nuffnang

Thursday, May 31, 2012

Taas Ulo Sa Baba, Pugot Ulo Sa Taas. Last Chapter Na!



Dahil sa kagandahang nakikita ni Habibi, hindi na niya namamalayan tumutulo na pala ang kanyang laway.

“Slurps!! Buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandan.” Tangin lumabas sa kanyang bibig habang pinupunas ang laway. 

“HOY! Maghubad kana at umpisahan na ang pagsubok, wala na akong oras.” Panggugulat ng hari kay Habibi dahil parang nasapian ng tatlong spiritu ng mamboboso ang katawan. 

“Ayy..Sorry po mahal na hari, nakakagulat lang itong asawa mo, perfect ang katawan.” Sagot ni Habibi at nag-umpisa na ito maghubo. 

“Hak! Sa nakikita ko mukhang hindi ka rin papasa, utosan.” Maiksing sabi ng Hari at bakas na sa kanyang mukha ang kalungkotan, dahil hindi matutupad ang matagal niyang pangarap na mapanood ng live sina Justin Beiber at Miley Cyrus sa Kaharian ng Akonilandiya. 

“Mahal na hari, normal lang sa isang lalaki ang humanga sa katawan ng isang babae, lalo na kapag ganitong klasing katawan ng Reyna.” Salita ni Habibi. 

“Mahal na hari, maaari bang humingi ng isang minuto na paghahanda?” tanong ni Habibi. “Gawin mong dalawang minuto para sigurado, GO!” pagpayag ng hari.

“Mainam...” Mahabang sagot ni Habibi sabay takbo sa banyo.

FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP! FAP!

Makalipas ang dalawang minuto ay lumabas na si Habibi mula sa banyo, handa na. Humarap siya sa reyna, pinahiga sa kama, kinuha ang bimpo at nilublob ito sa basin na may laman na maligamgam na tubig at piniga ito. 

Pumunta naman ang hari sa right side ni Habibi at inihanda ang napakatalim na spada, pati baril niya ay nilagyan ng bala, nakahanda na ito kumitil muli ng isang nilalang. 

Kinakabahan nag-umpisang ipahid ni Habibi ang bimpo sa katawang ng reyna, bawat pahid ay naamoy niya ang halimuyak ng katawan ng reyna, parang masisiraan ng ulo si Habibi sa pagpipigil ng kanyang likido na lumabas sa kanyang "bird".

Tagumpay si Habibi sa unang round, nagawa niyang linisin ang katawan ng reyna na hindi nagalit ang kanyang bird, pero butil-butil na ang pawis nito dahil sa tindi ng libog na pinagdadaraan niya.

Round two: Paglalagay ng lotion.

Dito na mas lalong tumindi ang kanyang kaba, kaya niyang tiisin na wag magalit ang kanyang bird kung hanggang tingin lang siya sa hubo’t hubad na napakakinis na katawan ng Reyna. Nakamasid naman ang Hari sa ari ni Habibi dahil sa anumang oras na makita niyang magalit ito ay hindi na magdadalawang isip pa at hahampasin na gamit ang spada niya ang ulo ni Habibi.

Tangina ang tagal ng kwento na ito, kaya naglagay na lotion si Habibi sa kanyang kamay at pinahid sa dibdib tiyan ng reyna. Matindi ang kuryenteng naramdaman ni Habibi sa kanyang katawan, tila may enerhiya dito na gustong sumabog palabas sa kanyang bird.

Pero nakayanan niyang tiisin ang tindi ng libog na nararamdaman niya, nakontrol niyang wag tumayo ang ulo niya sa baba. Makalipas ang ilang minuto, natapos niyang lagyan ng lotion ng tiyan ng reyna, isinunod naman niya ang mga hita nito, mga kamay, sa likod at ang huli ay ang kanyang leeg.


“Tagumpay ka!!!!” Natutuwang sabi ng Hari kay Habibi.

The End?

*******************************

First time ko gumawa ng encrypted blog..LOL

Sa mga interesadong malaman ang ginawa ni Habibi para magtagumpay, kunin sa akin ang pw. DM niyo ako sa twitter baby.

Ito twitter username ko, Akoni0609.
Sa mga walang twitter, post lang kayo ng message sa FAN PAGE.





Tuesday, May 29, 2012

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Putangina part 8 na.




ANG UMPISA NG KALOKOHAN NA ITO, CLICK HERE OR DITO.

At dito naman ang NAKARAAN OR DITO.


"Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas"



“Bakit mo sila binaril?!!” Sigaw ng Hari sa kanyang Reyna.

Nakapamewang ang isang kamay ng Reyna at nakataas ang kabila na hawak ang Magnum 357. “Ang gulo niyo kasi…nauubosan kana ng oras, bukas na ang alis mo at hanggang ngayon wala ka parin nahahanap na magbabantay sa akin” Wika ng Reyna.

“Teka, parang gusto mo talagang umalis ako at may magbantay nalang sa’yo ah.” Nakasimangot na sagot ng hari.

“Inaalala lang kita, alam ko naman diehard fan ka ni Justin Bieber at Miley Cyrus eh.” Nakangiting sabi ng Reyna at umupo na ito dahil nangawit sa kanyang position.

“Bweno, ano na gagawin ko?” Bulong ng hari.

“Alisin ang dalawang bangkay na ito!!’ Biglang utos ng hari sa kanyang utosan, nagmadali naman ang kanyang utosan para itabi ang dalawang bangkay.

“Mahal na hari, puwedi ba akong sumubok sa iyong paligsahan?” Biglang wika ng utosan sa Hari na ikinagulat nito.

“Teka, sino ka nga ba?” Tanong ng Hari.

“Ako po si Habibi, isang mandirigma ng kaharian ng malandian.” Sagot ng utosan

“Ahh…paano ka napunta dito? paano ka naging taga silbi ng palasyo? Usisa pa ng Hari sa kanyang utosan.

“Mahal na hari mukhang nakalimutan mo na, sinakop mo ang kaharian namin at isa ako sa nabihag mo.” Sagot ni Habibi.

“Aaaahh!! Tama, naaalala ko na. Ikaw ‘yung kanang kamay ng hari ng malandia, ikaw ‘yung pinakahuling nasukol namin dahil sa sobrang galing mo, kung hindi ka ata kusang sumuko eh hindi ka namin mahuhuli, halos maubos mo na ang mga mandirigma ko.” Pagbabalik tanaw ng Hari.

“Opo, mahal na hari, ako nga iyon” Nakayukong sagot ni Habibi.

“Pero teka, bakit ka nga pala sumuko sa amin nun? Sa totoo lang kaya mo naman kami lahat. At ngayon, bakit hindi ka tumakas dito? Sa galing mo eh kayang kaya mo ako.” Pagtataka ng Hari kay  Habibi.

“Ang totoo po niyan mahal na hari ay nun pa man bago niyo salakayin ang kaharian namin ay nagpaplano na akong umalis don. Hindi ko gusto ang pamamalakad ng aming hari, masyadong strict. Wala na akong social life, kaya nung dumating kayo, naisip ko na ‘yun na ang tamang oras para makaalis don. Naisipan ko na kapag nahuli niyo ako at nakaalis na don, saka na ako tatakas at nagpapakalayo-layo para hanapin ang aking social life.” Mahabang salaysay ni  Habibi dahil pati author ay nahabahan sa kanyang sinusulat.

“Eh bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa, bakit hindi ka pa tumatakas? Matagal kana rito ah.” Pagtatanong ng hari at umupo sa kama, at ang kanyang reyna ay pumunta na naman sa may bintana, kaya napalingon sa kanya ang hari at si  Habibi.

“Mahal na hari bakit laging nakatambay ang Reyna sa may bintana? Tanong ni  Habibi.

“Hindi ko alam, makalipas ang isang buwan ng kasal namin lagi nalang nandyan. Pero hindi mo parin sinasagot ang tanong ko utosan, bakit nandito ka pa at hindi tumatakas?” Pagalit na tanong ng Hari.

“Kasi po, hindi ko po ko aakalain na dito ko pala matatagpuan ang aking social life. Dito po sa palasyo niyo kumpleto lahat. May sarili akong kwarto, may mga gadgets pa ako. Libre internet, pagkain, mga damit, halos lahat, pati pang load. Hindi ko na kailangan makipaglaban, utos mo lang sinusunod ko. Ito yung hinahanap kong social life. hindi ko aakalain na dito ko pala matatagpuan sa inyo, tapos ang ganda ni Inday dyan sa kapitbahay natin..heheheh” Mahaba na naman ang naisulat ng author na satsat ni  Habibi.

“Hahahahahahaha, I like you iho. Mukhang mapagkakatiwalaan kita, gusto kitang maging bantay ng aking reyna, pero gusto muna kitang subukan kung kaya mong tiisin ang libog mo sa mahal na reyna.” Sabi ng Hari

“Mahal na hari may sarili po akong pinagnanasaan, si Inday po. Saka sa amin, bilang isang mandirigma ng kaharian namin nun, tinuturuan po kaming tiisiin ang libog namin para lalo kaming maging matapang, siyempre po, kapag dalawang ulo ang galit sayo, double din ang galing mo at tapang mo. Na-master ko na po ang pagpipigil sa aking libog.” Ang haba na naman ng sinabi ni Habibi.

“Kahit na, gusto kong patunayan mo sa akin. Linisin mo ang katawan ng aking Reyna tulad ng ginawa ng mga contestants ko.” Sabi ng Hari at tinawag ang kanyang reyna.

Lumapit naman ang reyna sa kanila, humarap ito kay Habibi at naghubo na. Napalunok ng laway si Habibi at halos lumuwa ang kanyang mga mata sa sobrang ganda ng luto ng diyos na nakahain sa kanya.


“Umpisahan mo na…..” Utos ng hari.




Siyempre itutuloy pa..LOL







Wednesday, May 23, 2012

Kwentotan 2

Sa pagpapalutoy ng kwentotan.....Sana masarapan kayo.


Sa isang beach pinagdaos ang one day survival na sinasabi nilang NO BODY CONTACT…….

Pagdating namin sa lugar, nakaramdam na ako ng kaba, lalo na nung magsidatingan ang ibang membro galing sa ibang chapters. “No body contact, no body contact, no body contact” ‘yan ang pinapaikot-ikot ko sa aking isipan.

Naghanda muna sila ng mga gamit sa cottage na nirentahan namin. Biglang may bumulong sa akin, “Halika ka muna, samahan mo ko” Bulong niya, napatawag ako sa akin nanay dahil ‘yung bumulong sa akin ay mukhang adik, tangena, kataposan ko na ata.

Nagpasama siya sa town, pumunta kasi sa isang sugalan. Ang baho ng lugar, amoy alak, amoy sigarilyo at amoy taong mabantot, tangina, may naglalaro ng baraha, billiards, at dart, lahat may pustahan. Kinabahan ang murang utak ko, may mga ilang taong kinausap lang dun tapos bumaba na kami at pinakain ako ng isang buong manok, ayy putangina kako mabait naman pala ang hayop na ito.

"Pakabusog ka, kakailanganin mo ang lakas mamaya". Sabi niya sabay ngisi, na ikinakaba ko, pero mas malakas ang tama ng litson manok kesa sinabi niya, WHO CARES?!! masarap ang manok, BOOM!!

Medyo madilim na nung makabalik kami, at muntik na akong magkaalmuranas sa talim ng titig sa akin ng ibang membro.

Bakit daw umalis ako nang walang paalam, kahit man lang sa coordinator ng batch namin?

P-A-T-A-Y!

“Master, sinama ako ni Master adik” Pagrarason ko.

Naramdaman kong medyo nagkaroon ng tension sa pagitan ng president namin at ni Mr. Adik, medyo malayo kami sa kanila, pero may kalakasan ata ang signal ng aking taenga dahil may nasasagap ako sa bangayan nila. Bakit daw ako sinama sa labas at hiniwalay sa mga aka-batch ko, alam naman daw niyang bawal ‘yun dahil nasa labas kami ng campus, kung may mangyari sa amin, lagot daw sila, wow concerned si Mr. President. Pero siyempre, si Master Adik sumasagot din, nagdadahilan din na wala naman daw nangyari sa akin at ano pa ang pinuputok ng butchi niya, ano nga pala ang butchi?

Ilan sandali ay pinuntahan na kami, na nakahilera lang kami sa ilalim ng puno ng niyog. “Umpisahan na” Narinig kong utos ng M.I. (Master Initiator) namin. Lumapit ang lahat ng membro, yung iba lasing na.

P-A-T-A-Y!

“Magpakilala kayo” Pasigaw na ang mga salita niya, tangina, no body contact nga, sindakan lang ata ito, yun nasa isip ko, kung ganun lang, kaya ko, hindi ako mamamatay sa sindak, ano ako, si Barbara?

Unang nag-step forward ang coordinator ng batch namin, “Ako si kdjasdkafwe@#$%kds” WAPAK!!! Hindi ko na naitindihan ang sumunod sa “Ako si” dahil isang malakas na sampal ang narinig ko. Putangina, body contact ‘yun ah, sigaw ng isip ko. Nakayuko ang ulo namin, kaya mga paa lang nila nakikita ko. Naririnig kong nagtawanan nalang ang mga putangina sa pagsampal sa kasama ko.

Hindi ko alam kung matatae o maiihi ako nung yung katabi ko na ang sampalin ng isa sa kanila, step-forward-chin-up “Ako si ngakgakjdalfds” WAPAK!!! “Ano pakialam ko!!” sagot ng sumampal sa kanya at laugh trip naman ang lahat.

Oh GOD why? Turn ko na….


Sunday, May 20, 2012

'tol tinatamad ako, kuwentotan tayo.



January 1, 2011 ang unang poste ko ng blog dito sa blog site ko, mahigit isang taon na pala. Akala ko nun madali lang magblog, tsss, naalala ko pa nun, araw-araw talaga ako nagsusulat ng blog, araw-araw may bagong post ako, lagi ako excited, haha. Ang yabang ko nun sa sarili ko, “Hak, may sarili akong blog, hahaha, suckers!!!!!!!!”

Namiss ko ‘yung magblog ng ganito, yung wala kang certain topic, ‘yung basta nalang ititipa ng mga daliri mo ang mga pumapasok sa isip mo, parang random shit lang ang tema.

Tanda-tanda ko pa nun, Gentle-devil pa nun ang url ko, medyo hinango sa totoong pagkatao ko…. NOON. Hindi ko na maalala kung kailan naging Akonilandiya itong blog ko, basta gentle devil pa nun.

Gentleman ako pagdating sa isang relasyon sabi nila, pero pilyo sabi din nila. Binigay lang sa akin ‘yan eh, may nagbansag sa akin niyan. Sabi niya, “Alam mo Akoni (not my real name), napaka-gentle mo, as in, sweet, mapagmahal at ang pogi mo kaso sobrang pilyo mo, may pagka-devil ka rin eh, hahaha” Sabi niya sabay himas dito sa akin baba, ‘yung baba na chin ang tinutukoy ko ah, hindi ‘yun sa akin baba na iniisip mo, pagkatapos na ‘yun. Hindi din ‘yun ang saktong sinabi niya sa akin, kaya dinagdag ko lang yung salitang pogi.

Ano pa?

Aah!!!

Bigla kong naalala, lagi ako napagkakamalan babae, yes, ang malanding si Akoni ay ilang beses nang napagkamalan babae. Bumalik lang ulit sa isip ko nung si Gasoline dude at yung iba pa na hindi ko na maalala, na akala daw nila ay babae ako, kung hindi pa ako nun na featured sa damuhan ni bino ay hindi nila malalaman na babae din ang gusto ko, na kaya ko rin bumiyak ng.....aauuhhhmmm, buko ng niyog.

Hindi na ako nagulat sa mga comment nila na, “Lalake pala si Akoni?” Dahil kahit nung nasa college ako ay napagkamalan din akong babae, dahil na-rape ako, tsarot!

Loner ako noon sa college, gusto ko ng happenings, namimiss ko ang barkada, pero dahil nga sa hindi parepareho ang kinuha namin kurso, nagkahiwa-hiwalay kami, kaya parang hindi ko tuloy nai-enjoy noon ang college life ko.

*Pause*

Teka, ano na?

Aah!!

Isang gabi, habang papunta na ako sa terminal ng mga jeep para umuwi, bigla kong naalala, “Shit na may mani at malunggay, wala pala akong pamasahe”, natulero ako, gabi na kasi noon eh, mga alas sais na or mag-aalasain na. Eh ang layo ng school namin sa town, mga 15 minutes ang biyahe at 2 minutes kung magpapakamatay ang driver.

Parating na ako noon sa sakayan, kaya bumalik muna ako sa campus, naghanap ng kakilala na puweding mahingian ng pamasahe, LOL. Sa aking paglalakad, iniisa-isa ko ang mga students na dumadaan, pero wala talaga akong kakilala, hanggang sa may nakita akong isang grupo na nagpupulong sa isang park, isang fraternity park.

Napaputangina ako sa tuwa dahil may kakilala ako sa kanila, si Day sleeper. Kababata ko siya at day sleeper ang tawag namin, dahil kahit lumalangoy sa lake ay nakakatulog ang putangina, kahit anong oras ay humihiwalay ang kaluluwa niya ng ganun-ganun lang. Balita ko may asawa na daw ngayon ‘yun, natawa ako nung malaman ko, naisip ko kasi paano kaya kung habang nagseseks sila eh makatulog nalang bigla sa ibabaw ng babae, hahahahaha. Hindi ko alam sa gagong iyon, hindi ko alam kung sakit ba yun o talagang masarap lang lagi ang tulog niya.

Saan na tayo??

Aah!!

Nakita ko si Day sleeper, tinawag ko, pero ang gago ako pa ang tinawag, pinuntahan ko at ang sabi, attend muna daw kami ng orientation. Nagulat ako ate charo, kasi fraternity 'yun eh, namamalo ang mga tao don. Pero sabi naman ni Day sleeper, “NO BODY CONTACT” daw sila, hindi daw sila fraternity dahil intercollegiate sila, sumusunod daw sila sa batas na anti-hazing law.

Siya na ang nag-orient sa akin, pinabasa din niya sa akin yung purpose ng grupo, maganda naman, siyempre lahat ng grupo sa mga skwelahan ay lahat maganda ang purpose nila. Sa  madaling salita, na-convinced ako ng loko. Nag-worried ako sa studies ko, pero sabi niya, one day survival daw, na-convinced niya ako ulit, dahil hindi ko na pala kailangan magserbisyo tulad ng mga sa ibang fraternity, isang araw lang, may grupo na ako.

"Teka, ano palangan ng grupo?" tanong ko kay day sleeper.

"ALCOTHANS" Sagot niya sa mahinang boses kaya medyo hindi ko nagets.

"Ha? Anong KANTOTANS?" Natatawang sagot ko naman.

"ALCOTHANS bugok, ALPHA COSINE THETA." Paglilinaw niya.

At dahil sa matinding pangangailangan ko ng pamasahe, wala akong nagawa kundi makinig sa pambobola ng mga membro na wala daw body contact.

6 kami sa batch namin, tatlong babae, dalawang lalaki at isang tagilid na lalaki. Pagkatapos nila kaming alilain ng ilang araw, dumating na ang araw ng survival. TENGENE!

Sa isang beach pinagdaos ang one day survival na sinasabi nilang no body contact at tinamad na ako...sorry kung umabot ka dito, itutuloy nalang. THANK YOU din sa pagbabasa. 



Monday, May 14, 2012

Palabas VI: May tanong ka ba? May sagot ako eh.



PANGALAN/ALIAS*:
Keko
URL:
TANONG*:
Bakit ang tao ayaw mamatay pero gustong mapunta sa langit?
Bakit ang tao gusto mag birthday pero ayaw tumanda?

eh bakit ako maganda? haha. alam ko na, napaputangna ka XD

SAGOT

Bakit ang tao ayaw mamatay pero gustong mapunta sa langit? – Dahil sigurista ang mga tao, kayong mga tao. Lahat kayo’y hangad lamang ay kaligayahan, kaginhawaan, at kung anu-ano pa dahil tinatamad na ako magbigay pa ng examples.

Ang langit ay ang pinakarurok o pinakasagad na kaligayahan makakamtan ng mga tao, pero dahil sa hindi tayo sigurado kung sa langit o sa imperno tayo mapupunta, ‘yun, hindi natin gustong mamatay kahit gusto natin mapunta sa langit.

Saka bakit mo gugustohin pang mamatay para lang mapunta sa langit kung dito palang sa lupa ay puwedi kang makakarating sa langit kahit paulit-ulit pa o kahit araw-arawin mo pa? Tara biyaheng langit tayo? Let’s go.

Bakit ang tao gusto mag-birthday pero ayaw tumanda? – Parang may konek itong tanong mo sa unang tanong, siyempre tao eh, gusto puro nalang saya, puro nalang ginhawa, kaya intindihan nalang natin ang mga ganitong shit ng mga tao, okay?

Pero masagot lang ang tanong mo. Kaya gustong magbirthday ang isang tao kahit na ayaw tumanda ay dahil ang birthday celebration ang magpaparamdam sa kanya na special siya kahit tumanda na ng isang taon. Special ka pagtanda mo, special ka kahit matanda kana, basta special ka. Sa madaling salita, ang pagsi-celebrate ng kaarawan ay isang pagpapaligaya sa sarili upang hindi masyado dibdibin ang pagtanda ng isang tao.

Eh bakit ako maganda? Haha. Alam ko na, napaputangna ka XD. – Ang masasabi ko lang ay, wala sa ganda yan, nasa performance at sarap/lasa 'yan. BOOM!!!

**************************** 

PANGALAN/ALIAS*:
palakanton
URL:
TANONG*:
bakit ang yelo pag natutunaw ay korte t*t*, ibig bang sabihin nito na ang mga yelo ay lalaki?

SAGOT

Put a hennang tanong na ‘yan. Mali, kaya nagiging korteng titi ay dahil babae ang naglagay nito sa freezer. Ayun sa pag-aaral ng mga A.I. (Hindi Artificial Intelligent kundi Abnormal Isip), kapag natunaw ang yelo at nagkorteng titi, ang ibig sabihin nito ay babae ang gumawa at naglagay sa loob ng freezer.

****************************

PANGALAN/ALIAS*:
Inong
URL:
TANONG*:
Paano nabubuntis ang langgam?

SAGOT

Mga ganitong tanong ay nasa Google, tinatamad ako magugol. Pero may sarili akong pilosopiya sa pagbubuntis ng mga langgam. Nakikipagseks ang mga babaeng langgang sa mga lalaking elepante kaya sila nabubuntis.

****************************

PANGALAN/ALIAS*:
bagotilyo
URL:
TANONG*:
Totoo bang pagpigil sa utot ay isa sa cause ng colon cancer?

SAGOT

Anak ng utot naman oh, sinong demonyong bumulong sayo para itanong ito sa akin? Walang katotohanan iyan, dahil ang utot ay ginawa para lang pang-asar sa mga kaibigan mo at iba pang taong makakaamoy nito.

Kapag pinigilan mo, ibig sabihin ay madamot ka.

Wala akong idea kung ano ang colon cancer, bagong zodiac sign ba yan? 


***************************


Para sa iba pang mga katanongan na binigyan natin ng sagot.



Thursday, May 10, 2012

Prinsesa sa tore



Nung unang panahon sa kalapit kaharian ng kaharian ng Akonilandiya, may isang napakagandang prinsesa, as in to the max ang ganda at sarap, mapapa-finger lickin' good ka nalang kapag nakita mo at ang amoy talaga ay langhap sarap. Dahil don, hindi masyado makalabas ng palasyo ang prinsesa dahil pinagkakagulohan siya ng mga lalaki.


Pila-pila ang mga prinsepe sa kanilang palasyo para umakyat ng ligaw sa kanya. Bihira lang siya lumabas, dahil sa tuwing nakikita siya ng mga lalaki ay nagkakagulo sila. Ayaw niya ng ganun na parang buhay showbiz lang. Gusto niya ay tahimik na buhay, normal na buhay.

Isang araw, nagpagawa siya ng isang tore, nakatago ito sa gitna ng kagubatan, parang yung kay Rapunzel sa palabas na "Tangled". At dahil sa pangamba niyang matunton ng mga lalaki ang kanyang tore, pinainom niya ng spell na pampalimot ang mga gumawa ng tore.

Dun siya nanirahan, at ang nakakaalam lang sa kanyang pinagtataguan ay ang kanyang pinagkakatiwalaan na alalay, na siyang din nagdadala dito ng mga pagkain at tumutulong sa kanya na magtanim ng mga kung anu-ano nalang na puweding makain sa bakanteng lupa sa likod ng tore.

Para sa prinsesa, sumpa ang magkaroon ng ganun kagandahan, feeling niya hindi normal ang kanyang buhay. Nagtagal siya sa tore, at dahil sa wala siyang kasama, wala siyang ibang kausap kundi ang kanyang sarili, wala siyang ibang kalaro kundi ang kanyang sarili, hanggang sa dumating ang araw na nainlove siya sa kanyang sarili, and they live happily ever after.






The end. Dafuq?!!!

Monday, May 7, 2012

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Part 7


Ang nakaraan. [ONE], [TWO], [THREE], [FOUR], [FIVE], [SIX]. 


"Okay taposin na natin ang kwentong ito" Sabi ng may akda at nag-inat na siya para sa pagtipa ng bubuoin sa isip niyang ending ng kwento.

Tinabi ng utosan ng hari ang ulo at katawan ni Tonto at lumabas sa dalawa pang natitirang contestant.

"Bwahahaha este hahaha, patay na rin si Tonto, muntik na siyang manalo." sabi ng utosan ng hari sa dalawa.

"Sino na ang susunod sa inyo?" tanong ng utosan.

Nagkatitigan si Khanto at Palakanton, parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin. Malapit na ang TITIgan nila sa isa't isa, magkalapit ang mga mukha nila, one inch lang ang layo, walang kumukurap...hanggang sa muntikan na silang maghalikan.

"Shit, ang sweet nun ah, bitin!!!." Sabi ng utosan at napasuntok pa ito sa ere.

Sabay tinitigan ng masama ni Khanto at Palakanto ang utosan ng hari, "One, two, three!!!" Sigaw ni Khanto at mabilis silang dalawa pumasok ng sabay sa kwarto.

"Ano ang ibig sabihin nito?" Gulat na sabi ng hari pero walang exclamation point kaya uulitin niya.

"Ano ang ibig sabihin nito?!!!!!" 'yan pasigaw na ang dating pero parang may kulang parin, kaya uulitin ulet.

"ANO ANG IBIG SABIHIN NITO????!!!!" Perfect.

Ang reyna nakaupo sa dulo ng kama at halata rin sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Alam namin hindi rin kami magtatagumpay sa pakontes mo, sino ba naman na lalaki ang makakaligtas sa alindog ng iyong asawa?" Sabi ni Khanto.

"Mamamatay lang din naman kami, gusto namin mamatay na lumalaban, pero mag isa ka lang ngayon at dalawa kami. Kapag napatay ka namin, mapapasaamin ang reyna pati ang kaharian na ito, bawahahaha" Sabi ni Palakanton na tumatawang parang demonyo.

"Tama, may schedule na kami ni Palakanton sa asawa mo. Monday, Wednesday, at Friday sa akin, sa kanya naman ay Tuesday, Thursday at Saturday, hahaha, Day off niya sa Sunday..." Sabi ni Khanto na tawang demonyo din.

"Mga lapastangan kayo! Hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa ninyong ito. Ano akala niyo, matatalo niyo akong dalawa? Aaminin ko, dalawa kayo sa mga magagaling kong mandirigma, pero hindi ninyo ba naisip kung bakit ako naging hari? Hindi ba pumasok sa kukuti ninyo na mas magaling ako sa inyo hindi lang sa physical kundi pati sa pag-iisip? hahahahha..mga hunggang kayo, pagsisisihan ninyo ito" Wika ng hari na nakaupo parin.

"Ang dami mong shit....laban na!!!" Sigaw ni Khanto at sabay nilang sinugod ang hari.

Isang spada ang sandata ni Khanto, si palakanton naman ay isang palakol. Winasiwas ni Khanto ang spada sa nakaupong hari at pumorma na din si Palakanton para sa sunod na pag-atake. Tatamaan na sana ang hari pero simbilis ng kidlat ito at nakaiwas siya sa atake ni Khanto. 

Nakatayo ito sa likod ng upoan at nakatutok ang dulo ng spada niya sa leeg ni Khanto. Sasaksakin na sana ng hari si Khanto pero biglang napalo ni Palakanton ang spada ng hari kaya nakaalis si Khanto. Lumayo muna sila sa kinatatayuan ng hari.

"Maraming salamat..." Wika ni Khanto kay Palakanton, at pareho silang nakaporma.

"Walang anuman, sabay na tayong sumugod sa kanya, hindi niya tayo kaya." Bulong ni Palakanton.

"Let's go!!" Sagot naman ni Khanto.

BANG!!! BANG!!!

Tig-iisang tingga ng bala ang bumaon sa ulo ng dalawa. Malakas ang baril, kaya dalawang segunda lang ay nagdilim na ang kanilang paningin, hindi na nila nalaman kung sino ang bumaril sa kanila.


"Ayyy...itutuloy parin?" Tanong ng may akda sa sarili at uminom siya ng tubig.

Wednesday, May 2, 2012

Basta...



Sa di kalayun isla na kung tawagin ay Pilipinas, may mag-asawang namumuhay ng simple at tahimik. Mayroon silang dalawang anak, isang lalaki at isang binabae.

Isang araw biglang naghangad ang lalaki ng maganda o masaganang buhay para sa kanyang pamilya, kaya nagdesisyon ito na mag-abroad upang tuparin ito para sa mahal niyang asawa't mga anak.

Nung nasa abroad na ang lalaki, tuwing magpapadala siya ng pera ay laging humihingi ang kanyang asawa ng dagdag. Kapag tinatanong naman ng lalaki sa asawa niya kung saan at ano panggagamitan niya sa pera, ay "basta" nalang ang sinasagot ng babae.

Iniisip ng lalaki na baka nag-iipon lang ang kanyang mahal na asawa para sa kanila o may mga binibili lang na gamit para sa bahay nila. Pero pagkalipas ng maraming taon, walang nakikitang pagbabago sa asawa niya o sa loob ng bahay nila. Tinanong na ng lalaki ang kanilang mga anak kung may binibili ba ang nanay nila na mga gamit, 

"Wala po, pero laging may pinupuntahan ang nanay at hindi kami pinapasama" ang sagot ng kanyang mga anak.

Doon na nagsimula mabuo ang pagdududa ng lalaki sa kanyang asawa, nagtataka na ito kung saan na ginagamit ng asawa niya ang sobrang pera na pinapadala niya. Nabuo sa kanyang isipan na baka nagsusugal na ito o mas malala, baka nanlalalaki na.

"Basta..."

Sagot ng asawa niya nung tanongin niya ulet kung saan niya ginagastos ang sobra sa pera na pinapadala niya. Nagalit ang lalaki, alam niyang may ginagawang hindi maganda ang asawa niya sa kanya. Kaya naisip niyang hiwalayan nalang ito.

Pagkauwi ng lalaki ay hindi muna nagpakita sa kanyang pamilya, inayos niya ang mga papeless na kakailangan sa kanilang divorce. Nang maayos ang lahat at pirma nalang ng babae ang kulang, umuwi na ito. Nasupresa ang asawa ng lalaki sa hindi inaasahan pag-uwi nito.

"Bakit tela, nasurpresa ka?" Tanong ng lalaki sa asawa.

"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi kana pala" Gulat parin na sagot ng babae.

Pagsapit ng gabi, natulog na ang mga anak nila. Kinausap ng lalaki ang kanyang asawa. Sinabi na nito na gusto na niyang makipaghiwalay dahil uunahan na niya ang kanyang asawa, ayaw na niya matuklasan pa kung anuman panlulukong ginagawa nito sa kanya.

Napaluha ang babae sa sinambit ng kanyang asawa, pinagmasdan niya ang mukha ng asawa at seryoso nga ito. Ilang sandali pa ay napahagulgol na ang babae dahil nilapag na ng lalaki ang divorce papers at hinihingi na ang pirma nito.

Hindi alam ng babae kung paano siya magpapaliwanag dahil sa pagkagulat, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at kung ano ang sasabihin niya.

"Pipirma ako sa isang kondisyon..." Sabi ng babae sa kanyang asawa habang umiiyak

"Sige, ano 'yun?" sabi ng lalaki.

"Pwedi bang magsama muna tayo ngayon gabi lang bilang mag-asawa sa huling pagkakataon?" Pag-iyak parin ng babae.

Pinagbigyan siya ng lalaki dahil narin sa gusto niyang maramdaman sa huling pagkakataon ang kanyang mahal na mahal na asawa na nanluko sa kanya (sa isip niya).

Naunang naligo ang lalaki at nakahiga na ito sa kanilang kama habang hinihintay ang kanyang asawa. Pagkatapos ng babae maligo ay nagpaganda ito ng husto bago lumabas sa asawa. 

Nagsimula na silang gawin ang dapat gawin ng mag-asawa na pinapangarap gawin ng mga kabataan ngayon.  Halik dito, halik don, at himas kung saan-saan ang ginawa ng lalaki, tela sinusulit niya ang huling gabi nila ng kanyang asawa, ganun din ang babae sa kanya, halos madurog ang kanilang mga boto sa higpit ng kanilang yakapan.

Nang ipasok na ng lalaki ang kanyang kanyon sa mahiwagang balon ng babae ay napashit ito sa sobrang sarap at kakaibang nadarama. Nagbago ang mahiwagang balon ng kanyang asawa, sumikip ito na tela bago palang, pero dahil sa masarap na kuryenteng kumakalat sa  katawan ng lalaki ay hindi na nito nagawang magtanong pa kung ano ang nangyari, hanggang sa sabay na silang napaungol dahil nakarating na sila pareho sa rurok ng kaligayan sa mundo. BOOM!!!

"Ano ang nangyari...?" Tanong ng lalaki habang nakahandusay parin sa ibabaw ng kanyang asawa.

"Dyan ko ginamit ang pera na hinihingi ko sa'yo, nagpa-Perineorrhaphy surgery ako. Surpresa ko sana sa pagbabalik mo." Bulong ng babae sa kanyang asawa.

Napangiti ang lalaki, gumaan ang kanyang pakiramdam, para siyang may lubhang karamdaman na biglang gumaling.

"Nasaan na ang papel?" Tanong ng babae na natatawa dahil sa hitsura ng kanyang asawa.

"Anong papel? Wala akong natatandaan na papel. Sino ka? Sino ako? Bakit ako nakapatong sa'yo? " Biro naman ng lalaki sabay halik sa kanyang mahal na asawa at nagtawanan sila.


THE END



This is inspired by a true tsismis story.