nuffnang

Monday, April 30, 2012

Mahal na araw at araw ng mga puso



"Mahal na araw"

May sarili akong mahal na araw, ito yung araw na naging payapa ang aking isipan at puso, na ikinatuwa ng aking puson at…..auhhmmm...basta, ito din ‘yung araw na hindi lang ang mga tao ang naging saksi sa kaligayahan ko kundi pati mga anghel at ibat ibang nilalang na hindi nakikita ng mga mata. Ito yung araw na natapos gawin ng mga anghel ang palasyo namin sa paraiso. Ang araw na ito ay nung April 25, 2010, ang araw na nag-isang katawan kami ni Heaven.

Makalipas ang 17,544 na oras, 1,052,640 na minuto, at 63,158,400 na segundo na naging saksi ang mga araw at mga buwan pati ang dalawang taon sa pagmamahalan namin ay patuloy parin matatag ang hiwaga ng pag-ibig sa amin dalawa. Inaamin kong may mga pagbabagong nangyari at alam kong may  mga mangyayari pang mga pagbabago sa amin dalawa ni Heaven, pero isa lang ang hindi magagalaw ng panahon sa amin dalawa, ito ay ang dugo ng pag-ibig na nananalaytay sa aming dugo, at habang buhay ito iikot sa amin mga ugat.


"Araw ng mga puso"


Kung ang April 25 ay mahal na araw, ang November 6 naman ay ang araw ng mga puso para sa amin. Hindi ko kilala si Valentine, kaya wala akong pakialam sa February 14 niya, sa kanya lang ‘yon at sa mga taong nananampalataya sa kanyang pag-ibig. May sarili akong pag-ibig at ito’y tunay at wagas din sa paraan alam ko. Kung may ginawa siyang sakripisyo para sa pag-ibig niya, ganun din ako, may mga ginagawang sakripisyo para sa akin pag-ibig.

Isa lang naman ang connect namin sa isa't isa eh, ang nagmahal ng wagas, dakila at tunay. Parehas lang kami, at dahil dyan, I declared that November 6, 2009 is Akoni's Day, charot, ang araw na naging girlfriend ko si Heaven. Ito ang araw na inialay ko sa kanya ang aking pusong suwail at sugatan para paghilomin at paamoin, ito ‘yung araw na tumigil na sa kahahanap ang aking puso sa tunay na pag-ibig dahil natagpuan na niya ito, ito ‘yung araw na umayos  na ang aking isipan, at ito din ‘yung araw na tumahimik pasamantala ang imperyo, bwahahaha este hahaha joke.


dafuq did I just say?


13 comments:

  1. aus ah. pero tama nman pniniwala u yun eh..
    emo mode ah....

    ReplyDelete
  2. ok kung iyan ang paniniwala mo susuportahan kita :D

    ReplyDelete
  3. di ko masyadong gets yung mahal na araw pero tama bang isipin ko na nov 6 2009 kayo ikinasal?=D

    ReplyDelete
  4. ayeeeee! brad inlababong inlababo ka talaga...you already! ba dum tss!!

    ReplyDelete
  5. Pala ka - Hehe..wala yan gawa-gwa ko lang

    Bino - yan gusto ko sayo eh..

    Superjaid - kahit ako hidni ko nagets..haha pero hindi tama, mali ka. hehe

    Sistah Julia - kailangan eh..

    ReplyDelete
  6. naks so kaka-anniv lang pala nila nung apr25, so belated na sir ha, more happiness and babies to come!! ako meron nang pang-2 :)

    ReplyDelete
  7. what happened to your font struggle much.

    pero happy akoni day. Nov.6 Mark your calendar.

    gagawing kong public holiday yan sa one acre of diamond County.

    ReplyDelete
  8. naks naman.. belated happy anniv sa inyo ni heaven. sinagot ka pala nya bday ni Jed. :)

    ReplyDelete
  9. di ko malimutan ang november 6 kasi birthday iyon ng nanay ko....mabuhay kayong dalawa..

    ReplyDelete
  10. Happy 2nd Wedding Anniversary ulit honey, I'm too much grateful in my 2 years with you..I LOVE YOU SO MUCH and I promise you, i'll stay forever, we will made more wonderful years together with our baby AJ and to our future childrens to come, wag ka lang umiyak ulit ha, hehehe!

    - H E A V E N -

    ReplyDelete
  11. tambling ako, talagang bilang na bilang ang oras hanggang segundo!!! ikaw na nga!

    ReplyDelete