nuffnang

Monday, May 7, 2012

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Part 7


Ang nakaraan. [ONE], [TWO], [THREE], [FOUR], [FIVE], [SIX]. 


"Okay taposin na natin ang kwentong ito" Sabi ng may akda at nag-inat na siya para sa pagtipa ng bubuoin sa isip niyang ending ng kwento.

Tinabi ng utosan ng hari ang ulo at katawan ni Tonto at lumabas sa dalawa pang natitirang contestant.

"Bwahahaha este hahaha, patay na rin si Tonto, muntik na siyang manalo." sabi ng utosan ng hari sa dalawa.

"Sino na ang susunod sa inyo?" tanong ng utosan.

Nagkatitigan si Khanto at Palakanton, parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin. Malapit na ang TITIgan nila sa isa't isa, magkalapit ang mga mukha nila, one inch lang ang layo, walang kumukurap...hanggang sa muntikan na silang maghalikan.

"Shit, ang sweet nun ah, bitin!!!." Sabi ng utosan at napasuntok pa ito sa ere.

Sabay tinitigan ng masama ni Khanto at Palakanto ang utosan ng hari, "One, two, three!!!" Sigaw ni Khanto at mabilis silang dalawa pumasok ng sabay sa kwarto.

"Ano ang ibig sabihin nito?" Gulat na sabi ng hari pero walang exclamation point kaya uulitin niya.

"Ano ang ibig sabihin nito?!!!!!" 'yan pasigaw na ang dating pero parang may kulang parin, kaya uulitin ulet.

"ANO ANG IBIG SABIHIN NITO????!!!!" Perfect.

Ang reyna nakaupo sa dulo ng kama at halata rin sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Alam namin hindi rin kami magtatagumpay sa pakontes mo, sino ba naman na lalaki ang makakaligtas sa alindog ng iyong asawa?" Sabi ni Khanto.

"Mamamatay lang din naman kami, gusto namin mamatay na lumalaban, pero mag isa ka lang ngayon at dalawa kami. Kapag napatay ka namin, mapapasaamin ang reyna pati ang kaharian na ito, bawahahaha" Sabi ni Palakanton na tumatawang parang demonyo.

"Tama, may schedule na kami ni Palakanton sa asawa mo. Monday, Wednesday, at Friday sa akin, sa kanya naman ay Tuesday, Thursday at Saturday, hahaha, Day off niya sa Sunday..." Sabi ni Khanto na tawang demonyo din.

"Mga lapastangan kayo! Hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa ninyong ito. Ano akala niyo, matatalo niyo akong dalawa? Aaminin ko, dalawa kayo sa mga magagaling kong mandirigma, pero hindi ninyo ba naisip kung bakit ako naging hari? Hindi ba pumasok sa kukuti ninyo na mas magaling ako sa inyo hindi lang sa physical kundi pati sa pag-iisip? hahahahha..mga hunggang kayo, pagsisisihan ninyo ito" Wika ng hari na nakaupo parin.

"Ang dami mong shit....laban na!!!" Sigaw ni Khanto at sabay nilang sinugod ang hari.

Isang spada ang sandata ni Khanto, si palakanton naman ay isang palakol. Winasiwas ni Khanto ang spada sa nakaupong hari at pumorma na din si Palakanton para sa sunod na pag-atake. Tatamaan na sana ang hari pero simbilis ng kidlat ito at nakaiwas siya sa atake ni Khanto. 

Nakatayo ito sa likod ng upoan at nakatutok ang dulo ng spada niya sa leeg ni Khanto. Sasaksakin na sana ng hari si Khanto pero biglang napalo ni Palakanton ang spada ng hari kaya nakaalis si Khanto. Lumayo muna sila sa kinatatayuan ng hari.

"Maraming salamat..." Wika ni Khanto kay Palakanton, at pareho silang nakaporma.

"Walang anuman, sabay na tayong sumugod sa kanya, hindi niya tayo kaya." Bulong ni Palakanton.

"Let's go!!" Sagot naman ni Khanto.

BANG!!! BANG!!!

Tig-iisang tingga ng bala ang bumaon sa ulo ng dalawa. Malakas ang baril, kaya dalawang segunda lang ay nagdilim na ang kanilang paningin, hindi na nila nalaman kung sino ang bumaril sa kanila.


"Ayyy...itutuloy parin?" Tanong ng may akda sa sarili at uminom siya ng tubig.

11 comments:

  1. haction packed ang episode ngayon ah!!! bwahahah

    ReplyDelete
  2. bitin.

    isang bala lang pala ang papatay sa dalawa. lols

    ReplyDelete
  3. hahahaha.. praning ka...
    takte kala ko ending na eh mukhang humaba pa ang story...
    kamot sa ulo...

    ReplyDelete
  4. nagkaroon din ng continuation! tagal ko'ng inantay ah

    ReplyDelete
  5. akala ko katapusan na.. wait pa pala. action scene ang episode na to ah? :)

    ReplyDelete
  6. haha .. may day off pa ang reyna .. lol

    parang avengers lang ang action ah :)

    ReplyDelete
  7. naku mukhang kelangan kong magback read, part 7 na pala!

    ReplyDelete