nuffnang

Wednesday, July 18, 2012

Si Kapitan Bola prt2



Ang nakaraan, ang nakaraan ay pindOTIN mo dito.

Nanatili parin akong nakatayo sa ilalim ng puno ng niyog, at pilit na pinagdudugtong-dugtong sa isip ko ang mga nasaksihan kababalaghan kanina lang. “BHOGZZZ!!!” likhang tunog ng aking ulo at ng buko ng niyog, "Tangina, kung mamalasin ka nga naman, kanina halos mamatay na ako sa nerbyos, at ngayon nabagsakan naman ng buko ng niyog sa ulo, ulo sa taas" drama ko sa akin sarili habang unti-unti na akong nawawalan ng malay.

........ngorks

Nakakaramdam na ako, may nararamdaman akong nagpapahid ng tubig sa akin noo, kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nagulat ako sa aking nakita, isang matandang babae na nilalawayan ang noo ko.

eewwwww….lolaaaa, ano ginagawa mo?!! so kadiri naman you lola, it's like so gross, duh! layaw you yan kaya” sigaw ko sabay napasandal.

 (sakal boses) “amang wag kang kikibo, ako ang bahala sayo, ginagamot kita….” wika ng matanda

ha?! Eooww again lola, ayos na po ako…thanks, but no thanks” sagot ko.

pero teka, nasaan po ako? at sino ka?” tanong ko sa matanda.

Nandito tayo sa SOGO….ahihihi Joke lang. (sakal boses parin) nandito ka sa bahay ko, kaninang hinahanap ko ang mga sinampay ko na nilipad ng hangin, nakita kitang basag ang salamin mo sa ulo at wala kang malay sa ilalim ng puno ng niyog.  Kaya dinala kita dito, isang gabi ka nang walang malay. Mabuti naman at nagkamalay kana, kamusta na pakiramdam mo? Tawagin mo nalang akong “nanang”, *ubo*, *ubo* (matinding ubo) *uuubbooooo!!!!* -sabi ng matanda.

Nang, ayosin niyo kasi ang boses niyo para hindi kayo uboin, may pa sounds effect ka pa kasing nalalaman eh” sabi ko at nangiti nalang ang matanda.


"Ngiyahahahahahhahahahahhaha!!!!" ayy natawa pala ng malakas.

(grabi naman ‘to makatawa) ha, isang gabi? e bakit po ba nakahubad ako? Nasaan ang suot ko? sabi ko habang napapalingon-lingon ako sa paligid.

“(sa kanya pala ung mga sinampay na nakita ko kaninang humahangin ng malakas)”Sumaglit sa isip ko.

ah, eh, kuwan (hinawi ang buhok) basa kasi e…(nasa likod ang dalawang kamay na parang high school na kinikilig ang matanda) ah, eh..wag kang mag alala, hindi ko tiningnan (nagblush at nakapout ang lips).” arte ni lola.

teka, uwi na po ako. salamat po nanang.” Hindi ko alam kung matatakot ako o mandidiri ako sa paglalandi ni nanang.

Sandali lang kukunin ko muna ang mga damit mo ah.”Wika ka niya at nagmadaling lumabas.

Sige po” Maigising tugon ko dahil tinatamad na ako magsulat, mag-aalas nuwebe na ng umaga dito sa office.

Medyo natagalan si Nanang kaya napatingin-tingin ulit ako sa paligid, nasa isang bahay kubo pala ako at maraming weird na nakasabit dito. Meron ulo ng usa, mga dahon, mga bunto’t ng pagi at mga ngipin na hindi ko alam kung kanino o ano, mga collection ata niya. Pagkaraan ng ilang minuto, pumasok na si nanang.

Nanang, ano po nangyari sa lips niyo, bakit namumula?”- Gulat kong nasabi

Hehehe-naglipstick ako, bagay ba?” Sabi ni Nanang na pawinding-winding pa habang hug niya ang mga damit ko.

aaah..OO..opo..bagay po sa inyo, cge po good luck. Akin na po ang mga damit ko.” sabi ko alangan naman na sabi ninyo.

Iniabot sa akin ni Nanang ang mga damit ko at nakatingin ito sa “baba ko” na kinikilig.

Gusto mong ako na magbihis sa’yo..(tawang teenager) hehehe” Landi ni Nanang at kinilabotan ako.

“’wag na po, kaya ko naman po e.” pagsaway ko sa kanyang pagnanasa.

Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam at nagpasalamat na ako kay nanang

Maraming salamat Nanang sa kabutihan ginagawa niyo sa akin. Aalis na po ako.” Pagpapaalam ko.

oh cge ah..bisita ka sa akin minsan..alam ko babalik ka rin dito, hehehehe” Wika ni lola na kinikilig parin.

ayeeeee..sige po, salamat ulit!” sabi kong nakangiwi ang bibig at nagmadali na akong umalis.

Sa akin paglalakad, hindi mawala sa isip ko ang matanda, at tuwing naiisip ko ang mga eksena niya ay natinding ang aking mga balahibo. Ilang hakbang pa ako’y biglang may sumulpot sa harapan ko. Isang nakakatakot na nilalang, isang taong palaka.

kokak, kokak!!waaahhhh……ako’y nagugutom..waaaahhh…kakainin kita.” Pagbabanta ng taong palaka.

OhFuckingBetlog, it’s a itchuserang frog!!!” Gulat kong sigaw.

Hoy!! Kerokerokeroppi, hindi naman ako insekto para kainin mo.” pasigaw kong sabi sa kanya.

Kokak! kokak!-chuva-chenes-eeeeekkkkklaaaavvooooooooooooo…” banggit ng taong palaka, binuka ang bibig at may nagmulang malakas na hangin dito.





Istustulhoy…..




6 comments:

  1. may nangyari sa kanila ni nanang. amiiiniin!

    ReplyDelete
  2. kuya pwede ka na gumawa talaga ng script ng comedy hahahahaha./.. dame ko tawa lalo dun sa una... sa linyang ito.. --> Nakikita kong may mga nagliliparang sinampay, kaya kinabahan na ako agad at napausal, “Sana hindi sa amin ang mga sinampay na ‘yun.”

    At ang galing mag-joke ni lola..parang bagets na bagets.. I like.. waaahahahahahah wala ka pa rin kupas kuya.. at may nabalitaan ako ah..sa September..

    ReplyDelete
  3. may sex scene na dapat! hahaha

    ReplyDelete
  4. may pagka malandi din si nanang,hehe..

    ReplyDelete
  5. at dito na nga ako ngayon .. kakatapos lang magbasa .. walastik .. diko maiwasan ang tumawa talaga .. nagtataka na mga officemates ko ..nababaliw na daw siguro ako .. nyahaha ..

    pupunta na ko sa part 3 :)

    ReplyDelete