Sa di kalayun isla na kung tawagin ay Pilipinas, may mag-asawang namumuhay ng simple at tahimik. Mayroon silang dalawang anak, isang lalaki at isang binabae.
Isang araw biglang naghangad ang lalaki ng maganda o masaganang buhay para sa kanyang pamilya, kaya nagdesisyon ito na mag-abroad upang tuparin ito para sa mahal niyang asawa't mga anak.
Nung nasa abroad na ang lalaki, tuwing magpapadala siya ng pera ay laging humihingi ang kanyang asawa ng dagdag. Kapag tinatanong naman ng lalaki sa asawa niya kung saan at ano panggagamitan niya sa pera, ay "basta" nalang ang sinasagot ng babae.
Iniisip ng lalaki na baka nag-iipon lang ang kanyang mahal na asawa para sa kanila o may mga binibili lang na gamit para sa bahay nila. Pero pagkalipas ng maraming taon, walang nakikitang pagbabago sa asawa niya o sa loob ng bahay nila. Tinanong na ng lalaki ang kanilang mga anak kung may binibili ba ang nanay nila na mga gamit,
"Wala po, pero laging may pinupuntahan ang nanay at hindi kami pinapasama" ang sagot ng kanyang mga anak.
Doon na nagsimula mabuo ang pagdududa ng lalaki sa kanyang asawa, nagtataka na ito kung saan na ginagamit ng asawa niya ang sobrang pera na pinapadala niya. Nabuo sa kanyang isipan na baka nagsusugal na ito o mas malala, baka nanlalalaki na.
"Basta..."
Sagot ng asawa niya nung tanongin niya ulet kung saan niya ginagastos ang sobra sa pera na pinapadala niya. Nagalit ang lalaki, alam niyang may ginagawang hindi maganda ang asawa niya sa kanya. Kaya naisip niyang hiwalayan nalang ito.
Pagkauwi ng lalaki ay hindi muna nagpakita sa kanyang pamilya, inayos niya ang mga papeless na kakailangan sa kanilang divorce. Nang maayos ang lahat at pirma nalang ng babae ang kulang, umuwi na ito. Nasupresa ang asawa ng lalaki sa hindi inaasahan pag-uwi nito.
"Bakit tela, nasurpresa ka?" Tanong ng lalaki sa asawa.
"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi kana pala" Gulat parin na sagot ng babae.
Pagsapit ng gabi, natulog na ang mga anak nila. Kinausap ng lalaki ang kanyang asawa. Sinabi na nito na gusto na niyang makipaghiwalay dahil uunahan na niya ang kanyang asawa, ayaw na niya matuklasan pa kung anuman panlulukong ginagawa nito sa kanya.
Napaluha ang babae sa sinambit ng kanyang asawa, pinagmasdan niya ang mukha ng asawa at seryoso nga ito. Ilang sandali pa ay napahagulgol na ang babae dahil nilapag na ng lalaki ang divorce papers at hinihingi na ang pirma nito.
Hindi alam ng babae kung paano siya magpapaliwanag dahil sa pagkagulat, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at kung ano ang sasabihin niya.
"Pipirma ako sa isang kondisyon..." Sabi ng babae sa kanyang asawa habang umiiyak
"Sige, ano 'yun?" sabi ng lalaki.
"Pwedi bang magsama muna tayo ngayon gabi lang bilang mag-asawa sa huling pagkakataon?" Pag-iyak parin ng babae.
Pinagbigyan siya ng lalaki dahil narin sa gusto niyang maramdaman sa huling pagkakataon ang kanyang mahal na mahal na asawa na nanluko sa kanya (sa isip niya).
Naunang naligo ang lalaki at nakahiga na ito sa kanilang kama habang hinihintay ang kanyang asawa. Pagkatapos ng babae maligo ay nagpaganda ito ng husto bago lumabas sa asawa.
Nagsimula na silang gawin ang dapat gawin ng mag-asawa na pinapangarap gawin ng mga kabataan ngayon. Halik dito, halik don, at himas kung saan-saan ang ginawa ng lalaki, tela sinusulit niya ang huling gabi nila ng kanyang asawa, ganun din ang babae sa kanya, halos madurog ang kanilang mga boto sa higpit ng kanilang yakapan.
Nang ipasok na ng lalaki ang kanyang kanyon sa mahiwagang balon ng babae ay napashit ito sa sobrang sarap at kakaibang nadarama. Nagbago ang mahiwagang balon ng kanyang asawa, sumikip ito na tela bago palang, pero dahil sa masarap na kuryenteng kumakalat sa katawan ng lalaki ay hindi na nito nagawang magtanong pa kung ano ang nangyari, hanggang sa sabay na silang napaungol dahil nakarating na sila pareho sa rurok ng kaligayan sa mundo. BOOM!!!
"Ano ang nangyari...?" Tanong ng lalaki habang nakahandusay parin sa ibabaw ng kanyang asawa.
"Dyan ko ginamit ang pera na hinihingi ko sa'yo, nagpa-Perineorrhaphy surgery ako. Surpresa ko sana sa pagbabalik mo." Bulong ng babae sa kanyang asawa.
Napangiti ang lalaki, gumaan ang kanyang pakiramdam, para siyang may lubhang karamdaman na biglang gumaling.
"Nasaan na ang papel?" Tanong ng babae na natatawa dahil sa hitsura ng kanyang asawa.
"Anong papel? Wala akong natatandaan na papel. Sino ka? Sino ako? Bakit ako nakapatong sa'yo? " Biro naman ng lalaki sabay halik sa kanyang mahal na asawa at nagtawanan sila.
THE END
This is inspired by a true tsismis story.
aus sweet nman ng babae...
ReplyDeletebasta... hahaha
may naalala akong kwento dito magawan nga rin ng storya... pero di copy cat ah....
Basta...go, gawaan mo...basta para masaya..hehe
ReplyDeleteHAHAHA..AKALA ko drama o mala Face-to-face na problemang mag-asawa. Pang Xerex pala na may halong Love Romance. How Sweet!!!
ReplyDeletehahahaha mahusay ka talagang manunulat. Kinati saglit ang aking isipan. Sumakit saglit ang aking balakang at sumikip bigla ang aking salawal. Hahaha galing sir!
ReplyDeletedi ko maipaliwanag magiging reaksyon ko sa kwento mo. hehehe
ReplyDeleteANyays, kahit sigurado akong puro kalokohan ito... May narinig na rin akong ganyang kwento... sa tabi-tabi lang... Haha! Kakatuwa pa rin ^_^
ReplyDeleteputang kanyon sa balon!!!!
ReplyDeletekakaiba ang istorya
Hayz.. akala ko pa naman, drama mode. Meron akong nabasang medyp kapareho nito eh.. Pero yung babae, mamamatay na pala. Kaya lagi syang wala kasi nagpapacheck up sya sa hospital, at hindi nya sinasabi sa mga anak at asawa para hindi na mag-alala. Yung ending, namatay yung babae, ppero hindi sila naghiwalay at humingi ng sorry yung lalaki. Hayz..
ReplyDeleteIbang twist sa story mo, Akoni! Mapapaluha na sana ako.. ;P
haha. eto nga rin po ang naisip kong ending. ^_^
DeleteXerex Miss leah ang twist ko..hahaha
ReplyDeleteKhant - mahiwagang kanyon pala yan
Mc Richard - hehe kaya ko nga nilagay na true tsismis story eh..
Bino - tinamaan ka Bino, dahil yun talaga intention ko dyan, yung magulo ang emotion ng magbabasa..haha
Joey - sakto sir..haha yun after mabasa di mo alam ano gusto mo maramdaman.
MOKs- hahaha.. hindi puweding walang pang xerex sa mga kwento ko.
wahaha. napaluha ako sa kakatawa ^_^ (sa ending)
ReplyDelete..and naging educational ang post na to ha. Rated SPG nga lang. hahaha. :))
akala ko drama kaloka biglang naging romansahan haha tamang hinala kasi si mister. =D
ReplyDeletenaks naman.. at talagang kinlick ko ung link... hehehe
ReplyDeletenakakawala pala ng alaala un hehehe
:)
Hahaha. ayos yong nasa huling conversation.
ReplyDeleteHAHA okay ah! ^_^
ReplyDeletehaha napamura ako sa tuwa ..lolz
ReplyDeleteNag-expect ako ng isang inspiring story at moral lesson. Hahaha. Iba ka talaga!
ReplyDeleteHahaha winner!
ReplyDeleteNakahandusay sa ibabaw... ibang klase.hahahha
ReplyDelete