nuffnang

Monday, May 14, 2012

Palabas VI: May tanong ka ba? May sagot ako eh.



PANGALAN/ALIAS*:
Keko
URL:
TANONG*:
Bakit ang tao ayaw mamatay pero gustong mapunta sa langit?
Bakit ang tao gusto mag birthday pero ayaw tumanda?

eh bakit ako maganda? haha. alam ko na, napaputangna ka XD

SAGOT

Bakit ang tao ayaw mamatay pero gustong mapunta sa langit? – Dahil sigurista ang mga tao, kayong mga tao. Lahat kayo’y hangad lamang ay kaligayahan, kaginhawaan, at kung anu-ano pa dahil tinatamad na ako magbigay pa ng examples.

Ang langit ay ang pinakarurok o pinakasagad na kaligayahan makakamtan ng mga tao, pero dahil sa hindi tayo sigurado kung sa langit o sa imperno tayo mapupunta, ‘yun, hindi natin gustong mamatay kahit gusto natin mapunta sa langit.

Saka bakit mo gugustohin pang mamatay para lang mapunta sa langit kung dito palang sa lupa ay puwedi kang makakarating sa langit kahit paulit-ulit pa o kahit araw-arawin mo pa? Tara biyaheng langit tayo? Let’s go.

Bakit ang tao gusto mag-birthday pero ayaw tumanda? – Parang may konek itong tanong mo sa unang tanong, siyempre tao eh, gusto puro nalang saya, puro nalang ginhawa, kaya intindihan nalang natin ang mga ganitong shit ng mga tao, okay?

Pero masagot lang ang tanong mo. Kaya gustong magbirthday ang isang tao kahit na ayaw tumanda ay dahil ang birthday celebration ang magpaparamdam sa kanya na special siya kahit tumanda na ng isang taon. Special ka pagtanda mo, special ka kahit matanda kana, basta special ka. Sa madaling salita, ang pagsi-celebrate ng kaarawan ay isang pagpapaligaya sa sarili upang hindi masyado dibdibin ang pagtanda ng isang tao.

Eh bakit ako maganda? Haha. Alam ko na, napaputangna ka XD. – Ang masasabi ko lang ay, wala sa ganda yan, nasa performance at sarap/lasa 'yan. BOOM!!!

**************************** 

PANGALAN/ALIAS*:
palakanton
URL:
TANONG*:
bakit ang yelo pag natutunaw ay korte t*t*, ibig bang sabihin nito na ang mga yelo ay lalaki?

SAGOT

Put a hennang tanong na ‘yan. Mali, kaya nagiging korteng titi ay dahil babae ang naglagay nito sa freezer. Ayun sa pag-aaral ng mga A.I. (Hindi Artificial Intelligent kundi Abnormal Isip), kapag natunaw ang yelo at nagkorteng titi, ang ibig sabihin nito ay babae ang gumawa at naglagay sa loob ng freezer.

****************************

PANGALAN/ALIAS*:
Inong
URL:
TANONG*:
Paano nabubuntis ang langgam?

SAGOT

Mga ganitong tanong ay nasa Google, tinatamad ako magugol. Pero may sarili akong pilosopiya sa pagbubuntis ng mga langgam. Nakikipagseks ang mga babaeng langgang sa mga lalaking elepante kaya sila nabubuntis.

****************************

PANGALAN/ALIAS*:
bagotilyo
URL:
TANONG*:
Totoo bang pagpigil sa utot ay isa sa cause ng colon cancer?

SAGOT

Anak ng utot naman oh, sinong demonyong bumulong sayo para itanong ito sa akin? Walang katotohanan iyan, dahil ang utot ay ginawa para lang pang-asar sa mga kaibigan mo at iba pang taong makakaamoy nito.

Kapag pinigilan mo, ibig sabihin ay madamot ka.

Wala akong idea kung ano ang colon cancer, bagong zodiac sign ba yan? 


***************************


Para sa iba pang mga katanongan na binigyan natin ng sagot.



11 comments:

  1. hahah ang dami kung tawa... lalo na yung atnung ni jeff... hahahaa,, wagas kung wagas!!

    ReplyDelete
  2. kamusta naman ang sex ng elepante at langgam! hahahaha. hinimatay yung elepante ng nalaman nia na nabuntis nia yung langgam :p

    ReplyDelete
  3. gusto ko ung sagot mo tungkol sa birthday :)

    ReplyDelete
  4. hahaha . .salamat sa pagsagot mo sa tanong ko ..wahahha

    btw , wala na ko sa bagotilyo.com :)

    ReplyDelete
  5. galing.
    ang mga sagot mo pre ay tlgang kainaman...
    satisfied ako sa sagot.
    lol lang ako sa sagot mo sa tanung ko...
    huwaw!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako si c samuel may tanong ako ang tanong ko ay iyon nah

      Delete
  6. "Kapag pinigilan mo, ibig sabihin ay madamot ka."

    Nice! Bagong palusot 'pag napautot ng wla sa oras. hahaha.

    ReplyDelete
  7. Hahahaha. Very informative talaga tong post mo.

    ReplyDelete
  8. hahaha pareho kami ni gord ng naisip. magandang palusot ito akoni. keep sharing.

    ReplyDelete