nuffnang

Tuesday, May 29, 2012

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Putangina part 8 na.




ANG UMPISA NG KALOKOHAN NA ITO, CLICK HERE OR DITO.

At dito naman ang NAKARAAN OR DITO.


"Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas"



“Bakit mo sila binaril?!!” Sigaw ng Hari sa kanyang Reyna.

Nakapamewang ang isang kamay ng Reyna at nakataas ang kabila na hawak ang Magnum 357. “Ang gulo niyo kasi…nauubosan kana ng oras, bukas na ang alis mo at hanggang ngayon wala ka parin nahahanap na magbabantay sa akin” Wika ng Reyna.

“Teka, parang gusto mo talagang umalis ako at may magbantay nalang sa’yo ah.” Nakasimangot na sagot ng hari.

“Inaalala lang kita, alam ko naman diehard fan ka ni Justin Bieber at Miley Cyrus eh.” Nakangiting sabi ng Reyna at umupo na ito dahil nangawit sa kanyang position.

“Bweno, ano na gagawin ko?” Bulong ng hari.

“Alisin ang dalawang bangkay na ito!!’ Biglang utos ng hari sa kanyang utosan, nagmadali naman ang kanyang utosan para itabi ang dalawang bangkay.

“Mahal na hari, puwedi ba akong sumubok sa iyong paligsahan?” Biglang wika ng utosan sa Hari na ikinagulat nito.

“Teka, sino ka nga ba?” Tanong ng Hari.

“Ako po si Habibi, isang mandirigma ng kaharian ng malandian.” Sagot ng utosan

“Ahh…paano ka napunta dito? paano ka naging taga silbi ng palasyo? Usisa pa ng Hari sa kanyang utosan.

“Mahal na hari mukhang nakalimutan mo na, sinakop mo ang kaharian namin at isa ako sa nabihag mo.” Sagot ni Habibi.

“Aaaahh!! Tama, naaalala ko na. Ikaw ‘yung kanang kamay ng hari ng malandia, ikaw ‘yung pinakahuling nasukol namin dahil sa sobrang galing mo, kung hindi ka ata kusang sumuko eh hindi ka namin mahuhuli, halos maubos mo na ang mga mandirigma ko.” Pagbabalik tanaw ng Hari.

“Opo, mahal na hari, ako nga iyon” Nakayukong sagot ni Habibi.

“Pero teka, bakit ka nga pala sumuko sa amin nun? Sa totoo lang kaya mo naman kami lahat. At ngayon, bakit hindi ka tumakas dito? Sa galing mo eh kayang kaya mo ako.” Pagtataka ng Hari kay  Habibi.

“Ang totoo po niyan mahal na hari ay nun pa man bago niyo salakayin ang kaharian namin ay nagpaplano na akong umalis don. Hindi ko gusto ang pamamalakad ng aming hari, masyadong strict. Wala na akong social life, kaya nung dumating kayo, naisip ko na ‘yun na ang tamang oras para makaalis don. Naisipan ko na kapag nahuli niyo ako at nakaalis na don, saka na ako tatakas at nagpapakalayo-layo para hanapin ang aking social life.” Mahabang salaysay ni  Habibi dahil pati author ay nahabahan sa kanyang sinusulat.

“Eh bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa, bakit hindi ka pa tumatakas? Matagal kana rito ah.” Pagtatanong ng hari at umupo sa kama, at ang kanyang reyna ay pumunta na naman sa may bintana, kaya napalingon sa kanya ang hari at si  Habibi.

“Mahal na hari bakit laging nakatambay ang Reyna sa may bintana? Tanong ni  Habibi.

“Hindi ko alam, makalipas ang isang buwan ng kasal namin lagi nalang nandyan. Pero hindi mo parin sinasagot ang tanong ko utosan, bakit nandito ka pa at hindi tumatakas?” Pagalit na tanong ng Hari.

“Kasi po, hindi ko po ko aakalain na dito ko pala matatagpuan ang aking social life. Dito po sa palasyo niyo kumpleto lahat. May sarili akong kwarto, may mga gadgets pa ako. Libre internet, pagkain, mga damit, halos lahat, pati pang load. Hindi ko na kailangan makipaglaban, utos mo lang sinusunod ko. Ito yung hinahanap kong social life. hindi ko aakalain na dito ko pala matatagpuan sa inyo, tapos ang ganda ni Inday dyan sa kapitbahay natin..heheheh” Mahaba na naman ang naisulat ng author na satsat ni  Habibi.

“Hahahahahahaha, I like you iho. Mukhang mapagkakatiwalaan kita, gusto kitang maging bantay ng aking reyna, pero gusto muna kitang subukan kung kaya mong tiisin ang libog mo sa mahal na reyna.” Sabi ng Hari

“Mahal na hari may sarili po akong pinagnanasaan, si Inday po. Saka sa amin, bilang isang mandirigma ng kaharian namin nun, tinuturuan po kaming tiisiin ang libog namin para lalo kaming maging matapang, siyempre po, kapag dalawang ulo ang galit sayo, double din ang galing mo at tapang mo. Na-master ko na po ang pagpipigil sa aking libog.” Ang haba na naman ng sinabi ni Habibi.

“Kahit na, gusto kong patunayan mo sa akin. Linisin mo ang katawan ng aking Reyna tulad ng ginawa ng mga contestants ko.” Sabi ng Hari at tinawag ang kanyang reyna.

Lumapit naman ang reyna sa kanila, humarap ito kay Habibi at naghubo na. Napalunok ng laway si Habibi at halos lumuwa ang kanyang mga mata sa sobrang ganda ng luto ng diyos na nakahain sa kanya.


“Umpisahan mo na…..” Utos ng hari.




Siyempre itutuloy pa..LOL







10 comments:

  1. aww bitin ulit... medyo matatagal naman ako sa paghihintay ng release nito para sa next episode..

    Ilike this episode pinagsama ang modern things like hi-tech gadgets, social media and European style.... panalo...

    ReplyDelete
  2. anak ng tokwa't baboy. lumabas na ang totoong bida ng kwento.
    to the rescue si habibi. LOL
    kwawa nman kme ni kanto dedbol din. hahaha.
    isa ka talagang alamat pre.

    ReplyDelete
  3. hahaha...hindi ko na kasi alam paano tataposin..LOL

    Salamat sa mga laging nagbabasa. :)

    ReplyDelete
  4. teka teka..... asan ang part 7?!!! Di ko ata nabasa yun...

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay, na-refreshed na ang utak ko..... nabaril pala kami ni palakanton! lols,,,

      Delete
  5. sumasakit ang puson ko pag nabibitin ako sa kwento. alam mo yan. hahaha

    ReplyDelete
  6. muntik ko ng makalimutan na si justin and miley pala ang dahilan ng contest ng hari. teleserye na to kaps.. ending na! haha..

    ReplyDelete
  7. hahaha... again and again.. hahhaa

    ReplyDelete
  8. This is a great post, thanks for writing it

    ReplyDelete