nuffnang

Thursday, July 26, 2012

Mayroon akong kwento...


Sa isang parte ng malayong lugar ng alikabok, may isang nilalang na nagngangalang Akoni. Pangarap niyang makapaglaro ng basketball kahit ang igsi ng kanyang biyas, pero dahil sa hilig niya sa sport na ito, hindi yon naging hadlang upang hindi maglaro...hanggang sa, hanggang sa, sa, sa nanatili parin pangarap ang kanyang parangap....magpahanggang sa ngayon.


Ayyy tinamad na ako sumatsat...ito nalang mga pictures ang magkukwento sa inyo sa nangyari sa first game namin.





Okay na sana eh, lusot na sana eh, kaso putanginang paa na yan, pinatid ako, kaya....









Kaya....ito ang nangyari, nadaganan ako ng Elepante









Taong elepante kasi concern siya.  Kaya kinilig ako, kinilig sa sobrang sakit.







Hindi pa sumisikat natututo maglaro, napilay na.










Buti nalang hindi nabali  tuhod ko, bukol at pasa lang, sabi ni kuyang MEDIC








Ganito....
v
v
v
v












Sabi nila, para lang daw sa matatangkad ang basketball. Sabi ko, PUTANGINA NINYO.






Monday, July 23, 2012

Tambalan babangga at gigiba sa lahat ng PADER...



"Tambalan babangga at gigiba sa lahat ng PADER (ng buhay)"


Naiposte ko na ito sa facebook ko at sa tumblr ko, at siyempre dapat maiposte ko din 'yan dito sa akin kaharian. Dito ko sana unang ipoposte kaso tinatamad me, busy ako.

Uniform namin 'yan ni Heaven, para lalong gumanda ang team work play namin sa kung anoman iisipin mo para masaya. LOL

"Tambalan babangga at gigiba sa lahat ng PADER (ng buhay)"

Dito sa buhay natin, kailangan natin ng partner na makakasama sa pagbangga at paggiba sa mga pader (pagsubok) ng buhay na haharangan sa atin daan, mahabang laro ang buhay, kaya kailangan natin ng partner para maging gabay ang isa't isa. Kailangan natin ng partner na hindi lang basta partner kundi 'yung tao na masasabayan ka at maiitindihan ang bawat galaw mo, at siyempre ganun ka din sa kanya. Alam ko bihira lang makahanap ng partner na pareho ang lakad ninyong dalawa, 'yung sabay ang mga steps ninyo, hindi kayo nagkakabanggaan at kung magkaganoon man ay nagkakaintindihan kayo.

Nasa team work lahat yan, hindi ito pinuputok ng butchi ko dahil sa maganda ang team work namin ng anak ng biyanan ko. 2 years palang kami, kaya drum-drum na ice tea pa ang iinumin namin para malaman ang sekreto ng pagkakaroon ng team work sa isang relasyon. Nasa stage pa kami ng pagpapractice at pag-aadjust para malaman namin na "We are meant to be".

Oo, hindi pa masabi na "we are meant to be" dahil bata pa kami, hehehe, pagtanda namin, pagpumuti na buhok namin, at masaya kaming magkaholding hands, doon, doon mga parekoy at mga marekoy puwedi na natin sabihin na "we are meant to be". Parang ang labo lang noh? Sige lang, kunwari may sense mga pinagsasabi ko at kunwari nagets mo, para masaya.

dafuq did I say?

Balik tayo sa litrato....

Mayroon natuwa sa nakakita dahil ang cool daw, lalo na daw ako dahil naisip ko pa daw mga ganyan shit. Mayroon din naman nabastosan dahil sa numero, well, nagtaka pa kayo, kailan ba hindi nahaloan ng kabastosan ang utak ko sa mga ginagawa ko?

Kung pilyo ang meaning sa'yo niyan, natutuwa ako dahil effective ang plano ko, dahil plano ko talagang maging pilyo ang dating niya sa mga makakakita. Mas magiging pilyo siguro lalo na kapag magkasama kaming suot namin pareho 'yan. Haaayyy, imagine this guys, ang sarap maghabulan sa loob ng kwarto habang yang lang ang suot ninyo, ang galing ng team work, 69.

Pero may ibang meaning din naman sa akin yan, hindi lang kapilyohan. June 9 yan, birthday ko. Pero aminin ninyo, mas maganda ang pilyong meaning, diba?

Mas sumasaya ang buhay kapag may kapilyohan sa mga utak natin, 'wag na tayo magpakabanal masyado dahil baka tumae lang tayo ng holy shit, at magkaroon ng alagang holy cow.


Nyeeeeeeeeeee............






Wednesday, July 18, 2012

Si Kapitan Bola prt2



Ang nakaraan, ang nakaraan ay pindOTIN mo dito.

Nanatili parin akong nakatayo sa ilalim ng puno ng niyog, at pilit na pinagdudugtong-dugtong sa isip ko ang mga nasaksihan kababalaghan kanina lang. “BHOGZZZ!!!” likhang tunog ng aking ulo at ng buko ng niyog, "Tangina, kung mamalasin ka nga naman, kanina halos mamatay na ako sa nerbyos, at ngayon nabagsakan naman ng buko ng niyog sa ulo, ulo sa taas" drama ko sa akin sarili habang unti-unti na akong nawawalan ng malay.

........ngorks

Nakakaramdam na ako, may nararamdaman akong nagpapahid ng tubig sa akin noo, kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nagulat ako sa aking nakita, isang matandang babae na nilalawayan ang noo ko.

eewwwww….lolaaaa, ano ginagawa mo?!! so kadiri naman you lola, it's like so gross, duh! layaw you yan kaya” sigaw ko sabay napasandal.

 (sakal boses) “amang wag kang kikibo, ako ang bahala sayo, ginagamot kita….” wika ng matanda

ha?! Eooww again lola, ayos na po ako…thanks, but no thanks” sagot ko.

pero teka, nasaan po ako? at sino ka?” tanong ko sa matanda.

Nandito tayo sa SOGO….ahihihi Joke lang. (sakal boses parin) nandito ka sa bahay ko, kaninang hinahanap ko ang mga sinampay ko na nilipad ng hangin, nakita kitang basag ang salamin mo sa ulo at wala kang malay sa ilalim ng puno ng niyog.  Kaya dinala kita dito, isang gabi ka nang walang malay. Mabuti naman at nagkamalay kana, kamusta na pakiramdam mo? Tawagin mo nalang akong “nanang”, *ubo*, *ubo* (matinding ubo) *uuubbooooo!!!!* -sabi ng matanda.

Nang, ayosin niyo kasi ang boses niyo para hindi kayo uboin, may pa sounds effect ka pa kasing nalalaman eh” sabi ko at nangiti nalang ang matanda.


"Ngiyahahahahahhahahahahhaha!!!!" ayy natawa pala ng malakas.

(grabi naman ‘to makatawa) ha, isang gabi? e bakit po ba nakahubad ako? Nasaan ang suot ko? sabi ko habang napapalingon-lingon ako sa paligid.

“(sa kanya pala ung mga sinampay na nakita ko kaninang humahangin ng malakas)”Sumaglit sa isip ko.

ah, eh, kuwan (hinawi ang buhok) basa kasi e…(nasa likod ang dalawang kamay na parang high school na kinikilig ang matanda) ah, eh..wag kang mag alala, hindi ko tiningnan (nagblush at nakapout ang lips).” arte ni lola.

teka, uwi na po ako. salamat po nanang.” Hindi ko alam kung matatakot ako o mandidiri ako sa paglalandi ni nanang.

Sandali lang kukunin ko muna ang mga damit mo ah.”Wika ka niya at nagmadaling lumabas.

Sige po” Maigising tugon ko dahil tinatamad na ako magsulat, mag-aalas nuwebe na ng umaga dito sa office.

Medyo natagalan si Nanang kaya napatingin-tingin ulit ako sa paligid, nasa isang bahay kubo pala ako at maraming weird na nakasabit dito. Meron ulo ng usa, mga dahon, mga bunto’t ng pagi at mga ngipin na hindi ko alam kung kanino o ano, mga collection ata niya. Pagkaraan ng ilang minuto, pumasok na si nanang.

Nanang, ano po nangyari sa lips niyo, bakit namumula?”- Gulat kong nasabi

Hehehe-naglipstick ako, bagay ba?” Sabi ni Nanang na pawinding-winding pa habang hug niya ang mga damit ko.

aaah..OO..opo..bagay po sa inyo, cge po good luck. Akin na po ang mga damit ko.” sabi ko alangan naman na sabi ninyo.

Iniabot sa akin ni Nanang ang mga damit ko at nakatingin ito sa “baba ko” na kinikilig.

Gusto mong ako na magbihis sa’yo..(tawang teenager) hehehe” Landi ni Nanang at kinilabotan ako.

“’wag na po, kaya ko naman po e.” pagsaway ko sa kanyang pagnanasa.

Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam at nagpasalamat na ako kay nanang

Maraming salamat Nanang sa kabutihan ginagawa niyo sa akin. Aalis na po ako.” Pagpapaalam ko.

oh cge ah..bisita ka sa akin minsan..alam ko babalik ka rin dito, hehehehe” Wika ni lola na kinikilig parin.

ayeeeee..sige po, salamat ulit!” sabi kong nakangiwi ang bibig at nagmadali na akong umalis.

Sa akin paglalakad, hindi mawala sa isip ko ang matanda, at tuwing naiisip ko ang mga eksena niya ay natinding ang aking mga balahibo. Ilang hakbang pa ako’y biglang may sumulpot sa harapan ko. Isang nakakatakot na nilalang, isang taong palaka.

kokak, kokak!!waaahhhh……ako’y nagugutom..waaaahhh…kakainin kita.” Pagbabanta ng taong palaka.

OhFuckingBetlog, it’s a itchuserang frog!!!” Gulat kong sigaw.

Hoy!! Kerokerokeroppi, hindi naman ako insekto para kainin mo.” pasigaw kong sabi sa kanya.

Kokak! kokak!-chuva-chenes-eeeeekkkkklaaaavvooooooooooooo…” banggit ng taong palaka, binuka ang bibig at may nagmulang malakas na hangin dito.





Istustulhoy…..




Sunday, July 15, 2012

Akoni The Explorer




Ang lakas ng lamig ngayon dito office ko, hindi na kaya ng betlog ko na magsupply pa ng sapat na init sa buong katawan ko, kaya kailangan ko ng extra betlog, anyone?!

Bakit kaya laging mainit ang betlog ng mga lalaki, buti nalang hindi ito naluluto, noh?

Ano ba isusulat ko ngayon? Tungkol ba sa itlog? Hindi ko alam, nilalamig ako ngayon, kaya gusto ko ng kunting pampainit. Isa sa nagpapainit sa akin ay ang pagsusulat, napipilitan kasi akong gamitin ang utak ko sa pag-iisip, napupuwersa ito kaya nag-iinit ang ulo ko, sa taas.

Nung kabataan ko, ‘yung edad na nakailang beses na akong mag-shaved ng bulbol, siguro nasa edad 19 ako nun. Doon ko umpisang naramdaman ang pagkasabik ko sa init ng katawan ng ibang tao, para ligtas ako, init ng katawan ng babae.

8 years old ako nung naitindihan ko na puwedi pala magtsuktsak tsenes ang lalaki at babae, hhaaayyy bahay-bahayan thing, if you know what I mean.

10 years old ako nung nalaman ko na may mga palabas palang hindi angkop sa mga batang manonood, yung mga adult films (VHS pa that time). Siguro lahat tayo’y nacurious don, kahit pa mga babae. Oo, nasa gulang na 10 ako nun, naging curious ako kung ano ang pinapanood ng tatay at mga kasamahan niya tuwing gabi at kailangan pa nila ako e-locked sa kabilang kwarto.

Sa umaga kinukwento ko ‘yun sa mga kaibigan ko, sabi ko, “Si tatay, may pinapanood sila, ayaw nila ako papanoorin *hikbi*”, at doon ko nalaman na isa pala akong NiNJA.

Isang hapon, napagdesisyonan kong alamin kung anong palabas ba yung pinapanood nila at hindi kami sinasama. Habang wala pa sila, pumasok ako sa kwarto na ‘yun at naghanap ng mapagtataguan, don ko din nadiskubre na puwedi pala magtago sa ilalim ng kama.

Ilang sandali pa ay nagsidatingan na sila, hindi ko na maitindihan pag-uusap nila dahil nakafocus lang ako sa telebsiyon, naghihintay na isalang nila ang nirentahan nilang VHS film.

Tanaw ko mula sa ilalim ng kama ang TV dahil mababa lang ang patungan nito. Magkahalo ang kaba ang takot sa akin, takot dahil baka mahuli ako ng tatay, at kaba sa pag-iisip na baka kung ano makita kong pinapanood nila. Wala talaga akong idea na isa palang porn pinapanood nila, basta that time curious lang ako, kung ano ‘yun.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay naisalang na nila ang palabas, tahimik silang lahat, kunti lang din ang sounds. Inihanda ko na rin ang sarili ko sa anuman puwedi kong masaksihan, “Ito na yun, bukas magiging bida ako sa kwentohan, ikukuwento ko ito sa mga kaibigan ko” – yan ang nasa isip ko.

Nanlaki ang mga mata ko, hindi lang ang putotoy ko ang nanigas kundi buong katawan ko, pati na ata mga balahibo ko dahil sa nakikita ng aking mga mata. Hindi ko alam mararamdaman ko sa mga oras na ‘yun, parang gusto kong matulog nalang, bigla akong nakaramdan ng hiya sa mga kaibigan ko, “Kahit na anong mangyari, hindi ito malalaman ng mga kaibigan ko” – yan ang nasa isip ko sa mga oras na ‘yun habang pinapanood ko ang dalawang nilalang na walang saplot. Doon ko naitindihan ang tatay ko kung bakit niya ako kailangan e-locked sa kabilang kwarto kapag manonood sila ng ganun, dahil alam niya na HINDI PA AKO HANDA.

Hindi ko na namalayan, nakatulog na ako don, nagising nalang ako dahil ang ingay nila sa labas, parang maraming tao. Lumabas ako sa ilalim ng kama at hinanap ang nanay ko dahil nagugutom narin ako, hindi pa pala ako nakapaghaponan.

Paglabas ko, nagulat ako dahil lahat ng mata nakatingin sa akin at lahat sila ay gulat din, nandon din ibang kamag-anak namin, “Ano nangyari?” – yan ang taong ko sa isip ko.

Akala pala nila, nawawala ako, tinanong nila ako kung saan ako nagpunta, hindi ako makasagot, walang dapat makaalam sa ginawa ko.

Umiyak nalang ako!



Tuesday, July 10, 2012

SI KAPITAN BOLA

Ito 'yung pinakaunang fiction story na naisulat ko, 2009 ata kung hindi kayo nagkakamali dahil tama naman ako palagi eh. Pero hanggang ngayon ay hindi ko na magawang taposin ang kwento, dahil magkahalo ang katamaran at kawalan ng inspiration, hehehe. Ngayon, plano kong matapos ito, kaya napagdesisyonan ko na iposte ulit dito para makahugot ng kunting gana para taposin ko.

Ito'y tungkol sa isang lalaking nag-ngangalan AKONI, siyempre, kapangalan ko. Siya ay mahilig mambola ng kung anu-anong kasinungalingan, dahil sa galing niya sa pambobola, maraming nasaktan at nasugatan na puso. Pero ulit, dumating ang araw na nagbago na siya at dito na nag-umpisa ang kanyang adventure-charot.





SUMMER, sobrang malakas na mang-asar ang araw, dahil halos lahat ng tao ay kunot ang noo na parang naaasar na talaga ito. Lumabas muna ako para maglakad-lakad at magpahangin, hindi ko na iniisip kung saan ako tutungo, basta alay lakad ang trip ko.


Sa aking paglalakad, biglang may naapakan ako, "Shit ano ito?" mahinang sigaw ko sa aking sarili. Tiningnan ko ang bagay na 'yun sa ilalim ng tsinelas ko ko, may kakaibang nadikit dito na hindi ko malaman kung ano. Dahil sa likas kong pagiging curious na tao, hinawakan ko ito gamit hintuturo ko sabay inamoy ngunit hindi ko na tinikman.

Shit! Shit ng aso, tae naman oh”. Lumapit ako sa may puno ng niyog, don ko pinahig ang tae ng aso na naapakan ko. “Napalayo pala ako” pagmamasid ko sa buong paligid.

Matapos ko ipahig ang tae ng aso sa mga ugat ng puno ng niyog ay tumingala ako sa langit, masarap ang simoy ng hangin, at presko sa pakiramdam. Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.

Kung palagi sana ganito ang pakiramdam ay napakaganda, ‘wag lang makaapak ng tae ng aso” sabi ko sa aking sarili.

Habang sinasariwa ko ang hangin ay biglang lumakas ito “wooiisssshhh…woooiisssshhhhh” tunog ng hangin. Napalingon-lingon ako sa paligid, unti-unti itong dumidilim kasaba’y ang paunti-unting kaba sa aking dibdib. Nakikita kong may mga nagliliparang sinampay, kaya kinabahan na ako agad at napausal, “Sana hindi sa amin ang mga sinampay na ‘yun.

Hindi ko alam kung uupo, hihiga, tatayo, babaluktot, gagapang o titihaya ako. Basta nanatili parin akong nakatayo, sunod-sunod na rin ang kidlat at ilang sandali pa'y umulan pa ng malakas na may kasamang pang malalakas na kulog. Sa takot ko ay niyapos ko nalang ng mahigpit ang katawan ng puno ng niyog.

Magkahalo ang takot at lamig, kaya hindi ko na napipigilan sa panginginig ang aking katawan. Pagkaraan ng ilang minuto’y biglang tumila na ang ulan, nawala ang malakas na hangin at tahimik na muli ang paligid, wala narin syempre ang kulog at kidlat.

Maaliwalas muli ang kapaligiran, lumabas ang bahaghari. May takot parin akong natingala sa langit at napatanong, “Ano ang nangyayari?” Sa aking pagtitig sa bahaghari ay bigla itong naging buhawi, nagulat ako sa aking nasaksihan, isa itong himala. Mabilis ang ikot nito, pero napansin ko na tila atang maliit lang na buhawi ang nakikita ko, sinlaki lang ito ng drum.

Papalapit sa akin pero hindi ako kinabahan dahil sa ganda ito. Iba-iba ang kulay ng buhawi, kulay rainbow na umiikot at kumikislap-kislap. Dahil sa ganda ng aking nakikita ay nanatili parin akong nakatayo. Nakapako parin ang tingin ko sa maliit na buhawi. Papalapit ito sa akin, pero nananatili parin akong nakatayo sa tabi ng puno ng niyog. Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na ang buhawi, kitang kita ko ang bilis ng kanyang pag-ikot, at nararamdaman ko ang dala nitong hangin.

Hindi ko parin matanggal ang tingin ko dito dahil sa taglay nitong ganda, buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang bagay. Mga tatlong dangkal ang layo sa akin ng buhawi, dahan-dahan kong iniangat ang kanang kamay ko at dahan-dahan kong hinahawakan ito. Ilang sandali ay nakapasok ang kamay ko sa loob ng buhawi, nangiti ako, nanlamig ang aking pakiramdam. Parang may kakaibang enerhiyang dumadaloy sa aking kamay patungo sa buong katawan ko, nabigla ako kaya inalis ko ang kamay ko sa buhawi sabay napasandal ako sa puno ng niyog.

Lumapit sa akin ang buhawi, isang dangkal nalang ang layo nito sa akin, kinabahan ako dahil parang may sariling buhay ang buhawi, pakiramdam ko ay pinagmamasdan niya ako, papalapit ng palapit  ang buhawi sa akin at natakot na ako kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata. Ilang Segundo ay naramdaman kong nanlamig ang buong katawan ko, nararamdaman kong nasa loob ako ng buhawi. “Nasa loob ata ako ng buhawi” namutawi sa aking isipan, nawala ang aking kaba, parang bumalot sa buong katawan ko ang buhawi.

Dinilat ko ang aking mga mata, hindi ko alam pero parang ang linaw ng paningin ko, at parang lumakas ang pandinig ko. Nawala ang buhawi, pakiramdam ko ay pumasok ito sa akin katawan. Kung ano man ‘yun hindi na ako natakot dahil masarap sa pakiramdam.

Ano kaya ‘yun, parang gumanda lalo ang pakiramdam ko ah, ano kaya nangyari kanina, bakit parang katuparan na ng hula ni Nostradamus, tapos ngayon bigla nalang naging maaliwalas muli ang mundo, at ano kaya ang ipu-ipo na 'yon na tela pumasok ito sa aking katawan?

Mga katanongan sa aking isip.


Itutuloy....

Monday, July 9, 2012

Bloggero



Inaalikabok na itong blog ko kasabay ng pagkalat ng kalawang sa aking utak, wala na akong maihain sa mga basaHERO pa dito ng aking kaharian. Knock! Knock! nandyan pa ba kayo?

Oo, mga basaHERO kayo, kayo ang hero ng isang manunulat o ng isang bloggero, kayo ang taga pagtupad ng kanilang/amin mumunting pangarap. Kung walang basaHERO, walang silbi ang likha ng mga manunulat o mga bloggero, kayo ang nagbibigay buhay sa mumunti namin pangarap, kayo ang amin taga pagligtas, kaya be proud to be a Kapitan basaHERO, tengene, parang batibot lang.

Mahigit isang taon na akong nagbablog at nalaman ko na ang pagbablog pala ay parang ang kinukwentohan/kinakausap mo lang ay ang iyong sarili, ikaw ang nagkukwento, at ikaw din ang nakikinig, basta ito’y sa pagitan mo lamang at nang iyong sarili, tapos may sumasabat lang sa iyong comment box.

Ang tanong, bakit ako tinatamad ngayon magsulat, ayaw ko na bang kausap ang sarili ko, ayaw ko na bang may sumabat sa amin ng aking sarili, bakit?!

Minsan ang daling umpisahan ang isang bagay, pero napakahirap ito taposin lalo na’t hindi mo alam kung papaano?

Masaya parin naman akong nagkukuwento sa aking sarili (sa ngayon), at masaya parin ako dahil may mga natitira pa naman sa mga basaHERO ko. Basta ang tangin hiling ko lang ay huwag kong malaman sana kung paano ko tataposin ang nakahiligan kong ito.

Huwag sana...





Wednesday, July 4, 2012

Idol ng tatay ko si BATMAN




Ang dami kong antok ngayon, sa sobrang dami, nagtimpla ako ng mainit na mainit na kape at gusto ko sana ibuhos sa katawan ko para magising ako, pero dahil magkakalat lang ako dito sa office hindi ko na sinubukan.

Magsusulat nalang ako, pero gaya ng dati walang topic, freestyle ika nga. Sunod daloy sa anuman papasok sa utak kong masikip, utak kong mabaho, utak kong madumi, utak kong maputik, diamond star?

Teka, sumasarap ang kape ko, higop muna ako ng tatlong beses….

*Cursor blinks*

Hindi ko na nahigop ang kape ko, tumawag bigla kasi ang asawa ng nanay ko. Reply niya sa text ko kaninang umaga, ganun ang asawa ng nanay ko, hindi yun nagrereply ng text, tatawag nalang sayo, feeling mayaman? Long distance pa naman.

Nagtext ako sa kanya kaninang umaga, kinakamusta ko kung nagpunta ba siya sa doctor niya. Last year ng September kasi ay na-operahan siya dahil nagkaroon ng butas ang stomach (sa loob) niya, kaya dalawang tahi siya, isa sa loob ng tiyan niya at isa sa labas. Medyo may katigasan din ng ulo ang asawa ng nanay ko, hindi daw nagpunta dahil sabi daw ng doctor niya, hindi makita ang sugat/tahi/whatever sa loob ng tiyan niya sa pamamagitan ng x-ray, ultra sound at ultra-gay?, ang paraan lang daw ay papadaanin sa kanyang bibig padiretso sa loob ng tiyan niya ang cam (?) o whatever na tawag don, ouch!

Natakot ang anak ng lola ko, ramdam ko ‘yun. Nakita ko kasi kung gaano siya nasaktan nung sa hospital kami, nung lagyan siya ng kateter (tama ba, mga nurse?) sa itits niya, naihian nga niya ang doctor, gusto ko sana maglaugh trip sa mga oras na ‘yun kaso nahiya ako sa nurse na maganda. Saka nung lagyan din siya ng hose na pinadaan mula sa ilong papunta sa stomach (ata, wala ako alam dito) ilang oras before siya operahanan, ewan para ata e-drained daw tiyan niya, tangina nila, parang gusto ko e roundhouse kick at e-kamehameha wave ang doctor dahil naiyak ang tatay ko, oo tatay ko siya. Ang tatay ko for the second time nakita kong naiyak, first time ko naakita nung mamatay nanay niya, at first time ko din nun makita ang itits niya and I was like, ewww!

Kaya hindi ko na siya pinilit na magpatingin sa doctor niya, sabi ko nalang, ikaw ang bahala, katawan mo ‘yan, ikaw ang tunay na nakakaramdam. Sabi niya, bahala na daw ang Diyos sa kanya, tanging diyos lang naman daw ang magpapagaling sa kanya. Doon na naman ako napakontra sa kanya, sabi ko, ‘tay, alam ko Diyos ang nagpapagaling sa atin, pero ‘tay hindi diretso magmamagic ang diyos para pagalingin ka. May paraan siya para gumaling ka, yun ang gagawan mo ng effort, hanapin mo ang paraan na ‘yun. Eh malay mo ‘yung paraan pala ay nasa doctor mo, edi hindi mo makukuha kung maghihintay ka lang dyan na gumaling.

Pero, idol talaga ng tatay ko si batman….!


Kaya nga may kasabihan na “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” at "Bahala na si Batman"