nuffnang

Friday, September 30, 2011

Anak ng PHOTO




Totoo talaga ang sinasabing "GHOST EMPLOYEE"


Ang galing nila noh? tingnan mo ung nakapula, parang nakalutang sa ere, tapos ang nakajacket ng itim, hindi pantay ang paa, hahaha, MAGIC. Tapos ung nakapula at nakajacket ng itim, may kakambal ata don sa may ibabaw ng ulo ni nakapula, ang galing nila noh? ang galing-galing nila manluko ng tao.

Haduken at hami-hami wave mo sila dito.

Ganun na ba talaga ang tingin sa atin ng karamihan officials ng atin goberno? Madaling lukohin, linlangin, bobohin, tangain, litohin, taehan, ihian, pagsamantalahan, at kung anu-ano pang pambubwesit sa atin mga pilipino.

Hindi ko alam kung anu nakain nila para gumawa ng ganitong ka-cheapan, nandon naman daw sila sa oras na yon, nag-cropped sila ng image para gumanda ang angulo nila, pero anak ng PHOTO naman, kailangan pa ba 'yun? bakit kailangan pang magpa Photoshop para ilagay mo lang sarili mo sa isang magandang location? Sobrang halatang halata na papogi poinst lang 'yun.

Ano ba ang pumasok sa isip nila at naisipan nilang pekehin 'yan, dahil ba sa iniisip nila na madali tayong lukohin mga pilipino, na mga tanga tayo, na mga gago pero magaganda at mga pogi tayo? o sanhi lang yan ng ugali nating gaya-gaya puto-maya?

Narito ang ginaya PHOTO-maya nila. CLICK HERE


Para sa ibang nakakaluko na PHOTOS nila.





Tuesday, September 27, 2011

Bagahe ng isang OFW



Sa loob ng NAIA terminal, nakatayo ako, hawak ang isang trolley bag na kulay pula, at pasan ang kulay pula din na bag pack. Kulay dugo, parang sumisimbolo sa akin na nagdurugo ang puso ko sa mga oras na ‘yun dahil sa daladala kong sangkatutak na kalungkotan. Tatlo ang dala kong bagahe, isang kulay pula na trolley bag, isang kulay pula na bagpack at isang nagdurugong damdamin dahil sa kalungkotan. Sa tatlong bagahe na dala ko, alam mo na kung alin ang pinakamabigat.

Habang nakatayo ako, huminga muna ako ng malalim saka tiningnan ang aking relo, lagpas alas 10 na ng umaga, mahigit dalawang oras pa bago ang aking flight. Nilakbay ng aking paningin ang loob ng paliparan, ang daming tao, karamihan ay aalis din tulad ko na may dala-dalang bagahe ng isang OFW, ang kalungkotan bag.

May mga nakapila sa kilohan ng bagahe, ung iba nakaupo lang na parang tanga, ung iba nasa isang sulok nagpupunas ng luha, ung iba may kausap sa telepono at umiiyak/tumatawa. Karamihan sa kanila ay aalis din papuntang ibang bansa para doon magtrabaho, pero gaano din kaya kabigat ang kanilang bagahe ng isang OFW?

Huminga ulet ako ng malalim, nag-ayos ng aking polo na kulay blue, nagpapahiwatid na naman ng kalungkotan “I am so blue…” pero hindi ako si Agua Bendita. Hinatak ko ang aking trolley bag at lumapit sa mga taong nakapila, nakipila narin ako. Dahil sa bagal ng pag-usad ng pila naisip ko tuloy ang aking pamilya, nalungkot ako lalo “Isang taon na naman ako mawawalay sa inyo” sa isip ko. Naramdaman ko lalong bumigat ang dala-dala kong kalungkotan, huminga ako ulet ng malalim, pero sa pagkakataon ‘yun hindi na nakuha sa pag-exhale at pag-inhale lang, lalo pang bumigat hangang sa naramdaman kong lumalabas na ang excess baggage kong kalungkotan sa aking mga mata.

Sinbilis ni FPJ sa pagbunot ng baril ang paghugot ko sa aking panyo, amang-panot-naman-oh!!! kulay blue rin ang aking panyo, kalungkotan ang pinapahiwatig ng aking polo at panyo. Nagpunas ako ng likido sa aking mga mata, sininghot ang sipon na kanina pang excited lumabas at dinilaan idiniin ang panyo sa aking mga mata, 100% cotton kasi, super absorber. “Excuse me sir” biglang dinig ko habang nakadiin parin ang panyo sa aking mata. Pagtanggal ko sa panyo, nakita kong nakatingin sa akin ang babae, nag-smile (landi-smile) ako sa kanya, binuhat ko ang aking trolley at nilagay sa kilohan nasa harap niya. 14.7 kilos, ang gaan, pero pakiramdam ko sobrang bigat ng dala ko, sobrang bigat ng bagahe ko.

“Wala ba kayong kilohan para sa kalungkotan?” tanong ko sa babae, nakakunot-noo tinitigan ako na parang nagtatanong, at parang pilit na kinukuha kung ano ang ibig kong sabihin. Kaya bago lumabas sa butas ng ilong niya at taenga niya ang kanyang utak, nagsalita ako. “Joke lang ‘yun, pero sana talaga may kilohan para sa dala namin bagahe na kalungkotan at sana may limit din ang madadala namin para tama lang ang hirap na mararamdaman namin sa ibang bansa”, natawa lang ung babae, nagkatitigan kami hanggang sa magdikit ang aming mga labi, hehehe, syempre dyok lang ‘yan.

End of part 1

“Sana may kilohan ng kalungkotan, para limitado din ang nadadala/baon namin lungkot sa ibang bansa.”

Akoni

Monday, September 26, 2011

My first movie review








HAHAHAHAHHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!......HAHAHAHHAHAHAHA…….!!!!!!!!!!!!!!!!!! HAHAHAHAHHAHAHA…..AAAAAAAHAHAHAHAHAHA….!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! …………………HAHAHAHAHAHHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


NGIYAHAHAHHA….!!!!!!!!! WAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!..........BWAHAHAHHAHAHA!!!!!!! MWAHAHAHHAHAHA……..!!!!!!!!!!!


LOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOL………..ROFLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL..!!! LLLLLLLLLLLLLLLLLLLLMAO!!!!!!!!!!!!



Haaayyyyyyyy……. *Joyful*




Sunday, September 25, 2011

Kaadikan


Kanina bago me pumunta sa Cafeteria para magpaparlor eh dumaan muna ako sa Clinic namin para kumain. Nagpatimbang ako ng sarili ko pero hindi kulang, sobra pa nga eh, 69.5 kilos na ako, mga 154 lbs ata ‘yan, kumbaga sa boksing eh, pang light middleweight na ako, hindi ko ka-level si Pacman, dahil siya ay 145.6 lbs lamaang, mas mabigat ako sa kanya, kaya baka gawin trumpo ko lang siya sa loob ng ring at gahasain don habang tinatanong ko ng "Who's your daddy?"

Isa lang pumasok sa ilong ko nang makita ko ang numero ng timbang ko, “Ang bigat ko, kailangan ko nang mag-GYM” Pero nakakatamad naman ‘yun at nakakapagod, at lalong nakakapawis, eewwwww, saka ang layo sa Villa namin ang GYM. Nakain ko tuloy, bakit kaya naggi-GYM ang mga tao?

Sa boso ko, lahat ng pumupunta o naggi-gym ay adik, oo mga adik sila sa iba’t-ibang kaadikan. Tatlong kaadikan ulet ang pumasok sa ilong ko, kung ano o saan adik ang isang tao kung bakit siya naggi-GYM.

Una, adik sa droga, adik sa bawal na gamot tulad ng shabu at katol. Kaya naggi-gym dahil un ang paraan niya para mawala ang adiksyon niya sa bawal na gamot, gusto na niya magbago, gusto na niyang tumigil, kaya sinusubukan niyang maging busy sa malusog na paraan, kumbaga e nire-revert niya sa pag- exercise ang addiction niya sa droga. Sa mahirap na salita, self rehabilitation ang ginagawa niya kung tama man yan, fuck cares!??

Pangalawa, adik sa kanin o sobrang pagkasugapa sa kung anu-anong pweding isalpak sa bunganga niya. Kaya nandon sa GYM ay dahil wala na siyang mabiling mga damit sa mga department stores at ayaw na siyang pasakayin ng mga jeepney, at pati biggest looser ay hindi siya tatanggapin dahil aabotin ng limang taon para lang maibaba nila ang kanyang timbang at para na akong adik sa kaoberan ng mga pinagsasabi ko. Sa madaling salita, nagpapapababa ng timbang, nagpapapayat o nagpapatunaw ng mantika sa katawan habang pinapataba naman ang kanyang self esteem.

Pangatlo, adik sa **** o ****, manyakol, kaya lang nagjejer-gym ay para lang makascore sa mga babaeng/bading/lalakeng naroon, at kaya lang nagjejer-gym eh para gumanda lalo ang kayang katawan at makarami pa siya ng  **** o ****.

Pang-apat, syempre ang all of the above.

Ikaw anong klase kang adik sa GYM?!



Wednesday, September 21, 2011

Anak ng OFW




Isang buwan at labing anim na araw kana ngayon, siguro may sounds na mga tawa mo ngayon, last 6 days kasi nung nandyan pa ako sa tabi mo, tumatawa ka pero walang sounds, ngumingiti ka lang, pero alam mo ang kyut-kyut ng ngiti mo, un na ang pinakakyut na ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.

Nandito na ako ulet sa Saudi Arabia, kakarating ko lang kanina. Grabe, parang first time kong aalis. Hangshakyeetttttttt!!! Mukha mo lang ang nasa isip ko, ung pinapadede kita ang hindi maalis sa isip ko, wag na ung pagpinapalitan kita ng lampin kasi tumae ka. Naiiyak na nga ako ngayon eh habang tinitipa ko 'to, oo iyakin si ako, hehehe.

Oo OFW ang papa mo, isa kang anak ng OFW. Alam ko darating ang araw, susumbatan mo kami, sasama ang loob mo sa amin at magkakaroon ng maraming katanungan sa isipan mo, lalangoy sa isip mo ang tanong na "Bakit?", kung bakit ka namin iniwan. Pero sana, marealized mo agad na hindi namin 'to ginusto, nangyari lang na anak ka ng OFW.

May lungkot sa akin puso ngayon alam mo ba 'yun? Mahirap man gawin mangibangbansa at iwanan ka ay sana makaya ko. Pagkat hangad ko'y magandang kinabukasan mo. Di ko ibig na ikaw ay iwan, nangyari lang na anak ka ng OFW, papa at mama mo ay parehong OFW.

Pasensya ka na ha? naging anak ka ng OFW. Dito na kasi kami nagkakilala ng mama mo eh, dito kana narin namin ginawa, taga-lamig pa nun eh, hehehe, ikaw ang tunay na katas ng Saudi Arabia, kaya wish ko lang na sana pagdumating ang araw na magtatanong ka kung bakit ka namin iniwan, at kung bakit wala kami sa tabi mo, sana maging mabait ka sa pagtatanong mo, dahil isa yan sa mga itatanong mo na masakit para sa amin na sagotin.

Ang dami ko sana gustong sabihin sa'yo ngayon, kaso natatae na ako, sa ibang araw nalang ha...sige, hanggang dito nalang muna....



Thursday, September 8, 2011

Anghel sa lupa



Nung buhay pa ang lola ko (sumalangit nawa ang kaluluwa), laging sinasabi sa akin na may mga anghel daw na nagpapanggap na tao dito sa lupa, kaya dapat daw laging mabait me sa lahat ng tao para matuwa daw sila sa akin at biyayaan ako. Syempre dahil sa kamusmusan ng isipan ko, naniwala ako, at inisip na baka isa sa kanila ang lola ko, baka kako nagpapahiwatig na anghel siya sa lupa.

Mula nun naging maingat ako sa mga tao, naging mabait me at palangiti, tapos minsan din naiisip ko na baka isa ako sa kanila, iniisip ko na isang araw may lalabas na pakpak mula sa likod ko at magfly to the moon and back na ako. Pero nung lumaki na ako at natuto na magbate, na-realized ko na luko-loko din pala ang lola ko, at kalokohan din na isipin kong isa akong anghel, syempre anghel nagbabate? kalokohan!!! diba? 

Saka kahit minsan ay wala akong nakitang anghel sa lupa, demonyo sa lupa mayroon, madami, ang mga pulitiko at karamihan ay nasa malakanya, at kung saan-saan nalang, ung pinakademonyo nga nagmasaker ng mahigit limanpung katao, dba? 

At saka isa na ata ako sa mga demonyo sa lupa, hehehe, minsan kasi may nagsabi sa akin in my face na babae na galit na galit pa, sabi eh "DEMONYO ka!!!" tapos may kasunod pang sampal, ouch, ang sakit ng pagkakasabi. Pero, dito sa lupa, demonyo ka man o Ampatuan, laging may pag-asa para magbago at maging malaanghel ang pag-uugali.

Remider: Pag-uugali ang tinutukoy kong puwedi maging malaanghel ah, hindi kasama don ang hitsura.

Hindi ko alam kung anu ang hitsura ng mga anghel, pero ung may pagkaugaling anghel (mababait na anghel)? marami, salamat sa diyos, dahil kahit punong-puno ng mga demonyo ang lupa, may mga tao parin malaanghel ang pag-uugali. At isa ako sa mga masusuwerteng demonyo sa lupa, dahil napapaligiran ako ng mga taong may mga pusong malaanghel. Alam niyo na kung sino kayo, MARAMING SALAMAT SA INYO!!!! (Lalo kana, akin gabay, hehehehe).







Thursday, September 1, 2011

Nangiti at naisip ko...


Imagine this without thinking: Nakaupo ka sa balcony, masarap ang simoy ng hangin, mga ibon nagtutwitan sa isa't isa, may tumutugtog na musika at tanaw mo ang isang lake. Hmmmm...ang ganda ng lake, siguro ang sarap maligo dun. Nangiti at naisip ko, siguro ang dami naliligong nakahubad sa lake ngayon.

Napalingon ako sa akin bandang kanan, isang malaanghel na natutulog at isang inang mapagmahal na nakabantay, ang aking mag-ina. Nangiti at naisip ko, magiging mabuting asawa at ama ako, kahit may halong lungkot dahil maghihiwahiwalay na naman kaming tatlo. Isa lang ang dasal ko sa diyos, kayanin namin ang lungkot at maitindihan kami ng amin anak pagdating ng panahon.

Napalingon ako sa akin bandang kaliwa, tanaw ko ang labas, tahimik. May mga kabataan nakatambay, nagtatawanan, nag-aalaskahan, at pabonggahan ng porma. Nangiti at naisip ko, ilan kaya sa kanila ang magiging OFW? Ilan din kaya sa kanila ang matutulad sa amin kapalaran, ilan kaya sa kanila ang makakaramdam ng lungkot ng isang ama tulad ko? Dahil gustohin ko man o hindi, kailangan ko mangibang bansa para sa akin pamilya. Huling tanong sa isip ko, mayroon kaya sa kanila?

 Note: Pasensya na, walang sapat na oras ang prinsepe para dumalaw sa inyo.