nuffnang

Monday, August 27, 2012

Mga ligaw na alaala


Ngayon umaga dahil sa walang internet dito sa office, napagtripan kong pasokin muna ang aking isipan at hinalugod ang bawat sulok ng akin diwa upang maghanap ng mga naliligaw na alaala ng nakaraan. Makaraan ang ilang minuto at maubos na rin ang aking kape, tapos humapdi na ang aking mata dahil sa pakikipagtitigan  sa cursor ng computer, ay may mga nahuli din ako sa wakas.

Ang dami palang naliligaw na alaala sa aking isipan, karamihan emoshit, pero ayaw ko hulihin 'yun, nakakakuryente kasi.

May mga nahuli nga akong alaala, pero may mga nasamang hindi dapat kasama. Mga alaalang dapat ako lang ang nakakaalam. Kaya pinili ko nalang ang mga alaalang puweding buksan sa mga taong mapanghusga, tulad ng mga alaalang kaya kong depensahan sa mga hindi makakaintindi at mga alaalang may kakayahan ang lahat na gawin din o may posibilidad na nagawa rin at nahigitan pa.

Naks!

Elementary. Isa sa kalokohan ko ay ang pumailalim sa intablado namin tuwing recess kong saan naglalaro ng Chinese garter ang karamihan sa mga kaklase kong babae at mga may potential na maging binabae. Gawa sa kahoy ang stage namin noon, kaya may mga butas ito dahil sa pinagdikit-dikit na mga tabla. Pumapasok ako sa ilalim ng stage hindi dahil para maghanap ng mga piso na nalalaglag don kundi para manilip ng panty ng mga klasmet kong babae o kung sino man nandon na tumatalon-talon, kasama ang kaibigang nakalimutan na ang pangalan. Wet este wait, ginagawa namin 'yun hindi dahil sa kamanyakan namin din, kundi ito'y dahil sa sex, charot, ito'y dahil sa teks at jolen. Mali ka din ulit, hindi kami don naghahanap ng teks at jolens.

Magbasa ka pa!

Nakikipagpustahan ako/kami sa mga kaklase kong lalaki na mahuhulaan ko ang kulay ng panty ng mga klasmet namin babae, ang tuso ko lang noh? Game naman sila, siyempre may nakatayang kayamanan ng isang bata, ang teks at jolens. Confident silang mananalo sa pag-aakalang napakaimposibleng mahulaan ko ang kulay ng panty ng mga klasmeyt namin. Pero isang malaking pagkakamali nila 'yun, ako si kaka sa ilalim ng kubo.

Pahirapan nga lang minsan makumbinsi ang hinulaan ko (kunwari) kung ano ang kulay ng kanyang panty na ipakita sa amin o sabihin man lang ang kulay para patunayan na mali o tama nga hula ko, pero dahil sa unnatural kong talento sa panghuhula, pinapakita din nila, hanggang sa may garter nga lang, basta lang medyo makita namin ang panty, masaya na kami. Maraming natutuwa sa pustahan namin na yun, kahit lagi sila talo sa akin, ayos lang.

Pero minsan....


"Ano, pustahan tayo ulit, mahuhulaan ko ang kulay ng panty ni kuwan?"

"sige, ano'ng kulay?"

"hahahaha, kulay dilaw, hahahaha"

"kuwan, kulay dilaw daw panty mo sabi ni Akoni"

Umiyak si kuwan na parang nakuwan, kaya ayun nag-sumbong kay titser. At doon nag-umpisa ang ALAMAT NG SERMON.

Indoor

High school na ata ako noon (nakuwento ko na ito dati, pero wala lang, gusto ko lang ulitin para sa kapakanan ng mga hindi pa nakabasa), may mga kamag anak kaming mga babae na nakikitira sa amin dahil nag-aaral sila sa malapit na school sa amin bahay. Sa tuwing may bisita silang mga lalaki (hindi ko alam that time na umaakyat pala ng ligaw ang tawag don), ay nabubuwesit ako. Dahil uutosan nila akong bumili ng biskwet at soft drinks o tang, tapos ililipat nila ang channel. Napuputol tuloy ang panonood ko ng cartoons.

Ang ginagawa ko kapag natunogan kong bibisita uli sila, ay iihian ko ang juice na iinomin nila. Sabi ko nga, ninja ako, kaya minsan kahit bagong timpla palang nila ang tang ay nagagawaan ko ng paraan para lang malagyan ng ihi ang inomin nila.

Outdoor

Isang araw may ginawang duyan ang mga kalaro ko, gusto ko makilaro sa kanila, kaso ang dadamot ng mga puta. Pinagdadamot nila at iniinggit ako sa duyan nilang gawa sa sako ng bigas. Kinabukasan nagkakagulo ang mga bata sa may duyan, umiiyak ang may-ari. 'yung iba, nagugulohan kung paano nagkaroon ng sandamakmak na tae sa duyan nila, ako naman ay nagugulohan ang isip kung ano ang kinain ko at ganun nalang kadami at kalusaw ang nate ko.

At doon nag-umpisa ang ALAMAT NG LINTEK LANG ANG WALANG GANTI.

v
v
v
v

High school ulit, 3rd year, unang pasok at first subject, excited ako. Natutuwa ako dahil ang ganda ng titser namin, ang ganda talaga niya. Unang kita ko palang sa kanya ay lumukso na ang lalamonan ko ng dahan-dahan pataas at pababa at tumibok ang pulso ng palad ko. Parang ganito ako, "Wow ang ganda ni titseeeerrrrr, kailangan magpa-impress ako para magustohan".

Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pagtuturo at ako naman ay nasa kalagitnaan ng pagpapatansya sa kanya, nang biglang magtanong, tandang tanda ko pa ang tanong niya hanggang sa ngayon, "Bakit hindi mapuntahan ng mga tao ang planetang MARS?" Tanong niya sabay ikot ang kanyang mga mata sa amin, naghahanap ng sasagot. Ang bilog ng kanyang mga mata, wow pare parang anime eyes, ang kyut, kung sa isda ang sarap sipsipin lalo na kung sinabawan ang pagkakaluto, malaki at makatas.

Nagtaasan ang mga kamay, umingay ang klase. May mga nagbigay ng sagot kahit hindi tinuturo ni titser kong maganda. May sumagot ng dahil mainit titser, dahil may mga alien, dahil may sumpa, dahil walang oxygen, dahil walang gravity, at kung anu-ano pang hindi ko na matandaan. Matatapos na sila at hindi pa ako nakakabigay ng sagot kay titser maganda, kailangan kong sumagot ng kakaiba at pang scientist na idea, yung tipong kapag narinig niya ay kukurotin ang ilong ko at hihimasin ang aking pisngi sabay sasabihing "Ang kyut-kyut mo at ang talino mo pa, pakiss nga." at ako naman ay magkakaorgasm na ora mismo sa kinauupoan ko.

*Taas ang kanang kamay*

..........DAHIL PUNONG PUNO NG KANIN MA'AM!!

Natigil ang lahat, hinanap nila kung kanino ang malahiganteng dwendeng (meron ba nun?) boses na 'yun. Nakatingin sila sa akin, nakangiti ako, nagugulohan din sa nangyari sa akin at iniisip kung bakit 'yun ang naisagot ko. Napalingon ako kay titser maganda, wala na, bakas na sa mukha niya ang pagkabadtrip. Ang kagandahan ng kanyang mukha ay naging parang mukha ng babaeng hindi nagkaregla ng tatlong buwan, parang mukha ng babaeng mayaman na walang pang shopping, at parang mukha ng babaeng kapitbahay namin.

At don nagsimula ang ALAMAT NG SABON.



....UY, haba na masyado, nakawala na rin ibang ligaw na alaala na mga nahuli ko. Next time nalang ulit, sana makarami pa ako ng mga mahuhuling ligaw na alaala ng nakaraan.


Hanggang sa muli mga kalandian!!!


12 comments:


  1. natawa ko dun sa hulaan ng panty, ginawa ko di un nung gradeschool lol

    ReplyDelete
  2. napakapilyong bata mo pala! seryoso yun inihian mo yun juice!kaderder!!

    ReplyDelete
  3. haha XD masaya yung hulaan ng kulay ng panty. nagawa ko rin yun. nagbebenta din ako ng joelens at text sa mga kaklase. negosyante nako ng grade 2 ako. haha. dun ko kinukuha ang pangbisyo ko, mga kendi at turumpo. :P

    ReplyDelete
  4. hahaha ang kulet lang eh...
    my ganito rin akong kransan lalo na ng high school,...
    ngaun lng ulit npatambay

    ReplyDelete
  5. grabe pala ang kalokohan mo nun kuya. as in ang tindi ng mga alaala ng nakaraan mo. haha

    ReplyDelete
  6. grabe, hambata mo pa lang may ganun ka ng naiisip.

    naku, delikads pala pag mag-ooper ka ng tang, baka may wiwi. nyahahahaha

    ReplyDelete
  7. ibang level nga kakulitan mo parang tahimik na mabait pero may maitim na balak na ibabalik.Kumusta naman ang mga uminom ng tang na may ihi.Panigurado ako maamo pa sa tupa ang mga ito sayo ngayon.

    ReplyDelete
  8. hahahahahahaha. andae kong tawa dito kuya! At dito nag-umpisa ang kwento ng mga adik! LOL. namiss ko dito. more fun!!!

    ReplyDelete
  9. bata palang haliparot na? iba ka talaga boss! lupet!

    buti hindi niyo nachambahan yung hulaan na wala siyang suot na panty! XD

    ReplyDelete
  10. Hello powz, selemet powhz sa mga natuwax!

    ReplyDelete
  11. ikaw na! ikaw na ang pinakapilyong batang nakilala ko... hehehe...

    ReplyDelete