January 1, 2011 ang unang poste
ko ng blog dito sa blog site ko, mahigit isang taon na pala. Akala ko nun madali lang
magblog, tsss, naalala ko pa nun, araw-araw talaga ako nagsusulat ng blog, araw-araw may
bagong post ako, lagi ako excited, haha. Ang yabang ko nun sa sarili ko, “Hak,
may sarili akong blog, hahaha, suckers!!!!!!!!”
Namiss ko ‘yung magblog ng
ganito, yung wala kang certain topic, ‘yung basta nalang ititipa ng mga daliri mo
ang mga pumapasok sa isip mo, parang random shit lang ang tema.
Tanda-tanda ko pa nun, Gentle-devil
pa nun ang url ko, medyo hinango sa totoong pagkatao ko…. NOON. Hindi ko na
maalala kung kailan naging Akonilandiya itong blog ko, basta gentle devil pa
nun.
Gentleman ako pagdating sa isang
relasyon sabi nila, pero pilyo sabi din nila. Binigay lang sa akin ‘yan eh, may
nagbansag sa akin niyan. Sabi niya, “Alam mo Akoni (not my real name), napaka-gentle
mo, as in, sweet, mapagmahal at ang pogi mo kaso sobrang pilyo mo, may pagka-devil ka rin
eh, hahaha” Sabi niya sabay himas dito sa akin baba, ‘yung baba na chin ang
tinutukoy ko ah, hindi ‘yun sa akin baba na iniisip mo, pagkatapos na ‘yun.
Hindi din ‘yun ang saktong sinabi niya sa akin, kaya dinagdag ko lang yung salitang
pogi.
Ano pa?
Aah!!!
Bigla kong naalala, lagi ako
napagkakamalan babae, yes, ang malanding si Akoni ay ilang beses nang
napagkamalan babae. Bumalik lang ulit sa isip ko nung si Gasoline dude at yung
iba pa na hindi ko na maalala, na akala daw nila ay babae ako, kung hindi pa
ako nun na featured sa damuhan ni bino ay hindi nila malalaman na babae din ang
gusto ko, na kaya ko rin bumiyak ng.....aauuhhhmmm, buko ng niyog.
Hindi na ako nagulat sa mga
comment nila na, “Lalake pala si Akoni?” Dahil kahit nung nasa college ako ay
napagkamalan din akong babae, dahil na-rape ako, tsarot!
Loner ako noon sa college, gusto
ko ng happenings, namimiss ko ang barkada, pero dahil nga sa hindi parepareho ang kinuha namin kurso, nagkahiwa-hiwalay
kami, kaya parang hindi ko tuloy nai-enjoy noon ang college life ko.
*Pause*
Teka, ano na?
Aah!!
Isang gabi, habang papunta na ako
sa terminal ng mga jeep para umuwi, bigla kong naalala, “Shit na may mani at malunggay, wala pala akong
pamasahe”, natulero ako, gabi na kasi noon eh, mga alas sais na or mag-aalasain na.
Eh ang layo ng school namin sa town, mga 15 minutes ang biyahe at 2 minutes kung
magpapakamatay ang driver.
Parating na ako noon sa sakayan,
kaya bumalik muna ako sa campus, naghanap ng kakilala na puweding mahingian ng pamasahe,
LOL. Sa aking paglalakad, iniisa-isa ko ang mga students na dumadaan, pero wala
talaga akong kakilala, hanggang sa may nakita akong isang grupo na nagpupulong
sa isang park, isang fraternity park.
Napaputangina ako sa tuwa dahil
may kakilala ako sa kanila, si Day sleeper. Kababata ko siya at day sleeper ang
tawag namin, dahil kahit lumalangoy sa lake ay nakakatulog ang putangina, kahit
anong oras ay humihiwalay ang kaluluwa niya ng ganun-ganun lang. Balita ko may
asawa na daw ngayon ‘yun, natawa ako nung malaman ko, naisip ko kasi paano kaya
kung habang nagseseks sila eh makatulog nalang bigla sa ibabaw ng babae, hahahahaha. Hindi ko alam
sa gagong iyon, hindi ko alam kung sakit ba yun o talagang masarap lang lagi
ang tulog niya.
Saan na tayo??
Aah!!
Nakita ko si Day sleeper, tinawag
ko, pero ang gago ako pa ang tinawag, pinuntahan ko at ang sabi, attend muna
daw kami ng orientation. Nagulat ako ate charo, kasi fraternity 'yun eh, namamalo
ang mga tao don. Pero sabi naman ni Day sleeper, “NO BODY CONTACT” daw sila,
hindi daw sila fraternity dahil intercollegiate sila, sumusunod daw sila sa batas na anti-hazing law.
Siya na ang nag-orient sa akin, pinabasa
din niya sa akin yung purpose ng grupo, maganda naman, siyempre lahat ng grupo
sa mga skwelahan ay lahat maganda ang purpose nila. Sa madaling salita, na-convinced ako ng loko.
Nag-worried ako sa studies ko, pero sabi niya, one day survival daw,
na-convinced niya ako ulit, dahil hindi ko na pala kailangan magserbisyo tulad ng mga sa ibang fraternity, isang araw lang, may grupo na ako.
"Teka, ano palangan ng grupo?" tanong ko kay day sleeper.
"ALCOTHANS" Sagot niya sa mahinang boses kaya medyo hindi ko nagets.
"Ha? Anong KANTOTANS?" Natatawang sagot ko naman.
"ALCOTHANS bugok, ALPHA COSINE THETA." Paglilinaw niya.
At dahil sa matinding pangangailangan ko ng pamasahe, wala akong nagawa kundi makinig sa pambobola ng mga membro na wala daw body contact.
6 kami sa batch namin, tatlong babae, dalawang lalaki at isang tagilid na lalaki. Pagkatapos nila kaming alilain ng ilang araw, dumating na ang araw ng survival. TENGENE!
Sa isang beach pinagdaos ang one day survival na sinasabi nilang no body contact at tinamad na ako...sorry kung umabot ka dito, itutuloy nalang. THANK YOU din sa pagbabasa.
tapos may paluan ngyari pala n akala m0 wala?tpz binigyan kna ng pamasahe?tpz binitin m0 kami?tpz e2 ka ..|..
ReplyDeletehahaha
piz...
tapos may paluan ngyari pala n akala m0 wala?tpz binigyan kna ng pamasahe?tpz binitin m0 kami?tpz e2 ka ..|..
ReplyDeletehahaha
piz...
naalala ko rin un frat ng HS days nman ako...
ReplyDeleteun 1 day survival eh ppatalunin ka sa dagat ng nkapiring..
puta pagkatpos my body contact dn...
aus sa kwento ah. tenbits...
narcoleptic si day sleeper..bow!
ReplyDeleteso pinalo ka nga? feeling ko naalog ng bongga ang utak mo sa initiation...hahaha
kaibigan ko nag convince sa akin noon na sumali sa frat..never ako sumang ayon......saang beach dinaos ang survival.....
ReplyDeletemay paluan? pero paddle ba ginamit o patpat lungs.
ReplyDeletebitins.! :D
waah! bitin much!
ReplyDeleteit shows talaga na green minded ka boss! hohoho.
ibang paluan ang naganap?
ReplyDeletenabitin din ako ..hehe