nuffnang

Thursday, August 30, 2012

Movie review-rebyohan: First KISS



Hello mga kalandian, narito na naman tayo sa isang movie review, kung mapapansin nyo ang title na papansin, ito'y ginawa kong "movie review-rebyohan" para naman hindi magmukhang seryoso, diba? Nakokosensya na kasi ako sa inyo na naghahanap ng totoo at seryosong movie review. Sa madaling salita, 75-80% po ay peke ito, parang orgasm lang ng mga babae, 75-80% kasi sa mga babae ay pinipeke ang orgasm nila sa seks sa maraming dahilan, hindi ko alam bakit ganun sila at hindi ko rin alam kung bakit ko naisingit ito.

~~~~~~

Ngayon ay kinakailangan ko pa makapanood ng movie para lang magkaroon ng idea kung ano ang puwedi kong ikuwento dito sa blog ko. Minsan kasi sa akin panonood ay may mga bumabangon na alaala na parang zombie sa akin isipan, dahan-dahan ito babangon at maglilibot sa akin utak at hahabolin ang aking pagkatao, kaya kailangan pakawalan o ilabas para hindi ako lamonin at kung anu-ano na naman pinagsasabi ko.

Tama na nga ang shit na 'to, umpisahan na ang movie review-rebyohan!


Ang ganda nung babae, nakakainlove mga expression ng mukha niya. 'yun lang naenjoy ko sa movie na ito. :D


Isang tae Thai movie ito, yes ala khanto lang. Siyempre sa title palang alam mo na kung ano ang buod o bahagi ng storya o saan ito iikot. Ito'y tungkol sa First Kiss at sa Love-corrupting-minor. Kaya dalawang klase ang movie review-rebyohan ko ngayon, unahin natin ang first kiss.

First Kiss

Paano kung may nakaset na sa utak mo na dream-kiss-eksena, 'yung nangangarap kang sana ang first kiss mo ay napakaromantiko, na sana nasa ilalim kayo ng ulan habang tumutugtog ang kantang "Umbrella" ni Rihana at kusang naglalapit ang mga labi ninyo para sa isang napakatamis na pagdadaupang dila niyo...pero biglang may isang sumira dito o aksidenteng nasira nito at habang buhay nang hindi matutupad ang pangarap mo? (Ito na ata ang pinakamahabang question sa kasaysayan ng Akonilandiya)

'yan ang shit ng movie na ito, ang actress ay nangangarap ng isang napakaromantikong unang halik para sa kanyang first love, pero sa 'di sinasadyang pagkakataon aksidente itong nakuha ng isang stranger guy.

Eksena: Nasa bus ang babae, biglang bumagal ang andar ng bus na sinasakyan. Sinilip nito mula sa bintana para tingnan kung ano ang dahilan, may aksidenteng nagkabanggaan pala. Nang bigla itong maghard turn ulit pabalik to the right, sakto naman itong mama na gusto din makitsismaks at makita ang aksidente, then, spoff it's kuko crunch!! May isa na naman aksidenteng nagkabanggaan, ito ay ang kanilang mga nguso. Wasak ang pangarap na romantic kiss ni dalaga, at don na nag-umpisa ang kakornehan ng movie na ito na sa tingin ko ay 7 years old lang pababa ang mag-eenjoy.


~~~~~~

Bata palang ako ay may mga nakakahalikan na ako, pero smack down lang to the lips, minsan legal minsan nakaw, at minsan pangarap lang. Kaya hindi ko na maalala ang first kiss ko, sira na ang mga romantic shit first kiss na 'yan sa akin. 'yun ang akala ko, dahil nun college ako, naranasan ko ito. Hindi man ito ang first kiss ko, ito'y katumbas naman.

Itago natin siya sa pangalan Maria Ozawa para cool at hindi nakakailang. Lagi kami magkasama, sabay lagi umuwi sa hapon, at tumambay kung saan-saan, yung mga typical na ginagawa ng mga students sa isang university.

May exam ako isang araw, accounting 101, isa sa pinakahate ko na subject. Naglalakad kami papunta sa klase ko, hinatid ako that time.

"oi, exam niyo ngayon diba?" Pagtatanong niya.

"Oo, good luck nalang sa akin, hahahaha" sagot ko sabay tawa, tawa ng isang tamad na student

"Ikaw talaga, hindi ka na  naman nag-aral noh?" Masungit niyang tugon sa akin, sabay suntok sa akin balikat. Suntok ng isang concerned na kaibigan.

Ilang buwan na kaming magkaibigan, kaya medyo naging close kami, parang ganito. Kaya friends talaga kami with kunting pagnanasa ang turingan (ako lang ata) namin sa isa't isa.

"Tsh. Kaya ko naman pumasa kahit hindi na ako mag-aral eh, ako pa?!" Pagyayabang ko sa kanya, tulad ng isang tamad na student.

"ang yabaaaannngggg.." puna niya sa akin.

"Ha-ha-ha. FYI lang, 20/20 vision ng mata ko, may lahi akong Ninja, at matalino mga kaibigan ko sa room namin, sa tatlong katangian ko na 'yan, ewan ko lang!" Sagot ko sa kanya at nagtawanan nalang kami, nagkaitindihan.

"Gago ka talaga. Kapag bumagsak ka dyan, patay ka sa akin, hindi na ako sasama sa'yo, one week kang grounded sa akin." Sabi niya na may kasamang banta sa aming pagkakaibigan.

"Wooaaahh!! Grabe ka naman." Depensa ko.

"Seryoso ako." Natatawang sabi niya, seryoso nga.

"Eh paano kung pumasa ako?" Sabi ko na parang na-checkmate ko siya dahil napaisip siya sa sinabi ko, your move darling.

"uhmmm...may premyo ka sa akin!" move niya at isang mahinang move.

"Ano na naman kaya, isang supot na mani at isang stick na banana que? Sawa na ako don eh, hahahaha" Checkmate na ata siya, kaya natatawa ako.

"aahh....(Nag-iisip)...eh ano gusto mo?" Sabi niya. Wala na, gipit na, move ng isang talohan.

"I want your kiss" sabi ko, BOOM!!!



Itutuloy...ang haba na naisulat ko, nalulunod na mga labahan ko, saka baka tamarin na kayo sa pagbabasa. Ito lang ata ang movie review sa kasaysayan na may part 2. LOL


*Abangan ang part 2 pagkalipas ng tatlong araw. :D









11 comments:

  1. Bitin! Haha! Pero thumbs up dun sa orgasm na naisingit haha!

    ReplyDelete
  2. lol! mas na excite ako sa kwento mo kesa sa movie review. bitin. parang Mahal Kita Friend ni sir Bino lang ang peg! haha!

    ReplyDelete
  3. nambitin pa.... baka di lang kiss ang nakuha mo dun sa kausaps mo ha.... nyahahahaha

    ReplyDelete
  4. magaling mambitin! lol. ung first kiss...whatever lol

    ReplyDelete
  5. Hahaha...kinailangan putolin ang kwento, ang haba eh. :))

    ReplyDelete
  6. ang sabi ko pa naman yung dulo na lang muna ang babasahin ko dahil medyo nagmamadali ako tapos part 2. Adik

    ReplyDelete
  7. Ano yun kuya.. hindi naman kame nahahabaan.. kwento pa..

    ReplyDelete
  8. Kaloka naman, hindi pa tinapos ang kwento oh!

    ReplyDelete
  9. naman!di naman mahaba dapat itinuloy mo na kuya. hehe

    ReplyDelete