Ang tagal na nito sa draft ko, ngayon ko lang napansin dahil wala me maisulat, wala lang edit-edit post na ito....bwehehehe
Hello! Ako nga pala si Kris, isa akong multo, wala lang, feel ko lang magkwento sayo ngayon dahil nabobored na ako. Wala me masyado makachicka sa mga kapwa multo ko dahil ayaw nila sa akin, ewan ko sa kanila…kaya, heto ako ngayon, ikaw ang kakausapin ko, nakatayo ako ngayon sa likod mo habang binabasa mo ito. Lingon ka daliiiiiiiiiiiiiii, gaga, syempre hindi mo ko makikita kasi nga multo ako, bwehehehehe, pero binabantayan kita ngayon, inaamoy batok mo parang sarap lang kagatin, joke.
Anyway, wag you matakot dahil hindi naman kita tatakotin eh. Gusto ko lang na may makinig ka sa akin ngayon, feel ko magdrama, kaya steady ka lang dyan kung hindi gugulatin kita, didilaan ko yang batok mo.
Oo nga pala, limang taon na pala akong patay, at limang taon narin pagala-gala ang kaluluwa ko, minsan nagpapakita ako sa mga tao, pero hindi nananakot kundi nagmamahal, ayyy ang taray 'te. Namatay ako nun na hindi man lang nakahanap ng mamahalin o sabihin natin, wala man lang akong nahanap na magmamahal sa akin ng tunay, yung mamahalin ako kung ano ako, kung sino ako and everything. 'yun lang naman ang tangin pangarap ko eh, tunay na pag-ibig.
Hindi matitigil ang kaluluwa ko hanggat sa hindi ko matupad ang pangarap ko na ‘yun. Kaya sa loob ng limang taon, nagpapakita ako sa kung sinu-sinong mga lalake, parang ang landi lang, hehehe, nagpapanggap na tao at nagbabakasali na makaramdam ng kahit kunting tunay na pag-ibig.
May nakilala ako nun na inakala kong siya na, si Aldin. Hindi ako magaling magdescribe ng anyo ng isang tao, maaari kasi na ang gwapo sa akin ay panget sa'yo diba? Anyway, Bandang alas Sais nun ng gabi nang makita ko si Aldin, naakit ako sa kakisigan niya kaya nagpakita ako. Palabas na siya sa isang gusaling pinapatayo pa lamang, siguro isa siyang engineer o ano, wala din akong alam don.
Nasa kabilang kalye lang ako nun sa tapat ng isang bar habang tinititigan ko siya, biglang hindi na ako makagalaw nung nahuli niya ang aking mga mata na nakatitig sa kanya. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis na ikinatuwa ng puso ko at lahat ng puweding matuwa sa katawan ko.
Nanghina ako nung nakita kong papalapit siya sa akin, hindi ko alam gagawin ko, kaya pinigilan ko nalang ang aking hitad na maglikot.
"Hi" bati niya sa akin.
"Hello..." sagot ko sa kanya, at sabay nakipagkamay sa akin.
"I am Aldin, you?" tanong niya na nagpakilig sa akin.
"I am Kris..." nahihiya kong sagot sa kanya.
"Tara..." sabi niya sa akin na ikinagulo ng isip ko, pero hindi ko alam kung anong mayroon siya dahil parang kusang sumunod ang katawan ko sa kanya.
Inalalayan niya akong sumakay sa kanyang kotse na kulay pula, my favoite color. Wala kaming imik sa isa't isa, hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Hinayaan ko nalang siya, wala naman siyang magagawang masama sa akin eh, dahil multo nga ako diba? Hahaha
Niliko niya ang kotse sa isang motel, sa puntong iyon alam ko na kung ano ang gusto niya sa akin. Na-disappointed ako, pero may parte sa akin katawan na gusto ang nangyayari o ang mangyayari palang, oo ako na ang malandi, hehehe, at dahil mahina ako, hinayaan ko ulet siya.
"Dito ka lang ah...kuha lang ako ng kwarto." Sabi niya sa akin sabay ngiti.
Pagkapasok namin sa isang kwarto ay bigla nalang niya akong pinapak ng halik, kung saan-saan na dumadampi ang kanyang mga labi. Hinimas niya ang aking dibdib na ikinakiliti ko, hinigop niya ang aking bibig, ang sarap ng pakiramdam ko sa mga oras na ‘yun.
Naramdaman kong binababa niya ang kanyang kamay papunta sa pagitan ng aking mga hita. Nasa pusod ko na ito nang bigla ko siyang maitulak at dali-dali akong lumabas ng kwarto at naglaho na. Kaluluwa na ulet ako, nakita ko siyang lumabas ng kwarto at sinundan ko siya. Bumaba siya sa reception, nakita kong tinanong ang isang lalake.
"P’re, nakita mo bang lumabas ‘yung babae na kasama ko kanina?" pagtatanong ni Aldin.
"Sir, kayo lang po ang pumasok dito kanina, wala po kayong kasama" sagot sa kanya ng lalake at medyo lumalayo na ako sa lugar na yun.
Matagal pa silang nagtalo nung lalake sa reception. Hindi ko na alam kung ano ang naramdaman ni Aldin pero parang gulat siya sa mga sinasabi ng lalake. Nag-sisi ako, sana hinayaan ko nalang siya, sana hinayaan ko nalang na makapa niya ang aking sandata. Sana hinayaan ko nalang siya na malaman niya na lalake din ako tulad niya. Malay ko, baka siya na ang tatanggap sa akin, diba?
May kakilala ka bang lalake na tatanggap sa akin? Lingon ka nga sandali.
Ang kulit ng twist, hehehe :)Akala ko natakot siyang maglaho bigla.
ReplyDeletemultong bakla! hahaha
ReplyDeletesinasabi ng aking isip bago pa man ako makarating sa dulo ng kwento, lalake si kris at hindi nga ako nagkamali hahaha..
ReplyDeletemagaling sir akoni.. hanep ang twist, sana hiniyaan mong makaabot sa gitna ang kanyang kamay :)
magandang araw sayo :)
Nakakalokaaaa kaaaa!! >__< HAHA! Great post :D Have a good weekend.
ReplyDeleteJewel Clicks
imbang bakla!! :D hahaah
ReplyDeleteNakanang.. Ayaw mabuking ang minumulto ding secret niya. Haha.
ReplyDeletehahaha bka ikagulat ni aldin kung nkapa nya un kay kris at mainsecure na mas malaki pa ang kargda ni kris kesa sa kanya.
ReplyDeleteang kulet lng ng kwento mo....
di kgad naalis ang ngiti ko
malanding baklushang multo! hohoho XD
ReplyDeletekaloka ang ending. naglandi at nambitin tapos multong bading pala takte lang. laughtrip hahaha
ReplyDeletehehe.. yun na.. multong bakla. Ang landi lang ng etchoserang mumu na yan.. hehe..
ReplyDeletebading pala! dami kong tawa sa dulo. hahaha nice!
ReplyDeletekakaiba naman yung multong yon, may regression pa rin haha!
ReplyDeleteligaw na kaluluwa.
ReplyDeleteputek!
ReplyDeletelalake pala si Kris..nomon nomon!!
kinilabotan ako sa batok batok portion...waaaa! >____<
hahaha... ewan...
ReplyDeletewaaa.... un pala un. :D
ReplyDelete