nuffnang

Wednesday, April 4, 2012

THINK NEGATIVE



Hanggang ngayon tinatamad parin ako magsulat kahit mayroon naman nakahain na mga topic sa draft ko, kaya para may ma-post lang nagkopya ako ng blog sa tumblr ni Kapitan Bola. http://kapitanbola.tumblr.com/


Warning ko lang, may mga salita na baka hindi mo magustohan. Ito'y pananaw lamang niya, kaya puwedi ninyo gagohin at kontrahin.



Kapag may problema ka, THINK POSITIVE daw.Kapag may gagawin kang desisyon, THINK POSITIVE daw.At kung anu-ano pang shitness  daw na dapat think positive ka palagi.

Sa palagay ko ang kakaisip natin ng “positive” sa mga desisyon natin o ginagawa ang lalong magpapahamak sa atin. Parang magiging komportable tayo, hindi mag-aalala na baka hindi maayos ang resulta, kasi nga think positive diba?

So, ang nangyayari kapag hindi nakuha ang “think positive” na ito, sobrang depressions ang nangyayari na minsan nagiging sanhi ng pagpapatiwakal. Kung positive kasi ang iisipin, parang sure na sure kana eh, aasa ka don, parang kahit ano mangyari magtatagumpay ka, ganun, at kung anu-ano pang putangina.

Sa negative, parang “Challenge accepted”, iniisip mo na hindi ka magtatagumpay sa target mo, kaya mag-iisip ka ng back up plans parang pang resbak, diba? Kung hindi ka magtatagumpay, ayos lang, tanggap mo, dahil expected mo na ‘yun eh.

Halimbawa, sa pag-aapply ng trabaho o exams:

Think positive

After ng interview mo at dahil think positive ka, magiging kampante ka na papasa ka kasi nga think positive diba? So, kapag nalaman mong hindi ka pala pumasa, lusaw ang "think positive" mo sa utak mo at kakainin ka ng buhay, mahihiya ka sa sarili mo, madedepressed ka, para kang binasted ng sampung beses ng nililigawan mo, hindi mo kakayanin dahil nga umasa ka eh, babagsak ang tiwala mo sa sarili mo, ang self esteem mo at kung anu-ano pang kaputanginahan mo sa buhay. Mahihirapan ka ulet mag-isip ng “Positive” dahil sa una palang sablay kana.

Think negative

After ng interview, hindi kana aasa, iisipin mo na “Hayy bagsak ako don, hindi ako tatanggapin ng putanginang iyon.” So, ang gagawin mo ay hahanap ulet ng iba pang alternative ways para makahanap ng ibang maaapplyan. Gagawa ka ng mga back up plans once na malaman mong hindi ka pumasa sa interview. Ang maganda sa think negative ay sobra pa sa orgasm ang mararamdaman mo kapag nagtagumpay ka, multiple orgasm na parang mamatay ka sa sobrang sarap. Parang iisipin at mararamadam mo na “Putangina, hindi ko akalain pumasa ako! Ang galing ko pala.” Ganun, parang mas lalakas ang puwersa ng tiwala mo sa sarili mo sa huli.

Ang huling resulta ang mahalaga sa putanginan buhay na ito.


12 comments:

  1. hahaha parang yung last week ito yung usapan natin master A ha....

    ReplyDelete
  2. may point ka! isang malaking check para sayo!

    ReplyDelete
  3. Oo, hehe..don ko pinost sa tumblr at dahil tamad me magsulat dito, copy ko lang.

    ReplyDelete
  4. dis-agree!!! Lol. kontra lang!!! hehe

    ReplyDelete
  5. hahaha, sabagay my point nga nman. mas magnada don't think positive o kya negative yun wla lang.. bsta kung anu mngyari yun na yun boom

    ReplyDelete
  6. hahahaha. sabagay, may point. nung nag-scroll down ako para sa comment, bumulaga yung profile mo. Talagang JOLOGS na blogger ang description? hahahaha. tnt

    ReplyDelete
  7. sos mario sep na mga negativism yan.sabagay sa tingin ko pag galing sayo mas magandang ganito kasi kasi makulay pero kung iba ang magsasabi away na.

    ReplyDelete
  8. haha magandang idea ang copy/paste na post a! at welcome back saken na matagal na hindi nakadalaw sa kaharian mo, sensya na ha, naging busy-busyhan lang sa buhay-buhay ofw.

    ReplyDelete
  9. dilatan talaga ang peg brad? nyahaha

    on a serious note (naks kung maka shifting oh!) may pont ka pero I think its more of expecting less, no high hopes para sa bandang huli hindi masyadong mahurtlalu diva?

    sense kung sense..naman...namaaan!!!

    hello bother JULIO!! ^____^

    ReplyDelete
  10. naniniwala ako dito sir. Ang galing mo maglatag ng pagpapaliwanag. Apir!

    ReplyDelete
  11. Lagi akong laughing trip pag nagbabasa ako ng blog mo. :)

    ReplyDelete