Ito 'yung pinakaunang fiction story na naisulat ko, 2009 ata kung hindi kayo nagkakamali dahil tama naman ako palagi eh. Pero hanggang ngayon ay hindi ko na magawang taposin ang kwento, dahil magkahalo ang katamaran at kawalan ng inspiration, hehehe. Ngayon, plano kong matapos ito, kaya napagdesisyonan ko na iposte ulit dito para makahugot ng kunting gana para taposin ko.
Ito'y tungkol sa isang lalaking nag-ngangalan AKONI, siyempre, kapangalan ko. Siya ay mahilig mambola ng kung anu-anong kasinungalingan, dahil sa galing niya sa pambobola, maraming nasaktan at nasugatan na puso. Pero ulit, dumating ang araw na nagbago na siya at dito na nag-umpisa ang kanyang adventure-charot.
SUMMER, sobrang malakas na mang-asar ang araw, dahil halos lahat ng tao ay kunot ang noo na parang naaasar na talaga ito. Lumabas muna ako para maglakad-lakad at magpahangin, hindi ko na iniisip kung saan ako tutungo, basta alay lakad ang trip ko.
Sa aking paglalakad, biglang may naapakan ako, "Shit ano ito?" mahinang sigaw ko sa aking sarili. Tiningnan ko ang bagay na 'yun sa ilalim ng tsinelas ko ko, may kakaibang nadikit dito na hindi ko malaman kung ano. Dahil sa likas kong pagiging curious na tao, hinawakan ko ito gamit hintuturo ko sabay inamoy ngunit hindi ko na tinikman.
Sa aking paglalakad, biglang may naapakan ako, "Shit ano ito?" mahinang sigaw ko sa aking sarili. Tiningnan ko ang bagay na 'yun sa ilalim ng tsinelas ko ko, may kakaibang nadikit dito na hindi ko malaman kung ano. Dahil sa likas kong pagiging curious na tao, hinawakan ko ito gamit hintuturo ko sabay inamoy ngunit hindi ko na tinikman.
“Shit! Shit ng aso, tae naman oh”. Lumapit ako sa may
puno ng niyog, don ko pinahig ang tae ng aso na naapakan ko. “Napalayo pala ako”
pagmamasid ko sa buong paligid.
Matapos ko ipahig ang tae ng aso sa mga ugat ng puno ng
niyog ay tumingala ako sa langit, masarap ang simoy ng hangin, at presko sa
pakiramdam. Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.
“Kung palagi sana ganito ang pakiramdam ay napakaganda, ‘wag
lang makaapak ng tae ng aso” sabi ko sa aking sarili.
Habang sinasariwa ko ang hangin ay biglang lumakas ito “wooiisssshhh…woooiisssshhhhh” tunog ng hangin. Napalingon-lingon ako sa
paligid, unti-unti itong dumidilim kasaba’y ang paunti-unting kaba sa aking dibdib. Nakikita kong may mga nagliliparang sinampay, kaya kinabahan na ako agad at napausal,
“Sana hindi sa amin ang mga sinampay na ‘yun.”
Hindi ko alam kung uupo, hihiga, tatayo, babaluktot, gagapang
o titihaya ako. Basta nanatili parin akong nakatayo, sunod-sunod na rin ang kidlat at ilang sandali pa'y umulan pa ng malakas na may kasamang pang malalakas na kulog. Sa takot ko ay niyapos ko nalang ng mahigpit ang katawan
ng puno ng niyog.
Magkahalo ang takot at lamig, kaya hindi ko na napipigilan
sa panginginig ang aking katawan. Pagkaraan ng ilang minuto’y biglang tumila na
ang ulan, nawala ang malakas na hangin at tahimik na muli ang paligid, wala
narin syempre ang kulog at kidlat.
Maaliwalas muli ang kapaligiran, lumabas ang bahaghari. May
takot parin akong natingala sa langit at napatanong, “Ano ang nangyayari?” Sa aking pagtitig sa bahaghari ay bigla itong naging
buhawi, nagulat ako sa aking nasaksihan, isa itong himala. Mabilis ang ikot
nito, pero napansin ko na tila atang maliit lang na buhawi ang nakikita ko,
sinlaki lang ito ng drum.
Papalapit sa akin pero hindi ako kinabahan dahil sa ganda
ito. Iba-iba ang kulay ng buhawi, kulay rainbow na umiikot at
kumikislap-kislap. Dahil sa ganda ng aking nakikita ay nanatili parin akong
nakatayo. Nakapako parin ang tingin ko sa maliit na buhawi. Papalapit ito sa
akin, pero nananatili parin akong nakatayo sa tabi ng puno ng niyog. Ilang
sandali pa ay nasa harapan ko na ang buhawi, kitang kita ko ang bilis ng
kanyang pag-ikot, at nararamdaman ko ang dala nitong hangin.
Hindi ko parin matanggal ang tingin ko dito dahil sa taglay
nitong ganda, buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang
bagay. Mga tatlong dangkal ang layo sa akin ng buhawi, dahan-dahan kong
iniangat ang kanang kamay ko at dahan-dahan kong hinahawakan ito. Ilang sandali ay
nakapasok ang kamay ko sa loob ng buhawi, nangiti ako, nanlamig ang aking
pakiramdam. Parang may kakaibang enerhiyang dumadaloy sa aking kamay patungo sa
buong katawan ko, nabigla ako kaya inalis ko ang kamay ko sa buhawi sabay
napasandal ako sa puno ng niyog.
Lumapit sa akin ang buhawi, isang dangkal nalang ang layo
nito sa akin, kinabahan ako dahil parang may sariling buhay ang buhawi,
pakiramdam ko ay pinagmamasdan niya ako, papalapit ng palapit ang buhawi sa
akin at natakot na ako kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata. Ilang Segundo
ay naramdaman kong nanlamig ang buong katawan ko, nararamdaman kong nasa loob
ako ng buhawi. “Nasa loob ata ako ng buhawi” namutawi sa aking isipan, nawala
ang aking kaba, parang bumalot sa buong katawan ko ang buhawi.
Dinilat ko ang aking mga mata, hindi ko alam pero parang ang
linaw ng paningin ko, at parang lumakas ang pandinig ko. Nawala ang buhawi,
pakiramdam ko ay pumasok ito sa akin katawan. Kung ano man ‘yun hindi na ako
natakot dahil masarap sa pakiramdam.
Ano kaya ‘yun, parang gumanda lalo ang pakiramdam ko ah, ano kaya nangyari kanina, bakit parang katuparan na ng hula ni Nostradamus, tapos ngayon bigla nalang naging maaliwalas muli ang mundo, at ano kaya ang ipu-ipo na 'yon na tela pumasok ito sa aking katawan?
Mga katanongan sa aking isip.
Itutuloy....
pumasok ang bertud sa katawan mo. hehe
ReplyDeleteay naku ituloy na to lol
ReplyDeleteisa ka na bang superhero?? wehehhe
ReplyDeleteAkoni the buhawi .. :)
No, Akoni SI KAPITAN BOLA. :)))
ReplyDeletebuhawi jack na,hehe..badtrip talaga kung nakakaapak ng dumi ng aso....lalo na kung pusa..
ReplyDeleteakoni bu. short term for akoni the buhawi. ituloy na to!hehe
ReplyDeletethe adventure of Akoni (isang bagong susubaybayan)
ReplyDeletehahaha .. di ko akalain na mapapadpad ako sa iyong blog akoni .. nyaks .. kahit ang weird ng pangalan / alyas mo ..hehe .. at dahil na curious ako sa mga post mo na si Kapitan Bola part3 na pala.. dahil grabe ang hagalpak na hatid sa akin ng mga akda mo .. kinalkal ko ang mga post at napunta ako dito sa part 1 .. at siyempre tatapusin ko na to hanggang huli .. ahahaha ..ang galing ang galing .. nakakaaliw :)
ReplyDelete