mrs haha!
ReplyDeletehahaha ayus.. mailista ang part 2...
ReplyDeletegrabe mukang kakabugin nito ang matanglawin ni kuya kim at replies believe it or not. parang mapapaisip na tuloy ako sa tuwing makakakain ng mga pagkaing nabanggit mo... adik ka kasi eh!!! lol
ReplyDeletehaha kaya pala sikat ang strawberry na sinawsaw sa dark chocolate haha =D
ReplyDelete"..Mas matindi ang effect nito kung maglalagay ka ng seeds tulad ng nasabi ko sa taas at dried fruits, tapos lagyan mo ng raisins din, ewan ko lang, siguro bibili na kayo ng bagong kama after the performance." - panalo!
mahilig akong kumain ng dark chocolates!! hahaha! fav ko din ang chili pickle!
ReplyDeleteAng dami kong kilalang nagkabuntisan sa Baguio. Dahil pala sa strawberry. Hahaha.
ReplyDeletedi ko kailangan nya. aktibong aktibo ako hahahaha
ReplyDeleteIngredients:
ReplyDelete2 pcs. pomegranate (sliced),
1/2 kilo watermelon (sliced),
2 teaspoons raisins,
1 handful spinach,
1 tablespoon pumpkin seeds or sunflower seeds (nabalatan na),
1/4 kilo strawbery (sliced to halves),
4 pcs banana (sliced according to mouth's width),
enough oats,
2 pcs chili,
dark chocolates
nestle cream
condensed milk
Process:
1. ilagay sa malaking bowl ang spinach, ayusing mabuti ang pagkalatag na parang banig.
2. sa isa pang bowl, i-mix ang mga sumusunod: pomegranate, watermelon, raisins, strawberry, banana. Haluing mabuti pero hwag lang sobra.
3. ilagay sa unang bowl ang laman ng pangalawang bowl
4. ilagay ang pumpkin seeds at dark chocolates as toppings
5. ilagay ang chili sa gitna (pang-decorate lang. kainin lang ito kung wala kang hemorrhoids)
6. paghaluin sa isa pang bowl ang condensed milk at nestle cream. gawin mo itong dressing.
7. chill before serving
**optional: kainin kasabay ang iyong oatmeal.
this recipe will be called: AKONI'S LIBOG SALAD...
sobrang natawa ako dito....hahahaha..Akoni's libog salad..ang lakas ng dating..lol
Deletethanks guys..
Akoni
natuwa naman ako sa itsura ng sili. Kung ganyan talag ang itsura tingin pa lang ng kababaihan diyan eh mababasa na :)
ReplyDeletemay nagsasabing ang taong mahilig daw sa tsokolate ay malilibog. totoo kaya :)
magandang araw sayo sir..
nakalinang palit ka na ba ng kama?
parekoy, susubokan palang..tamang tama medyo luma na kama namin..haha
DeleteAkoni
ahaha.. umarangkada ka na naman kapatid. Totoo ba yan? eh halos paburito ko lahat pwera lang sa mga buto at oatmeal. hehe..
ReplyDeletetotoo lahat yan kapatid, ayun sa mga kumpare kong scientist. hehe
Delete