nuffnang

Sunday, July 15, 2012

Akoni The Explorer




Ang lakas ng lamig ngayon dito office ko, hindi na kaya ng betlog ko na magsupply pa ng sapat na init sa buong katawan ko, kaya kailangan ko ng extra betlog, anyone?!

Bakit kaya laging mainit ang betlog ng mga lalaki, buti nalang hindi ito naluluto, noh?

Ano ba isusulat ko ngayon? Tungkol ba sa itlog? Hindi ko alam, nilalamig ako ngayon, kaya gusto ko ng kunting pampainit. Isa sa nagpapainit sa akin ay ang pagsusulat, napipilitan kasi akong gamitin ang utak ko sa pag-iisip, napupuwersa ito kaya nag-iinit ang ulo ko, sa taas.

Nung kabataan ko, ‘yung edad na nakailang beses na akong mag-shaved ng bulbol, siguro nasa edad 19 ako nun. Doon ko umpisang naramdaman ang pagkasabik ko sa init ng katawan ng ibang tao, para ligtas ako, init ng katawan ng babae.

8 years old ako nung naitindihan ko na puwedi pala magtsuktsak tsenes ang lalaki at babae, hhaaayyy bahay-bahayan thing, if you know what I mean.

10 years old ako nung nalaman ko na may mga palabas palang hindi angkop sa mga batang manonood, yung mga adult films (VHS pa that time). Siguro lahat tayo’y nacurious don, kahit pa mga babae. Oo, nasa gulang na 10 ako nun, naging curious ako kung ano ang pinapanood ng tatay at mga kasamahan niya tuwing gabi at kailangan pa nila ako e-locked sa kabilang kwarto.

Sa umaga kinukwento ko ‘yun sa mga kaibigan ko, sabi ko, “Si tatay, may pinapanood sila, ayaw nila ako papanoorin *hikbi*”, at doon ko nalaman na isa pala akong NiNJA.

Isang hapon, napagdesisyonan kong alamin kung anong palabas ba yung pinapanood nila at hindi kami sinasama. Habang wala pa sila, pumasok ako sa kwarto na ‘yun at naghanap ng mapagtataguan, don ko din nadiskubre na puwedi pala magtago sa ilalim ng kama.

Ilang sandali pa ay nagsidatingan na sila, hindi ko na maitindihan pag-uusap nila dahil nakafocus lang ako sa telebsiyon, naghihintay na isalang nila ang nirentahan nilang VHS film.

Tanaw ko mula sa ilalim ng kama ang TV dahil mababa lang ang patungan nito. Magkahalo ang kaba ang takot sa akin, takot dahil baka mahuli ako ng tatay, at kaba sa pag-iisip na baka kung ano makita kong pinapanood nila. Wala talaga akong idea na isa palang porn pinapanood nila, basta that time curious lang ako, kung ano ‘yun.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay naisalang na nila ang palabas, tahimik silang lahat, kunti lang din ang sounds. Inihanda ko na rin ang sarili ko sa anuman puwedi kong masaksihan, “Ito na yun, bukas magiging bida ako sa kwentohan, ikukuwento ko ito sa mga kaibigan ko” – yan ang nasa isip ko.

Nanlaki ang mga mata ko, hindi lang ang putotoy ko ang nanigas kundi buong katawan ko, pati na ata mga balahibo ko dahil sa nakikita ng aking mga mata. Hindi ko alam mararamdaman ko sa mga oras na ‘yun, parang gusto kong matulog nalang, bigla akong nakaramdan ng hiya sa mga kaibigan ko, “Kahit na anong mangyari, hindi ito malalaman ng mga kaibigan ko” – yan ang nasa isip ko sa mga oras na ‘yun habang pinapanood ko ang dalawang nilalang na walang saplot. Doon ko naitindihan ang tatay ko kung bakit niya ako kailangan e-locked sa kabilang kwarto kapag manonood sila ng ganun, dahil alam niya na HINDI PA AKO HANDA.

Hindi ko na namalayan, nakatulog na ako don, nagising nalang ako dahil ang ingay nila sa labas, parang maraming tao. Lumabas ako sa ilalim ng kama at hinanap ang nanay ko dahil nagugutom narin ako, hindi pa pala ako nakapaghaponan.

Paglabas ko, nagulat ako dahil lahat ng mata nakatingin sa akin at lahat sila ay gulat din, nandon din ibang kamag-anak namin, “Ano nangyari?” – yan ang taong ko sa isip ko.

Akala pala nila, nawawala ako, tinanong nila ako kung saan ako nagpunta, hindi ako makasagot, walang dapat makaalam sa ginawa ko.

Umiyak nalang ako!



17 comments:

  1. tsk tsk tsk... nakarelate... 7 yrs old yata ako noon, at betamax pa galing saudi.

    ReplyDelete
  2. ayos ang experience ang batang si Akoni sa edad na sampu kaya ng sakgutin ang mga bagay na hindi kayang ipaliwanang ng mga magulang. nakikita ko ang alalang mukha sa mga kamaganak mong nagaalala kung nasaan ka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inong, back reading mode ka. hehehe..thanks. I know what you did there.

      Moks - mas maaga pa pala sayo.

      Iya - nang, hehe..don nag umpisa ang alamat ni Akoni

      Delete
  3. haha naloka naman ako sa pagtatago sa ilalim ng kama. curiousity kill the cat talaga. wahaha

    ReplyDelete
  4. panay kasi tago mo eh. yan tuloy lol

    ReplyDelete
  5. parehas tayo ng edad nung natuklasa kong ninja din ako ..wahahha

    epic ang experience :p

    ReplyDelete
  6. at wala na ngayon mga VHS o kaya betamax......talamak sa mga tindahan sa kalsada ang mga ganun na palabas,hehe..

    ReplyDelete
  7. kahit anong ginawa nila hindi ka talaga umamin? hehe

    ReplyDelete
  8. ayan kasi kasi...tsk, tsk,tsk

    ngayon may torrent at live streaming na kahit di ka na magtago brotha keri na..wehehehe

    ReplyDelete
  9. bwahahaha, grabecious ang experience....
    nuti hindi nagpatawag ng pulis dahil nawawala ka

    ReplyDelete