nuffnang

Friday, June 29, 2012

Blog flash






Blog Flash: Kanina lang ito nangyari sa kaharian ng Facebook.

Habang ako'y tatlong beses nang pabalik-balik sa toilet dahil winter season na naman ata ng tiyan ko, agaw pansin sa akin ang FB status ng isang Ka-FB ko, lalaki siya. Ganito ang FB status niya (Hindi sakto)....

FB Friend's Status: Kapag malaki daw ang su.....malaki din ang pek...?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Siyempre talaga. Kapag malaki ang SUgat, malaki din ang PEKlat.


-'yan ang FB status niya. Dahil day off ko ngayon at medyo bored ako, naisip kong patulan siya. LOL

Nag-comment ako ng..."Akala ko SUSU at PEKPEK".

Deleted niya comment ko.

Kailangan ko ng explanation bakit niya deleted ang comment ko... 

Sabi ko, bakit nadeleted yung comment ko?

Sumagot ng "be responsible naman Akoni"

Natuwa ako sa sagot niya, naisip ko, words war na ang mangyayari nito at baka umabot na sa CAPSLOCK. Kaya, nag-inat ako at nagcomment uli...

Sabi ko, eh yun naman ang gusto mong maisip ng makakabasa, diba? Gusto mo sa unang kita ng makakabasa ang maisip sa su... ay SUSU" at ang Pek... ay PEKPEK, diba? Ngayon ako, yun ang naisip ko tapos sasabihin mong be responsible? Aminin mo na, yun ang gusto mong maisip ng mga makakabasa. hehehehe

tapos...






tapos...






Blocked na niya ako agad...


me: LLLLLLOOOOOOOOOOOLLLL. me gusta!

Hindi tumagal ang laban.

-Minsan talaga may mga ganun tao, magjojoke ng sa umpisa ay iisipin mong bastos (Intensyon niyang un ang maisip mo). Pero kapag sinabi mong bastos, sasabihin sayo ng "bastos ka  o green minded ka". Parang ang sarap lang suntokin sa ilong, hehehe. Kaya nga niya yun sinabi dahil gusto niyang mag-isip ng kabastosan ang makakabasa o makakarinig, tapos kapag nagawa niya yun sasabihin niyang "Bastos" o sasabihin niyang hindi yun ang tinutukoy niya? kamowwwnnnn........in the first place "bastos" ang gusto niyang unang maisip ng makakabasa!








parang....





Ang blog na ito'y dedicated kay: Elbert, ang pangalan ng FB-Friend ko. Hello Elbs, thanks may naiblog ako. LOOOOLLL. Peace p're!




Tuesday, June 26, 2012

Palabas VII: May tanong ka ba? May sagot ako eh.



Tanong mula kay: Lovez

Ano ang sinisimbolo ng lapis sa buhay mo?

     Aaminin ko, napaisip ako ng isa’t kalahating kilo sa tanong mo. Naalala ko ang subject kong sociology (ata) nung nag-aaral pa ako.  Tinanong kami kung anong bagay ang sumisimbolo ng buhay namin, explain in one half shit of paper tapos basahin daw namin sa front.

May mga sumagot ng bato, papel at gunting tapos nag-jack en poy sila sa harap, LOL, choke! Tandang tanda ko pa, lapis ang pinili ko.

Lapis dahil simple lang, parang ako. May eraser, mabubura mo agad-agad ang mali na naisulat o naiguhit, parang ako pilit na binubura mga pagkakamaling nagawa kahit nag-iiwan parin ng bakas.  Ang lapis madaling maputol, tulad ko rin ako’y marupok, madaling bumigay emotionally at higit sa lahat, tulad ng lapis, lagi din dinidilaan ang ulo ko, ang ulo, ulo, ulo, ulo, ulo..


*****************************


Tanong mula kay: Einstein

So we will make a Miss Universe Q and A portion here. And here's my query: Would you change your religious beliefs to marry the person you love? Why or why not?

Salamat!

            NO

Isa sa dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo ay para sambahin siya (Diyos). Nandito tayo dahil sa may Kapal, ginawa niya tayo para sambahin siya (inulit?) at gumawa siya ng religion para gabay natin sa pagkilala sa kanyang kadakilaan. Kaya kung ano man ang religious belief ko, hinding-hindi ko ipagpapalit dahil lang sa kapirason karne, ang babaw ko naman na dahil lang sa karneng hilaw ay susuwain ko ang nagbigay sa akin ng buhay at nagbibigay sa akin ng mga blessings. Pagtataksil yun sa Diyos. Diyos muna, bago ang tao, naks ako na ang banal.


*****************************


Tanong mula kay: Kathelyn Manson

Ano ang kahulugan ng Pedophile?

Ang pedophile ay kumakain ng hilaw na preskong karne. Nandito ang ibang shit http://simple.wikipedia.org/wiki/Pedophile.



             *****************************



Tanong mula kay: Iyakhin 

Kelan ba talaga luluhod ang tala? at kelan ba puputi ang uyak? bakit tinawag na makahiya ang makahiya eh samantalang sa umaga nama'y sila'y nakabukakA? Kelan ba tayo magkikita?

Kelan ba talaga luluhod ang mga tala?

         Kapag naging cover kana ng FHM magazine. Hindi lang mga tala ang luluhod sa’yo, kundi pati narin mga saging.

Kelan ba puputi ang uwak?

          Kapag naging pornstar na ako at ikaw ang aking leading lady.

Bakit tinawag na makahiya ang makahiya eh samantalang sa umaga nama'y sila'y nakabukaka?

Medyo nalabuan ako sa tanong mo na makahiya kaya magbibigay nalang ako ng facts about makahiya.

1.             Makahiya, ibig sabihin ay makahiyas. Sinisimbolo nito ang mga taong mahihilig sa hiyas
2.             Ito’y isang hiyas, kaya masilan at laging tumitiklop kapag nahawakan.
3.             Ang English ng makahiya ay pro-vagina, makahiyas.
4.             Ang kung anu-ano pang shit.

Kelan ba tayo magkikita?

Kapag lumuhod na ang mga tala, pumuti na ang uwak at hindi na tumitiklop ang makahiya.


******************************

Sa mga may gustong itanong at naghahanap ng minsan matino, minsan malabo, at minsan tae lang na sagot. Magtanong DITO.







Sunday, June 24, 2012

Kwentotan: ANG PARUSA NG KATAWAN



Once upon a time in a far-far away high way, may naging kaibigan akong dalawang babae. Mag best friend ang dalawa, 4th college ako nun at lagi ko sila nakikita sa school. Magkasama kahit saan pumunta,magkadikit parang “ganito”,  minsan nga iniimagine ko na tibo ang isa sa kanila, hehehe.

Last semester na, graduating na ako nun nang maging classmate ko silang dalawa at nalaman ko na purong babae pala sila, sweet lang talaga sila sa isa’t isa.

Dahil sa taglay kong kakulitan, naging friends ko din sila hanggang sa hindi na namin namalayan, naging close na rin ako sa kanila. Sabay na kaming tatlo mag-lunch, umuwi, tumambay, in short lagi na kami magkakasama, hindi ko alam kung pinag-iisipan din kami ng ibang tao kung sino ang tomboy sa amin tatlo.

Gumraduwet na ako, tapos silang dalawa'y may isa pang semester na tataposin. Legal na ang lahat sa akin, ‘yon kasi ang promise ni tatay na taposin ko lang muna daw ang pag-aaral ko, pwedi ko na gawin lahat ng gusto ko, basta ‘wag lang drugs, hehehe, may exception parin, pero tinikman ko parin.

Anyway sa highway, isang araw, nag-plano silang dalawa na mag-overnight daw kami somewhere in the other city, e-enjoy daw namin ang summer vacation. Syempre dahil sa isa akong gentleman, payag ako agad kahit saan sulok pa ng mundo, bwahahahahahaha este hehehehe.

To make the story short, natuloy ang lakad namin, nakituloy kami sa isang apartment na nirerentahan ng mga friends nila. Hindi ko alam kung anu ang plano nila, basta ako ride on lang kahit na anong klasing trip, medyo patapun na kasi ang buhay ko that time.

Gabi na, “putangama ‘wag masyado ma-excite, sinabi ko lang na gabi na”. Kaming tatlo lang ang nasa apartment na ‘yon, walang laman ang bahay, walang kama at mga gamit, basta kwarto lang, kaya natakot me, hehehe. Sa paglabas ng pangil ng gabi, biglang nagyaya ang isa na mag-inuman session daw kami, kinabahan ako, naisip ko na baka may gawin silang hindi maganda sa akin, kaya hindi na ako nagdalawang isip pa, pumayag na ako agad, “sige-sige” sabi ko sa kanila…bumili ako ng kakampi ng mga ma-drama sa buhay o sawi sa buhay, ALAK, tanda ko San Miguel at Ginebra ata ‘yon, basta alak ‘yun.

Habang tumatagay kami’y naglalaro din ng baraha, hindi ko matandaan kung anong laro un, basta baraha ‘yon.

Nalasing na kaming tatlo kaya….putek, ang haba na ‘to hanggang dito nalang kaya…LOL

Commercial muna:

May nakatabi na akong friend na babae sa pagtulog pero may malisya sa akin. Ang tagal kong nakatulog, teka hindi pala ako nakatulog. Buong gabi kong nilabanan ang init ng aking katawan at ang paglabas ng aking pangil, putcha! Parusa sa pakiramdam, kaya ninyo yun guys? ‘yung parang magdadasal ka nalang na sana reypin mo mamatay ka nalang sa mga oras na ‘yun? Sayang talaga dahil nakapagpigil ako, kaibigan ko kasi ang babae, kaya ayaw ko masira ‘yun. Alam kong may tiwala siya sa akin kaya payag siyang magkatabi kami sa pagtulog, siya pa nga nagyaya sa akin e, pero bakit ako? bakit ako ang pinaparusahan niya ng ganun? Hindi ba niya naisip na bampira ako? malakas ang kapangyarihan ko sa gabi? ‘yun ang logic.

Balik na tayo sa kwento.

Pagkatapos namin mag-inuman, medyo may amats na kami. Tahimik ang lahat, nahalata kong gusto na nila matulog at inaantok na din ako.

“Oh, dyan kayong dalawa sa foam, dito na ako.” Sabi ko

“Anong dyan ka sahig, dito tayong tatlo” Nakakagulat na wika ng isa, nagkatitigan kami ng isa at nataranta na naman ako, nawala ang tama ng alak sa isip at katawan ko, bumalik sa aking diwa ang gabing minsan nakaramdam ako ng parusa ng katawan dahil sa pagpipigil, napausal nalang ako ng “Oh GOD why?”

Nahiga na silang dalawa, ‘yung isa tahimik lang na nakatalikod, hindi ko alam kung tulog na, ‘yung isa nakadilat pa ang mga mata, tiningnan ako at nagsabi na sa gitna daw ako, putcha, ano ito? tangin pumasok sa malinis kong utak.

Bago ako nahiga sa gitna nila, pinahina ko muna ang aking sarili, inisip kong kadiri siya, yaks, at inisip na she is so panget-panget-panget-panget-panget-panget, pero hindi talaga e. Malakas talaga ang dugo ko, ganun parin, nagdadasal ulit ako na sana malagutan nalang ako ng hininga sa mga oras na ‘yun, kesa makaramdaman na naman ng parusa ng katawan.

Lalaki ako, may puso at saging, kaya naisip ko din na subukan pigilan ang pagpaparusa niya sa akin, pero hindi ko maituloy dahil katabi ko din ang babaeng crush ko, tatlo kami sa isang foam, sa gitna ako, sa kaliwa yung crush ko, sa may kanan ko ang nagpaparusa sa akin, pagsinuswerte ka talaga. Pero mga kaibigan ko sila, may tiwala sila sa akin, kailangan ko din iparamdam sa kanila ‘yun without malisya.

The End?

Itutuloy ba o Hindi?


Sunday, June 17, 2012

Father's day post





Father’s day pala, nalaman ko lang kay Iyakhin kaninang umaga, at isa lang pumasok sa isip ko, sana kahalikan ko siya that time, choke!!!

"Father’s day na pala?" 


‘yan namutawi (namutawi talaga) sa aking isipan, tapos parang may hinahanap akong emosyon sa akin katawan, parang may gusto akong maramdaman, parang may gustong balikan ang aking diwa, pero parang wala naman.

Unang beses kong father’s day ito, so, ano na?

ano ba dapat kong gawin?

Dapat ba akong humingi ng regalo na SAMSUNG S3 sa anak ng biyanan ko, o makuntento nalang ako sa SAMSUNG S2?

Buong buhay ko, never ako nakapag-celebrate ng Father’s day, never ko din na-greet ang tatay ko ng “Happy father’s day”, sabi ko nga, hindi uso sa amin ang mga okasyon na pinauso ng mga tao (take note: Tao ang nagtatag), hindi kami fanatic ng mga tao. Relihiyoso kasi ang tatay lalo na nanay ko, kaya kung ano lang ang okasyon na may kinalaman ang Diyos, ‘yun lang sini-celebrate namin.

Kaya naman talagang ang bait-bait kong tao, ang linis ng budhi ko at ng puso ko, isa akong alangad ng kabutihan, pagdadarasal lang ang past time ko, at ang kapal talaga ng mukha ko at ang puwet ko sa mga pinagsasabi ko.

Pero dahil sa mabuting pakikitungo ko sa mga tao, medyo natutunan ko na rin i-adopt ang mga okasyon na pinauso nila. Pero hindi ko parin kinakalimutan ang turo sa akin ng aking mahal na ina, okasyon muna ng Diyos, bago okasyon ng mga tao.

Pansin niyo, puro galing sa nanay ang mga quotes ko, wala ang tatay ko? FYI, pipi ang tatay ko, choke. Pero parang ganun na nga, hindi kasi siya masalitang tao, isa siyang tunay na lalaki. Walang kung anu-anong shit, simple pero bato.

ano feeling maging ama?

MASAYA!

Una, alam mong may laman ang tamod mo, masaya at masarap ang ganun feelings. Pangalawa, kung ang asawa mo’y ang “Tunay na pag-ibig” mo, ang anak naman ay ang “Tunay na responsibility” mo. Oo, responsibility mo din ang asawa mo, pero mas lamang ang sa anak mo eh. Maliit pa kasi, bagong salta lang dito sa mundo ng mga tao, sa mundo na punong puno ng kababalaghan at hiwaga, sa mundo na magulo, sa mundo na madaming mapanlinlang at kung anu-ano pang nakakatakot na kamumulatan niya. Kaya nasa mga kamay mo kung paano mo siya tuturoan maging “atapang, atao”, kung paano mo siya huhubogin maging isang mabuting tao, kung paano maging isang mabait na mamayan at kapitbahay, paano maging huwarang anak, paano maging matatag sa lahat ng bagay, at higit sa lahat responsibility mong ituro at maitanim sa kanyang puso ang takot sa Diyos.

Kapag nagawa ko na mga 'yan, puwedi na akong batiin ng "HAPPY FATHER'S DAY" dahil sigurado akong HAPPY and PROUD ako sa mga oras na 'yun.

Para kay Tatay: Ama, patas na tayo ngayon, isa na rin akong ama. Hak! Nakalista parin sa utak ko ang mga mabubuting ugali na nakita ko sa'yo, nakaukit parin dito sa puso ko ang pagmamahal na pinaramdam mo sa akin, at nakatatak parin sa balat ko ang pag-aalaga mo sa akin. Kaya ngayon, ako naman ang mag-a-apply nito sa akin anak sa higit na makakaya ko. Pero this time, hihigitan kita! lintek lang ang walang ganti.

Para kay Nanay: Namimiss kita.

Para kay Heaven: Salamat.

Para kay Akoni: Anak, please, paglaki mo, ‘wag kang mahihilig sa mga telenobelas, sa mga love teams at sa iba pang nakakalason sa isip ng mga kabataan na palabas.


MahalKoKayongLahat


“Sumasaludo sa lahat ng naging mabuting ama at sa lahat na magiging mabuting ama” - Akoni 



Tuesday, June 12, 2012

Mema Post Lang.




Dumating na yung oras na hirap na ako makaisip ng ikukwento dito sa blog ko, limitado lang kasi ang mga nangyayari sa akin dito sa gitnang silangan, walang happenings, walang kwento, “Same day, same shit”.

Nung June 4 tumaya ako sa lottery, malapit na kasi ang b-day ko that time kaya nagbakasakali ako na baka makatsamba o swertehin ako, pero talo ako ng isang numero, muntik na ako swertehin. Sadyang kupal talaga ako sa mga ganyan shit, hindi talaga ako yayaman ng madalian, kailangan kong magsipag at tiyaga o maging politician.

June 6, nagtrip to heaven ako, pumunta ako sa akin heaven para magcelebrate ng aking kaarawan in advance. FYI, pareho kaming OFW ng anak ng biyanan ko pero magkaiba kami ng work place, 7 hours ang biyahe papunta sa kanya, kaya minsan bawas appetite ako pagkadating sa kanya, bawas appetite, bawas rounds.

June 7, magpapalagay sana ako ng brace sa tukmol kong mga ngipin, pero nakalimuntan ng anak ng biyanan ko ang bracket na ikakabit sana sa akin. Mahal ang babayaran mo kasi kapag sagot ng clinic ang bracket, kaya bumili nalang kami sa labas. Dahil hindi rin matutuloy ang pagpapakabit ko ng gate sa mga ngipin ko, nagpalinis nalang ako at nagpabunot, mas lalong bumango now ang aking hininga, lalong lumakas ang loob ko na makipagdilaan sa iba, joke lang ng kaunti.

June 9, 6:00 am na ako dumating ng bahay galing sa lugar ng anak ng biyanan ko, naligo at pumasok na sa trabaho. Halos wala akong tulog, hirap naman kasi matulog ng nakaupo lang sa bus, kaya pinagpistahan ako ng antok sa trabaho ko, ginahasa at nilapastangan ako. Pagkadating ko galing trabaho, bago me matulog ay naisipan ko magpakain bilang pagsunod sa nakasanayan natin tradition tuwing kaarawan, nagbigay ako ng pera sa mga kasamahan ko at sinabihan na bahala na sila bumili ng lulutoin nila. Pagkagising ko, spaghetti ang handa nila, maanghang ang putangina.

Makalipas ang June 10, sumunod ang June 11, hanggang sa nag June 12 at ito ako ngayon, inipon ang highlights ng nangyari sa akin sa loob ng June 4 to June 12.

Hindi ba, walang silbi?

11:21 am na dito, punta na ako ng cafeteria.





Saturday, June 9, 2012

Happy Mother’s Day




Isa ako sa mga taong walang kinikilalang okasyon, walang birthday, walang valentine’s day, walang new year, at kung anu-ano pang okasyon na tinatangkilik ng mga pinoy at sinasamba ng ilan o nakakarami (No offense meant). Lahat ng araw ay normal na araw lang sa akin, ordinary days lang ang peg. Walang special na  araw o okasyon sa akin, ganun ka-boring ang buhay ko….para sa inyo.

Nasanay na ako na graduation day lang may handaan sa bahay o may celebration sa bahay, kaya hanggang sa paglaki ko ng kaunti ay medyo nadala at nakasanayan ko ang ganun paniniwala. Kahit sa pakikipagrelasyon  ko nun (take note: Sa babae) ay ganun din ako, walang anniversary, walang monthsary, at kung anu-ano pang may “sary” sa dulo.

Madalas ako masabihan ng sweet pero hindi thoughtful, pati birthday kasi nila ay nakakalimutan ko na o ang mga specials na araw nila, sariling birthday ko nga nakakalimutan ko eh, ‘yung kanila pa kaya? Kaya naman, minsan nabuburaot sila sa akin, minsan iniisip nila na kuripot lang ako dahil sa hindi ako nagreregalo kaya hindi ko inaalala talaga na may special na araw (sa amin). Hindi naman sa ganun ng slight pero hindi ko lang talaga nakasanayan mga loves ang mag-celebrate ng kung anu-anong pinauso ng mga tao, hindi ako tao,  alien ako, Charot.

Pero nitong paglaki ko ng kaunti, at dahil sa pakikibagay narin sa inyong mga tao, medyo nagkaroon ako ng kunting pansin sa mga okasyon. Pero hindi lahat, tulad ng sa Valentine’s day, hindi ako nakiki-celebrate dahil hindi ko naman kilala si Valentine at wala akong connect sa kanya, iba yung pag-ibig niya, iba yung pag-ibig ko, magkaiba kami ng pinaglalaban at paniniwala. Kaya yung monthsary namin ni Heaven ang ginawa kong araw ng mga puso para sa akin, tapos mahal na araw ay yung araw ng kasal namin, pindutin ito para sa karagdagan kaalaman, LOL.

Teka, ang dami ko nang shit pero wala parin yung “Mother’s day” na nasa title ng blog na ito.

"Okay, bakit mother’s day ang title ng post mo?". Bulong ng malanding langaw sa akin.

>

Sino ba nagpauso ng mother’s day?


Bakit may mother’s day? 


Paano at bakit nagsimula ito?


Pogi ba ako?


>


Sa tagal ko sa planetang ito, never ako nakapag-celebrate ng mother’s day, I have no idea folks (naks) kung anu ‘yan o kung bakit mayroon ganyan.

Hindi na ako nagresearch patungkol dyan, at hindi rin ako kumukontra sa mga tumatangkilik dyan. Pasensya na, pasensya na, ika nga ni Lito Lapid pero nagkataon lang na mayroon akong sariling paniniwala, sariling konsensya ko ang pinahatol ko sa paniniwalang ito.

Para sa akin kasi, mas mainam na ang Mother’s day ay yung araw na pinanganak ka, magiging araw-araw pa ang Mother's day dahil araw-araw ay may nagbi-birthday, diba? 


Ang birthday kasi ay yun ang araw kung saan naging mother o naging mother ulit ang nanay mo. Ang araw ng kapanganakan mo ang dapat mong gawin mother’s day. Imbess na mag-celebrate tayo para sa atin sarili dahil sa araw ng kapanganakan natin, bakit hindi tayo mag-celebrate ng mother’s day? Bilang pagkilala sa kadakilaan at katapangan ng isang ina sa araw na yung na pinanganak ka. 


Nasaksihan ko kung paano manganak ang isang babae, higit pa sa tinu-torture sa mga napapanood natin pilekula ang nararanasan nila. Hindi ko na alam kung may hihigit pa sa sakit na ‘yun na nararamdaman nila tuwing nanganganak sila. Nakakalimutan natin minsan na habang nagsasaya tayo sa araw na 'yun (birthday natin) ay iyon din ang araw kung kelan naging imperno ang pakiramdam ng mga nanay


Ang dapat sanang e-celebrate na "birthday" natin ay yung gabi o araw na ginawa tayo ng mga parents natin, 'yan, puwedi tayo magsaya dyan dahil masaya ang mga magulang natin yung araw o gabing 'yun, nagsaya at nasarapan sila kaya magsaya at magpakasarap din tayo tanda ng paggunita sa araw o gabing 'yon.

Kaya mga kapatid, mga kaibigan, mga kapanalig, LOL, kung anu-ano na pinagsasabi ko. Seryoso, kung magse-celebrate ka ng b-day mo, ialay mo nalang para sa nanay mo. Kung b-day mo ngayon, puntahan mo ang iyong ina at sabihin mong “Happy Mother’s day Ina, sorry sa sakit na naramdaman mo nung pinanganak mo ako. Babawi ako sa’yo ngayon araw na ito, pasisiyahin kita, mwah”



Happy Mother’s day!


*Maraming salamat sa mga bumati at babati pa. 


Wednesday, June 6, 2012

KM3: TINIG (Anong tinig?)



Tinig?

Ano ‘yan?

Tao ba ito?

Pagkain?

Bagay?

O lugar?

Kailan pa nagkaroon ng tinig ang mga tulad kong hampas lupa, kaming mga dukha, kaming mga salat sa buhay? Wala kami niyan, hindi naririnig ang mumunting tinig namin, nandito kami nakagapang sa lupa, nakatingala sa inyo, at inaapak-apakan ninyo.

Walang nakikinig sa amin o walang nakakarinig sa amin, kung may makinig man, walang umiitindi o makakaintindi, kung may umitindi man, walang magbibigay o magpapahalaga, lahat na bingi sa mala-kulog na tinig ng salapi.

Sa panahon ngayon, salapi ang tinig ng mga tao, kung wala ka nito, wala kang tinig, walang makikinig sa’yo, para kang isang pipi. Mabubulok ka nalang sa isang tabi na wala man lang makakarinig sa’yo, walang lilingon sa’yo, bingi sila sa mga hinaing mo. Wala kang salapi eh, kaya mamatay kana dyan.

Ang tinig na ‘yan ay para lang sa mga mayayaman, para lang sa mga may salapi, sila lang ang pinapakinggan. Malakas ang tinig nila dahil sa boses ng salapi, lahat nakikinig, lahat sumasamba, kaya nito mapapintig ang mga tainga sa isang sitsit lang.

Kung sino pa ang may tinig, sila pa ang mga bingi, gusto nila sila lang ang pinapakinggan, gusto nila sila lang ang may tinig, sila lang may karapatan. Apektado na pati narin paningin nila at pakiramdam, mga manhid na sa mga tulad ko. Kaya mamamatay nalang kami dito sa isang sulok na umiiyak, nagmamakaawang humihingi ng tulong habang lumulubog sa kumunoy ng kahirapan.

kaya ano itong pinagsasabi mong tinig?

Wala ako niyan, umalis ka sa harapan ko baka masipa ko mukha mo. Lalabas ako, gagawa ng paraan para magkaroon ng kunting tinig. Nakikita mo ba ang lalaking iyon? Mayaman yan, maraming salapi sa bahay nila, isa ‘yan sa mga nabingi ng tinig ng salapi. Siya ang magbibigay sa akin ng boses, siya ang tutupad sa pangarap kong balang araw magkakaroon din ako ng TINIG.



Monday, June 4, 2012

ZODIAC SIGNS BY PROF. AKONI




BABALA: Pweding seryosohin at puweding hindi seryosohin.

Hello earthlings!

Kamusta na ang mga masasarap ninyong katawan lupa? Patikim naman....

June na. (Insert “You don’t say?” meme)

Taena, hindi ko alam kung ano isusulat kong intro sa post na ‘to. Ganito ‘yun, sadyang hilig natin mga Pilipino ang magbasa ng Zodiac signs, ano ha? Minsan binabase natin dito ang ugali ng mga tao at pati narin sarili natin, pero pansin ko lahat ata o halos ata ng nabasa kong zodiac signs ay puro positive.

Si Aries ay mabait, mapagmahal, si Gemini ay matalino, pogi, magaling sa sex, etc…mga ganyan, tuwang-tuwa tayo kapag nakabasa ng positive sa zodiac sign natin (insert “You don’t say?” Meme), may nagpoposte pa nga ito sa “About me” sa mga social network. Never pa ako nakabasa ng parang negative ng mga Zodiac sign, kaya naman gumawa ako ng aking sariling intrepretasyon sa mga Zodiac signs, LOL.

Ayus na sa bones-bones ang intro.

TIRA!!!



Aries – Madaling magalit ang mga taong ito, tapos mga pakialamero’t pakialamera. Gusto nila sila lagi ang nasusunod sa lahat ng oras, mga walang konsiderasyon, aarrrgggghhhh. Mahilig o adik sila sa seks…teka, sino Aries sa inyo? Contact niya ako.

Taurus – Mga tuso ang mga Taurus na ito, gusto nila lagi silang nakakalamang, mga mapang-angkin. Wala silang pakialam sa iba dahil matitigas ang ulo, mga sutil, matakaw, tamad, seloso at kung anu-ano pang chenes.

Gemini – Hak! Sila naman ‘yung mga tamad, laging nabobored ang arte nila, kaya tsismis ang inaatupag, madaldal ang mga Gemini ng kung anu-anong shit. Salawahan, malandi, mababaw, may pagkatuso din, laging hindi mapakali at ignorante sa mga gadget. Dual ang personality, kaya siguro napagkakamalan iba ang sarili niya sa sarili niya, anlabo lang.

Cancer – Madrama ang arte nito, yung mga tipong paawa epek-ek-ek, gusto laging kaawaan, kaya siguro pinangalan ang sakit na cancer dahil sa paawa at drama epek nito. Mga sumpongin, pagbago-bago ang isip at nabubuhay sila sa nakaraan, pessimistic.

Leo – Mayabang pa sa Leon, bossy naman ang drama nito. Gusto niya siya lang nakikita parang gusto ata nito’y siya lang matira sa mundong ito.

Virgo – Ah si Virgo, mga mapanghusga sa kapwa, kaya naman sobrang perfectionist ang arte nito, hindi uso sa kanya ang kasabihan na “Nobody is perfect” dahil para sa kanya, siya si Nobody, kaya perfect siya. Kuripot ka din!

Libra – Mga tanga, madali silang maimpluwensyahan ng mga tao, mga mahiyain pero malalandi din (contact me pls). Hindi sila makapagdesisyon para sa sarili nila, laging nangangailangan ng mag-aaproba para sa kanila. Mga salawahan, mapilit din ang mga taong ito at siyempre, malihim, winner!


Scorpio – Seloso’t selosa, kasapi ito sa samahan ng mga EMOtionalista.  Very controlling sila at mga uhaw sa attention. Mahilig sumabit sa lahat kahit walang rason, pakialamera’t pakialamero din kaya minsan laging napapatrouble, oh ano ka?!


Capricorn – Seryoso at madrama din ito, ‘yung tipong gustong lumuha sa ilalim ng ulan at tumira nalang sa sementeryo o sa tuktok ng bundok.

Sagittarius – Careless at irresponsible, pero ayaw ng nasa baba lang siya. Masyadong mapurol at mababaw, hahaha, madalas katiin ang hitad, contact mo din ako. Pabago-bago din ang isip!

Kunti nalang…tinatamad na ako.

Aquarius – Mga backstabbers, mga traydoooooooooooorr, hahaha, isa pa, TRAYDOR!!! Mga walang pakiramdam, malalamig ang damdamin, kaya mga loners ang mga Aquarius na ito.

May kulang pa ata, ayyy si PISCES.

Pisces – wala akong pakialam sa’yo dahil tinamad na ako.

Sige na nga, isang mapangarapin, pero yung tipong delusional na at kailangan mo nang gisingin, hindi na yun pangarap, illusion na, kaya para silang laging nawawala. Masyadong napapalayo sa katotohanan kaya kailangan nila dumaan sa akin para maramdaman nila ang cloud 9 na sinasabi nila.


********************* 


Oh, nasapol ka? Ibig sabihin ang galing ko, pwedi ko nang palitan si……ayy wala akong kilala na magaling magbasa ng mga zodiac signs.


Hanggang sa muli, earthlings!